logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Weight of Love | Chapter 5

MALALIM na nagbuga ng hangin ang ama ni Dory at umupo sa isang gulong na nasa harapan niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at binigyan siya ng isang napakagandang ngiti.
“Mahal ka ng Mama mo, Dory. Hindi porke pinapagalitan ka niya dahil. . .” Muli itong napabuntong-hininga. “Ang pagmamahal ng isang ina ay 'wag na 'wag mong kukwestiyonin, Dory. Ang pagmamahal ng isang ina ay mas matigas pa sa bakal. Mas malakas pa sa hangin ng bagyo. Ang pagmamahal ng isang ina ay hinding hindi mo matitibag kahit gaano pang kasakit ang pinagdadaanan niya,” mahabang litanya ng kanyang ama na nakapagpatulo ng mga luha niya. Ito na ang nagpunas niyon.
“Kung gano’n bakit po ganoon ang trato niya sa akin? Pakiramdam ko hindi niya ako mahal. Pakiramdam ko hindi niya ako tanggap dahil. . . D-dahil ganito ang katawan ko.” May halong hinanakit ang lungkot sa boses niya nang sabihin iyon.
“Alam mo bang siya ang unang nasasaktan kapag nakikita ka niyang nasasaktan, anak?”  Umiling siya sa tanong na iyon ng kanyang ama. Muli itong ngumiti at pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. “Nasasaktan siya kapag nakakarinig siya ng masasakit na bagay tungkol sa’yo. Parati siyang umiiyak sa tuwing umiiyak ka. Nalulungkot siya kapag napapagalitan ka niya pero wala siyang maisip na ibang paraan para maturuan ka. Ang ipinapakita niya sa’yo ay kilos ng pagmamahal, anak. Dahil gusto niyang mapabuti ka. At gusto niyang sa mismong tahanan natin iyon unang mangyayari.”
“Kung gano’n. . . Mahal niya ako?” umiiyak na aniya. Hindi pa makapaniwala sa katotohanang mahal siya ng ina.
Tumango ang kanyang ama. “Mahal na mahal, anak. Gagawin niya ang lahat para sa inyong magkakapatid. Palagi mong iisipin na siya ang unang tumanggap sa’yo sa kung ano ka. At walang mali sa’yo, anak. Ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay namin ng Mama mo. Kayo ng mga kapatid mo.”
Humahagulgol siyang napakayakap sa kanyang ama matapos marinig ang lahat ng iyon. At lalong nabuwag ang mga tubig sa kanyang mga mata nang makita ang kanyang ina na nakatayo sa likod ng kanyang ama habang luhaang nakatingin sa kanila. Napalingon ang kanyang ama kung nasaan ang kanyang ina. Nang lumayo sa kanya ang kanyang ama ay doon pa lang mabilis na lumapit ang kanyang ina at mahigpit siyang niyakap. Luhaan ang maganda nitong mukha nang muli siyang harapin at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
“Anak, patawarin mo ako. Iyon lang ang naisip ko para magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo.
Hindi ko alam na ganoon ang dating sa’yo ng lahat ng ginagawa ko. Patawarin mo ako, anak!Patawarin mo si mama.” Mahigpit muli siyang niyakap ng kanyang ina habang pareho nagpapaligsahan ang kanilang mga luha. “Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, anak.”
Lahat ng sinabi ng kanyang ina noong mga oras na iyon ay binura ang mga sakit na nararamdaman niya sa ilang taon. Ganoong kabilis.
“Mahal na mahal din po kita, 'Ma!”
Matapos ang tagpong iyon ay parang binunot sa puso niya ang lahat ng sama ng loob at walang itinira doon kung 'di labis na saya. Kinagabihan ay tinabihan siya ng kanyang ina sa kanyang kwarto. Sinabi nito ang lahat-lahat ng gusto niyang malaman.
Doon niya napag-alaman na parati pa lang nakikipag-away ang kanyang ina sa kanilang kapitbahay tuwing may naririnig na masakit tungkol sa kanya. Palagi nitong lihim na pinapagalitan ang mga kapatid niya tuwing tinutukso siya pero sadyang matigas ang ulo ng mga ito. Gusto nitong bilihan siya ng mga damit na katulad ng sa mga kapatid niya dahil gusto nitong magkaroon siya ng confident sa sarili, pero walang lakas ng loob ang kanyang ina na gawin iyon dahil naiisip nito na baka lalo siyang tuksuhin ng mga tao at ayaw nito ng ganoon.
Iyak siya nang iyak habang pinapakinggan ang kanyang ina. Wala siyang ka-ide-ideya na ganoon pala ang ginagawa nito. Kung alam niya lang hindi na sana siya nagtanim ng sama ng loob dito. Hindi na sana niya kinwestiyon ang pagmamahal nito. Isang salita ang pinakatumatak sa isip ni Dorothy na sinabi ng kanyang ina nang gabing iyon.
“You’re a God’s gift, Dorothy.”
Kinabukasan ay hindi mapakali si Dorothy. Gustong gusto na niyang pumunta sa rooftop para makita si Link. Ang taong tumanggap sa kanya at itinuring siyang kaibigan ng walang pagdadalawang isip. Gusto niya itong makita para masabi rito ang magandang balita. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng huling klase niya sa umagang iyon ay mabilis siyang tumakbo papunta sa rooftop.
“Hoy, si Majin Buu tumatakbo! Tabi kayo!”
“Dorothy kapag tumumba ka ang laki mong dagasa!”
“Mapipirat ako kapag nadaganan mo, Majin Buu!”
Naririnig niya pa ang panunukso ng mga estudyante habang tumatakbo siya patungk sa rooftop pero hindi niyon naalis ang masayang nararamdaman niya. Nang makarating sa rooftop ay hinihingal siyang napahawak sa doorknob matapos buksan ang pinto. Napangiti siya nang makita si Link. Nakatutok ang paningin nito sa libro.
Kakaibang saya ang nararamdaman niya sa puso habang nakatingin sa mukha ng lalaki. Parang may humahaplos sa kanyang puso at nagbibigay iyon ng kilig.
Tumayo agad si Link nang malingunan siya. Nag-umpisa siyang maglakad palapit dito. At hindi niya napigilang yakapin ito nang napakahigpit nang tuluyang makalapit dito. Rinig niya ang tawa nito.
“Salamat, Link! Maraming maraming salamat!”
Mahigpit na yakap ang iginanti sa kanya ni Link. Sa mga oras na iyon, habang magkayakap silang dalawa ay alam na ni Dorothy sa sarili na may nararamdaman siyang kakaiba para sa lalaki.
Ang malamang tanggap siya ng kanyang ina ang nakapagpakulay ng madilim niyang mundo at ang makasama si Link ay nagmistulang bahaghari. Nagbigay ito ng pag-asa sa buhay niya at wala na siyang mahihiling pa.
Abot-tenga ang ngiti nito nang maghiwalay sila. Titig na titig ito sa kanyang labi bago nag-angat ng tingin sa kanyang mga mata. May kaginhawanan siyang nabakas sa ginawa nitong pagbuntong-hininga.
“Sa wakas nakita rin kitang masaya.”

Bình Luận Sách (45)

  • avatar
    Reynald Bernardo

    excellence

    12d

      0
  • avatar
    Hailey Warain

    uyww

    15/08

      0
  • avatar
    ۦۦ ۦۦ

    thanks ulit

    05/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất