Kinabukasan maaga kaming pumunta sa dining room upang mag almusal. Itlog, tuyo, sukang taba, longganisa, sinangag at kape o tsokolate ang hinapag sa'min ngayon. Never pa ako nakatikim ng tuyo sa buong buhay ko kaya medyo naparami ako. At first nahirapan akong kainin ito dahil ang hirap himayin. Not until they thought me na hindi na pala kailangan himayin 'yun dahil malambot lang naman daw ang tinik ng mga ito kaya pwedeng kainin ng buo. "'Di na nga kasi kailangan himayin 'yan!" inis na sambit sa'kin ni Caden. "Ito ha! Papakitaan kita!" Kumuha naman siya ng isang tuyo saka ito nilagay sa kanin at sumubo gamit ang kan'yang kamay. "Gano'n lang, isusubo mo na siya agad at hindi na hihimayin. Pwede naman kasi 'yan makain," anito habang puno ng pagkain ang bibig. Wala naman sa sariling natawa ako. Maski si Ken hindi napigilan ang pagtawa. Sinubukan ko ang ginawa niya pero nung isubo ko na nahirapan akong ilunok agad dahil pakiramdam ko natutusok lalamunan ko.Tinawanan lang nila ako habang nanghihingi ng tubig. Pinadiretso kami agad sa kwarto upang mag ayos matapos namin kumain dahil may talk na naman daw. Agad kami dumeretso sa session hall at nadatnan agad ang grupo ng katoliko kahapon. Nang mapuno na ang session hall nagsimula na sila. "Good afternoon Velaguralls. Today we are going to talk about 'friendship'," wika ng isang lalaki sa microphone na hawak niya. "Siguro naman lahat ng studyante at mga tao rito ay may itinuturing na kaibigan, am I right?" Magalak nitong tanong habang nakataas ang kanang kamay. Sumang-ayon lang kami sa sinabi niya kaya naman nagpatuloy na siya sa pagsasalita. "Gaano niyo naman chine-cherish ang mga kaibigan ninyo, gaano na kayo katagal magka-kaibigan, or have you ever gone to a fight na halos mag FO na kayo o freindship over?" Sunod-sunod nitong tanong sa amin. May ilang sumagot sa kaniyang katanungan, ngunit hindi ako interesadong makinig sa kwento ng buhay nila o kung ano man ang kaganapan sa buhay kaibigan nila. I only mind my business, my role and my life. That's all. Nothing more, nothing less. "Have you ever asked yourself, 'kaya ko ba mag sakripisyo para sa kasiyahan ng kaibigan ko?'" nang marinig ang linyang ito ng lalaki, bigla akong naging interesadong makinig. "We, people have our own business, happiness, courage and way of thinking. So, I'm not hoping that all of you here can sacrifice your own happiness to your beloved friend. We're not perfect. We still wanted to be happy. Kahit na minsan may masasaktan tayo," malumanay nitong sambit. "Example, you became a victim. Your friend did something na talagang alam mong masakit para sa'yo and you just ignored it. Trust me, aabusohin niya 'yun," seryosong wika nito sa'min "Friends should know their limits too. Actually 'di nga lang sa pagkakaibigan, but to all people," dagdag niya. "Sabi nga nila maganda ang ugnayan ng magkakaibigan kung may respeto, pag uunawa at pag galang siya sayong pribadong buhay," "Kaya 'wag masyadong padalos-dalos sa desisyon, dahil maaaring masira ang ugnayan ninyo, gaya nga ng sabi ko, know your limitations, " seryosong anito. "Ngunit hangga't maaari ay pakinggan natin ang kanilang rason at 'wag agad mag husga o talikuran lahat ng inyong pinagsamahan. Maging bukas ang ating mga tenga 'wag lang babase sa nakikita ng mga mata o nararamdaman," tahimik lang kaming nakinig habang ang ilan ay patango-tango. He has a point, but sometimes feelings are stronger. Minsan kung ano ang iyong pakiramdam, 'yun na rin ang katotohanan. It still depends on a situation at kung kanino man mangyari ang gano'ng bagay. Kasi all people aren't the same. We have our own kind of uniqueness. Like what he said? We have our own way of thinking. Natapos din ang talk at free time na kaya naman pumunta muna ako sa dining room upang kumuha ng maiinom. Habang umiinom na sulyapan ko ang isang lalaking nakasuot ng white polo shirt gaya ng nakita ko kagabi. Agad kong inubos inumin ko at nilapitan siya. "Hey," hawak ko sa balikat niya dahilan para lingunin niya ko. Laking gulat ko nang makita ang lalaking nagbigay ng minatamis na saging kay Lou nung isang gabi. "What?" May pagka-angas ang kanyang tono. "Can I ask something," seryoso kong tanong. "Something personal ba?" sarkastiko nitong tawa. Nainis man pero sinubukan kong hindi pansinin ang paraan ng pakikipag usap niya. "Not too personal," sagot ko pabalik. "Go ahead," sabi niya saka inip na tumingin sa kan'yang wrist watch. "Are you dating with Lou?" prangkang tanong ko. Nabaling naman muli ang atensyon niya sa'kin ng sabihin ko 'yun. "Woah, I didn't expect you to ask that. By the way what's your name first?" hindi makapaniwalang anito saka tumayo ng maayos at pinamulsa ang kaniyang dalawang kamay. "My name is Cold," walang interes kong sagot. "Gold?" Kunot noo niyang tanong. "Cold," paglilinaw ko. "Ah Cold! Cold huh? Like ice? Winter? Con—" "Yes it's Cold," pag-diin ko ng salita. "Wow it suits you," sarkastiko na naman nitong tawa habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "So, are you two dating?" tanong ko muli. Tinignan naman ako nito ng seryoso sa mata. "Why confuse all of a sudden? It's too personal, Cold," pagbigay diin niya sa pangalan ko. "I'm sorry if it's too personal for you, but I just want to know since she's one of my friend, so just answer my question." "Friend? If she's really your friend, you should know the answer to your question, Cold." Pagbigay diin niyang muli sa pangalan ko. "Why can't you just answer it?" Lumapit ako sa kaniya ng bahagya. "May dahilan ba para sagutin ko 'yan?" He smirked. Magsasalita na sana ako kaso nagsalita siyang ulit. "What if yes, what will you do?" Dagdag niya. Playing around huh? "Just answer me straight forward—" "Finn," dugtong niya sa sasabihin ko. "My name is Finn, we should know each other first." alok niya ng kamay, but I refuse to shake his hand. "I don't care about your name, I just need an answer," nagsisimula na kong mapuno sa lalaking 'to. "Obsessed for an answer huh?" He said sarcasticly. "Why? You like her?" dagdag niya. Lumapit ako ulit ng kaunti sa kan'ya at deretso s'yang tinanong. "Nakipag kita ka ba kagabi kay Lou?" seryoso kong tanong. Agad naman nawala ang angas ng mukha niya at napalitan ng nagtatanong. "What?" mukhang hindi niya inaasahan ang tanong na 'yun. "Gaano mo na katagal nililigawan si Lou?" Tanong ko ng makalayo saka akmang nag iisip. "1 or 2 years? Maybe 3?" tanong ko saka tingin sa kan'ya. "Why do you care? What do you want?" bumuntong hininga ako. "Just tell me if you two are dating, then I'll stop," pagbigay ko ng deal. Gusto ko na rin matapos ito, but he kept on playing around. "Nililigawan ko pa siya at soon magiging akin din siya—" matigas niyang sabi. "Wow, that's so sweet" putol ko sa kan'ya. Inis naman itong napakunot ang noo. "You know what? I'm out! I have no time to listen to your non sense questions," sabi niya saka tumalikod na. "Why can't you just tell me the truth? Ikinakahiya mo ba relasyon niyo?" tanong ko dahilan para huminto siya. "What are you talking about?" tanong nito pabalik nang makaharap siya. "Bakit kailangan patago pa kayo kung magkita?" Nagsimula na siyang magtaka. "Stop saying nonsense," kunot noo niyang ani saka nagmamadaling pumunta sa pinto. "Hindi ba?" Paniniguro ko. "Pero I saw you giving her flowers last night," sarkastiko kong wika. Papalabas na sana siya ng humarap siyang muli. "What?" "Yeah, you two are so sweet such a nice couple—" "Sino siya?" Pigil ang inis nitong tanong. "Sino? Bakit sino?— wait, don't tell me hindi ikaw 'yun?" He want this, so I'll give it to him what he wanted. "'Yan ba dahilan kung bakit mo tinatanong kung anong relasyon ko sa kan'ya?" Mariin nitong tanong. "Oo, nililigawan ko pa siya pero never akong nakipag kita sa gabi sa kan'ya, kaya sino siya?" inis nitong tanong. "Hindi ikaw? Hm, edi sino? A boy friend?" kunyaring nag-iisip kong sabi. "Ako ba talaga nakita mo?" Galit niyang tanong. "Or maybe another guy whose courting her too?" pag ignore ko sa tanong niya. "Answer me!" he grab my shirt and clench his jaw. "Chill bro, Yeah I saw the guy, but I didn't saw his face! The only hint I saw is that he use the same color of your polo shirt. It looks actually the same as yours," sarkastiko kong pagpapakalma habang naka taas ang dalawang kamay. Nang marinig niya ang sinabi ko agad na lumuwag kapit niya sa damit ko at dahan-dahang bumitaw. "That guy?" matapos niyang masabi 'yun sarkastiko siyang tumawa at hindi makapaniwala sa narinig. "Wow, I thought he'll borrow my shirt for a date. 'Yung babae pa lang kikitain niya ay 'yung nililigawan ko," saka sarkastiko ulit na tumawa "Who's he?" deretso kong tanong dito. Tumingin naman siya sa'kin, "Caden," gigil nitong sagot. Pakiramdam ko nabingi ako matapos kong marinig ang pangalang binanggit niya. Siya ba 'yung kaibigan ko o ka-pangalan lang? Caden? Si Caden na laging tumutulak sa'kin para manligaw at umamin? Papaano nangyari 'yun? Sasaktan ba niya sarili niya? Tanga ba siya para gawin 'yun sa sarili niya? Sa kalagitnaan ng pag-iisip natauhan lang ako ng nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Ngayon ko lang napansin na wala na pala si Finn dito. Kaya agad akong lumabas at pumunta sa pinagmumulan nito. Nang makarating ako sa hallway, na agaw agad ng atensyon ko ang mga studyanteng nagkukumpulan. Pinag pilitan kong isiksik ang katawan ko sa naka pa-bilog na mga studyante. Laking gulat ko ng pinapaulanan ng suntok ni Finn si Caden. Nakahiga na si Caden at hindi lumalaban dahil hina na rin ito. "Ang sabi mo tutulungan mo ko mapalapit kay Lou! Pero niloko mo lang pala ako!" Galit na galit na sigaw ni Finn dito habang patuloy itong sinusuntok. Si Caden naman ay sinasalo lang ang mga suntok ni Finn gamit ang kaniyang braso. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umaawat. Natauhan lang ako ng takbuhan siya ni Ken at paglayuin sila. "Ano sinasabi mo?! Wala ko alam diyan! Saka bakit ka na nanapak basta-basta? gayong wala ka naman matibay na ebidensiya!" inis na sambit ni Caden habang pinupunasan ang dugo sa kaniyang labi. "Anong wala? Kung hindi nga dahil kay Cold baka hindi ko pa nalaman eh!" sigaw nito kay Caden habang pinipigilan siya ng dalawang lalaki. Nawala naman bigla ang kaninang inis ni Caden at napalitan ng pagtataka at takot. "What is going on here?" sigaw ni Ma'am Andrea at pilit na pumasok sa nakapabilog na mga studyante. Sinuri agad ni Ma'am ang mukha ni Caden nang makitang may mga pasa ito. "Finn? Did you do this?" tanong ni Ma'am habang nakahawak pa rin sa mukha ni Caden. "Ma'am you can't blame me, trinaydor ako ng lalaking 'yan!" duro niya kay Caden. "Lower your voice," putol ni Ma'am sa kan'ya. "What is happening— oh my God!" biglang sulpot ni Miss Gloria. "Miss Andrea, what is this?" pigil ang galit na sabi ni Miss gloria. "I'm sorry Ma'am, pero mukhang may small fight lang po ang dalawang ito—" "Small fight? You call this a small fight? I thought Velagurall students are well discipline, then what is this?" halatang hindi nagustuhan ni Miss Gloria ang isinagot ni Miss Andrea. "Excuse me po Ma'am, we apologize po sa pangyayaring ito, pero we'll handle this po," singit ni Miss Cheska. Inis na bumuntong hininga si Miss Gloria. "Ayusin n'yo ang kalat na ito! Lahat ng sangkot sa gulong ito, papuntahin niyo sa office ko," sumang-ayon na lang ang dalawang guro. Lumakad na paalis si Ma'am. "Students please pack your things, darating na ang bus mamaya," sabi ni Ma'am Andrea sa mga studyanteng naka pa-bilog. Pagka-talikod ko nakita ko si Lou na parang na aawang nakatingin kay Caden. Nilagpasan ko lang siya. "Cold," tawag ni Ken dahilan para huminto ako sa paglalakad. "Can we talk?—" "Colden, come with me," tawag sa'kin ni Miss Andrea. Tumango na lang ako sa kaniya. Saka sinenyasan si Ken na mamaya na lang. Pumunta kami sa office ni Miss Gloria kasama ko sina Finn, Caden, Lou, pati na rin ang dalawang guro. In-explain nila ang buong pangyayari simula umpisa hanggang sa umabot sa pisikalan. Habang ako, nagsasalita lang kapag may tanong sila. Doon ko nalaman na almost a month na pala nila kong niloloko. Actually kaming dalawa ni Finn. Pinagtitripan lang ni Caden si Finn kaya niya ito tinutulungan na ligawan si Lou. What a nonsense reason. Inis akong napapa-iling sa mga naririnig ko mula kay Lou at Caden. I didn't expect them to do this. Nang matapos ang pag-uusap pina suspinde muna sina Caden at Finn sa monday bilang parusa. Dahil exams, isang araw lang ang kanilang suspensyon. Paglabas ko agad akong dumeretso sa hardin tutal doon na rin ang aking comfort zone. "Hijo," biglang tawag ng paring sumuway sa amin kahapon. Tinignan ko lang siya na para bang nagtatanong. Umupo siya sa tabi ko. "Hijo, God is good. Kaya 'wag ka sana magpapadala sa mga nararamdaman mo. Pagsubok lamang ang mga 'yan. May darating na tao sa buhay mo na magdadala ng saya at pag-asa sa'yo. Kaya't sana magtiwala ka lang. Malakas ang presensya niya. Hindi ka niya iniwan simula nang ikaw ay napunta rito," Makabuluhan nitong wika. Wala ako maintindihan sa totoo lang. Maaaring nakarating sa kaniya ang pangyayari kanina. 'Yun siguro ang tinutukoy niya. "Salamat Sir, pero hindi ko po maintindihan ang mga sinasabi ninyo," deretsong sambit ko dito. Natawa siya ng bahagya. "Maiintindihan mo rin hijo pag umalis na kayo rito. O siya, ako'y may aasikasuhin na muna. Mag iingat kayo sa lakad ninyo." Hindi na ako sumagot at pinanood na lang siyang lumakad papalayo. Sandali ko pang inisip ang kaniyang mga sinabi hanggang sa maalala ko na aalis na nga pala kami kaya naman pumunta na ako ng aming silid. Sa kalagitnaan ng pag punta ko nakasalubong ko si Ken. Sumenyas siya na sumama ako sa kaniya. Hindi na ko nagsalita at sumunod na lang. Kasalukuyan kaming nasa dining area. "About sa kanina—" "Wala akong kinalaman doon," mabilis kong sagot. "Yeah of course, I'm just gonna ask kung bakit 'di mo man lang tinulungan si Caden kanina?" malumanay niyang tanong. I don't know either. Mga ilang segundo bago ako sumagot. "Let me ask you first, may alam ka ba kina Caden at Lou?" halatang nagulat siya sa tanong na 'yun at mukhang hindi niya inaasahan kaya umiwas siya ng tingin. "B-bakit mo natanong?" bago siya magsalita nag pakawala muna siya ng malalim na hinga. "Yes." "Alam ko na simula pa lang nang mag confess siya at maging sila," walang ano-anong sabi nito. Heartache hit me. Dama ko 'yung pag pihit ng puso ko. "Kailan naging sila?" tanong ko habang nakatingin sa malayo. "Bud..." nag aalinlangan siyang sagutin ito dahil alam niyang masasaktan ako. "Alam kong matagal na sila, but I want an exact answer." He sighed. "5 months nang nakararaan," I just smirked and hide the pain. Napayuko na lang ako. Ilang minuto akong hindi nagsalita habang siya patuloy lang sa pag hingi ng pasensya. "Sorry... I didn't tell you early. Sinubukan kitang sabihan, balaan. Kaso sa tuwing sasabihin ko umuurong dila ko. Mas close kayo ni Caden at ayokong sirain 'yun, ayokong masira pagkakaibigan natin dahil sa pagsalita ko." "Pero alam mong simula't sapul na naging sila... sirang-sira na," walang gana kong sabi. Mas naramdaman ko pa ang pag piha ng puso ko nang sabihin 'yun. Nagpatuloy pa rin siya sa pag-hingi ng tawad. Ngayon ko lang na realize lahat. Akala ko no'ng una may gusto siya kay Lou kaya lagi siyang badtrip sa tuwing io-open topic about sa kan'ya. Kung minsan pa nga hindi niya sinasabayan pang aasar ni Caden sa'kin. Ngayon alam ko na dahilan. Ngunit anong pumasok sa kokote ni Caden para ipagtulakan ako kay Lou? Gayong sila naman na? Mas lalong naging komplikado pag iisip ko ngayon. "Bud sorry talaga," bumuntong hininga ako saka tumingin sa kan'ya. "Ken, I'm sorry too. Pero hindi ko muna matatanggap ang sorry mo," saka umalis na ako. Dumeretso na ako ng kwarto para sana mag-ayos ng gamit nang makitang bukas ang pinto. Ngunit pumasok pa rin ako. "Nakapag ayos ka na ba Cold?" Lingon sakin ni Ma'am Andrea habang ginagamot ang sugat ni Caden. "Mag-aayos pa lang po." "Gano'n ba? Sige bilisan mo na para mabilis tayong maka-alis mamaya." Tumango na lang ako at dumeretso na sa cabinet ko. "Ma'am ako na po bahala, iwan niyo po muna kami," dinig kong sabi ni Caden. "Hm? A-ah sige, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka," dinig kong inayos ni Ma'am ang dala niyang first aid kit at lumabas na. "Bud," tawag ni Caden ng maka-alis na si Miss andrea. "Sorry sa nagawa ko, alam kong napaka-laking pagkakamali 'yun," pagsisisi niya. "Tatanggapin ko na lahat ng masasakit na salita deserve ko 'yun, oo! Kaya kung gusto mo rin ako saktan gawin mo na! I deserve all of that," may guilt na halo sa kaniyang mga sinasabi. Tinigil ko ang pag-aayos ng damit ko at humarap sa kan'ya. "I don't need to do that, I can't hurt you physically, emotionally, mentally... not because your my friend," malumanay kong saad dito. "I can hurt you by yourself. Sarili mo mananakit sa'yo at hindi ako. By realizing how stupid are you for doing such things." Napayuko na lang siya sa sinabi ko. "I won't hurt you Caden. You, yourself is the one who'll hurt you," pag-uulit ko. "And I just can't understand why do you have to do that, I don't really understand," hindi makapaniwalang napailing ako saka na tumalikod at nagmadaling mag impake at lumabas na. Iniwan ko siya doon ng mag-isa kahit may sasabihin pa siya. Matapos namin maka-uwi wala na akong ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto. Matulog, maglaro, manood, magbasa. Lahat na ata ng magagawa ginawa ko na. Just to forget everything, but I can't. I still remember everything. Unti-unti na kong nilalamon ng sakit. Sa bawat pag-gising at tulog ko. Hindi ako nilubayan ng sakit. I spent the whole weekend at my room. I still can't believe they can do that... They betrayed me... Now I am suffering...
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
good 😊
08/06/2025
0bien
31/05/2025
0how to money
24/03/2025
0Xem tất cả