logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 4

Tyron's POV
"Tyron?" tiningnan ko ang lalaking tumawag sa pangalan ko. 
"After ng class natin sa Science ay huwag ka munang umuwi, itu-tour kita rito sa school para hindi ka na maligaw next time."
Tumango lang ako at muling binaling ang ulo sa desk ko. Antok na antok pa ako, sana'y huwag na dumating ang huling teacher para maaga akong makauwi at makatulog. 
3:10 na ng hapon pero wala pa ang teacher para sa last subject namin ngayong araw. Hindi ako makatulog ng maayos dahil ang ingay ng paligid ko, parang hindi sila nauubusan ng kuwento, parang hindi sila nagkikita araw-araw. 
Pagising gising lang ako at mababaw lang ang nagiging tulog ko dahil alam kong ano mang oras ay darating na ang teacher namin sa Science.
"Guys, wala raw ang teacher natin today, pero may pinasabi siya na mag-advance reading na lang raw tayo para may alam na tayo kapag nameet niya na tayo bukas." nang marinig ko ang announcement na 'yon ay agad na akong tumayo upang makauwi na. 
Hinarang naman ako ng Franz na 'to, pinaalala niya ang pagtutour nito sa akin.
Hindi naman talaga ako naligaw kanina, sadyang tinanghali lang talaga ako ng pasok dahil galing pa ako sa work ko. Hindi ko lang masabi sa kanila ang totoong dahilan kung bakit ako nalate kanina ay baka magsumbog pa 'to sa teacher at maconsider pa akong late talaga.
"Wait lang, Tyron, ha?" 
Tumango naman ako. Pinagmasdan ko lang ang Franz na 'to na lumakad papunta sa anak ng bagong asawa ni Imelda. Mukhang pinipilit nila ang babaeng 'to pero panay naman ang pag-iling niya.
Kung patuloy lang kami sa ganito ay hindi ako makakapagpahinga ng maaga, gustong gusto ko nang ihiga ang katawan ko dahil masakit ito sa pagtatrabaho. 
Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa kanila. Tinitigan ko ang anak ng bagong asawa ni Imelda. "Sasama ka ba o hindi?" tanong ko rito. 
Tiningnan niya lang ako at ibinaling ang mukha sa isa pang babaeng kausap nito. "May pupuntahan pa ako, Floryn. Kayo na lang ni Franz…" anang anak ng bagong asawa ni Imelda.
Nagpumilit naman ang babaeng nasabing Floryn, si Franz naman ay titingin-tingin sa akin, marahil ay sinisipat kung ano na ang lagay ng hitsura ko. 
Bumuntong hininga ako. Humarap ako kay Franz. "Matagal pa ba? Kailangan ko nang magpahinga kasi, baka pwedeng ‘wag nang isama ang ayaw sumama?" saad ko.
Napansin kong sumama ang tingin sa akin ng anak ng bagong asawa ni Imelda at nagpanggap itong inuubo. "Masama pakiramdam ko, Floryn. Franz, kayo na lang ang mag-asikaso sa lalaking 'yan ah? Siguraduhin niyo lang na i-tour niyo siya ng maayos para naman hindi na maliligaw sa susunod." 
Tumingin ako sa wrist watch ko. Halos 10 mins na ang nakalipas, kumakain lang ng oras 'tong babae na 'to. 
Pumayag na rin ang dalawa at sabay sabay na kaming lumabas ng room. Nasa unahan ko sila, nakasunod lang ako sa kanila habang naglalakad sila ng sabay sabay. Nagkukwentuhan pa sila habang naglalakad. 
Malapit na sa gate ang tatlo kaya nagpa-alam na ang anak ng bagong asawa ni Imelda sa kanila at nagbilin na mag-iingat sa kanila.
"Bye, bessy! Kung hindi niyo mai-tu-tour ng maayos 'yan ay lagyan niyo na lang ng tali sa leeg para hindi na maligaw hahaha!" 
"Hahaha loko ka talaga, Liz! Sige na, ingat ka bessy." 
Nakuha pa nila ako pagtawanan gayong nandito lang naman ako sa likod nila.
Pagkatapos ng maarte nilang pagpapa-alam ay inumpisahan na ng dalawang ito ang pagtutour sa akin sa school. 
"Ito ang canteen at iyon naman ang library." tuloy tuloy na sabi ni Franz sa akin habang lumalakad. 
"Ito ang wifi zone, kung gusto mo lang gumamit ng internet ay lalapit ka lang sa guard at ipapakita mo lang ang id mo at ibibigay niya na sayo ang password, pwede mo itong gawing tambayan habang naghihintay sa mga susunod na klase... at iyon naman ay ang faculty room, punta ka lang roon kapag may mga concern ka. At sa tabi naman non ay ang guidance office, alam mo naman siguro kung para saan 'yon. At sa tapat lang ang registrar at iyon ang finance." huminto si Franz sa paglalakad kaya huminto na rin ako. 
Iniisip ko lang kung anong ginagawa ng babaeng 'to, sumama pa para lang maglakad kasama namin. 
Napansin siguro nilang nakatingin ako sa babaeng kasama namin. 
"Ah, siya nga pala si Floryn, best friend ko-namin ng kasama nating babae kanina, si Lizzie." 
Ngumiti ng matamis ang tinutukoy nitong Floryn at nakipag kamay ito sa akin. Tinanggap ko naman 'yon, wala naman akong makitang dahilan para pagsungitan siya. 
"Okay na, Tyron. Siguro naman ay hindi ka na maliligaw sa susunod." pagbibiro ni Franz sa akin. 
Tipid naman akong ngumiti. Nagpaalam na silang uuwi na, ako naman ay nagpaalam na rin para makauwi at makapagpahinga na. Kanina ko pa gustong gusto matulog pero dahil sa pag-iinarte ng anak ng bagong asawa ni Imelda ay nakapag sayang tuloy ako ng sampong minuto. 
Oras ang pinaka-importante sa akin. Hindi ko pwedeng sayangin ang minuto na wala akong ginagawa, sobrang halaga nito sa akin, minuto man o segundo. 
Lizzie's POV
Kahit kailan talaga ay walang modo ang lalaking 'yon. Wala akong panahon para samahan ang tulad niyang hindi ko naman close, at isa pa ay may gagawin pa akong importanteng bagay kaysa samahan siya at tulungan ang lalaking 'yon.
'Bat kita tutulungan, ano ka gold?'
Nandito ako ngayon sa lumang bahay namin, bakante ito at walang kabuhay buhay ang hitsura. Makapal ang mga alikabok ng gate namin, maging ang mga pader at sulok ng loob ng bahay. Inikot ko ang kabuo-an ng bahay namin, nagbabakasaling may iniwang notes si nanay roon. 
Nang wala akong makita ay gumawi naman ako sa dati naming garden, ito ang alaga noon ni nanay, naalala ko pa lagi niya pinapagalitan si tatay kapag nakakalimutan ni tatay na diligan ang mga alaga nitong halaman. 
Ang dating ganda ng itsura ng garden, ang dating punong puno ng mga bulaklak na may iba't ibang kulay ay wala na. Bagkus ay napapalitan ito ng mga tuyong dahon na nagkakalaglag mula sa puno malapit sa bahay namin. Pinulot ko iyon isa-isa at inipon sa gitna. 
Naramdaman kong nagsisimula na namang mangilid ang luha ko kaya naman napagpasyahan ko nang umuwi na. Pero bago ako tuluyang umalis sa dati naming tinitirhan ay nag-iwan muna ako ng notes. 
'Nay, kung nababasa mo man ito ay tawagan mo ako sa number na 09065672***, hinihintay ka namin ni tatay, lalo na ako... From: Liz.'
Inipit ko iyon sa pintuan, sinigurado ko pang hindi ito kayang liparin ng hangin. 
Tinitigan ko pa saglit ang kabuo-an ng bahay namin bago ko tuluyang lisanin iyon. 
Mabigat sa dibdib ang paraan ng paghakbang ng mga paa ko paalis sa luma naming bahay, ngunit ang pakiramdam ko na mayroong pag-asang makikita iyon ni nanay ay dala-dala ko.
'Miss na miss na kita, nay.'
*****
Nang makauwi sa bahay ay nagtanggal lang ako ng sapatos ko at dire-diretso nang pumasok sa kwarto. Nang makapasok ay may kasunod na agad itong tatlong katok. 
"Lizzie, anak, halika kumain ka na muna. Nagluto ang tatay ng paborito mong ulam." ani tatay mula sa labas ng kwarto ko. 
"Hindi na po, tay. Kumain na po ako sa canteen bago ako umuwi." pag-eexcuse ko.
"Ganoon ba? Halika ka kumain ka ulit, gusto ka raw makasabay ng nanay mong kumain ngayong gabi." pagpupumilit ni tatay. 
"Hindi na nga po, tay. Busog pa po talaga ako, sa susunod na lang po pakisabi sa kanya." 
"Kahit saglit lang, anak, nakakahiya naman sa nanay Imelda mo…" 
Hindi na ako nakatiis sa kakulitan ng tatay ko at nilabas ko na siya. "Tay, busog pa nga po ako. Gusto niyo bang tumaba ako?" 
Tumawa si tatay pero alam kong hindi tunay ang pagkakatawa nito. 
"Aba, eh, ayaw mo ba noon, anak? Masasabihan ka ng mga tao na marami kang kinakain, na marami tayong kinakain. Kaya sige na, anak, pagbigyan mo na si tatay..." pagpupumilit niya ulit. 
Bumuntong hininga ako. "Sa susunod na lang, 'tay, ha? Sa birthday mo, babawi ako. Next month na 'yon, 'diba?" 
Tumango siya nang sunod-sunod at nabuhayan ng loob. "Oh, siya, sige na. Mukhang hindi na talaga kita mapipilit. Kumain ka na lang pag nagutom ka, ha?"  
"Opo, 'tay." hinawakan naman ako ni tatay sa ulo bago ito tuluyang umalis sa pinto ng kwarto. 
Napabuntong hininga ako. 
'Sorry, 'tay. Hindi ko talaga kayang tanggapin ang bagong asawa mo at mga anak nito.'
Nagbihis na ako ng damit pambahay. Rinig na rinig ko ang malalanding tawa ni Mika mula sa kusina. Ang saya-saya nilang pakinggan, para silang tunay na pamilya. Naisip ko naman si nanay, kung sana'y hindi na lang bigla nawala si nanay, sana ganoon rin ang tawa ko kagaya ng tawa ngayon ni Mika. 
Maya-maya pa'y narinig ko nang dumating si Tyron. "Oh, anak, kumain ka na rito." anang maharot na Imelda.
"Busog po ako." tumaas ang kanang kilay ko pagkarinig kong sabi ni Tyron sa ina.
"Pati ba naman dito, Tyron mag-iinarte ka?" ani Mika.
"Pagod ako, Mika. Huwag ngayon." ani Tyron sa mahinang boses.
'Sus, pagod? Anong klaseng tour ba ang ginawa ng dalawa na 'yon para mapagod itong Tyron na 'to.
"Nakakapagod ba ang mag-aral, Tyron?" mataray na tanong ni Mika.
"Pwede ba, Mika? Pagod ako, huwag mo akong simulan."
"Oh, really? Daddy, gusto ko na rin po mag-aral!"
'Huh! Daddy? Talagang kina-career mo ang pagiging anak ng tatay ko, ha? At, ano? Ikaw? Mag-aaral? Huh! As if naman mapapayag mo 'yan.'
"Saan mo gusto mag-aaral, anak?" 
Napanganga ako sa narinig ko. 'Talagang kina-career niyo ang pagiging isang mag-ama, ha? Talaga lang, ha!?'
"Sa pinapasukan po ni Tyron at Lizzie, Daddy!" masayang sabi nito.
"Hahaha, oh, siya, sige, bukas na bukas ay mag-eenroll ka na. Pero bago ang lahat ay samahan mo muna akong magbukas sa shop, ha?"
"Yes! Thank you, Daddy!"
Sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa narinig. Anong mag-aaral pinagsasabi niyo? At ano? Sa school ko pa siya papasok? Hindi pa ba sila kuntento na nandoon na si Tyron at kaklase ko pa?
'Sobra ka na, 'tay. Bakit noong ako ang nakiki-usap sa'yo ay hindi mo ako magawang pagbigyan. Sarili mo pa akong anak, pero bakit parang sobrang dali lang para sa'yo na um-oo sa paki-usap ng taong hindi mo naman kadugo. 
"Ang daya mo, tatay..."
*****
Tulad kagabi, nakatulugan ko na naman ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi ko na nga narinig pa ang usapan nila kagabi dahil nilamon na ako ng antok. 
2:13 am nang magising ako. Nakakagawian ko na ang pagtulog ng kumakalam ang sikmura at ang paggising sa ganitong oras. 
Bumangon ako sa kama at dumiretso na sa kusina. May nakita ulit akong ulam sa lamesa at bagong saing na kain. Ang aga naman gumising ni tatay para magsaing at magprito ng ulam. Alam niya talagang gutom ako ng mga oras na 'to at nakakapaghanda na siya agad ng pagkain.
Nilantakan ko na ulit ang pagkain sa mesa at pagkatapos ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko sa lababo. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang makita kong hindi nakalapat ang pinto ng bahay. 
Nilapitan ko 'yon at nilock ng maayos. "Si tatay talaga, oh." pagkalocked ng pinto ay pumasok na 'ko ulit sa kwarto ko at natulog nang muli. 
*****
Kinabukasan ay nag-inat muna ako bago lumabas ng kwarto. Nakita kong nagluluto na si tatay, dumiretso naman ako sa cr para maligo na. 
"May tao!" 
Napatingala ako sa inis. "Baka gusto mong dalian? Malelate na ako!" sabi ko kay Mika habang kinakalampag ang pinto ng cr namin. 
"Maghintay ka nga dyan! First day ko ngayon sa school, ‘wag mong sirain araw ko, Lizzie!" 
"Ano bang pake ko? Kahit na nga ba last day mo na sa lupa, e! Dalian mo dyan at maliligo rin ako!"
"Di ka ba nakakaintindi? Sabing maghintay ka, eh! Ayaw mo pala na nalelate sa klase mo bakit hindi ka maagang gumising!" napakamot na lang ako sa ulo habang masama ang tingin sa pinto ng cr.
'Pasalamat ka at may point ka!'
Hindi na ako sumagot at tumungo na lang ako sa kusina. Nandoon si Imelda sa kusina maging si tatay, tinutulungan nito si tatay sa pagluluto. 
"Lizzie, anak, puntahan mo na ang kuya Tyron mo sa kwarto niya, sabihin mong kakain na." pag-uutos sa akin ni tatay. 
"Hindi na, ako na lang ang pupunta sa kwarto ni Tyron. Lizzie, hija, kumain ka na dyan at ako na ang tatawag sa kuya mo." ani Imelda.
Inirapan ko siya. "Ako na, wag ka na magpanggap na mabait." 
Tumayo na ako at naglakad na papunta sa kwarto ng Tyron na 'yon. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot. Naka-ilang katok pa ako pero wala talagang sumasagot. Sinubukan kong buksan ang pinto nito, at bumukas. 
Sumilip ako, walang tao. Dahan dahan akong pumasok sa kwarto niya at wala man lang itong kagamit gamit, pinasadahan ko ng tingin ang kabuo-an ng kwarto niya, malinis naman dahil nga walang kagamit gamit, napansin ko naman na wala ang bag nito kaya naisip kong pumasok na siya.
Bumaba na ako sa kusina at pina-alam kong wala na roon si Tyron, pumasok na sa school. 
Dumiretso na ako sa cr at naligo na. Hindi na ako kakain, sa canteen na lang ulit. Masisira lang ang umaga ko. 
*****
Pagpasok ko ay wala pa roon si Tyron. Maaga naman itong umalis ng bahay, bakit wala pa ito sa school?
May ginagawa kaya iyong kalokohan? 
Bago pa man dumating ang English teacher namin ay pumasok na si Tyron. Naka t-shirt lang itong puti, kapansin pansin rin ang malalaking bugkol ng pawis sa mukha at leeg niya. Para siyang nagtatakbo papunta rito. Basa rin ang likod ng t-shirt niya. Nagulat naman ako ng bigla itong lumingon sa akin habang masama ang timpla ng mukha. 
"A-Ano?" tanong ko.
Hindi ito nagsalita at binaling na ang mukha sa desk, balak na naman sigurong matulog.
Bakit ba lagi na lang 'tong puyat? Hindi kaya sumaside-line pa siya sa gabi? Kung sumaside-line naman siya ay sana nalalaman ko dahil nagigising ako ng madaling araw. 
Naningkit ang mga mata ko dahil sa naisip. 
Itutuloy...

Bình Luận Sách (6)

  • avatar
    Ma Rebecca Vedas Geslaga

    next episode pls

    20/02

      0
  • avatar
    Felipe Brito

    O amor da minha mãe está bem se você está chorando amor eu te amoo demais meu amor maravilhosa incrível diva deusa coisa mais linda desse jeito que você está com você e o que eu não vou amor e carinho e a senhora sabe o quanto é o amor da minha vida eu te amo dmsss minha princesa mais linda desse mundo meu aprendendo com você é muito grande e o meu lar e o amor da minha vida e a gente já está vindo aqui amor e a senhora sabe que não é o amor da minha vida eu te amo muito e eu te eu vou fazer um

    19/11/2022

      0
  • avatar
    SueltoGlyn

    greatful

    11/07/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất