logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Legend Of Luna

Legend Of Luna

Mary Dreamm


Chương 1 Simula

( Magia, isang lugar na may apat na dakila at makapangyarihang kaharian at isang buhay na alamat tungkol sa buwan. Ang buwan sa kaakit-akit na mundong ito ay hindi lamang isa, pito ang kabuuang bilang nito na ginawa ni Bathala. Gayunpaman, maraming taon na ang lumipas at isa na lamang ang natitira upang magbigay liwanag sa rehiyon.
Normal itong buwan noon ngunit nagbago ang anyo nito matapos ang malungkot na pangyayari. )
Si Seraphina ay isang prinsesa na ubod ng ganda, mabait at mapagmahal sa kapwa. Isang prinsesang hilig pagmasdan ang kalangitan. Hindi siya tulad ng ibang prinsesa na mahinhin, ang pakikipaglaban ay kaya niya din.
Sa mabuti niyang pag-uugali, madami ang tumitingala sa kaniya ngunit mayroon din na hindi gusto ang prinsesa.
Sa dami ng humahanga sa kaniya sa isang tao lamang siya nahulog. Si Achilles, isang mangingisda. Nagmahalan sila kahit na labag sa kalooban ng hari.
Dahil para sa kaniyang amang hari, ang pinanganak na maharlika ay dapat lamang mabuhay kasama ang isa pang maharlika. Hindi dapat ito masama sa isang dukha. Isang kayamanan ang tingin niya sa anak, kayamanan na hindi kayang makuha ng isang mangingisda lamang.
"Hindi ko mapapayagan ang iyong nais, ikakasal ka na kay Damon pero nagawa mo pang humanap ng iba?" bulalas sa kaniya ng kaniyang ama.
Si Damon ay isang prinsipe ng Ischyros na gustong ipakasal ng hari kay Seraphina. Ang Ischyros ay isa sa pinakamayaman at pinakamalakas na hukbo sa Magia.
"Ngunit hindi ko kakayaning magpakasal sa taong hindi ko mahal. Hindi ko kayang makasama ang isang taong pinilit lamang sa akin," sagot ni Seraphina.
"Sa oras na suwayin mo akong muli hindi na kita ituturing pang anak," sabi ng hari, sa pag-aakalang matatakot ang anak.
Napailing ang prinsesa. Ayaw niyang iwan ang ama ngunit hindi niya kakayaning iwan ang kanyang mahal. Nagpakalayo sila. Ngayon lamang nagmahal ang prinsesa ng matindi kaya't lalong naging mataimtim ang pagdadasal niya kay Bathala, na sana ay lagi silang magkasama at huwag maghiwalay pa.
Isang araw, ang tahimik na buwan ay naglaho at naging kulay pula. Isa itong pangitain na may pag-atake na mangyayari sa isang hari.
Nabalitaan na lang ng prinsesa na hindi na pala ang kaniyang ama ang namumuno sa kanilang palasyo, tinraydor ito ni Damon na dapat mapapangasawa niya. Agad siyang nagtungo sa palasyo ng hindi nalalaman ni Achilles upang tignan ang kalagayan ng ama.
"Seraphina, masaya akong makita kang muli." Pagbati sa kaniya ni Damon na nakaupo sa trono. Nakita ni Seraphina ang kaniyang ama sa gilid nito na hawak ng dalawang kawal at ang kapatid niya naman na nasa gilid din ng trono na inuupuan ni Damon.
"Mabuti at dumating ka sa araw ng ating kasal."
"Hinding hindi ako magpapakasal sayo," sagot ni Seraphina sabay tingin sa kaniyang kapatid na si Ophelia.
"Narito ako upang kunin ang aking ama." Hindi na nagawa pang ipaglaban ni Seraphina ang kanilang palasyo dahil hawak ng mga ito ang kaniyang amang hari.
"Kailangan mong magpakasal sa akin upang mabawi ulit ang inyong palasyo," utos ni Damon. "Ngunit kung hindi ka magpapakasal, mamamatay ang mga nilalang na ito."
Napalingon si Seraphina sa mga kawal na may dalang mga sibilyan. Pinaluhod ito sa kaniyang harapan, lalo siyang pinanghinaan ng loob na lumaban sa mga ito.
"Ngayon, papakasalan mo ba ako o papatayin ko sila sa harap mo?” tanong ni Damon na nanlilisik ang mga mata.
"Kunin mo ang palasyo at palayain mo kami." Naluluha na ang prinsesa dahil hindi na niya alam ang gagawin.
"Sa tingin mo ito lang ang gusto ko?"
"Eh ano?!"
"Ikaw."
Natigilan sila nang dumating si Achilles, kahit na labag sa kalooban ni Seraphina ay naglaban si Achilles at Damon, ngunit natalo ang iniibig ng prinsesa. Bumagsak itong duguan sa sahig.
"Hindi ko mawari kung ano ang nagustuhan mo sa lampang ito? Mas gugustuhin mo pang makasama ang isang hamak na mangingisda kaysa sa isang prinsipe ng Ischyros?" galit na tanong ni Damon. Lumuhod na umiiyak si Seraphina sa harap ng kaniyang mahal.
"Mas nanaisin kong makasama ang isang gaya niya kaysa sa gaya mong walang puso. Sobrang sama mo Damon, alam mo 'yan," sagot ni Seraphina.
"Wala akong pakialam kung anong yaman ang meron ka o kung anong kapangyarihan ang nakapaloob sa'yo, hindi ako magpapakasal sa'yo upang palakasin lamang ang aming kaharian. Hindi mabibili ng iyong salapi ang pag-ibig ko."
"Itigil na ang drama! Mamili ka, magpakasal sa akin o paslangin sila!" Tinuro ni Damon ang mga sibilyan na nakaluhod ngunit walang takot.
"Paslangin mo na lang rin ako," nauutal niyang sabi. Umiiyak siya habang pinagmamasdan si Achilles na naghihingalo sa kanyang harapan.
Natawa si Damon sa narinig, umalingawngaw ang mala-demonyong tawa nito sa bulwagan ng palasyo, "Hindi kita pipilitin kung yaman mo lang ang gusto ko para patatagin ang kaharian namin. Alam naman nating lahat na hindi na kailangan 'yon ng Ischyros." Lumapit siya sa prinsesa at marahang hinawakan ang pisngi nito, "Gustong-gusto kitang saktan, pero hangga't kaya ko pinigilan ko ang sarili ko."
Umiling si Seraphina at lumingon sa mga nasasakupan niyang nabihag. Ngumiti ang mga ito na para bang hindi nila iniisip ang kapahamakan na maaari nilang harapin sa mga oras na 'to.
"Hindi po namin kayo hahayaang makasama ang isang gaya niya, kaya kung kamatayan ang kasagutan upang ikaw ay maging malaya. Mamamatay po kami kasama mo," sabi ng isa sa mga ito. Ngumiti si Seraphina kahit na labag sa kalooban.
"Kung gano'n madali akong kausap." Bumaba ang boses ni Damon, naramdaman niya ang pagsara ng kanyang lalamunan. Lumayo siya sa prinsesa at hindi makatingin sa mga mata nito, "patayin silang lahat." Malapit na siyang lumuha pero pinipigilan lang niya.
Napasigaw sa lungkot si Seraphina nang makita ng kanyang dalawang mata kung paano nila pinatay ang mga inosenteng sibilyan sa kanyang harapan.
Napapikit siya ng madiin dahil natalsikan siya ng mga dugo nito.
Ilang saglit lang ay pati siya pinaslang na rin. Napasigaw ang kaniyang ama sa nakita habang wala namang pinakitang emosyon ang kaniyang babaeng kapatid.
Nakangiting humiga si Seraphina sa dibdib ni Achilles.
"Bathala, sana'y tuparin mo pa rin ang aking hiling na hindi natupad dito sa lupa. Pagsamahin mo kami ng aking mahal dyan sa langit pati na rin ang mga taong namatay para sa kalayaan namin." Tumulo ang luha ni Seraphina pagkatapos sabihin iyon.
Nang marinig ni Damon ang boses niya, sinaksak niya ulit ito ng espada para masiguradong patay na talaga siya. Hindi na niya napigilan ang kanyang galit; pinatay na niya ang prinsess. Pagkatapos no'n ay may inutusan siyang tingnan kung may pulso pa ito.
May pinalapit si Damon kay Seraphina upang tignan kung buhay pa ito.
"Mahal na hari, may pulso pa siya," sabi nito.
"Hindi maaari!" sigaw ng isang babae habang umiiyak.
"Anong karapatan mong suwayin ako?" tanong ni Damon dito.
"Mahal na hari!" Napatingin ang babae sa ama ni Seraphina.
"May sanggol sa sinapupunan ng prinsesa!" Mas lalo pa itong umiyak halos napaluhod na siya sa lupa sa sobrang paghihinagpis.
"Walang hiya ka Damon! Pinatay mo ang anak at ang apo ko! Akala ko ba mahal mo siya?" sigaw ng hari na galit na galit.
Ngumiti si Damon at lumapit sa prinsesa na wala ng buhay.
"Gusto mong makita kung gaano ako kawalang hiya?" tanong nito sa ama ni Seraphina. Kinuha niya ang espada niya at itinapat ito kay Seraphina.
"Huwag mong itutuloy ang binabalak mo!"
"At sino ka para utusan ako?" Napapikit ang halos lahat ng naroroon sa palasyo ng isaksak ni Damon ang espada sa tiyan ni Seraphina.
Mas lalong nag-alab sa galit ang ama ni Seraphina, hindi na niya din napigilang umiyak. Siya naman ngayon ang pinagdiskitahan ni Damon.
"Magkita tayo sa impyerno." Sinaksak niya ang hari ng Prostatévo, habang ang kapatid ni Seraphina na dapat ay naghihinagpis din dahil sa sinapit ng ama at kapatid ay wala man lang nagawa kung hindi ang manood.
( Dito nagsimula ang kapangyarihan ng bilog na buwan. Magmula nang mamatay si Seraphina at Achilles, ang dating kalahating buwan ay nagiging buo sa tamang panahon at napalibutan pa ito ng mga bituin.
Pinaniniwalaan na ang bilog na buwan ay sila Seraphina at Achilles habang ang mga bituin ay ang mga taong namatay kasama nila. )
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
Maraming nagbago sa mundo ng Magia, may mga umunlad dahil sa dami ng natuklasan, ngunit hindi pa rin nila nakakalimutan ang mga bagay at patakaran na nakasanayan na nila.
Mayroong ilang masasayang kaganapan sa iba't ibang bahagi ng lugar sa mahiwagang mundong ito, ngunit mayroon ding mga hindi kasiya-siyang karanasan.
"Edmondo, magpatawag ka ng komadrona ngayon din!" Utos ng haring si Gualtiero sa kanang kamay niyang si Edmondo.
Si Haring Gualtiero ang magiting na hari ng Prostatévo sa kasalukuyan.
Sinunod naman ni Edmondo ang utos ng hari at nag-utos sa mga kawal niya.
Mahigpit ang hawak ng kamay ni Haring Gualtiero sa asawang si Lila, ang reyna. Manganganak na kasi ito sa una nilang anak ngunit wala pa ring dumadating na komadrona dito, mukhang nahihirapan na din ang reyna sa sitwasyon niya dahil hindi niya mailabas ang bata sa sarili niyang kakayanan.
"Nandito na po ang komadrona, kamahalan," sabi ni Edmondo habang nakayuko. Nilingon naman ni Haring Gualtiero ang pintuan ng silid nila kung saan nakatayo ang isang babaeng na nakatalukbong ng kulay itim na tela.
"Ngayon ko lamang siya nakita. Paano kayo nakakasigurong mapagkakatiwalaan siya?" tanong ng hari. Hindi iyon pinansin ng matandang babae, lumapit lang ito sa kamang hinihigaan ng mahal na reyna. Hahawakan sana ng babae ang tiyan ng reyna ngunit agad siyang pinigilan ng hari.
"Wala kang karapatan hawakan ang mag-ina ko hangga't wala kang naririnig na pagpayag mula sa labi ko," madiin na sabi ng Hari. Hindi siya pinakinggan ng babae, tinitigan lamang nito ang reyna habang ito ay umiire na sa sobrang hirap.
"Nararamdaman ko ang anak mo. Nalaman ko ng mangyayari ito ngayon sa kabilugan ng buwan," sabi ng babae sabay tingin sa balkunahe para silipin ang malaking bilog at sobrang liwanag na buwan.
Napansin ni Edmondo na naglaho ang kulay dugo na bumabalot sa buwan.
"Nakita ko sa hinaharap na may malaking pagsakop ang magaganap, ngunit maliligtas lamang ninyo ang ating mundo at ang mga nilalang na nabubuhay dito sa pamamagitan ng inyong anak, kamahalan," seryosong sabi ng matandang babae.
"Ano ang iyong mga pinagsasasabi?" galit na tanong ng hari.
Hinawakan ng babae ang noo ng reyna, hindi agad napigilan ng hari ang nangyari ngunit hinayaan niya na lang din ito.
"Isa sa ilang dekada lamang nagkakaroon ng paglalaho ng buwan. Sinasabing swerte ang magluwal ng bata sa oras na maglaho ang buwan ngunit malas din dahil may mamamatay sa kadahilanang may bagong buhay na nabuo," paliwanag ng babae.
"Ano ba ang gusto mong iparating? Nahihirapan na ang aking asawa at kung may mangyayaring masama sa mag-ina ko ikaw ang malalagot!" galit na sigaw ng hari bago pagmasdan ang asawa niyang pilit na nilalabas ang bata ngunit wala pa ring nangyayari.
"Alam mo ba na ang anak mo lamang ang ipapanganak ngayon sa mundong 'to? Siya lamang. Kakaiba siya sa mga naunang dumating, naalala niyo ba ang prinsesang si Seraphina? At ang ordinaryong babaeng napadpad sa mundo natin at naging prinsesa? Naaalala niyo ba si Seraphina at Mehreen?" tanong ng babae.
"Ngunit wala pang nakakapagpatunay na totoo ang alamat ng buwan," sagot ng hari.
"Sa kaharian na ito nangyari ang kapahamakan na nangyari kay Seraphina ngunit hindi ka naniniwala, baka nakakalimutan mong kamag-anak ito ng reyna na iyong napangasawa. Bakit hindi mo tanungin sa kaniyang ama ang tungkol dito, tanungin mo ito sa kabilang buhay," inis na sabi ng babae.
"Lapastangan-" Pinigilan ni Edmondo ang hari sa pagsugod sa matanda.
"Dumating sa ating mundo ang ordinaryong si Mehreen sa araw na naglaho ang buwan at napalibutan ito ng pula, dumating siya dito at siya ang nagpatigil sa gulo habang si Prinsesa Seraphina at Achilles ang sinasabing dahilan kung bakit nagbago ang kahulugan nito. Kung bakit ito mas naging makapangyarihan," paliwanag ng babae.
"At ganon rin ang inyong anak, magiging bukod tangi siya sa lahat. Nahihiwagahan tuloy ako kung ilang taon ulit ako maghihintay para makakilala ulit ng isang tulad niya. Siguradong kapag may kaguluhan na naman na parating ay may ipapadala na naman ang taas at malalaman natin 'yon sa araw na maglaho ang buwan."
"Nahihirapan na ang aking asawa! Pakiusap gumawa ka ng paraan!" sabi ng hari. Ang reyna ay namumula na dahil sa ginagawa niyang paglabas sa bata.
"Huminahon ka mahal na reyna. Sa oras na mailabas ang bata mawawala na ang iyong paghihirap, naniniwala akong lubos kang pasasalamatan ni Seraphina dahil sa ginawa mong pagluwal sa kanyang natatanging anak," sabi nito.
Pagkatapos niyang hawakan ang noo ng reyna, ang tiyan naman nito ang hinawakan niya. At sa isang pag-ire lamang ng reyna ay tuluyan ng lumabas ang bata.
Natahimik ang lahat at ang tanging pag-iyak lang ng bata ang hinihintay nilang marinig ngunit hindi ito nangyari. Nilapitan ng babae ang bata at maingat itong binuhat.
"Tama nga at isa siyang prinsesa. Isang napakagandang prinsesa," sabi nito.
"Ngunit bakit hindi siya gumagalaw? Hindi rin siya tumatangis tulad ng ibang sanggol?" Lumapit ang hari para mahawakan ang anak niyang may dugo pa sa katawan. Tumulo ang luha ng hari ng makita ang magandang mukha ng prinsesa niya.
"L-Luna..." Nilingon ng hari at ni Edmondo ang reyna nang magsalita ito. "Serahluna ang ipangalan natin sa kaniya."
Ngumiti ang hari at tumango, pinagmasdan niya muli ang anak niya.
"Luna. Napakagandang pangalan. Maraming salamat sa tulong-" Natigilan ang hari nang mawala bigla ang babaeng nagpaanak sa reyna. Kahit si Edmondo na nalingat lang saglit ay nagulat nang mawala sa paningin niya ang babae.
Isang malakas na ihip ng hangin na lang ang naramdaman nila. Kasabay non ang pagkawala ng buhay ng reyna at ang biglang pag-iyak ng malakas ng bagong panganak na prinsesa.

Bình Luận Sách (18)

  • avatar
    CristinaKetlhen

    Não é ruim

    07/01

      0
  • avatar
    Erinea Heshan

    Ang ganda ng story ang sakit lang talaga nung part ni Luna.

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ian Anglo Gualva

    wow

    31/07/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất