logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 43

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaawang ang labi niyang nakatingin sa akin.
"Anonsyo," Walang kwenta kong sagot sabay talikod sa kaniya para iwanan siya roon.
Naestatwa siya roon na parang may mali akong sinabi. Umamin lang naman ako sa kaniya na mahal ko siya. Alangan naman kasi na hindi pa ako umamin sa kaniya. Parehas lang din kami ng nararamdaman kaya ito na rin ‘yong pagkakataon na malaman niya na mahal ko siya.
"Mahal!" Narinig kong sigaw niya pero hindi pa rin ako tumitigil sa paglalakad. Bahala siya riyan maghabol sa akin. Ayaw niya bang umamin ako sa kaniya??? Hindi niya ba napapansin na mahal ko rin siya?
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako paharap sa kaniya. Nakasimangot akong tumingin sa kaniya habang nakangisi siya sa akin. "Anong nginingisi mo riyan? Aasarin mo ako?"
"Mahal mo pala ako, ha!" Pang-aasar niya sa akin, inirapan ko lang siya at umiwas ng tingin sa kaniya. "Mahal din naman kita kaya parehas lang tayo. Nahihiya ka ba?"
Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay, "Mapang-asar ka kasi."
Natatawa niya akong niyakap at nilagay ang kaniyang baba sa tuktok ng ulo ko. Inirapan ko siya pero niyakap ko rin pabalik. Pasalamat siya, mahal ko siya! Kahit palagi niya akong inaasar, okay lang. Natawa ako nang maalala ko 'yong panaginip ko. Sa panaginip ko, si Adaly ang palagi niyang inaasar at pinipikon pero sa totoong buhay pala... Ako ang gaganituhin niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pero hindi niya pa rin inaalis ang braso niya sa bewang ko. Nakatitig lang siya sa mukha ko habang nakangiti na parang kinakabisado niya ang aking mukha. Hindi naman mawawala itong mukha ko. Hindi na ako mawawala.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa labi, "Mahal kita," Sincere niyang sabi.
"Mahal din kita," Mabilis ko siyang hinalikan sa labi sabay ngumiti sa kaniya kaya napangiti rin siya sa ginawa ko.
Tumingin siya sa dagat at nag-unat siya ng kamay, "Hays! Ang sarap magmahal lalo na kapag mahal ka rin ng taong mahal mo," Proud niyang sabi habang nakatingin sa akin.
"Sana pala hindi na lang muna ako umamin."
"Kahit hindi ka umamin, ramdam ko naman na mahal mo na ako," Mayabang na sambit niya, natawa na lang ako.
"Tara na! Libutin na natin ito at gumawa tayo ng bagong memories dito," Yaya ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ito, "Tara!"
NILIBOT namin ang Balesin Island, nagtagal kami ng ilang araw doon. Nagpicture rin kami roon para may remembrance rin. Sabi ko nga sayang 'yong pictures na nasa panaginip namin. Nakapunta na kaming anim dito sa panaginip ko kaya dapat pumunta rin kaming anim sa totoong buhay.
"Hindi sayang 'yon. Buti nga hindi totoong pumunta tayong anim dito kundi may picture kayo ni Green. Tapos ang sweet niyo pa roon? Geez!" Para siyang kinikilabutan sa sinabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Kayo nga ni Adaly kung makapaglandian kayo... wagas!"
"Landian lang 'yon! Bakit kayo ni Green?!" Biglang nagsalubong ang dalawa niyang kilay at pinagkrus ang braso sa kaniyang dibdib. "Balita ko naghalikan kayo. Niyakap ka rin niya. Sige nga! Mas grabe nga ginawa niyong dalawa. Masarap ba siyang humalik, ha?!"
Napangiwi lang ako nang maalala ko 'yong naghalikan kami ni Green. Hindi ko naman alam na may relasyon sila ni Adaly! Kung natatandaan ko lang na may relasyon pala sila, edi sana hindi ko hinalikan 'yon! Malay ko bang hindi pala single yun edi sana isa rin siya sa nilayuan ko. Sana pala nilayuan ko na lang silang lahat!
Pinagmamasdan ko lang siya nakakunot ang noo habang nakapamewang na sa harapan ko. Kasalanan ko ba kung hinalikan niya ako?! Kasalanan ko bang naguluhan ako sa sitwasyon namin?!
"Hindi ka makaimik?!" Taas noo niyang sambit at tinaasan ako ng kilay. Para siyang babae! Susuyuin ko pa ba siya???
Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang braso niya, "Mahal naman kita. Nandito na nga ako sa harapan mo oh! Tayong dalawa ang magkasama ngayon kaya kalimutan mo na 'yong nakaraan ha?" Malambing na sabi ko sa kaniya pero nginusuan niya lang ako.
"Pero hinalikan ka pa rin niya..." Hinawakan niya ang labi ko habang nakanguso niyang sinabi iyon.
"At hindi na iyon mauulit," Paninigurado ko sa kaniya. "Pero kapag ikaw? Kahit ilan pa!" Pagbibiro ko rito para gumaan ang loob niya.
Pinangsingkitan niya ako ng mata, "Sabi mo 'yan ha!"
Dapat pala ata hindi ko sinabi iyon. Delikado ata ang labi ko sa kaniya baka biglang mamaga sa kakahalik niya. Kawawa naman ang labi ko!
NAG-STAY kami roon ng ilang araw at masasabi kong naging masaya ako roon. Kinuwento ko pa nga kay mama at pinakita sa kaniya 'yong pictures naming dalawa ni Edvin. Masaya raw siya para sa akin kasi okay na raw kami. Inaasar nga lang ako kay Edvin!
Simula noong pumunta kami sa Balesin Island, maraming nangyari. Isa na rin 'yong palagi siyang pumupunta sa bahay namin o hindi kaya sa Rainbow Escape. Minsan nga tinatanong ko kung anong trabaho niya at palagi siyang nakadikit sa akin.
"Owner ako ng isang restaurant na malapit lang din dito sa Cavite," Sambit niya at uminom sa kape niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Anong pangalan?"
"Love Escape," Mabilis niyang sagot na ikinalaki ng mga mata ko.
Hinampas ko ang braso niya kaya nabuga niya ang iniinom niya, "Sayo 'yon?! Ang sarap ng lasagna nila!"
"Kitang umiinom 'yong tao eh," Sinamaan niya ako ng tingin habang nagpupunas ng bibig niya. Inabutan ko pa siya ng tissue at nag-peace sign sa kaniya. "Paborito mo 'yong lasagna kaya nagpalagay talaga ako roon. Lahat ng mga paborito mo meron doon," Paliwanag niya.
"Kaya pala palagi kang pumupunta rito sa Rainbow Escape kasi malapit lang ang restaurant mo rito," Tumatango kong saad at uminom sa milktea ko.
Nasubukan ko na kumain doon dati kasi sabi sa akin na masarap daw talaga 'yong mga pagkain doon. Nag-order ako roon ng lasagna at masasabi kong masarap nga. Sabi nila na inspired daw kasi 'yong may-ari nun kaya ganoon daw pangalan ng restaurant nila.
"Meant to be talaga tayo kasi parehas may 'Escape' iyong business natin."
Napailing na lang ako dahil nagpapaniwala siya roon, "Hindi porket malapit lang iyong restaurant mo rito, pwede ka na pumunta araw araw dito. Aba! Asikasuhin mo rin 'yon."
"Opo, mahal," Mabilis niyang sabi at nag-make face siya sa akin.
Inirapan ko siya at hinawakan niya ang kamay ko. Pang-uuto niya talaga 'yan sa akin! Sumandal naman ako sa balikat niya habang nakatingin sa cellphone niya. Nagi-scroll siya sa facebook niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko.
Ganito lang ang bonding naming dalawa. Minsan magbabasa ako tapos pipicturan niya ako. Minsan naman sasabayan niya ako sa pagbabasa. Minsan gagala kaming dalawa, manonood ng movies at iba pa.
"Anong paborito mong pagkain?" Tanong ko sa kaniya.
"Lasagna," Mabilis niyang sagot.
Napatingin ako sa kaniya at saktong tumingin din siya sa akin, "Hindi nga?"
"Oo. Kaya nga nilagay ko sa menu 'yong lasagna sa restaurant ko."
"Parehas din pala tayo," Tsaka ako bumalik sa pagkakasandal sa balikat niya.
"Kaya nga bagay talaga tayong dalawa," Sambit niya habang hinaplos-haplos ang kamay ko.
Tao tayo pero sige... Bagay na tayong dalawa.
"Anong paborito mong kulay?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Blue."
"Same!" Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na. "Oo na. Bagay na tayong dalawa. Alam kong ayan ang sasabihin mo," Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo kaya napangiti ako.
Masasabi kong sweet at clingy si Edvin. Ayaw niyang mahiwalay ako sa kaniya na parang natatakot siya na baka may masamang mangyari sa akin. Minsan hinahawakan niya ako sa kamay, nakaakbay siya sa akin, nakayakap o hindi kaya ilalagay niya kamay niya sa bewang ko. Nasasanay na rin 'yong mga empleyado ko sa nakikita nila. Inasar pa nga nila ako!
"Ito na po 'yong Graham De Leche niyo, Ma'am and Sir."
Napatingin ako kay Cessy, nilagay niya 'yong plato sa harapan namin habang nakangiting nakatingin sa aming dalawa. Halatang kinikilig na naman ito sa amin. Ganiyan 'yan! Hindi niya matago 'yong kilig niya.
"May kailangan pa po kayo, Ma'am?" Tanong nito.
"Huwag kang kiligin," Natawa naman si Edvin sa sinabi ko.
"Hindi ko mapigilan, Ma'am! Bagay po kasi talaga kayong dalawa. Matagal ko na pong napapansin 'yong mga tinginan niyong dalawa eh."
"Chismosa ka lang kasi," Masungit kong sabi sa kaniya.
"Gusto ko lang po masaksihan iyong lovelife niyo, Ma'am," Kinikilig na sabi nito.
Napailing na lang ako at umalis na sa pagkakasandal kay Edvin. Kinuha ko 'yong tablespoon para magsimulang kainin iyong Graham De Leche. "Magtrabaho ka na roon. Ikaw talaga!"
"Sana maging kayo, Ma'am!" Lumapit siya sa akin tsaka binulong iyon sabay alis.
Baliw 'yon, ah!
Sumulyap ako konti kay Edvin at buti na lang nasa cellphone pa rin ang tingin niya. Narinig niya kaya 'yon? Binulong lang naman ni Cessy pero baka narinig niya. Nakakahiya!
Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Ano nga bang status namin ni Edvin ngayon? Wala namang kami. Hindi rin siya nanliligaw kasi wala siyang sinasabi. Wala rin siyang sinabi na kami na kaya hindi ko alam kung ano nga ba talaga kami ngayon. Friends lang kami... or more than friends?
Sinimulan ko na lang kainin 'yong Graham De Leche ko at hindi ko na inisip 'yon. Ayoko na lang mag-isip! Sabi nila, huwag ako mag-overthink kaya hindi na lang ako mag-iisip para hindi ako mamroblema. Sabi niya na darating din kami roon kaya magtitiwala na lang ako sa sinabi niya.
Tama! Kailangan kong magtiwala sa kaniya. Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano ano. Lahat sila sinabihan ako na huwag akong mag-overthink kaya maniniwala ako sa kanila. Kailangan ko rin magtiwala at maniwala sa kanila.
"Ang sweet niyo naman. Hindi makapaghiwalay ah."
Susubo na sana ako kaso napatingin ako sa bagong dating. Nakangisi silang apat habang nakatingin sa amin. Inirapan ko sila at hindi sila pinansin.
Ngayon ko na lang ulit sila nakita simula noong nangyari 'yon.

Bình Luận Sách (89)

  • avatar
    Princess Aretaño Torecillo

    stories are so nice

    27/07

      0
  • avatar
    Alfonso Jr.Marlon

    so beautiful

    08/07

      0
  • avatar
    Eva Abad

    sola

    19/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất