Monday. I don't think I am able to go to school. Anong oras na at nakahilata pa rin ako sa kama ko. Natauhan lang ako ng may kumatok sa pinto. "Nak Colden, 'di ka ba papasok? Male-late ka na sa school mo," sabi ni Mom mula sa sa labas. Should I go to school? What if I saw Lou? 'Di pa ko fully recovered sa sakit na pinaranas nila. "Remember, may exams kayo," Nagmulat mata na ako at biglang nagising sa reyalidad. "Opo, maghahanda na po ko." Mabilis kong sagot. Ayokong masira ang academic records ko ng dahil lang sa kanila, so here I am preparing for school. Matapos kong mag-ayos dumeretso na ako sa baba at kumain. "Pasok na po ko." Walang ganang sambit ko habang kinukuha bag ko matapos kumain. "Cold, I know you can do it okay? Cheer up! Fighting!" pagtataas sa enerhiya ko ni Mom. Pilit na ngiti lang ang isinagot ko at dumeretso na sa garage para kunin ang aking bike. Sa kalagitnaan ng pag pasok ko sa school na daanan ko ang isang parke. It looks peaceful. Tumingin ako sa wrist watch ko, may oras pa naman. I decided to stay there for a minute. Naghanap ako ng parking for bikes and when I saw one, agad kong pinarada ang aking bike saka naupo sa bench. Wala pa naman gaanong tao dahil masyado pang maaga. I felt at peace. Sariwang hangin. Ito talaga ang hanap ko. Habang tumitingin sa paligid na agaw ang atensyon ko ng isang makalumang well or should I say, a wishing well. Nahikayat ako bigla na lapitan ito. Malumot na ang itsura ng well pero may makikita ka pa rin ka-ganda-han sa kabila no'n. May isang sign sa gilid na naka-ukit sa bato. "Wishes are not only commanded in fairy tales, sometimes things become possible if we want them bad enough." I said as I read the statement written on the rock. Sa tabi ng sign na ito ay may mga wishing coins na mukhang luma na rin. Nangangalawang na ang itsura ng mga ito. Halos mangupas na rin ang kulay ginto nitong kulay. Hindi naman talaga ako interesado sa mga wishing wells, but I still grab a coin and tried to wish. Wala naman masamang sumubok 'di ba? tanong ko sa sarili. Bumuntong hininga muna ako, then I started to speak. "I hope someone will came, the one who can help me heal and recover from this pain I am in right now,," pikit mata kong sambit sa hawak ko na coin. "Argh it's cringe, but I hope this will work," wala sa sarili kong sabi saka ibinato na ang coin na hawak. Pinanood ko pa ito kung paano ko hinagis at biglang tumama sa bukana ng well at tumalbog dahilan para malaglag ito sa sahig. Agad kong sinundan 'yung pa gulong-gulong na coin pa-ikot sa gilid ng well hanggang sa tumama ito sa sapatos at mauntog ako sa malambot na kung ano. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin para ma-confirm ko ang pinag tamaan ng ulo ko at laking gulat ko nang makita kung saan tumama ang aking ulo. Sa pwetan ng babae ito kaya agad akong lumayo at tumayo. 'Di pa man ako nakakahingi ng tawad ay nagsisisigaw at tili na siya. "Ahhh manyak! Lumayo ka sa'kin kung hindi isusumbong kita sa pulis! Tulong! May manyak dito!" paduro-duro, palakad-lakad at pahinto-hinto rin na sambit ng dalaga. "Miss! Miss! I'm not a manyak hindi ko sinasa—" "Jusko kuya 'wag ako! Studyante ho ako! Nag aaral sa pribadong paaralan kaya 'di niyo ko maloloko! Tulong may manyak dito!" patuloy pa rin ang pag sisisigaw niya. Nagsimula ng tumayo ang ilang tao at parang takang nakatingin sa'kin. "Miss can you please calm down first? 'Di kita mina-manyak, sa itsura mong 'yan!" sabay turo sa kabuoan niya. I didn't mean to offend her, but atleast she stops on shouting. "H-hoy! Para sabihin ko sayo! Pinagmamalaki ako ng mama ko sa kagandahang taglay ko 'no!" pag ya-yabang niya. "Well I don't care, just please stop shouting and relax," pagkakalma ko sa kan'ya. "Jusko paano ho ako kakalma? Eh matapos niyong hawakan ang..." nahiya siya biglang ituloy ang kaniyang sinasabi at itinuro-turo nalang ang likod niya gamit nguso. "Ah basta! Isusumbong kita!" Pamimilit pa rin niya. "It's not intentionally—" "I don't care either! Manong!" Pagbibigay diin niya sa huling sinabi niya. "Oh wow! Thank you for the compliment huh," sarkastiko kong sambit. "Now can you please lower your voice kasi nakakahiya sa mga tao rito," humingi ako ng tawad sa mga nag akalang minanyak ko ang babaeng 'to. Tuluyan naman siyang kumalma at umalis na ang kaninang mga taong umaambang lapitan kami. Sinuri niya ko mula ulo hanggang paa. "Velagurall student? Taga St. Velagurall ka?" wala sa sariling na pa tango ako. "Why?" "Same school huh? kung minamalas nga naman oh! Iisang school pa talaga tayo, nako, humanda ka sa principal mamaya!" pananakot niya. "Okay," malamig kong sabi. "Confident ha!" "Of course, dahil 'yung nagawa ko is not intentional" "Not intentional? Hmp sa principal ka mag paliwanag! Pasalamat ka at may exam kaya may ilang oras ka pa para mag isip ng idadahilan mo!" saka pumunta sa paradahan ng bisikleta at kinuha ang e-bike niya. "That was an accident!" sigaw ko ng makalayo siya. "Accident your face!" sigaw niya pabalik. Sira na ang umaga ko. Nang mawala na siya sa paningin ko, humarap na uli ako sa balon. Natauhan ako ng biglang sumagi sa isip ko ang coin na ginamit ko. Tinignan ko 'yung pinaghintuan ng coin kanina ngunit wala na. Mukhang lumusot sa butas. Malas nga naman. Malamang pahiwatig na 'yun na hindi totoo ang wishing well. Hindi ko napigilan anh sariling mapailing sa naisip. Pumunta na ako sa parking at kinuha na bike ko. Sumulyap pa ako saglit sa well at tuluyan ng umalis. "Class dismiss," ani ng aming Proctor habang ina-align ang test papers namin. Natapos na ang unang araw ng exam namin. Inayos ko na ang gamit ko pabalik sa bag nang tumawag si Ken. "B-bud sasabay ka ba pauwi?" nahihiya nitong sabi. "Hindi na," saad ko ng hindi sya nililingon. "Bud, kung ano man ang nangyari kahapon... k-kalimutan na natin 'yu—" 'Di ko na s'ya pinatapos at tinignan ko s'ya ng seryoso. "It's not that easy, Ken," saka na ako tumalikod at lumabas. Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Lou na nakatingin pero nag patuloy lang ako. "Manyak!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Hindi ko ito nilingon. "Aba, hoy manyak!" sabay hablot sa braso ko dahilan para tignan ko ito ng masama. "Ano ba?" inis kong singhal dito. "Hoy manyak! Baka nakakalimutan mo na may usapan tayo," duro nito sa'kin. Bumuntong hininga naman ako saka deretsong tinignan siya. "Miss, you can call me by my name. Hindi 'yung isisigaw mo pa 'yang word na 'yan dito sa school," sabi ko saka tingin sa mga nasa paligid ko nakatingin sila sa'min. "Tsh nahihiya ka? So you were claiming it na manyak ka talaga—" hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko sabay hila papuntang principal's office. "I told you not to mention that word here, but you kept on mentioning," inis kong wika habang kaladkad siya. "Ano ba! B-bitiwan mo nga ko!" angal nito habang pumipiglas. Tuloy lang ako sa paglalakad at kaladkad sa kan'ya papuntang pricipal's office tutal ayun naman ang gusto niya. "Argh! Ano ba!—" binitawan ko na siya ng makarating na kami. "Hmp! Sakit ah! Kakagawa mo nga lang ng kasalanan sa'kin kanina tapos ngayon dinadagdagan mo pa," anito habang hinihilot ang kanyang braso. "Nasa harap tayo ng principal's office kaya wag kang sumigaw," seryosong sabi ko. Bumuntong hininga na lang siya sa inis. Sinenyasan ko naman siyang pumasok na. Dabog naman itong sumunod. Susunod na sana ako nang harangan niya ako. "Ops! Mamaya ka na, 'wag ka excited. Hintayin mo na lang ipatawag ka. Stay there." Anito saka na pumasok. Wala na akong na gawa kaya naman nag-antay na lang ako. Almost five minutes na rin ng pumasok siya at hanggang ngayon wala pa rin akong nakikitang lumalabas. "Ano naman kaya mga sinabi no'n?" wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa pinto. Bahagya naman ako nagulat ng bumukas ang pinto. Sumalubong sa'kin ang babaeng kanina ay kung maka-asta ang tapang-tapang na ngayo'y iba na ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Ano na nangyari?" tanong ko dito ngunit tulala lang ito. "Hello? Miss?" nag wave naman ako sa mukha niya upang mapansin ako. Bahagya siyang napatalon ng marinig ako. "You good?" wala naman talaga akong pakialam ngunit involve ako dito kaya naman kailangan kong alamin anong nangyari. "A-ako?" turo niya sa sarili niya. Napakunot naman noo ko. "Yeah, may iba pa bang tao rito?" sabay akmang tumingin sa paligid. "Ako ba kausap mo?" turo pa rin nito sa sarili. Kunot noo ko siyang tinignan. "Of course! Miss look, wala ko panahon para makipag lokohan sayo and I need to go, so ano ang sinabi ng principal?" "O-oo nga pala, about that... wala ka naman kasalanan," utal nitong wika. Weird. Ngayon naman naniniwala na siya sa sinabi ko, gayong kanina lang nakikipag talo pa siya sa'kin. "Mauna na ko." Anito saka na naglakad paalis. Nanatili akong nakatayo at kunot noong pinagmasdan siyang umalis. Uuwi na sana ako ng mapadaan ako sa garden ng school namin. Napansin ko naman na nasa swing 'yung babaeng na pagkamalan akong manyak. Wala na sana akong balak lapitan ito pero may nag triggered sa'kin kaya ito ako ngayon at papalapit na sa kan'ya. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang maliliit na bato sa sahig. Nang makalapit ako umupo ako sa isang bakanteng swing sa tabi niya. "May sinabi ka ba na 'di nagustuhan ng principal kaya gan'yan ka umasta ngayon? You don't look so fine," tanong ko. Argh God! Why am I talking to her? Dapat umuuwi na ko eh. Napansin ko namang tumingin siya sa'kin. "W-wala alis na ko—" Sabi nito at akmang aalis na. "Wait, I'm still talking to you," mabilis akong tumayo at hinawakan siya sa braso. Tumingin naman siya sa'kin sabay baling ng paningin sa kamay kong nakahawak sa braso niya dahilan para bitawan ko ito. "S-sorry," ilang ko itong binitawan. "I just want to know kung anong nangyari kanina, dahil kung ano man 'yun ayokong masangkot ako kaya hangga't maaga ayusin na natin," ilang ko pa ring sabi. Kunot noo siyang tumingin sakin. "Anong nakikita mo?" tukoy niya sa sarili niya. "Seriously?" hindi makapaniwala kong taniong "Just answer me!" inis niyang sagot. Wala na ko nagawa at sinagot na lang ang tanong niya. "A weird girl with a weird color of hair?" pinakatitigan ko siya at I see someone who I really hate. I don't know why, pero kamukha niya talaga. Tinaasan naman ako nito ng kilay "Argh! Forget what I just said," tumingin ulit siya ng seryoso sa'kin. "May iba ka pa ba nakikita?" "H-huh?" pinilit kong alisin sa isip ko ang nakikita ko at tinignan ko na lang siya mula paa hanggang sa ulo pero nakuha 'yung atensyon ko ng nasa dibdib niya. "H-hoy! Deretso lang ang tingin!" ilang nitong sabi saka naman hinarangan ang harap niya. "Hey, mali iniisip mo... your necklace just caught my attention," depensa ko. "Huh?" bigla naman itong tumingin bandang dibdib nito at hinawakan ang kaniyang necklace. Hugis luha ito. "Sino nga ba nag bigay nito— ack!" napahawak siya sa kaniyang ulo at bahagyang na tumba mabuti't nasalo ko siya agad. "What are you doing? Y-you okay?" hindi ko alam ang gagawin ko. "O-oo," inalalayan ko siyang umupo muna ulit sa swing kung saan kami kanina. "Should I bring you to the clinic?" Nag aalangan kong alok. "Huh? Wag— I mean h-hindi na kailangan bahagya lang naman sumakit ulo ko." "Siguro kailangan ko na rin umuwi and about pala sa kaninang umaga, I'm sorry." "'Yung kanina? I don't know if I'm gonna accept that sorry kasi sobra mo ko pinahiya, but okay. Sige, i-ingat?" I feel awkward. "I sincerely apologize about it, never pa kasi ako naka-encounter ng gano'n kaya gano'n na lang din naging reaction ko. By the way, thank you..." kunot naman noo nitong nakatingin sakin at inalok ang kamay niya. "I forgot your name," bahagya naman siyang natawa. "Colden, but you can call me Cold," pilit na ngiting sabi ko. I can see her to her. "Oh Cold pala. By the way, I'm Maggieuabeth" saka siya nakipagkamay. "Magwabet?" Taka kong tanong sa kan'ya. ko. "Susyalan mo naman! Pero oo gan'yan ang pronunciation pero kung lalagyan mo ng arte it's Magyabeth," paglilinaw niya. "Ah basta nice meeting you," pilit na ngiti kong wika. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Actually you can call me by Maggie," natatawa nitong sabi. "Ano?" gulat kong tanong. "Sabi ko just call me Maggie," pag-uulit niya. Bigla naman kumunot ang noo ko sa narinig ko. "Hey, is something wrong with my name?" taka nitong tanong. "Your name really reflects on your personality, una na lang ko... s-salamat ulit at sorry," ilang niyang sabi saka nagmadaling umalis. Naka-uwi na pala siya? How can she act like that after all she did? And why she didn't recognize me? Habang pinapanood ko siyang makalayo biglang sumulpot sa harap ko si Lou. "Ell..." mahinang tawag nito sa pangalan ko. "Can we talk?" Kahit naiilang kinumpleto pa rin niya ang sasabihin. Ell? How dare her call my by that name after what she and Caden did to me? Mas lalong kumunot ang noo ko.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
good 😊
08/06/2025
0bien
31/05/2025
0how to money
24/03/2025
0Xem tất cả