logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Coffee

Napatango na lang ako dahil sa sinabi niyang iyon.
"Hindi na po mauulit, Sir," nahihiyang tugon ko rito.
-------
"Start working," saad nito at humarap na sa screen ng computer niya pagkatapos ipaliwanang ang mga dapat kong ilagay sa website na ipapagawa niya sa akin.
"Sobrang dami ng requirements, pero 1 month lang?" Mahina kong saad habang nakatutok sa screen ng computer para mag-simula nang tumipa sa keyboard ko.
Kanina okay lang sa akin 'yung 1 month since akala ko madali lang na web ang ipapagawa niya sa akin, pero pang 3-4 months ang in-assign niya and marami pa siyang demands na designs na kesyo ganito or ganiyan!For pete's sake!
"You're complaining, Ms. Marasigan? If you can't do it, you are always free to go."
"I am not, Sir!" Madiin na tugon ko sa kanya ko at lihim na napa-irap.
"I heard you. Stop complaining, it will not solve your problem," saad niya at binalik na ang tingin sa computer nito.
"I'm sorry, Sir." Tugon ko sa sinabi niya pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. Ano pa nga ba, Sorren? Kahit nama magreklamo ako ay alam kong hindi mo naman ako pakikinggan tapos isasagot mo lang lagi ay "Kung hindi mo kaya umalis ka na lang." In his dreams!
Magsawa siya sa pagmumukha ko dahil lagi niya akong makikita dito sa office niya tutal siya naman ang nag decide nito kaya hindi niya ako masisisi.
Bumalik na ulit ako sa pagcode at marami akong na encounter na errors dahil hindi gumagana nang mabuti ang utak ko ngayon.
He assigned me to develop a diary like website. Kaya ngayon ay nagsisimula na akong mag lay-out.
"You have to improve the animations and design layouts to make it look modern. Must be blue and pink theme. Ikaw na bahala kung pano sila bumagay sa isa't-isa," Saad niya kanina bago ako magsimula.
Ilang oras na akong nakatutok sa screen at nakakaramdam na rin ako nang pagka-antok pero hindi ko pinahalata kay Sorren dahil alam kong papagalitan niya na naman ako.
Pero hindi ko na napigilan at bigla akong napahikab kaya napatingin ako kay Sorren na nakatingin na rin pala sa akin kaya agad kong tinikom ang bibig ko na dahilan upang maputol ang paghikab ko.
Nakakahiya ka, Diem!
"Gusto mo matulog?" rinig kong untag nito na ikinabaling nang tingin ko dito.
Tumango ako sa kanya at napangiti.
"Then go to your house. Matulog ka na lang at huwag ka ng magtrabaho."
Nawala ang ngiti ko dahil doon.
"Yeah, sure." Matamlay kong saad. Bunaling ulit ako ng tingin sa kanya dahil sa naisip ko."May coffee kayo, Sir?"
"Coffee? Why?" Tanong nito nang hindi inaalis sa papel na tinitingnan niya.
"Magtitimpla sana," saad ko.
Hindi naman ito umimik kaya napanguso na lang ako at tumingin ulit sa harap ng screen ng computer ko. Sabi ko nga hindi pwede.
"Go to, Ms. Ynez', office," biglang saad nito kaya napalingon ako ulit sa kanya.
"Huh?" Untag ko upang masigurado kung tama ba ang narinig ko. Busy pa rin itong nagbabasa ng papers na nasa table niya.
" 'Di ba gusto mo ng kape?," tanong nito. Lihim naman akong napangiti at tumango.
Coffee is my favorite, of course yes!
"Y-Yes, please," utal na saad ko. Napapitlag na lang ako ng bigla niya akong tapunan ng tingin.
"Anong yes please? I said go to Ms. Ynez' office kung gusto mo ng coffee," saad nito at binaling na ulit ang tingin sa kanyang mga papers.
"Hindi na lang siguro," saad ko habang nakatingin sa kanya.
"Hope we never meet again in the future."
Bigla na lang sumagi sa akin ang mga katagang iyon na binitiwan niya noong nag confess ako sa kanya.
Naka-suot ito ng salamin sa mata at sobrang tutok na tutok sa kanyang ginagawa.
Hindi ko maiwasang mangalumbaba habang nakatingin sa direksyon niya.
Kung siya lang ang matatanaw ko araw-araw posibleng mawawala lagi ang pagod ko.
"You're running out of time, Ms. Marasigan. Kung magdi-daydream ka lang d'yan o tititig sa akin ay wala ka talagang matatapos," seryosong saad nito nang sandaling magtama ulit ang mga mata namin.
Agad naman akong napapitlag at kunwaring kinuha ang mouse upang hanapin kung saan ako napatigil sa pag code kanina.
"Tatawagan ko si Ms. Ynez para pagtimplahan ka ng kape," saad nito at nagdial sa phone. Bigla naman akong tumakbo papunta sa kanya at inagaw ang telepono.
"Yes, Mr. Sorren? Nasa 2nd floor po ako, baka mamaya pa ako makabalik sa dyan sa fourth floor. But, if it is urgent i'll be there in 5 minutes," rinig ko sa kabilang linya na saad ni Ms. Ynez.
Bigla akong tumayo at tumakbo papunta sa mesa niya.
"What are you doing?" Untag nito sa akin na hawak-hawak pa rin ang telepono.
"Ah sir kasi may--" naputol ang salita nito nang magsalita ulit si Sorren.
"It's okay, Ms. Ynez, it's not important," saad nito pagkatapos ay pinatay na ang linya at mabilis na inagaw sa akin ang telepono.
"Ako na lang magtitimpla 'wag mo nang istorbuhin si Ms. Ynez," saad ko dito dahil sa pagkaka-alala ko ay ayaw nito sa akin, the way she look at me earlier.
"Are you afraid of her?" Nakangising saad nito na ikinapilig naman ng ulo ko.
"Oo. Parang gusto na ata akong kainin 'nun eh." Gusto kong isagot sa kanya pero iba ang naging takbo ng pangugusap ko.
"Ayaw ko lang siyang ma-istorbo," pagdadahilan ko rito. Kumibit-balikat naman siya kaya umalis na ako.
Nahanap ko na ang office ni Ms. Ynez at nakita sa kaliwang bahagi ng office nito ang isang coffee maker kaya agad akong lumapit dito at nagtimpla.
Tila nabuhay ako nang matikman ang kape ko kahit medyo matamis nang kaunti ay okay na 'yun sa panlasa ko.
Naisipan ko ring dalhan ng kape si Sorren at kumuha ng isang piraso ng yellow sticky note sa table ni Ms. Ynez pagkatapos ay dinikit sa tasa nito.
Nakangiti akong naglakad habang nasa magkabilaan kong kamay ang kape na pinagtimpla ko para sa akin at kay Sorren.
"Your coffee, Sir," saad ko at pinakita sa kanya ang matamis na ngiti ko pagkapalapag ko nang tasa niyang may sticky note pa at may drawing na smiley face.
"Gusto mo atang palitan si Ms. Ynez?" Untag nito habang nakatingin sa nilapag kong tasa sa table niya.
"Don't worry, Sir Sorren. Hindi na ito mauulit." Sarkastiko kong saad sa kanya pero matalim na tingin lang ang pinukol niya sa akin.
"Joke lang," agad na bawi ko dito.
Napatango lang siya at tinuro ang table ko.
"Go back to your seat," saad nito.
Tumango lang ako dito at bumalik na sa upuan ko. Pinagmasdan ko siya habang humigop nang kape na tinimpla ko para sa kanya pero hindi ko alam kung nasarapan ba siya o hindi dahil tanging blankong ekspresyon ang ipinakita niya kaya nakaramdam ako nang pagkadismaya.
Ilang sandali lang ay natuon ulit ang atensyon ko sa pag-gawa at sobrang na-iistress na ako dahil minsan maraming errors at parang sasabog na ang ulo ko kakahanap ng mga lines kung saan ako nagkamali.
Pinindot ko 'yung Ctrl + Z para ma undo 'yung mga dati kong code dahil sa sobrang lutang ko kanina na-Ctrl + A ko at na delete lahat buti na lang hindi ko pa naba-back dahil kung hindi kahit i-Ctrl Z ko pa hindi na iyon maibabalik.
Hindi rin katagalan ay nakaramdam ulit ako ng antok kaya agad akong tumingin sa tasa ko pero wala na itong laman.
Napabuntong hininga na lang ako at napabusangot.
Wala na 'yung energizer ko.
Hindi rin kasi ako nakatulog kagabi dahil sa paghanda ko nang mga ipepresent kay Sorren. Siguro excited na rin kaya talagang alive na alive pa ako at pabaling-baling lang ako sa kama ko kagabi.
Napatingin ako sa table ni Sorren dahil wala na ito rito. Sandali itong lumabas dahil may tumawag na naman sa cellphone nito kanina na mukhang emergency dahil agad itong tumayo pagkatapos i-end ang tawag.
Ang lamig ng aircon, inaantok ako.
Naisip ko sanang umidlip muna habang wala pa si Sorren. Mag-aalas kuwatro pa lang naman kaya may apat na oras pa ako para mag-code mamaya.
Iidlip muna ako, sandali lang 'to. Sandaling sandali lang talaga.
Humikab-hikab pa ako bago humalukipkip at pinatong ang ulo sa ibabaw ng aking desk
"Ms. Marasigan, Marasigan, hey!" rinig kong saad nang isang boses babae habang ramdam ko rin ang pagyugyog nito sa mga balikat ko.
"Ano ba, Mariveth! Please lang patulugin mo muna ako," inis kong saad rito sabay tulak sa kamay nitong nakapatong sa mga braso ko.
"In case you forget, Ms. Marasigan. You are in my office," saad ng isang malalim at malamig na pamilyar na boses ang narinig ko.
Napaos ba si Mariveth? Kakaiba ang boses niya ngayon.
"Office ka dyan, Mariveth, mag-aapply pa nga lang ako eh," reklamo ko dito. Antok na antok pa ako at ayaw ko pa ring bumangon.
"You want us to leave you here in my office?" Tanong ng isang pamilyar na boses.
"Leave? Office!?" Untag ko at napa-ayos ng upo nang maalala ko na nasa office pa pala ako.
"You're finally awake. Do I look like, Mariveth?" Tanong ni Sorren sa akin habang naka-halukipkip sa harap ko at nakataas ang isang kilay.
Nahihiya naman akong umilinh at nagwika,"Sorry, Sir."
Napatingin naman ako kay Ms. Ynez na nakataas din ang isang kilay at sinabing,"Natulog ka agad, Ms. Dianne Marie Marasigan samantalang ang mga katrabaho mo sa baba ay mga walang oras para umidlip man lang." Dire-diretsong sermon nito. Akala ko titigil na siya sa pagsasalita pero humirit pa ito at sinabing,"Tandaan mo, Ms. Marie, you're an intern here, not a boss."
"S-Sorry po talaga, pagpatuloy ko na lang ginagawa ko," nahihiyang saad ko dahil hindi ko alam kung naglaway ba ako sa desk o humilik lalo pa't dalawa silang nasa harap ko ngayon.
"Continue that tomorrow since it's already 8:30 in the evening and the others will go home as well. You can go home too, Ms. Ynez," seryosong saad nito at tumalikod na sa amin
8:30!? Ibig sabihin apat na oras akong natulog? P-Possibleng naabutan ako ni Sorren dito na natutulog!
Bigla akong kinilabutan dahil sa mga tingin na pinupukol sa akin ni Ms. Ynez bago tumalikod. Ewan. Pinaglihi ata siya sa inis kaya siguro naging Ynez rin ang pangalan niya.
Natawa na lang ako sa naisip at nag-ayos na ng mga gamit ko para umuwi na.
"You go first," tipid na saad ni Sorren nang magkasabay kaming pumasok sa elevator.
Hindi ko maiwasang kabahan at makaramdam nang saya dahil nasa maliit na espasyo lang kaming dalawa.
Pinindot niya ang floor 1 kaya hindi na ako umimik dahil doon din naman ako pupunta. Mahina akong tumikhim para mawala ang awkward na sitwasyon sa pagitan namin ngayon. Ngunit, nanatili lamang itong tahimik at isinandig ang likod niya sa elevator tsaka pumikit.
Napasandal rin ako habang hindi inaalis ang tingin dito. Ilang segundo ko rin inipon ang lakas ng loob ko at nagwika,"I-I'm sorry for appearing infront of you again," saad ko sa kanya.
"Matigas ang ulo mo, hindi na ako magtataka," Biglang turan nito na ikinagulat ko kaya iniiwas ko ang tingin sa kanya at ibinaling ang tingin sa harapan.
"Pasensya na, hayaan mo hindi kita guguluhin habang nandito ako. Just pretend that I am not around," I stated.
"Tss, I can do that. But can you?" Lakas na loob na turan niya kaya napalingon ako sa kanya, only to see that he is already looking at me.
"I can't, I know. Alam ko rin na may pamilya ka na, kaya makita lang kita araw-araw okay na ako. Just trust me, i'll try, just please let me work here," pakiusap ko dito pero nakangisi lang ito bilang tugon.
"Pamilya? Yeah, right," may halong pagtataka ang naging tono niya pero kumibit-balikat rin at napangisi.
"Oo. Pamilya. Gusto ko lang talaga na magtrabaho rito. Kahit 'yun na lang."
Umayos na ito nang tayo at nagwika,"Hah!" Hindi makapaniwalang anas nito. "You always do what you want, Ms. Marasigan," mapang-asar na tawa ang pinakawalan nito at nagpatuloy ulit sa pagsasalita,"Don't waste your time on me, Diem. Ayaw kong umabot ulit sa punto na sisihin mo ulit ako at sabihing hindi kita binalaan," saad nito.
D-Diem? He called me by my name.
Tila musika ang narinig ko rito dahil sa pagkakabigkas nito ng pangalan ko. Ngunit 'di ko pa rin maiwasang masaktan at the same time dahil sa sinabi niya.
"I'm sorry for being an eyesore to you," saad ko rito pero hindi naman ito umimik.
Magsasalita pa sana ulit ako kaso biglang bumukas na ang pinto ng elevator at agad itong lumabas.
I don't think i'm wasting my time. Lalo na't ikaw ang dahilan.
Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya mabilis ko itong hinabol. Malalaking hakbang ang ginawa ko kaya lakad-takbo naman ako upang maabutan siya.
Natigilan ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad na muntik nang ikasubsob nang mukha ko sa likod niya.
"When 1 month ends, finish or not, a deal is a deal."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumakad na ulit siya. Natigilan ako at nagpakawala ng isang mapait na ngiti habang pinagmamasdan ang likod niyang papalayo na.
Hindi pa rin siya nagbabago, he still pushes me away from him.

Bình Luận Sách (269)

  • avatar
    Juvy Jec

    pwede naman maghintay ng ilang taon, kung bumalik si Sorren sa kanya. parang nahuhulaan ko. umalis siya nag abroad para sa isang. responsibilidad. kanino? sa parents ba niya at para sa mga kapatid? sana maging sila ni Diem sa huli.

    25/01/2022

      0
  • avatar
    Inigo Abiog

    akoavsyvsusvsusgsgsuveus go evsibshsis euccfsid eubejdheveueushjebdhsidbvsgfevejkdjebeiejsvsufwbwjwiveneuscvwisvcdusvs drive thru did the thieve my 👀👀👀👁️ DND character and mo are going well ❤️‍🩹 a a little more about the same as all of the thieve a a good 👍 I can do to si rylee I have a good idea 💡 I can get you some pictures of a little more mo nlng Muna kame hahah my way home from a a little while I was in bed and then we have a good night 🌉 I can do to si rylee my inuutos si rylee ksv

    17d

      0
  • avatar
    Annalie Lewis Jacinto

    ganda

    01/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất