logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 22

Mula sa closet ay kinuha ko ang mga damit ko at binagsak lahat iyon sa kama. Napakagat ako sa kuko habang tinitignan sila isa-isa.
There's a lot of choices but I don't know what to wear!
Sabado ngayon at ngayon ang punta ko sa studio. Derrick called me last night and reminds me that I need to be early because they have a schedule at 10 am. Kaya heto ako ngayon, alas-singko palang at nag iisip na agad ng susuotin!
Hinatak ko ang isang pastel color na dress. Off shoulder siya at maraming bits na design. It looks pretty but—nuh. Nag halukay ako ulit at nakita ang isang sweet black dress na may patong na see-through. Maganda yung dress pero hindi bagay sa pupuntahan ko.
Teka nga! Bibisitahin ko lang naman sila ha? Bakit na pe-pressure ako?
Napa-upo nalang ako at nawalan na nang pag-asa.
Bahala na nga!
Seven 'o clock ang nakita kong oras ng silipin ko saglit ang maliit kong alarm clock sa study table. Kasalukuyan na akong nag me-make up. Light colors lang ang nilagay ko at hinayaan ko lang din na nakalugay ang mahaba at straight kong buhok. Sa dami rin ng choices ko ay sa white v-neck tshirt lang din pala ako babagsak. Tinernuhan ko nalang iyon ng ripped jeans at balak ko rin mag boots. Normal na pormahan ko kapag pupunta sa studio.
Muli kong pinasadahan ang itchura ko sa salamin bago ako tumulak.
Kaba at excite ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon nalang ulit kasi ako bibisita sa kanila. Masyado na rin silang busy dahil sa sunod-sunod na promotion kaya halos hindi ko rin magawang bumisita sa kanila. I don't know if Derrick tell them already that I'm coming today. Sana ay hindi para masorpresa sila.
Pinag masdan ko yung keychain na binigay sa akin ni Derrick noong nakaraan.
Start narin pala ang voting nila para sa isang Music Bank. Kailangan ko na mag grind at sana ay manalo sila. Since may nahatak akong bagong fan, which is si Lumine, paniguradong tutulong siya.
Simula nang maging fan siya ng SYZYGY ay nakita ko ang pagbabago niya. Hindi na sya yung dating kaibigan ko na linggo-linggong may ka-date na iba't ibang lalaki. Nag iba rin ang awra niya at naging light unlike dati. Kinukwento nya nga sa akin na sobrang namo-motivate daw sya kapag pinapakinggan niya ang mga kanta nila.
Nakakatuwa dahil napabago siya ng SYZYGY nang hindi niya namamalayan.
"Nandito na po tayo, miss."
Mula sa screen kung saan binabasa ko ang mechanics para sa voting ay napatingin ako sa labas ng bintana. Naka hinto na pala kami sa tapat ng building.
Nang iabot ko ang bayad ay lumabas na ako ng taxi at dumeretcho agad sa tanggapan. Dahan-dahan huminto ang pag lalakad ko ng makitang ibang babae na naman ang nakatayo roon at wala na yung babaeng maldita. Nag palinga-linga pa muna ako bago ko siya kausapin.
"Bago ka, miss?" tanong ko.
She smile at me as she nodded. "Yes po, do I know your concern here, ma'am?"
Wait, bakit parang hindi ako sanay na mabait ngayon ang nasa reception?
"Ahmm.. I'm going to fifth floor."
Pinanood ko siya habang nag lalabas ng log book. Nang hindi na ako nakapag pigil ay nag tanong na ako. Nasan yung babaeng pinalitan mo?"
The new receptionist glanze at me. "Nasisante ho, yun ang pag kaka-alam ko—by the way, pirma ka po rito and paiwan nalang nung I.D." nakangiti niyang sabi sa akin.
Nasisante? Huh, deserve!
Nilabas ko ang I.D ko at nilahad 'yon sa kaniya at tyaka ako pumirma sa log book. Hindi naman na siya nag tanong kahit pa na nakita ko ang bahagya niyang pag kakagulat ng makita niya ang I.D ko.
Bumalik lahat ng kaba ko kanina habang umaakyat ang elevator.
Okay, you need to stay calm, Yunjin. Hindi mo ito first time.
Pag katunog nang elevator sa tamang palapag ay inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at tyaka ko tinahak ang makipot na hallway patungo sa dance studio. It's already nine 'o clock and probably they are all already here.
But I was wrong when I push the smoky glass door and saw Derrick. He's alone and strummig on his guitar while facing the big mirror. I walk slowly and saw that he's recording through his phone.
The song is familiar. It's an OST of a famous drama if I'm not mistaken. It's really suits him. Kahit ano siguro ang ipakanta sa kaniya ay kayang kaya niyang kantahin.
Mula sa reflection niya sa salamin ay pinanood ko siya. Nakapikit ang mga mata niya at bawat bigkas niya ng mga lyrics ay gumuguhit ang mga ngiti niya sa labi.
I won't get tired watching him this way. Yun nga lang, pag katapos ng huling strum ay dumilat na siya. Nag tama ang paningin namin sa reflection dahilan kung bakit halos ibato niya ang cellphobe niya dahil sa gulat.
"I—I'm sorry, I didn't mean to scare you." pag e-explain ko habang humahakbang ng paisa-isang hakbang. "Hindi narin kita inabala pa at hinayaan nalang muna kita matapos."
Agad siyang napatayo at tinago ang phone sa bulsa. He's know wearing a gray over sized shirt and a gray jagger pants. Naka beannie rin siya at naka round glasses.
"Ahmm—okay lang!" bahagya siyang tumawa pero bakas parin sa mukha niya yung gulat. "Ahh—upo ka." aniya at nilahad ang isang spot malapit sa kaniya.
Lumapit naman ako at tyaka nag indian sit sa harap niya. He's facing me. Inayos niya muli ang gitara sa kandungan niya at tyaka pinatong ang mga braso niya doon.
"Nasan pala yung iba, bakit ikaw lang?"
Napatingin ako sa paligid. Medyo dim ang ilaw sa gawing likod at tanging ang pwesto lang namin ang maliwanag.
"Hmmm—nag papahinga somewhere, siguro?" sabi niya at nag strum ng isang beses.
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba may schedule kayo ngayon?"
"Gusto lang kitang papuntahin rito."
So, there's no schedule today, huh?
"Kinakabahan kasi ako para bukas." dagdag niya pa habang sinisipat ang gitara.
"Kinakabahan ka dahil?" hinuli ko ang paningin niya pero ayaw niya tumingin sa akin.
"Kinakabahan ako baka—alam mo na?"
Pinalo ko ang braso niya dahilan ng pag lipat niya ng paningin sa akin. "Don't be! Akong bahala sa inyo sa voting!" masigla kong wika para lang mawala ang kaba niya.
"Salamat, huh? Pero kasi, ang lalaki ng mga kalaban namin ngayon." he sighed. "Parang nung nakaraang taon."
He's right. Sikat at malaki ang fandom ng mga kalaban nila na nasa line-up ngayon. I can grind all night pero alam ko na kulang parin ang mga votes ko at mga votes ng iilan nilang fans para matalo ang libo-libong votes ng kalaban.
Pero kahit ganoon ay hindi parin ako susuko at mawawalan ng pag-asa. It's better to fight than to admit the defeat without doing anything.
Kinuha ko mula sa kaniya yung gitara at nag strum doon. Napatitig siya sa akin nang mag simula akong kumanta.
Gusto kong ma-divert kahit papaano ang atensyon niya.
Napatitig siya nang mag simula akong kumanta. Aaminin ko na kinakabahan ako sa mga oras na 'to. Hello, kumakanta lang naman ako sa harap ng isa sa pinaka magandang boses sa industriyang ito no! Hindi ko alam kung tunog ewan ako, hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa.
Bahala na!
Kinanta ko yung kantang kinakanta niya kanina dahil 'yon agad ang pumasok sa utak ko. Napangisi ako dahil hindi ko kabisado yung chords at kinailangan ko pang kapain.
Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. He didn't laugh because of my voice, he laugh because I'm struggling on the chords. That's for sure.
"Hey, are you laughing at me?" pabiro kong tanong. "Sorry kung pangit ang boses, huh?"
"Ang cute mo!" he said as he continues laughing.
Napatigil ako at napawi ang ngiti dahil sa sinabi niya.
Nang napansin niya ang pag titig ko ay unti-unti ring humupa ang tawa niya at napalitan na lang 'yon ng isang ngiti.
Gusto kong ikalma ang nag hohoromentado kong puso ngayon! Isang puri lang pero halos mabaliw na ako! Hindi ko alam na ganito na ang epekto niya sa akin. Pinipilit kong isaksak sa kokote na wala lang 'to, he is just doing this because I'm his dear friend, nothing more, nothing less. Pero bakit may konting pag-asa akong nakikita? Na baka—baka may nararamdaman na rin siya sa akin.
Dahil hindi naman siya tatawag sa akin kung wala, hindi nya ako iche-check frome time to time kung wala, hindi ba?
Ano ba talaga 'to?
Inalis ko ang paningin ko sa kaniya nang makita kong bumukas ang glass door at iniluwa 'non ang kapatid ko. He didn't even surprise that me and Derrick are alone pero ramdam ko ang pang-uusisa ni Jake sa akin kahit saglit niya lang ako tinignan.
"Bro, meeting." sabi ng kapatid ko at lumabas din agad 'ni hindi na ako nagawang batiin.
Maybe urgent.
"Iwan muna kita dito, huh?" Tumango ako sa sinabi ni Derrick at mahigpit na napahawak sa strap ng gitara. "Ahh—babalik ako agad." dagdag niya pa bago tumayo.
"Take your time." sabi ko nalang at tyaka pinanood siyang lumabas sa dance studio.

Bình Luận Sách (64)

  • avatar
    Ma Sarah Mabini Ebit

    nakaka excite na habang tumatagal sa pagbabasa 😊

    11/08

      0
  • avatar
    Amero Mauna

    ok 👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍

    13/07

      0
  • avatar
    Xavier Zantua

    super ganda nang story sana mag ka next chapter na

    01/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất