logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

ANG tagal gumising ni Markus kaya naglibot muna ako sa bahay nila, tutal hindi naman nila ako nakikita.
Nakita ko na rin ang mommy at daddy niya, mukha silang masungit lalo na ang mommy niya. Kaya pala ganun na lang ang takot niya sa Mommy niya.
Nakarating na ako sa labas at nakita ko nanaman 'yong bahay na katapat nila Jden, napatingin ako sa bintana at nakita ko ang isang babae na umiiyak, mga nasa middle age na siguro.
‘Luha? totoo ba toh? Lumuluha ako?’ tanong ko sa sarili ko nang may tubig na dumadaloy sa pisngi ko.
Hindi ko naman siya kilala pero nadudurog ang puso ko kapag tinititigan siya. Isa ba siya sa importanteng tao sa buhay ko? Bakit hindi ko mapigilang maluha?
“Nandito ka lang pala,” boses ni Markus. Lumingon ako sa kanya at napakunot ang noo niya nang nakita niya akong umiiyak.
“Bakit ka umiiyak?” Gulat niyang tanong.
“Hindi ko nga alam kong bakit ako nagkakaganito,” sagot ko.
“Bakit may relo dito?” tanong niya, lumapit siya sa gate ng bahay at pinulot ang isang silver na relo.
~~~
“Happy Birthday to you, Happy Birthday to you,” kanta nila sa akin at habang pumapalakpak.
“Blow your cake,” sabi ng isang babae na sa tingin ko ay ang mommy ko, pero ang mukha niya at ang ibang tao ay hindi ko maaninag na parang may usok na nakatakip sa mga mukha nila. Humalik siya sa noo ko at ngumiti ng malapad pagkatapos kong hipan ang kandila ng cake.
“Your gift,” bulong niya at binigay ang isang maliit na kahon, binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang silver na relo. “Sana ingatan mo 'yan,” dagdag pa niya. Tumango ako at ngumiti bilang sagot.
“Mom, Sam tingin kayo sa camera,” sabi ng isang lalaki na may hawak na camera.
~~~
“Ok ka lang?” tanong ni Markus.
“Oo, ayos lang ako,” sabi ko nang mabalik ako sa reyalidad. “May naaalala lang ako tungkol dyan sa relong hawak mo,”
“Anong naalala mo?”
“Kung hindi ako nagkakamali regalo ito sa akin ni mommy nung birthday ko,” hindi pa rin tumitigil ang mga luha sa pag-agos nito.
“Ano pa?” tanong niya at hinihintay ang susunod na sasabihin ko.
“Hanggang doon lang ang naalala ko,”
Someone's POV
Napatingin ang babae sa baba mula sa bintana at nakita nito si Markus na hawak-hawak ang relong iniregalo nito sa anak.
Tumigil ito sa pagiyak at inilapag ang larawang yakap-yakap.
“Sana gumising ka na,” bulong ng babae at hinalikan ang larawan.
Kahit na isa siyang doctor at pagmamay-ari ng isang hospital ay wala siyang magawa kundi ang hintaying gumising ang bunso niyang anak.
Dali-daling bumaba ang babae upang kunin ang relo, pero wala na doon si Markus. Napayakap nalang ito sa sarili ng dumampi ang malamig na hangin sa kanyang katawan, at unti-unti nanamang dumaloy ang tubig mula sa kanyang mata.
“Ma, papasok na po ako” pagpapaalam ng panganay niyang anak.
“huwag na po kayong umiyak, gigising din po siya,” sabi pa nito nang makita na umiiyak ang mommy niya.
“Sana nga . . . .sige na at baka ma-late ka pa.” Habang nagpupunas ng luha.
Bumalik na siya sa loob at nagbihis, pupunta siya hospital at titignan ang mga pasyente niya pati na rin ang anak niya.
Mabilis siyang nakarating sa hospital, buti at walang traffic. Agad siyang tumungo siya room ng kanyang anak.
“Good morning po Doc.” bati sa kanya ng nurse na umaasikaso sa anak niya.
“Good morning din, kamusta ang lagay niya?” tanong niya.
“Fighter po ang anak niyo doc, kanina bahagyang gumalaw ang daliri niya sa kamay,” sagot ng nurse.
Pinagmasdan niya ang anak na mukhang natutulog lamang, ngunit walang kasiguraduhan kung kailan ito gigising.
Sam's POV
“Tara na sa loob Sam,” sabi ni Markus.
“Mauna ka na dito muna ako.” sagot ko.
Pumasok na si Markus sa gate nila na sakto namang paglabas nung babae. Lumapit ako sa harap niya at napayakap naman ito sa sarili niya, unti-unti ring dumadaloy ang luha niya.
---
Nandito na ako sa kwarto, si Markus naman ay nag-breakfast kasama ang parents niya.
Hindi ko pa rin makalinutan yung nangyari kanina, nung lumabas yung babae at napayakap sa sarili, pakiramdam ko ako ang niyayakap niya.
Sana tama ang kutob ko na siya ang mommy ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Markus, lumapit siya sa closet niya at kumuha ng mga damit.
“Mag-s-shower lang ako tapos aalis na tayo,” sabi niya at dali-daling pumasok sa cr.
‘Huh, san naman kaya kami pupunta?’ bulong ko.
Ilang saglit lang at lumabas na si Markus at talagang bihis na bihis siya.
“Tara na?” tanong niya. Tumango na lang ako bilang sagot.
Sumakay kami sa kotse niya at agad itong pinaandar. May kotse naman pala siya ba't siya naglalakad pa puntang park, pero . . . sabagay nalapit yung park saka sayang sa gas.
Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa labas at baka sakaling may alaalang pumasok sa utak ko. Minsan at napapatingin ako rear mirror at sakto naman tumitingin din si Markus.
Huminto na ang kotse, siguro nandito na kami. Nilibot ko ang mata ko at bigla akong natakot sa nakita ko, mga naglalakiha at nagtataasang rides gaya ng rollercoaster , parang ayoko nang lumbas.
Wala na akong magagawa nandito na ako, laban! Mukha yatang madodouble dead ako nito. ‘Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano basta fight lang ng fight’ sabi ko sa isip ko.
Napakunot ang noo ko nang makitang walang tao, as in wala ni isang tao.
“Pinasara ko muna, tayong dalawa lang ang nandito.” Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Teka lang, ang ibig sabihin itong buong amusement park ay sa kanila?, ang cool naman.
“Oo saamin ito, kaya pwede kong ipasara kahit kailan ko gusto, saka ayukong makita ako ng mga tao na nagsasalita ng mag-isa.” May lahi ba siyang mind reader, lagi na lang niyang nababasa ang nasa utak ko.
Pero sabagay kung makikita nga naman siya na kausap ako ay magmumukha talaga siyang baliw.
Inuna namin ang roller coaster at sobrang nakakatawa ang nagyari. Dahil tumatagos ako sa kahit na anong bagay ay naiwan ako nang biglang bumilis ang rollercoaster.
Lalo pa akong natawa nang bumaba na si Markus sa rollercoaster, mukha siyang zombie maglakad dahil sa sobrang hilo.
Mabilis na lumipas ang oras at inabot na kami dito ng gabi, dito na nga rin siya kumain ng tanghalian kanina, ngayon ay pauwi na kami.
Pagsakay ko sa kotse ay nakaramdam ako ng takot at isa lang ang ibig sabihin nito, nandito nanaman siya. Napatingin ako sa rear mirror at nakita ko siya.
“Mukhang ang saya-saya mo?” Napalingon ako sa gilid ko nang lumipat ito sa tabi ko. “Huwag kang masyadong magpakasaya, dahil apat na araw na lang ang natitira.”
“Bakit Sam, may problema ba?” Napunta kay Markus ang tingin ko ng magtanong ito. Nang ibalik ko ang tingin ko sa gilid ko ay wala na siya.
“Ahh wala, umalis na tayo,” sabi ko at binigyan ko siya ng pekeng ngiti.

Bình Luận Sách (80)

  • avatar
    RanarioDonna Mae

    g2ood job, ang galing ng kwento, kahit medyo nalito ako sa umpisa maganda naman. keep it up

    20/01/2022

      0
  • avatar
    EmoyFilzah

    great

    20/07

      0
  • avatar
    NanaJean

    nice story

    30/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất