logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3 Doubt

Muling nagsimula ang klase ngunit nililipad pa rin ako ng mga isipin kaya hindi ko na naintindihan na Lunch na pala.
Nagpakiramdaman pa kaming apat kung may tatayo ba o wala. "Pupunta ba tayo sa cafeteria?" tanong ko sa kanila ngunit hindi ako pinansin ni Cathy at nagiwas ng tingin.
Mukhang badtrip pa din dahil walang elevator ang building na ito.
Hindi pa rin sya makagetover na pang 6th floor kami at hagdan lang ang paraan para makaakyat baba rito. "May dala akong biscuits!" Biglang ngumiting ani ni Jeniah ng maalala nya sigurong nakapagbitbit sya ng mga ito pero mabilis ring napawi "kaso hindi kasya para sa atin."
"May dala rin ako." sambit ni Matteo "Ikaw nalang ang kumain ng mga ito, hindi pa naman ako nagugutom." kuha nya sa bag ng dalawang sandwich saka ibinigay sa akin, "tig isa kayo ni Cathy." dagdag nya pa.
"Pano ka?" nag aalala kong tanong sa kaniya, "okay lang ako, hindi pa ako nagugutom. Marami akong kinain kanina" nakangiti nyang wika sa akin.
"Hoy Matteo san galing sandwich mo!" reklamo ni Jeniah na ang dala lang ay isang Hansel at Fita.
"Hinanda ko kanina sa condo nung mga tulog pa kayo!" natatawa nya namang sambit sa amin.
"Hoy ikaw Matteo may favoritism ka talaga e no?! Talagang dalawa lang yang hinanda mo! para sa inyo! hindi mo man lang kami ni pusa inalala" dagdag na reklamo pa ni Jeniah.
"Akala ko kasi may iba kayong plans for today" napapakamot sa batok na palusot ni Matteo.
"SUSSS!!! Palusottt" pang gagatong ni Cathy tsaka kinuha yung isang sandwich at kinagatan.
Kinain ko na rin yung sandwich na binigay sa akin ni Matteo at hindi na inintindi ang kanilang pag aaway ng dahil sa sandwich.
Lumipas ang bawat minuto ng biglang may nagbitaw ng complete Lunch package sa table ko kaya napatingala ako sa kanya ng nagugulat.
Ngumiti naman sya sa akin ng magsalubong ang mata namin, "binili na kita sa baba ng pagkain para di ka magutom, alam kong kulang pa ang sandwich sayo." Nakangiti nyang ani sa akin. Ramdam ko ang nagtatakang tingin nina Cathy, Matteo at Jeniah sa akin.
"Ah e nag abala ka pa. Hindi naman na kailangan." Nahihiya kong tugon sa kanya ngunit bakas ang kalamigan sa aking tono.
"Please, tanggapin mo yan. Alam kong marami akong naging pag kukulang sayo pero sana, wag mong tanggihan ang bawat na gagawin ko para sayo." Malungkot nyang sabi sa akin kaya tumango nalamang ako sa kanya.
Masama naman siguro kung tatanggihan ko grasya diba?
Nang makaalis na sya ay biglang naglapitan sa akin ang dalawang babaysot at akala mo'y mga naglalaway na.
"Hoy!!! pahingiiiii" sabay buklat doon sa ibinigay ni Malachi, hindi na ako naka angal sapagkat nagsusubuan na agad sila.
Si Cathy hawak ang tinidor habang si Jenny ay ang Kutsara. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Matteo saka malakas na napatawa dahilan para mapatigil ang dalawa sa pagsubo.
"Hoy! alam ko iniisip nyo!" sabi ni Cathy na ibinaba ang tinidor. "Hindi kami patay gutom! wag kayong ano jan!"
"Oh? wala kaming sinabi! napatawa lang kami sa inyo" natatawa kong sambit sa kanya "Ang cute nyo kasi! Iba ka din mag isip AHHA!"
"Oy! pakainin nyo si Matteo! di pa nakain yan!" sigaw sa amin ni Jeniah na akala mo'y kalayo lang ng kausap, at napatingin kami sa kanya lahat.
"Oh pano papakainin? Ikaw nga jan ang wala pang tigil ang bibig!" reklamo sa kanya ni Cathy kaya muling napatawa kami.
Ibinigay naman ni Jeniah ang kutsara kay Matteo at inalok pa ako nito ngunit umiling lang ako sapagkat okay na ako sa sandwich pero sya ay hindi pa kumakain kaya kailangan nya iyon.
Pagkatapos kumain ay naghati hati pa kami sa 1 liter bottle bago nairaos ang gutom. "Salamat po sa biyaya." Sambit ni Jeniah na nakatingin sa taas at wari mo'y nananalangin, kaya muli kaming napatingin sa kanya at napatawa.
"Dapat nauuna ang panalangin bago pagkain!" pagpapaalala sa kanya ni Cathy pero inirapan lang sya ng isa.
Panibagong klase sa ibang asignatura ang nagsimula na. Mabuti naman at hindi na lumipad pa kung saan saan ang aking isip at nakinig na lamang.
Lumipas ang mga oras ng may maramdaman akong tumapik sa akin. "Mah princess.." bulong nyang pag gising sa akin. "Uwian na."
Kaya bumangon ako mula sa pagkakaub-ob. Akala ko nakikinig pa ako sa mga discussion, nananaginip lang palang nakikinig sa klase.
Hayst!
"Sarap ng tulog ah! gigising nalang uwian na!" pang aasar sa akin ni Cathy ng makita nagsasakbit na ako ng bag pero hindi ko sya pinansin.
Muli akong inakbayan ni Matteo sa paglabas ng classroom at nakita ko naman si Malachi na napatingin sa nakaakbay na kamay ni Matteo, bago nya kami tinalikuran at dirediretso ng lumabas ng classroom.
Nang makaalis si Malachi ay bumitaw sa pagkakaakbay si Matteo, mukhang sinadya nya lang ipakita yon kay Malachi!
Siraulo din itong si Matteo eh! HAHHA.
Habang naghihintay sa nasa loob pang si Jeniah ay lumapit ako sa may railings saka tumingin sa baba na nakahawak dito at nakita ko ang kabababang si Malachi, at hindi ko alam kung bakit sinundan ko sya ng tingin.
Napansin kong tumitingin sya sa paligid na para bang naninigurado kung may makakakita ba sa kanya sa oras na aalis sya kaya bigla akong umupo upang hindi nya ako makitang nakamasid sa kanya.
Hindi ko napansin na napatingin pala sa akin si Matteo na nasa may pinto. "Bakit?" nagtataka nyang tanong.
"Ah wala." Muli akong tumayo saka sumilip sa baba ngunit dinala ako ng aking tingin sa gusaling may limang palapag ng hindi ko na mahagip ng tingin si Malachi. Bilis naman non mawala!
Napansin kong may bukas na pinto mula roon sa ikalawang palapag ng gusaling walang kabuhay buhay ang kulay, ngunit kaunti lang ang pagkakabukas noon.
"Tara na" pag aaya ni Jeniah kaya napatingin ako sa kanya. Muli akong tumingin sa may nakabukas na pinto ngunit nakasara na iyon.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Matteo ng mapansin nya na para akong balisa. Tumango naman ako sa kanya at bahagyang ngumiti upang sabihing ayos lang ako.
"Sa tingin mo ba transferee si Malachi?" Wala sa sarili kong tanong sa kanila kaya napatingin pa sila sa akin.
"Oo?" sagot ni Matteo "bakit?" karagdagan nyang tanong habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
Umiling na lang ako sa kanila. "Sa Excellence Academy naman sya pumasok dati diba? kaya possible na transferee nga sya" dagdag na impormasyon ni Jeniah.
Bakit pakiramdam ko hindi?
Sa bagay matagal akong nawala at matagal kaming hindi nagkasama't nagkita, siguro marami lang talagang nagbago sa aming dalawa.
Pero bakit hindi pa rin ako kumbinsido?
Sa paraan ng pagtitinginan nila ni Ms Liriel parang matagal na silang mag kakilala.
'Bakit walang pangalan nya ang upuan nya?'

Bình Luận Sách (148)

  • avatar
    CaasiJasmin

    Ganda ng story kaso bitin, may book 2 na po ba ito?

    17/01

      0
  • avatar
    Yohann Emponado

    thanck you

    02/12

      0
  • avatar
    Johnsen R Marin

    ilove this app its to coll

    02/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất