logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

NESSA'S POV
Medyo mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Wala na si Ally sa tabi ko. Siguro maaga'ng nagising. Ganun naman iyon eh. Bumangon na din ako at nag-ayos muna ng sarili. Palabas na sana ako ng kwarto ng bumukas iyon. Sumilip sya sa naka-awang na pinto at nginitian ako.
"Mabuti naman at gising ka na." sabi nya ng makita ako. "Good morning. Nasa labas nga pala si Kuya Zen, hinahanap ka" sabi nya at iniwan na ulit ako.
Patay!
Hindi nga pala ako pumasok sa trabaho simula nung makabalik ako. Baka nagsumbong na sa kanya ang boss ko na sa kamalas-malasan ko ay kaibigan din nga pala niya. Hindi ko tuloy alam kung swerte ako kasi madaming kaibigan ang kuya o malas dahil kapag hindi ko nagagawa ng maayos ang trabaho ko ay isusumbong nila ako kay kuya. Psh.
"Kuya--" natigil ako sa pagsasalita at paglakad ng makita ko kung sino ang kasama nya. Ang dami naman nya'ng kaibigan, bakit sya pa? Pwede din naman si ate Czai. I composed myself and tried my best to give them a smile. Pero nanatiling seryoso ang mukha ng kuya ko. Samantalang ang kasama nya ay hindi ko mabasa ang emosyon pero sa akin sya nakatingin.
"Nagpunta ka sa birthday party pero hindi ka man lang makapasok sa trabaho?" may konting inis sa boses ni kuya Zen ng sabihin nya yun. Titig na titig din sya sa akin na akala mo ay hinuhuli ako sa akto kaya napaiwas ako ng tingin. Napasimangot naman ako. Guilty as it is. Sa sahig ako bumaling ng tingin. Ayoko ding salubungin ang tinginsa akin ng kasama nya. Ewan ko lang ha, pero parang nanghi-hypnotize sya sa paraan ng pagtitig nya sa akin kahit walang emosyon ang mukha nya.
"Kasi..." anong sasabihin ko. Na iniiwasan ko ang kaibigan nya na hindi alam na sya ang naka-devirginize sa akin? Ayoko nga na malaman nya eh.
Magkaiba naman kami ng department pero malaki pa din ang posibilidad na magkita kami. Idagdag pa na kaibigan siya ng kuya ko.
" Siguro naman naayos mo na ang dapat nyong ayusin dito? Alalahanin mong may trabaho ka pang iba. Hindi pa sana kita pupuntahan dito kaso iyong mga gawain mo tambak na dun sa opisina." paliwnag ni kuya. Nagsumbong na nga ang boss ko sa kanya. Psh. Sumbungerang froglet. Palibhasa type ang kuya ko kahit kung tutuusin ay mas pogi pa sya kung naging straight na lalaki lang. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.
"Sa lunes pumasok ka." napa-angat ako ng tingin kaya napatingin ako sa katabi nya. Nakatitig pa din sya sa akin. Psh. Hindi ako aamin. "Bago man lang tayo umuwi ng Mindoro ay matapos mo na ang gawain mo dun." dagdag pa ng tatay—este—kuya ko. Marahan lang akong tumango kaya napabuntong hininga sya. "Alis na kami" sabi lang nya. Hindi na ako nagsalita pa at tinanaw ko na lang silang dalawa na nag-uusap habang magkasabay na naglalakad palabas ng café. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin sa huling pagkakataon nung isang kolokoy. Siguro nga wala pa syang naalala. Mabuti na lang talaga lasing na lasing sya that time.
"Ang hot ng kuya mo kapag nakasimangot" patili na sabi ni Ally na nagkusa ng lapitan ako. Natampal ko sya sa balikat dahil sa sinabi nya. Ang harot din ng isang ito eh. Ang sarap sabunutan. Hahaha
"May asawa na kayong pareho. Manahimik ka dyan" sabi ko sa kanya. Sumimangot naman aya sabay irap sa akin kasabay ng paghalukipkip.
" Sus, ako pa lang ang may asawa 'no! " depensa nya. "Siya magpapakasal pa lang. Pero curiuos lang ako, what if hindi ko sya binasted 'no?" natawa na lang ako ag napailing sa naging tanong nya. Curious pa din talaga sya hanggang ngayon? Ano, hindi maka-move on?
Niligawan kasi sya ni kuya before ate Czai at ayun nga busted si kuya. Kasi naman may long time secret bf na pala itong si Ally at kahit sa akik na mismong kaibigan nya ay hindi nya sinabi kaya tuloy hindi ko nasabihan ang kapatid ko. Na-busted pa tuloy nh wala sa oras.Ahahaha. Umabot pa nga sa punto na naglasing ang kapatid ko. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako sa kanya that time o matatawa. Pero thankful ako na hindi naman nagtampo ang kuya ko sa matalik kong kaibigan. Maliban na nga lang dun sa naglasing sya. Nagpapansinan pa din naman sila kapag nagkikita o nagkakasalubong lang ngayon.
"Sasabay ba kayong mag-asawa pabalik ng Mindoro?" tanong ko na lang sa kanya. Baka saan pa mapunta ang usapan. Napapraning lang talaga ako.
"Sure." maikling sagot nya. "Tara na. Magtrabaho na tayo. " yaya nya sakin. Hindi nanako nagsalita at tahimik na lang na sumunod sa kanya. Wala din naman kasi akong ibang sasabihin pa. Di ko trip magsalita masyado ngayong araw. No. Palagi pala. Kaya halos lahat ng bagong kong nakikilala ay hindi nagtatagal dahil ang boring ko daw kausap. Whatever! Bahala sila sa buhay nila. Hindi ako mag-a-adjust para sa ikasasata nila.
Buong maghapon ay naging abala kami sa loob ng café. Malapit din kasi kami sa Univesity belt kaya maraming estudyante at mga nagtatrabaho sa mga university ang pumunta sa shop namin. Naghahanap pa nga kami ng gwapon noon ni Ally tapos kapag may nakita kami, pasimple namin na ililibre. Kunwari pa'ng freebie iyon.
Monday came at naging busy naman ako sa office works the whole day tapos bumibisita ako sa café before ako umuwi sa apartment na tinutuluyan ko. Binisita ko din sina tita nung Saturday.
" May sakit ka ba?" nangunot ang noo ko sa tanong ni Ally. Gabi na at gaya ng ginagawa ko these past few days ay bumisita ako ulit dito sa café galing sa trabaho bago ako tuluyang umuwi sa apartment ko.
" Wala naman." sagot ko. Pero hindi pa din nawala yung worry sa mukha nya.
"Namumutla ka" sabi nya. Titig na titig pa din sa akin at mukha pa din na nag-aalala. Nag-iwas ng tingin at ibinaling na lang ang tingin sa lagayan ng mga pastries na ibinebenta din namin. Kumuha ako ng chocolate-falvored cupcake at kinain iyon matapos alisin ang naka-wrap.
" Ahh.. madami kasing trabaho kanina sa opisina. Hindi na ako nakasama sa farm kasi sobrang busy ko. Hindi na din ako nakapaglunch." paliwanag ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain. Kumuha ulit ako ng isa pang cupcake at kinain din yun. Kaka-kain ko lang pero nagugutom na naman ako.
"O'sya. Ako na ang bahala dito." pinaningkitan nya alo ng mga mata nang mapansin na kain ako ng kain ng cupcake. Nginitian ko lang sya at kumagat sa pangatlong cupcake nankinuha ko. "May matinong pagkain dun. Wag kang puro sweets. Magdinner ka na dito bago ka umuwi." sabi nya at bahagya pa akong itinulak para kumilos na. Nakasimangot na umalis ako pero pa-simple ako kumuha ng dalawa pang cupcakes.
Pero naisip ko na ayokong kumain ng kanin. Mas gusto kong kainin sa ngayon ay cupcakes. Kaya imbes ma dumiretso sa opisina ay bumalik ako sa may mga estante ng cakes and pastries at kumuha ulit ng cupcake.
"Vann!!!. Masama ang malipasan ng gutom. Magkakasakit ka nyan eh."nagulat pa'ng sabi ni Ally ng makita ako ulit doon. "Tsaka ano bang meron sa cupcakes na yan? Akala ko ba ayaw sa mga pagkain na sobrang tamis? Ha? Kapag nagkatonsilitis ka, bahala ka talaga." dagdag pa nya at iniligpit na iyong mga pagkain na nakalagay sa estante.
" Yes na po ma'am. Kakain na." pagpayag ko na lang sa sinabi nya. "Pero bibilisan ko para makatulong pa din ako dito before magsara." sagot ko na lang. Tumango lang sya muling hinarap ang dalawang huling customer na nandoon pa din.
" Mag iimpake pa ako kaya nagdecide ako na magsara ng maaga. Umuwi ka na din. Para hindi ka aligaga bukas." sabi nya makalipas ang ilang minuto. Kumakain pa din ako dahil nasarapan ako sa nakahain na pagkain. Pinadeliver ko lang dahil ayoko nung pagkain na sinasabi nyang nasa opisina kanina. "Tsaka, ano ba yang combination mo ng pagkain? Seryoso ka talaga? Chocolate ang sawsawan ng lumpia? Gross." napangiwinpa sya at imbes ma pansinin ang naging reaction nya ay nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Napadighay pa ako nang matapos akong kumain.
Oo nga pala. Bukas, after lunch ay ba-byahe na kami pabalik ng Mindoro. Sa wakas. Na-miss ko na ang bahay namin dun. Taon-taon naman ay umuuwi kami pero na-mi-miss ko pa din sila palagi.
"Sige na. Uubusin ko na lang itong kinakain ko tapos sabay na tayong umuwi nadadaanan naman bahay mo eh." sabi ko. Muli ko kasing nilantakan ang cupcake na nadekwat ko kanina. Tumango lang sya sabay ngiwi ulit nang makita akong safap na sarap sa cupcake at akala mo ay ilang linggo na hindi naka-kain.
Nginisihan ko lang sya. Gustong-gusto nya yun eh. Libre sa pagdadrive. Kaya kahit wala akong sariling sasakyan marunong akong magdrive dahil ako ang nagsisilbing driver nya. Lugi nga ako kasi wala naman akong sahod sa pagdadrive para sa kanya. Hindi ko na sinisingil, baka masira pa ang pagkakaibigan namin.
Hahahahahahh

Bình Luận Sách (251)

  • avatar
    HandsomelyYours

    This story has a nice storyline and satisfying ending🧡🧡🧡 HIGHLY RECOMMENDED 🧡🧡🧡

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Sarang Cabug

    whoaaaah what a romantic roller coaster story 😟😍😭 can't wait for the next chapter! i already read chapter 12 in just half of a day😍😍

    12/01/2022

      6
  • avatar
    Norhaya Saligan

    so fun crying and very beautiful story

    13d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất