logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

I'm still here at the Garden of our school. Actually I have no reason to stay here anymore, but Louise just pop out of nowhere.
"G-gusto mo ba doon tayo sa dati nating p-pinag meet up-an?" tanong nito. Tinignan ko siya na parang naiinis. "May sasabihin ka ba? Kasi kung wala, I'll leave. Time is tickling." Turo ko sa wrist watch. Mukha namang hindi niya in-expect ang sinabi ko. Pero how could be? What does she expect? After what they did, I'll smile at them as if nothing happened?
"I-I'm sorry..." napayuko siya. Dinig ko ang pag hikbi niya. Mabilis niyang pinunansan ang kaniyang mata. "Ell, I am really sorry for what we did. I actually don't want to complicate things, but Caden still pushed me to be closed with you," puno ng luha ang kaniyang mga mata. Nakatingala na siya sa akin kaya naman kitang-kita ko kung paanong mabilis na dumaloy ang kaniyang luha sa pisngi.
I don't pity her. Ni hindi nga sila na awa sa ginawa nila sa'kin paano pa akong biktima. "Cold, kahit ako na lang muna ang patawarin mo. I'll do everything for you, just please forgive me." Pa-awang anito. Hinawakan niya pa ang kamay ko ngunit inalis ko 'to agad.
Kunot noo ko naman siya tinignan. "Do you heard what you were saying? Would you think I would do that?" Inis kong saad dito. "Look, I may look desperate, but yes, I am. So please Ell, forgive me. I'm sorry, let's bring back the time we're happy" patuloy pa rin ang pag buhos ng luha nito.
"What are the benefits that I can recieve once I forgive you? Mawawala ba sakit na ginawa niyo?" Sarkastiko kong sambit dito. "No! It won't, but it can lessen. Please Ell, I am in deep sorry for what Caden did."
Kunwari naman akong natawa sa narinig at napailing-iling. "You know what? I'll just leave. Reserve that tears when Caden's proposed for you, don't waste it on me." Sarkastiko kong saad saka na umalis. Naiwan naman siyang luhaan.
Mom was not home. She became busier since yesterday. Maybe there's a client? Nahiga ako sa kama at huminga ng malalim.
"Ell, I am really sorry for what we did. I actually don't want to complicate things, but Caden still pushed me to be closed with you," Pag alala ko sa sinabing 'yon ni Louise.
I let out a deep sigh. Bumaba ako matapos ng isang oras na pag stay sa kwarto nang walang ginagawa. Pumunta ako ng kusina para kumuha sana ng makakain nang makita ko ang pera at note sa mesa. Kinuha ko ang pera at ang nakalagay sa note.
Gonna be late! Buy your food online I'm sorry I haven't cook anything before leaving, but you can cook for yourself. There's meat on the fridge. Eatwell sweetie! - Mom
Muli ko tinignan ang halaga ng pera. Pumunta ako sa refrigerator at nakita nga ang tinutukoy ni Mom na meat. Pero 'di ko naman alam kung anong pwedeng gawin dito. "Argh! Bakit 'di ba kasi ako marunong mag luto," inis kong sambit sa sarili. Umupo ako sa harap ng mesa at nag isip kung anong putahe ang lulutuin.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip biglang kumalam ang aking tyan. "Wait there buddy, I'm still thinking on what I'm going to cook," ani ko rito.
"First, is slowly cut the onions into smaller pieces, just like that." Sambit ng lalaking nag tuturo ng luto ng isang putahe.
Sinusunod ko naman ang bawat kilos nito. "Now that you prepare all the ingredients, let's sautè first the onions and other ingredients." Pakikinig ko dito.
"Seems like I did a wrong job," wika ko sa sarili habang tinitignan ang sunog ng sibuyas, natuyo na rin ang toyo. "Never mind, ako lang naman kakain nito," pag balewala sa nagawa ko.
"And now let's add the meat..."
Nalagay ko ng mabilis ang meat sa kumukulong sabaw dahilan para tumalsik ang sabaw nito sa akin.
"Slowly..." tuloy ng lalaki sa sinasabi. Inis naman ako napatingin sa tablet ko. "Didn't warn me huh?" Inis ako napa singhal.
Mariin kong tinititigan ang difference ng luto ko sa luto ng lalaking pinapanood ko. "Steak na pagod?" sarkastiko kong sambit sa putaheng ginawa ko. Napa-iling na lang ako.
Nagsimula na akong kumain. "Hindi naman masama ang lasa," wika ko sa sarili. Nang matapos ako ay nag pahinga lang ako saglit at nilinis ang kalat sa kusina.
"I'll never cook again," bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kusina at pinatay na ang switch ng ilaw.
Kinabukasan pag gising ko wala pa rin si Mom. First time niyang ganito, na hindi pa umuuwi.
Matapos kong makapag ayos ay bumaba na ako para pumasok. Lalabas na sana ako ng makita ang breakfast na binili mula sa fastfood. Nilapitan ko 'to nang makita ang isa ulit note.
Good morning sweetie! Here's your breakfast. I tasted your steak that you cooked yesterday, it don't taste bad hihi, but you still need practice. For now I buy you some breakfast, sa sobra kasing pagmamadali ko 'di na kita mapag luluto, so naisipan kong bumili na lang ng pagkain for you. Ingat sa pag-bike papasok! - Mom
Matapos kong mabasa 'yun ay kumain na ako dahil kumakalam na naman ang sikmura ko.
"Pst!" sitsit ng babae sa likod ko. I don't know who's she calling attention, so I kept on walking at the hall of our school. "Pst!" sitsit nito sa right side ko sabay takbo sa left side ng lumingon ako rito, bigla naman niya ako kinalabit sa kanang balikat ko at nang lingunin ko ito she pointed his fingers on my cheek, then she giggles.
"Kanina pa kita tinatawag, pero ini-ignore mo ko," naka pout nitong ani habang naka-point pa rin yung daliri niya sa pisngi ko. Nang ma-realize ang ginawa niya inalis ko agad ang kamay niya. "Pst is not my name, so what do you want?" Inis kong tanong dito.
"Ay, sungit na ulit? Parang kahapon lang kino-comfort mo pa ko," mahinhing anito. Kumunot naman ang noo ko sa naalala.
"Kahapon pa 'yun, and you look okay naman na," tingin ko pa sa kabuoan niya saka na nagpatuloy sa paglalakad.
"Wait lang naman, bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin?" Habol nito sa'kin.
"Maski no'ng unang beses nating nagkita inis ka na, wala bang araw na magiging anghel ka naman? Ay, mayroon pala, 'yung kahapon!" daldal nito habang patuloy pa rin akong sinusundan.
"Ako pa talaga ang nag sungit noong unang araw ah," sarkastikong saad ko rito. Nagpakawa na lang siya ng irap dahilan para mapa-iling ako.
Matapos no'n nagkunwarian itong nag-isip. "Siguro alternate mood mo? Kapag Monday, Wednesday, and Friday. Doon ka nagiging anghel! Tapos pag Tuesday, Thursday naman doon naman 'yung time na sinasapian ka ng kasungitan," natawa naman siya sa sariling sinabi.
"Ang cool naman pala ng mood mo, may schedule," tawa nitong muli. Naiirita na ako. Hindi niya ba natatandaan ginawa niya noon at ganiyang na lang siya kung umarte sa harap ko na parang walang nangyari sa nakaraan.
Pumasok na ako ng room namin saka naupo. Nang maupo ako nakita ko namang nawala na siya. "Malamang ibang section siya," bulong ko sa sarili. "Miss mo ba ko agad at hinahanap mo na ko?" Sambit nito sa likod ko dahilan para magulat ako. Tinawanan naman niya ang naging reaction ko.
"Dito ba talaga section mo o hanggang dito sinusundan mo ko?" Iritang tanong ko rito. "Wow ha! Assuming ka kuya? Dito talaga section ko 'no!" Taas kilay nitong sambit. Hindi na ako naka sagot pa nang dumating na ang unang subject teacher namin, binigay na ang aming test papers at nagsimula nang mag sagot.
Sa kalagitnaan ng pagsasagot, "Sir, I'll just go to comfort room, excuse po." Hindi na siya sinagot ng teacher dahil naka-pikit ito at mukhang natutulog, kaya naman lumabas na lang siya.
Natapos na ang unang exam pero hindi pa rin siya bumabalik. "Who cares?" Inis kong bulong sa sarili. "Anong who cares?" Biglang sulpot ni Ken sa tabi ko dahilan para magulat ako. "H-huh? Wala," depensa ko. Bakit ba parang nagiging gawain ko na ang pag bibigkas ng mga sinasabi ko sa utak ko? Er! Inis kong sambit sa isip.
"Are you okay?" Natatawang tanong nito na nakatingin pa rin sa akin. "Oo naman," natatawa ko kunyaring ani. "Una na ko," akmang aalis na ako nang mag salita siya.
"Teka bud, gusto mo ba sumabay sa'min?" Wika nito. Mukhang walang nangyari no'ng retreat kung maka-aya siya. "No thanks," sagot ko saka umalis na.
Pumunta na ako ng canteen. Matapos makahanap ng pwesto, na daanan ko pa ang table ng mga kaibigan ko. Hindi nila ako napansin kaya patuloy pa rin sila sa tawanan. Napa iling na lang ako sa inis. "They look happy without me huh?" Bulong ko saka pumunta na sa pwesto ko.
"Can I sit with you?" Tanong ng nakakairitang boses. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pag kain.
"O-okay, thanks," ilang nitong sagot. Nang maupo na siya ay tumayo na ako dahil natapos na rin naman ako sa kinakain ko.
Nagtaka naman siya ng makitang tapos na agad ako. "Gano'n mo ba talaga ka-ayaw sa'kin at minamadali mo pagkain mo?" Tanong ni Lou bago ako makalayo, pero hindi ko na siya sinagot.
"Colden," pananakot ng pamilyar na boses mula sa likod ko. "Colden..." tawag nitong muli. "Nasa library tayo kaya wag ka maingay," mahinang sabi ko dito.
Tumawa naman ito ng mahina saka tumayo. "Ano 'yang binabasa mo?" silip nito mula sa likod ko. Dama ko sa aking leeg ang paghinga niya.
"R-review..." ilang akong lumayo rito. Taka naman siya sa in-akto ko. "Review?" Takang tanong nito. 'Diba nag-exam tayo kanina? May next exams pa, kaya nag re-review ako," paliwanag ko. Bigla naman siya natauhan sa narinig. "O-oo nga pala, I forgot," ilang nitong sagot.
"Colden, lower your voice if you're reading, you can also read without making noises." Wika sa akin ng Librarian. Humingi naman ako ng tawad dito. "Just review, don't disturb me." Bulong ko kay Maggie.
"Sorry," pa-cute niyang ani. Bahagya naman akong natawa sa narinig.
"That's all class! Congrats at nakaraos na rin kayo sa inyong exams!" Maligayang bati ng proctor namin sa'min, dahilan upang magpalakpakan ang iba kong kaklase. Habang pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko nabaling ang paningin ko sa upuan ni Maggie. Wala na naman siya. Saan ba yun nag susu-suot at laging wala? Iritang sambit ko sa isip.
"Dahil diyan, I'll treat you class sa bagong tayong resto diyan, may promo naman din sila. Sayang naman ang coupon ko kung walang pag gagamitan." Alok sa amin ni Ma'am andrea.
Mas umingay pa ang mga kaklase ko sa narinig. Naghanda na sila papunta sa resto na sinasabi ni Ma'am, wala kong planong pumunta. Kaya di-deretso na sana ako sa bahay nang maalalang, baka wala pa doon si Mom. "You should go," sambit ng isang pamilyar na boses.
"Sayang naman ang alok ni Ma'am kung tatanggihan mo nang dahil sa'min." Wika ni Caden mula sa likod ko.
"Sino nagsabing tumatanggi ako? I was about to go there," sarkastikong ani ko rito saka na pumunta sa opposite way.
Natapos kaming kumain, kahit sa kalagitnaan ng pag kain namin hindi ko pa rin na hahagilap si Maggie. Ang naisip ko na lang baka maaga siyang umuwi.
Umuwi na rin ako matapos ng salo-salo.

Bình Luận Sách (119)

  • avatar
    Rashid Roa

    good 😊

    08/06/2025

      0
  • avatar
    Jhoiber Padrino

    bien

    31/05/2025

      0
  • avatar
    ItimShian

    how to money

    24/03/2025

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất