logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2 We Meet Again

"Good morning class" bati ng gurong kapapasok lamang na mayroong malaporselanang kutis at wari ko ay nasa 20's pa lamang ito.
Dark brown ang kulay ng kanyang tuwid na tuwid na buhok, hindi rin maitatanggi ang matangos nitong ilong at pinkish na mga labi. Hindi sya mataba ngunit hindi rin naman ganoon kapayat ang kanyang katawan.
Bumati rin naman kaming lahat sa kaniya ngunit bigla akong napatingin sa katabi kong upuan sapagkat wala pa ang nagmamay ari nito. Nacucurious lang ako sa itsura ng makakatabi ko.
"I'm Ms. Liriel Flores and I will be your class adviser for this year." pagpapakilala nya sa amin. "Para sa kaalaman ng lahat ang section na ito ay binubuo ng puro tranferee students" ani nya na ikinagulat ko.
Kaya pala ang tahimik nila na para kaming lalapain kanina.'"By the way class, that will be your permanent seats for the whole year."
Lumipas ang mga oras at hindi ko namalayan na breaktime na sapagkat lipad ang isip ko sa kung anong mayroon ang paaralang ito.
"Hoy! hindi ako bababa!" reklamo ni Cathy na nakapout pa ang bibig."6th floor tayo tapos nasa baba pa ang cafeteria, for fvck's sake! Magugutom nalang ako!" May pacross arm nya pang sabi.
Hetong si Cathy may pag ka tamarites din eh. "What if magbaon nalang tayo ng food simula bukas?" suggestion ni Jeniah.
"Mas maganda pa!" Badmood na sambit ni Cathy.
Sumang ayon naman kaming lahat sa suggestion ni Jeniah, para hindi narin kami mahirapan kabababa.
Tumayo naman ako saglit at nagpaalam sa kanila. "Lalabas lang ako ha, jan lang sa corridor, magmamasid sa paligid." Hindi ko na nakita ang pagtango nila sapagkat lumakad na ako palabas ng room.
Sa aking pagmamasid sa buong paligid ay para namang ayos lang ang buong paaralan ngunit kinakailangan pa rin naming mag ingat.
Mula sa taas ay kita ko ang naglalakarang mga estudyante papunta at paalis ng cafeteria, may mga nagtatakbuhan, at harutan.
Mayroong mga grupo grupo at mayroon din namang indibidwal parang katulad lang rin ng isang paaralang normal.
Nahagip naman ng aking tingin ang isang gusaling may limang palapag na wari koy nakahiwalay ngunit sakop pa rin ng eskwelahan.
Hindi naman ito kalayuan sa amin, medyo madamo ang parteng iyon at bukod tanging walang kabuhay buhay ang kulay sapagkat iyon ay walang kapintu pintura ngunit halatang hindi agad basta basta mapapasok.
Wala ring pumupunta sa gawing iyon at parang antahimik lamang ng lugar.
Kung titingnan mo ang gusaling iyon, parang walang kahinahinalang bagay at isang abandonadong gusali lamang ngunit sa unang tingin ko palang parang may kakaiba na doon.
Sa gitna ng aking pagmamasid ay biglang may umakbay sa akin, kaya medyo gulat pa akong napatingin kung sino iyon, ngunit si Matteo lang pala at nakangiting nakatingin sa akin.
"Anong iniisip mo?" tanong nya kaya muling bumalik ang aking tingin sa isang building na kanina ko pang pinagmamasdan at itinuro iyon sa kanya.
"Ano kayang mayroon doon." Wala sa sarili kong nasambit.
"Hindi tayo maaaring magpadalos dalos. Kinakailangan muna natin ang mag obserba." tugon nya na sinang ayunan ko.
"Ngunit may kutob akong hindi maganda." maikling saad ko.
"Basta lagi kang magiingat, tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong." Pag aalala niya. Tumango nalang ako sa kanya saka bahagyang ngumiti.
"Punta lang akong comfort room" pagpapaalam ko at inalis ang akbay nya sa akin.
"Samahan na kita "
"Hindi na." saad ko saka sya tinalikuran.
Habang naghahanap ng comfort Room sa may 4th floor ay bigla akong may naapakan na madulas na bagay dahilan para madulas ako ngunit may nakasalo sa akin.
Ramdam ko ang bigla nyang hawak sa bewang ko na para bang nagslow motion ang lahat upang hindi ako matuluyan sa pagbagsak. Isang pamilyar na pabango ang aking naamoy at pamilyar na mukha ang aking nasilayan kaya mabilis rin akong umayos ng tayo.
Kita ko ang labis nyang pagkagulat ng makita nya ang mukha ko. "Mikas?" nagulat nyang tanong sa akin. Medyo natulala pa sya, pero maya maya ay ngumiti na rin.
"Long time no see." naka ngiti nyang sabi. "Dito ka na pala nag aaral?" tanong nya pa ngunit hindi ko sya pinansin.
"Alis nako" walang gana kong tugon sa kanya at tinalikuran sya.
Hindi na ako nakapag Cr ng dahil sa nangyari kaya umakyat nalang ulit ako papuntang 6th floor ngunit sinundan nya pa rin ako.
"Mikas! sandali" hindi ko sya pinansin at nagmamadaling umakyat sa hagdan. "Mikas! kausapin mo naman ako pleaseee" habol nya pa sa akin at nilampasan ako upang humarang sa daraanan ko.
"Kausapin mo naman ako" pagmamakaawa nya at para kaming nagpapatintero sa may hagdan sapagkat ayaw nya akong padaanin.
"Wala na tayong dapat pang pag usapan." malamig kong tugon sa kanya.
"Hanggang ngayon pa rin ba ay galit ka pa din sa akin?" malungkot nyang sambit ngunit nanatiling blangko ang ekpresyon ko. "I'm sorry, forgive me please." Pagmamakaawa nya.
"Mal-...lachi" halos naputol ko pang sambit ng kanyang pangalan, "kailangan ko ng bumalik ng classroom."
Nilampasan ko na sya ng hindi nya na ako hinarangan pero sumunod pa rin sya sa aking likuran. Kaya napatigil ako saglit ng nasa 6th floor na kami.
"Iwan mo na 'ko" malamig kong sabi sa kanya.
"Pupunta na rin ako sa room" ani nya kaya medyo napahiya pa ako at nagtuloy tuloy nalang sa paglalakad papunta sa classroom, ngunit bakit nakasunod pa rin sya? Siguro sa dulong classroom sya.
Wag kang assuming Mikas!
Nang nasa tapat na ako ng classroom ko ay kasama ko pa din sya. Nakahinto din sya sa tapat ng classroom.
Hinihintay ko syang dumiretso kasi baka sa dulong classroom sya ngunit nanatili lang sya sa likuran ko kaya humarap na ulit ako sa kanya.
"Akala ko ba pupunta ka na sa classroom mo?"nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"Jan classroom ko." Turo nya sa classroom ko.
"Ha?" pagtataka ko sapagkat wala sya kanina.
"Ngayon lang ako pumasok, galing akong office kaya wala ako kanina" ani nya ng mabasa siguro ang iniisip ko.
"Teka, transferee ka ba?" sa pagkakaalam ko kasi puro transferee ang section 1.
Tumango sya sa akin bilang sagot. "Magiging kaklase kita?" ngumiti naman ito sa akin ngunit mga ngiti na hindi ko gustong makita mula sa kanya.
"Why not?" sagot nya na hindi ko na pinansin at dire diretso nang pumasok sa loob.
Kita ko ang pagtataka sa mga mukha nina Matteo, Jeniah at Cathy na nakatingin sa aming dalawa ni Malachi.
Sa third row dulong upuan umupo si Malachi at bukod tanging sya lang ang walang pangalan ang upuan.
Muling pumasok ang aming adviser papunta sa table nya sa likod ngunit napatingin ito sa gawi ni Malachi habang si Malachi ay walang pake na nakatitig sa mata ng aming guro.
Maya maya pa'y si Ms. Liriel na ang unang sumuko at tumango pa dito na para bang nagusap sila 'mata sa mata'.

Bình Luận Sách (148)

  • avatar
    CaasiJasmin

    Ganda ng story kaso bitin, may book 2 na po ba ito?

    17/01

      0
  • avatar
    Yohann Emponado

    thanck you

    02/12

      0
  • avatar
    Johnsen R Marin

    ilove this app its to coll

    02/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất