logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 31

Chapter 31      
"It's already lunch time, ma'am. Where should we go?" He suddenly said, startling me.
Nilingon ko siya habang nakaupo ako sa passenger's seat at sinamaan siya nang tingin.
"Pwede bang mag signal ka muna bago ka magsalita? Pang ilang beses mo na 'yang ginawa, ah!" I hissed.
He chortled huskily as he swiftly manoeuvre the car on right side of the road, overtaking the big, smokey truck.
"I'm sorry, madame. I'm just hungry." he reasoned out.
I rolled my eyes and pouted. "'Wag na. Doon na tayo kakain kina tita Sali. Paniguradong may inihanda 'yong pagkain doon."
"Have you told them that you're back?"
"Yep. Kanina lang,"
"They must be excited."
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Ako rin." I answered.
I missed my cousins so much.
Sa video call lang kami nagkikita at nagkakausap. Sobrang lalaki na rin nila! Jusme! 'Yung mga anak na babae ni tita Sali ay mga dalaga na at may kaniya kaniya ng jowa! Reactor nga ako sa mga stories nila sa IG at FB na nagtitiktok kasama ang mga boyfriend nila.
Awit.
'Yung kuya naman nilang si Aciel ay successful na rin sa buhay habang college naman 'yung ibang mga kapatid niya. Tita Sali and her husband's business grew wider and higher hanggang sa nakaya na rin nila ang paipagamot si tita. Actually, may factory na nga sila sa pagawaan ng mga sapatos at syempre, kumukuha rin ako sa produkto na meron sila at binebenta ito sa mga boutiques ko abroad. May pangalan na nga sila sa industriya eh. Nagbuntong hininga ako. I couldn't believe we came into this part na giginhawa rin ang mga buhay namin. I remembered when I was still on high school, wala pa akong pangarap no'n sa buhay. Hindi kami mayaman dati at sakto lang ang pera namin sa pang araw araw na gastusin. I've even came to the part na mag online business ako para dagdag ng baon at expenses namin ni Seth. Ang tita ko naman ay may sakit at ang asawa nito ay construction worker lang tapos marami pa silang anak pero... tingnan mo nga anong nang naabot nila ngayon sa buhay?
Nakapagpagraduate sila ng dalawang anak 'yung iba naman ay nag aaral sa mamahaling paaralan. They built house na kasyang kasya sa kanilang lahat. They have cars, houses and lots. Totoo pala talaga ang kasabihang, "Kapag naging mabuti ka sa kapwa, bibibiyaan ka ng diyos sa langit." Tita Sali and her family accepted me and Seth when no one's willing to do so. Kahit sobrang hirap na nila sa buhay, pinatira pa rin nila kami sa kanilang bahay at pinakain. Despite of the lack of money, regardless of having a poor life, they treated me and my brother nicely.
Indeed, they deserves what they got. Kung sa iba ay ang tingin sa amin ng kapatid ko ay palamunin at sakit sa bulsa, iba sina tita. Hindi naiiba ang trato niya sa amin na pamangkin niya at sa mga anak niya. She and her husband treated us like a real children they have.
Kasalukuyan naming sinusundan ang sasakyan ni Seth patungo sa direksyon sa bahay ng tiyahin ko.
Nang huminto na siya ay huminto rin ang sinasakyan ko. Icarus went out from the car and open the door for me.
"Thank you,"
Simpleng tango lang ang tugon niya.
Isang malaki at malawak na bahay ang tumambad sa akin pagkalabas ko ng kotse. Sa harap ko ay nakaabang sa akin ay ang pamilya na kahit kailan ay hindi kami pinabayaan.
"T-tita..." My voice cracked as tears instantly fell into my cheeks.
"Maligaya kaming nakabalik ka na, anak." she said while smiling warmly at me.
Without a second thought, agad kong tinakbo ang distansya namin at umiyak doon na parang batang nawalan ng laruan.
This one feels homey and very nostalgic.
A smile broke into my lips while tears falling endlessly.
Pinapasok ako sa loob ng bahay ng pamilya kasama si Icarus. Naghanda si tita ng adobong baboy at native chicken para sa'min.
"Naku, itong kapatid mo, Sunny, napakasipag sa trabaho," puri ni tito habang nasa malaking sala nila kami at nag uusap. Catch up kuno. "Nunkang twenty four seven sa trabaho niya, minsan nalang kaming dinadalaw dito sa bahay." May pagtatampong ani Tito.
Umingos si Seth at nilantakan ang leche flan. "Eh, tito, busy lang talaga."
"Busy, busy, eh si Aciel nga madami rung trabaho pero nagagawa pa rin naman n'yang dumalaw dito sa bahay,"
"Mahal, alam mo namang 'di madali ang trabaho ng bata, pabayaan mo na," sabi ni tita sa asawa.
Napangiwi nalang si Tito. "S'ya! Ayos na 'yun basta 'wag mo lang masyadong abusuhin ang katawan mo sa trabaho, Seth. Mahirap sa panahon ngayon ang magkasakit."
"Opo naman, tito." tumango si Seth na ngayon ay may pinipindot na sa kaniyang selpon at nakangiti. "Damn, princess..."
"Seth." sinita ko siya. "Kung may kumakausap sa'yo, makinig ka, 'wag 'yong puro cellphone."
Ngumuso s'ya sa'kin bago binaba ang hawak. "Sori."
"'Yan naman ngayon ang mga kabataan, ineng. Kung hindi busy sa trabaho, busy sa social medias. Mga millennial ika nga." puna ni tita ngunit kahit siya ay may hawak rin namang iPad at naglalaro ng candy crush.
"Luh si mama apaka-hypocrite." Aciel said. "Gigil mo si ako, gurl?"
"Iba naman kasi 'tong akin, Aciel. Laro 'tong ginagawa ko, hindi pang social media."
"Luh. Eh 'yung ML ko nga sabi mo social media rin, laro naman 'yun,"
"'Wag mo nga akong sinasagot, Aciel. Malilintikan ka sa'kin, tingnan mo."
"Eh kasi naman, mama--"
"Tatahimik ka o ipapalayas kita rito sa pamamahay ko?" pananakot ni Tito na halata namang biro lang.
Napakamot nalang sa kilay si Aciel.
"Pero tama ka naman, tita. Mga kabataan ngayon ay subsob na sa internet, ni 'di na lumalabas ng bahay kakaselpon at kakapanood ng Kdramas at animes, eh."  sabat ko.
"At wattpad rin, 'te." nakangising sabi ni Coleen habang gumagalaw ang mga kilay nito.
Tumango ako at natawa nang mahina. "Oo. 'Yan kasi talaga ang number one problem ngayon. Maraming mga dalaga at binatilyong naadik sa cellphone. Alam ba nilang nakakasira ng mata ang pagbababad sa radiation? And not just that, nakakasira rin sa kalusugan ito. 'Yung iba kasi madaling araw ng nakakatulog dahil dito at napapadalang lang ang pagsunod sa wastong pag inom ng tubig kada araw. People who usually use their phones or any gadgets tends to forget how to manage and care about their health." I said, as a matter of fact.
"Coreen is the best example." Sarkastikong saad ni Aciel. "Look at her, sobrang bata pa pero sira na ang mata. Kaartehan kasi, eh."
"Hala, si kuya. Nasira lang ang mata cellphone agad ang reason? Siguro 'pag sumakit ngipin ko, cellphone rin iyong sisisihin mo,"
Aciel rolled his eyes.
Natawa ako nang mahina.
"Although social media is helpful, may mga part pa rin na hindi ito maganda. A lot of toxic people where there.. Away dito, away doon. Kaunti lang ang nakikita kong nagpo-post ng mga good advices and vibes, mostly of it were just plain, stupid arguments sa kani-kaniyang beliefs and theories and such. And when toxicity affects the young users or even sa mga mature na, doon na nagsisimula ang anxieties and self-debasement. And when the self-confidence lowered, doon na magsisimula ang pagiging mailap sa mga tao. Social interaction naman ang maapektuhan." I continued.
"Hindi ako ganiyan, ah? Makapal nga mukha ko eh," depensa ng pinsang kong dalagita.
Nagkibit balikat ako.
"What I am trying to say is, we shouldn't normalize the everyday usage of gadgets. Better use it when necessary to avoid the toxicity." sabi ko. "Atsaka, hindi lang naman sa mata nakakasira ang paggamit ng phone, 'no? It can also affect your mental health,"
"Ayan, pagsabihan mo iyan si Coreen, Araw. Kunti nalang iisipin ko na 'yang baliw, eh. Tumatawa ba naman mag-isa."
Namula ang mukha ni Coreen. "May binabasa nga ako that time! Kita mong may libro akong hawak, eh!"
"Ah, say mo lang?" Aciel teased his younger sister.
"Aciel, pangit!"
"Hmm, okay." He smirked. "Pangit ako tapos magkadugo tayo so ibig sabihin no'n may kapatid kang pangit tapos pangit ka rin. We share the same blood, Coreen. "
Mas lalong namula ang mukha ng kapatid niya. Napapadyak siya at tinapunan ng throw pillow sa mukha ang kuya. "Ugh! Kainis ka! Kainis!"
Nagtawanan kaming lahat sa asaran nila. Sumali pa kasi si Tito sa pang-aasar kay Coreen hanggang sa umiyak na ito at nagwalk-out. Hindi naman nagtagal ay bumalik na ito at nakangusong nagpalambing kay Aciel. Aciel, on the other hand, said his apology and gave her his phone. Ang sabi ay puwede siyang gumastos nang gumastos sa pag-o-online shopping.
Ngising aso naman ang tugon ni Coreen at nagtitiling umakyat sa kwarto niya.
"Ganiyan talaga 'yan sa kuya niya. Napaka-spoiled." Tito laughed. "Ewan ko ba diyan sa anak kong 'yan, malaki na pero ang isip bata pa rin,"
"She's still young, 'Pa." Aciel said and shook his head as he smiled.
"Yes, she's still young. Bente uno na nga 'di ba?" Tito sarcastically said. Nagtawanan muli sa sala.
"By the way, graduating po 'di ba si Coreen? Ano nga 'yong course niya? Engineering student po 'di ba siya?" tanong ko.
Tita flashed a smile as she nodded proudly. I guess it really runs in the blood. I remember faint memories from our grandfather, Dominador Kaye Sr. He was one hell of an engineer during his days. Ang balita ko sa kaniya ay buhay pa rin ito hanggang ngayon.
They were living somewhere in Visayas with his family and some of my aunts and uncles and other cousins. Bata pa ako no'ng huli ko siyang nakita. I think I was seven that time. Matapos no'n ay hindi ko na siya nakitang pang muli. Mom lost her contact with his dad. At mukhang walang pakialam naman iyong matandang iyon sa mama ko. He didn't even bother to attend his own daughter's funeral, which is my mom. I have no hate towards that old man but I care less shit of his existence either.
Even hearing his name is a foreign in my own ears.
But guess his blood haunt us until now.
"Nasaan pala iyong kasama mo, hija? Ba't 'di mo papasukin? Sa pagkakatanda ko ay siya iyong kasa-kasama mo rin dati no'ng nag-aaral ka pa." Tita said.
Lihim akong napangiwi. The word 'kasa-kasama' were just so hyp. I know Tita didn't intended those words as she was just looking me with those innocent doe-eyes like. Ngumiti ako sa kaniya. "Uh, nasa labas po. Ah-ano, don't worry about him, he can handle himself,"
She nodded. "Kaybilis ng panahon, 'no? Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Natatandaan ko pa ang mga panahong naglayas kami ng mama mo at napadpad dito sa maynila. We have nothing by ourselves. Until we have you," she said, pertaining to us, their children.
I can't help but to smile. Pero nagtataka pa rin ako. Gusto ko sanang magtanong kung bakit sila lumayas sa dati nilang tinitirhan. As far as I can remember, mayaman sina Mama at Tita. Bearing Kaye as your surname were already a privilege. And I can't seem to understand why they have chosen to leave those luxurious lives they've had.
Pagkatapos ng pag uusap namin ng mga pinsan ko at nina tito at tita, napagdesisyonan ko na ring umuwi. Tita convinced me na doon nalang ako matulog sa kanila pero tinanggihan ko ito dahil marami pa akong kailangang gawin. I told her that we can have a bonding next time.
Si Icarus naman kanina ay nasa loob lang ng sasakyan kanina matapos ng pananghalian namin.
"Seth, kumusta ang condo ko? Maayos na ba?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng bahay.
"Yup. Furnitures nalang ang kulang," sagot niya habang nakapulupot ang mga braso sa beywang ko.
"So pwede ko na siyang lipatan ngayon din?"
"Oo naman, pero 'yun nga lang, wala pang gamit ang loob."
Napatango ako. "'Yung mga pinabili ko sa'yong gamit ng condo ko, nabili mo ba?"
"Ide-deliver siya siguro mga bukas ng tanghali," he simply replied.
I smiled widely. "Great. Kasali ba doon ang bed ko?"
"Yeah. I've ordered three sets of bed. Isang queen size at dalawa para sa guestroom mo,"
"How about the appliances, kompleto na ba?"
"Yep. Dadating 'yun mamayang hapon. Ako nalang bahalang mag ayos nun."
"Aww... thank you, Seth." Huminto ako sa labas ng gate nina tita at hinarap siya.
He smiled and nodded his head. "No worries."
Napanguso ako. "You're kinda formal to me. Nasaan na 'yung makulit na Seth dati?"
Natawa siya. "'Di kaya ako makulit dati." he pinched my cheek. "Naninibago ka lang,"
Nagbuntong hininga ako at malungkot na napangiti. "Yeah... siguro nga. After all, it's been a decade."
Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. It's sad because we used to be close at each other when we were young. Pagkatapos ko sa klase dati at pagkauwi ko ng bahay, 'di ko talaga makakaligtaan na dalhan siya ng mga pasalubong. I used to spoil him before na kahit nasa grade ten na siya ay may vitamins pa rin akong binibili.
I used to know him... but it seemed like he's a stranger for me now. My own brother is totally a different person now.
Sumikip ang dibdib ko.
"Baka gusto mo ulit ng panyo ko?" Icarus spoke all of a sudden.
I gasped. Napahawak ako sa'king dibdib. "Putanginamoka!"
He laughed.
"Hindi ba't sinabi ko sa'yong mag signal ka kapag magsasalita ka?!"
"I'm sorry, ma'am." hingi niya ng paumanhin sa gitna ng pagtawa. "Busog lang ako."
I rolled my eyes as his laughter roared around the car.
The next day, pinuntahan ko ang condominium building kung saan ako titira. Pagkarating ko roon ay sakto namang dumating ang mga furnitures ko. My brother hired four women and two guy para tulungan ako sa pag-design ng bahay ko.
It was a good thing na rin dahil hindi na ako mahihirapan sa mga gawain.
When we finished furnishing the unit, mabilis akong nahiga sa aking malambot na kama.
Nakaalis na ang mga trabahante at si Seth at tanging kaming dalawa nalang si Icarus ang natira.
"Anong gusto mong kainin? I'll cook for our dinner." he said.
"Order nalang tayo ng pagkain, baka matagalan pa 'yan, gutom na rin ako."
"Okay," he said. "Here, use my phone and choose what food you wanna eat,"
Ibinigay niya sa'kin ang phone niya.
Bumangon ako at tinanggap ito.
"Ano password?"
"293184." he answered smoothly with a loop side smile on his lips.
Kumunot ang noo ko. May meaning kaya 'yan? Ano kaya ibig sabihin? There must be a meaning. Icarus is a kind of man who doesn't want to complicate things. Or maybe I was just paranoid?
I sighed and opened his phone. In-open ko ang food panda at bumili roon ng mga kakainin namin.
"Sa akin mo nalang i-charge ang payment." sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.
Nagkibit balikat nalang ako.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang inorder naming pagkain. I've ordered a box of pizza, fries and two big burgers. Sa ilang taon kung nanirahan sa ibang bansa ay nakasanayan ko nang gawin itong hapunan. It was convenient for me before especially dahil student ako at madalas ay busy sa klase namin. Although I don't like it, I have no other choice either.
"I thought you ordered us a dinner." kunot noong tanong niya.
"Yeah, dinner. Pizza, fries and burgers, these will be our dinner, idiot." I smiled.
"You're weird."
"Nah. It's actually pretty normal to me, especially back when I was studying abroad. I was constantly eating these kind of food everyday."
Ngumuso siya.
Natigilan ako at napakurap. I looked away and cleared my throat, my face was flushing.
"You were a nursing student before so it's an obvious that you knew it's bad for the health. It's okay to eat but not often times, but what? Everyday? Are you serious?"
I smirked to hide my embarrassment. At namula pa talaga ako ah? Eh ano naman kung ngumuso siya? It's not as if I'm gonna kiss him or what.
And what the hell am I thinking about kissing stuff?! God forbid but I'm literally wanted to kill myself right now. Kung ano ano nalang pumapasok sa isipan ko!
Pota.
"I am an hypocrite, dumbass." I said instead.
Naiiling na kinuha niya sa akin ang box ng pizza. "No to fast food."
"Icarus!" I exclaimed, horrified. "Are you fucking kidding me?! I'm so hungry right now! Are you going to starve me to death, huh?!"
He smirked mischievously as he hid the box of pizza on his back. "Nah, baby."
Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Don't call me baby! You are just my body guard!"
"What if I don't?"
"Isusumbong kita kay kuya!"
He grinned. "Aww... I'm scared." His face then, turned serious. "No to fast food. I am the boss now. Take it or leave it. Wala kang kakainin ngayong gabi kundi mga damo lang, do you understand, madame?"
My jaw literally dropped.
Masama ang tingin ang ipinukol ko sa kaniya habang sabay kaming kumakain. True to his words, we didn't ate fast foods, instead he cooked a vegetables which I hated so much. Ayaw ko sa gulay. Kumakain pa rin naman ako pero pili lang.
Halos maluwal na ako habang nginunguya ang gulay sa bibig ko. Mas lalo ko siyang sinamaan nang tingin. I couldn't believe he could be cruel! This is a plain torture for me! Kung hindi nga lang ako gutom ay hindi ako kakain nito.
"This is absurd! You are so unfair!" Padabog kong binitawan ang kubyertos at tinungga ang pitsel ng diretso.
"Life is never been fair either," he simply said with an annoying grin plastered on his lips.
"I'm done with this shit. Akin na mga pagkain ko!"
"Hindi ka pa nga nangangalahati. Take at least four big spoonful then you can have it all."
"And who are you to command me?!"
"I am your body guard, ma'am."
Mas lalong uminit ang ulo ko. "That's it! You are just my body guard! Why not act like you're one!"
"My job is to protect you at all cost, and if eating unhealthy food might harm you in any case, then might as well stop you from eating it. I won't take the risks." he said smoothly. "This is a life and death situation, one simple mistake could lead you to the latter."
"Seriously, Icarus?! Paano naman naging delikado ang pagkain ng pizza?!"
"I'm not saying it's totally dangerous. I'll let you eat it when you finished your dinner,"
Nawawalan na ako ng lakas para kumbinsihin siya. Ang sama niya!
"No..." I groaned and looked at my food with a wry expression on my face.
"Come on, ma'am. It's getting late. Kumain ka na."
Nag angat ako nang tingin sa kaniya. He knew from the very start I am not fond of any vegetables but yet, he still insisted me to eat it. Nangilid ang luha ko sa sama ng loob. My lips tugged downwards.
"W-Wala kang puso!" If someone might see me on this state right now, they would probably think I am some sort of a spoiled brat kid who justify herself from sneaking our from their house and got scolded by her parents.
He shrugged and looked at me intently in the eye. His hazel brown eyes danced with longing and tenderness as it fixed on me. Sa klase ng kaniyang tingin sa akin ay para bang marami siyang gustong sabihin at ipahiwatig na kahit siya mismo ay nahihirapan at nalilito kung paano ito gawin.
Umurong bigla ang luha ko sa nakikitang emosyong naglalaro sa kaniyang mga mata.
"Absolutely, baby. I have no heart..."
Regrets can be seen in the hollowness of his mesmerizing eyes and the familiar glistering feeling that never failed to melt me.
"...because my heart was long gone the moment you took it with you nine years ago," he then, smiled at me longingly. "I missed my heart. I missed you..."

Bình Luận Sách (34)

  • avatar

    it's my first time here, hopefully I'm going to enjoy this novel. Tragic or Endgame still rooting for nice plot

    17/01/2022

      5
  • avatar
    WritesFritzz

    A STORY THAT TACKLES REALITY. MENTAL HEALTH, FAMILY ISSUES, SCHOOL PROBLEMS, FINANCIAL ETC

    09/01/2022

      3
  • avatar
    Rio Gran De

    Super Nice

    06/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất