logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7: DEATHKilling is the key for your success.

Chapter seven: DEATH
"Killing is the key for your success. If you want to survive, then kill."
-Levinston Stine
____________________________________________________________
ANGELA POV
Sunod lang ako ng sunod sa feather na ito. Baka kasi mamaya mawala din ito sa paningin ko, at baka tuluyan ko ng hindi mahahanap si tita Cass. Mahirap na, wala pa naman akong mapa.
Kahit na kasi sinasabi ni lola, na ako si Dora, ay wala naman akong dalang mapa. Ewan ko ba kay map, at bakit hindi sumama. Hindi ko rin kasama si Boots dahil galit yon sa akin. Tyaka ako nga itong nang iwan, iniwan sila ng mabilisan.
Nagulat ako ng bigla nalang bumagsak ang feather sa sahig, sa tapat ng isang pinto. Nako patay. Nawalan na ata ng magic.
'Ano ng gagawin ko? 'Yun na nga lang ang makakapagdala sa akin kay Tita Cass, hindi pa gagana.
Napatingin na lamang ako dito, balak ko na sana itong pulutin ng bigla nalang bumukas ang pintuan sa aking harapan.
"Ako na nga ang mag hahanap sa batang yun. Wala ka namang kwenta. Paki enroll nalang sya at baka mabugbog lang kita ng wala sa oras." 'Sa wakas na hanap ko narin sya. Akala ko talaga hindi ko na sya makikita. Thank you feather, thank you engkanto. Thank you ng marami.'
"Tita Cass?" Napalingon naman ito sa akin at nanlaki ang mata. "Halla kang bata ka, saan ka nag-susuot aber. Kanina pa kita hinahanap." Sabi nito sabay batok sa akin.
'Aray ko po! Kakahanap ko lang sa kanya, batok agad sasalubong sa akin. Grabe, nagpaka Dora the Explorer na nga ako. Ganito pa ang matatanggap ko.'
"Eh kasi tita nawala ako. Buti nalang may tumulong sa akin." 'Hindi ko nga lang kilala. Pero kahit na hindi ko siya kilala, thankful parin ako sa pagtulong niya sa akin'.
"Buti naman. Halika na nga dito sa loob at may ipapakilala ako sayo." Sabi nito sabay hila sa akin papunta sa loob ng silid, na pinanggalingan niya.
Pagpasok ko, hindi ko maiwasang igala ang aking mga mata.
'Ang gara, may pa book shelf. Wew, ang creepy. May bahid talaga ng dugo? Grrr mukhang sariwa pa.'
"Oh nag balik ka ate. Sabi ko na nga ba't hindi mo ako matitiis. Ang gwapo ko kasi." Mabilis na naglihis ang aking mata at napatingin sa lalaking nag salita.
'Grabe ang hangin naman ng lalaking ito. Kasing hangin ni tita Cass.'
Mukhang hindi niya pa ako napapansin ah. "Hindi ako pumunta dito para sayo. Cause I'm here to enroll this young lady beside me." Oy lady daw. Seventeen palang ako ay.
Ngumiti na lamang ako dito. "Hello po, ako po si Angela Melody V. Stine. A transfery from mortal world." Lakas maka english.
"Ow ikaw na pala yan. Ako naman si Levinston Stine. The young hundsome brother of Cassandra Stine and the headmaster of this academy. And you can call me Tito Levi." 'Tito Levi? Payag siyang tawagin ko siya ng ganon, eh hindi naman niya ako pamangkin at tyaka, ang bata niya pa para tawaging tito. Pero bakit kami magkaparehas ng apelyedo. Baka co-incidence lang.'
"Ah okay po headmaster, I mean tito Levi." Nako mas matanda pa ata ako kung titignan. Nakakahiya ito pagnagkataon.
"Hahaha silly girl. Umupo na nga kayo dito. At ikaw Angela paki fill up nalang ng form na ito." Kaagad ko namang inabot ang papel at sinagutan.
'Hmm, grabeng mga questions to ha. Wala naman akong magic o abilities.'
"So Angela, may idea ka naba kung anong klaseng paaralan itong pinasukan mo?" 'Idea? '
"Ahh konti po. Alam kuna, na itong academy na ito ay isang paaralan para sa mga nilalang na kakaiba. Tulad nalang ng mga bampira, lobo, witch at kung ano-ano pa. Pero hindi ko parin po alam kung bakit ako nandito." Tama, bakit nga ba ako nandito, e hindi naman ako tulad nila. Ni wala nga rin akong kapuranggit na kapangyarihan.
"Let me tell you. Nandito ka sa paaralang ito dahil katulad ka namin. Nandito ka para hasain ang iyong mga kakayahan at alamin kung sino ka talaga." 'Alamin kong sino ba talaga ako? Eh kilala ko naman na ang sarili ko. At anong hasain ang kakayahan, eh wala nga ako non. Except nalang kung kakayahang matulog at kumain ang tinutukoy nya.'
"Once na sabihin ko pa kung ano ang meron sa paaralang ito ay hindi kana maaaring mag drop out pa." Mag dro-drop out pa ba ako? Eh gustong gusto ko dito. Lahat ng impossible naging possible, ng makatapak ako sa paaralang ito. At tyaka libre tuition fee at mga gastusin, makakapagtipid ako.
"Hindi po ako mag dra-drop out." Sabi ko na ikinangiti niya lang. Ang creepy ng ngiti niya ha. Parang si chukie.
"Well this academy is not an ordinary academy for creatures like vampire. But an academy where in, your going to fight for your own life." Seryuso itong nakatingin sa akin, habang sinasabi ang mga salitang iyon.
'Fight for my own life? Ano to, patayan?'
"What do you mean Tito Levi?"
"Ang paaralang ito, ay paaralan ng mga demonyo. Mga hayok sa dugo at laman. At ikaw ay isa sa mga putaheng nakahain para sa kanila. Tuwing alas dose ng gabi, lumalabas ang pagiging demonyo naming lahat. Nawawalan kami ng kontrol sa sarili, sa oras na iyon. At kakain ng kahit anong uring nilalang. Kaya sa paaralang ito, kung hindi ka papatay ikaw ang mamamatay. Dahil sa paaralang ito wala kang pwedeng pag katiwalaan. Walang kadugo-kadugo, walang kaibi-kaibigan." Hindi ko alam kung matatakot ba, ako dahil sa mga sinasabi niya. Pero isa lang ang sigurado ako. This school is like the Hell University na nababasa ko sa novelah. Ang ipinagkaiba nga lang, ang paaralang ito ay mas malala ng ilang porsyento. Dahil sa paaralang ito, halimaw ang kalaban mo.
"Maaari parin po ba akong umalis dito?" Hindi naman siguro ito tulad ng nababasa ko hindi ba. Na once you enter theres no turning back.
Nakatingin lamang ako sa kaniya at nag-hihintay ng kaniyang kasagutan.
"Oo naman..." Pero parang nawalan nalang ako ng dugo, sa sunod niyang sinabi.
Hindi, hindi maaari. Wala na akong kawala. Ayaw ko siyang mawala, pero ayaw ko rin namang makipag patentero kay kamatayan. Nung nalaman kung may mga kakaibang nilalang dito, gustong gusto ko kasi nakaka-excite at parang ang saya lang na makakasama at makakasalumuha, yung mga nilalang na impossibleng mag-exist. Pero ngayon ayaw ko na. Ayaw kong makasalamuha ang mga demonyo sa paaralang ito. Pero ayaw ko namang mawala si lola. Sya nalang ang meron ako.
"Ano Angela? Gusto mo parin bang umalis dito, kahit na ang kapalit ng pag alis mo ay ang buhay ni Anita? Madali akong kausap Angela. Hahayaan kitang lumabas sa paaralang ito, pero sa bawat pag hakbang mo paalis. Ay siya namang unti-unting pagkawala ng kawawa mong lola." Bakit? Bakit kanina ang jolly jolly nya. Pero ngayon para na siyang demonyo?
Napatingin ako kay tita Cass, na wala man lang pakialam sa mga naririnig. Pero ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya, bigla nalang ako nitong binigyan ng isang nakakakilabot na ngiti.
"Tita Cass?" Tawag ko sa kanya, pero isang malamig lamang na tingin, ang ibinigay niya sa akin.
"Angela hindi ka matutulungan ni ate dahil wala syang pakialam sayo, lalong lalo na sa lola mo." Malademonyo nitong sabi habang tumatawa.
"Pero bestfriend nya si lola." 'Magkaibigan silang dalawa. Paano niya nagawa ito? Nagawa niya pang mag promise kay lola pero hindi niya rin pala tutuparin.'
"Bestfriend? O best blood giver? Ang lola mo ang supply ni Ate ng dugo. Dahil yun ang kabayaran ng pagnanakaw niya sa Death and Alive book. Pinakialaman niya ang libro at binuhay ang
Nanay mo. Na napatay din naman namin." Paanong? They killed my mother. Sila ang dahilan kung bakit hindi ko man lang nasilayan ang aking ina. Sila ang dahilan kung bakit hindi ko man lang sya na kilala. At ngayon sila ang magiging dahilan ng paghihirap ko.
"At isa pa pala. Natatandaan mo ba kung ano ang sinabi ko?"
"Once na sabihin ko pa kung ano ang meron sa paaralang ito ay hindi kana maaaring mag drop out pa."
"Hindi kana maaaring mag drop out pa."
Wala na akong kawala, umalis man ako dito wala narin namang kwenta ang buhay ko. Dahil mawawala si lola, at lagi nila gagawing miserable ang buhay ko.
"Kung ako sayo Miss Stine, aalis na ako sa opisinang ito at aayusin ang gamit ko sa dorm. At isa pa pala, lagi mong isarado o ipadlock ang bintana at pintuan mo kung ayaw mong mamatay ng maaga." Napatingin muna ako sa kanya bago humakbang paalis. Pero hindi paman ako nakakalabas, dalawang sentence ng salita ang mas nakapag pagulo sa akin ng husto. Mga salitang hindi ko kayang gawin.
"Killing is the key for your success. If you want to survive, then kill."

Bình Luận Sách (168)

  • avatar
    Longcob Ryan

    isn't this a scam?

    10d

      0
  • avatar
    Jamz Ubjail

    Nice

    11d

      0
  • avatar
    PJ Rasuman

    so amazing

    21/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất