logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5: New School It's innocence when it charms us, ignorance when it doesn't. - Mignon McLaughlin

Chapter five: New School
It's innocence when it charms us, ignorance when it doesn't.
- Mignon McLaughlin
____________________________________________________________
THIRDPERSON POV
Ang dalawang babaeng magkaharap sa sala ay seryusong nag-uusap patungkol sa dalaga.
"Kaylan pa siya nakakapanaginip ng mga ganon bagay?" Seryusong tanong ni Cassandra kay Anita na walang ibang ginawa kung hindi ay ang bumuntong hininga.
Hindi parin kasi makapaniwala ang matanda, na ngayon na ang araw kung saan kaylangan ng mag-aral ng kanyang apo sa isang paaralang hindi ordinaryo.
Kung noon ay nailalayo niya pa ito sa mga bagay na may kinalaman sa ama nito. Ngayon ay wala na siyang kawala, dahil ito na talaga ang kapalaran ni Angela.
"Simula ng mag sixteen siya. Kung ano ano nang pangyayari ang nakikita niya sa kaniyang panaginip." Sagot nito habang nakatingin sa kwarto ng kaniyang apo.
"Hindi kaya may kinalaman ito sa kaniyang mga magulang?" Tanong ni Cassandra habang nakahawak sa kaniyang baba.
"Yan ang hindi ko masasagot sa ngayon Cassandra. Dahil ako man ay walang ideya sa mga napapaginipan niya. Alam nating dalawa na mortal lamang ang aking anak, ang kanyang Ina. Samantalang isang hybrid ang kanyang ama. Isang bawal na pag-iibigan na siya ang bunga. Pero ano ang magagawa ko? Ilang ulit ko na siyang inilalayo sa inyo at nag-babakasakaling isa lamang siyang mortal katulad ng aking anak. Ngunit tadhana na ang nag-udyok na sya ay kauri nyo. Kaya anong laban ko?" Hindi na napigilan ni Anita na lumuha habang sinasabi ang mga iyon sa kaibigan.
Wala ring magawa ang kaibigan nitong si Cassandra kundi ay ang titigan siya. Dahil gustuhin man siya nitong tulungan. Alam niyang ang makakalaban nila ay ang Supreme Council na siguradong mapaparusahan lamang sila, na maaari pa nilang ikamatay.
"Huwag kang mag-alala sa apo mo Anita. Babantayan at aalagaan ko siya katulad ng pag-aalaga mo. Hindi ko hahayaan masakatan siya ng mga kauri namin. Hindi ko siya pababayaan, pangako iyan." Dahil sa narinig, napanatag ang kalooban ng matanda. Knowing na may handa ng mag alaga sa kanyang apo habang hindi niya ka piling.
"Salamat sa lahat ng tulong mo Cass. Napaka buti mong bampirang kaibigan." Sabi nito na ikinangiti lamang ng isa.
Im not just a vampire my friend, i am also a demon. A hybrid to be exact.
"Nako itigil na nga natin itong kadramahan natin at baka mauwi lamang ito sa iyakan. Magtaka pa iyong apo mo na walang ginawa kung hindi ay ang matulog." Natatawang sabi ni Cassandra, trying to light up the atmosphere.
"Ay oo nga, halika na sa kusina at ipag-hahanda ko pa ng makakain ang batang yun.
"Siguradong nag-wawala na ang alaga niya sa bituka." Napatawa nalang ang dalawa at sabay na nagtungo sa kusina.
Samantalang ang dalaga namang si Angela ay natutuwang pinapanuod lamang ang dalawa na masayang nag-kwekwentuhan. Hindi rin maiwasan ng dalaga na ngumiti dahil sa nasasaksihan. Ngayon na lamang kasi naging madaldal ang lola niya sa ibang tao na ikinatutuwa niya.
"Grabe naman, parang kayo naman ata ang mag apo eh." Sabi ng dalaga na nakapag-pagulat sa dalawa.
"Nako kanina kapa ba diyan. Halika na ngang bata ka at ng makapag agahan kana. At ng maaga narin kayong maka alis. " Sabi ni Lola Anita habang inilalapag ang ulam.
Dahil sa narinig hindi maiwasan ng dalagang bumasangot sa harap ng dalawa. Hindi rin kasi sya na a-awkward na nandito ang babaeng nakita nya kahapon sa office ng principal. Pakiramdam ng dalaga hindi siya nito pababayaan, which is weird for her.
"Ano ba naman 'yan lola, pinapaalis niyo na agad ako. Ganyan niyo na ba talaga ako kadisgusto." Sabi nito sabay hawak sa kanyang dibdib at pa pahid pahid sa kanyang invisible na luha.
"Ikaw talagang bata ka. Halla't kumain kana nga dito. At tigil tigilan mo ako diyan sa kadramahan mo." Panenermon ng matanda.
"Ouch! Ang sakit lola, tinatakwil niyo na ako." Sabi ng dalaga habang peking umiiyak.
Napailing nalang si Cassandra sa kanyang nasasaksihan.
Samantalang gulat na gulat naman ang dalagang si Angela ng hilain siya paupo ng kanyang lola sa isang silya. "Mag tigil kang bata ka. Nakakahiya sa bisita." Sabi ng matanda sabay kurot sa tagiliran nito. Wala nalang ibang nagawa ang dalaga kung hindi dumaing sa sakit.
Habang nagsasandok ito ng makakain hindi niya maiwasang mapatingin sa kanilang bisita na nagsasalin ng wine sa baso. Ang aga aga nag wiwine na. Wala pa atang balak mag almusal. Sabi nito sa kanyang isip na hindi nakatakas sa pandinig ni Cassandra. Napangisi na lamang ito at ipinag sa walang bahala ang narinig.
Aabutin na sana ng dalaga ang bote ng wine ng bigla nalang itong tampalin ng kanyang lola. "Aray! Titikim lang naman ako eh." Pagdadahilan nito na ikinataas lamang ng kilay ng matanda. "Ang aga aga iinom ka nyan."
"Eh bakit sya lola umiinom nga." Pag dadahilan nitong muli, kaya nakatanggap na lamang sya ng isang masakit na pingot sa tenga.
"Kumain ka nalang dyaan. Ang dami dami mo pang nalalaman." Sabay kuha ng matanda ng ulam.
Dahil sa narinig ipinag-patuloy na lamang muli ng dalaga ang pag kain.
Matapos nilang mag umagahan napag-pasyahan na ng dalawa na umalis at mag paalam sa matanda.
"Lola aalis na po kami ha? Mag iingat po kayo dito. Lagi niyo pong isarado at ipadlock yung pintuan at bintana. Wag na wag din po kayong magpapapasok ng kung sino sino dito sa bahay. Uso pa naman po ngayon ang magnanakaw at budol budol." Pag-papaalala nito sa kanyang lola.
"Ikaw ang mag iingat doon. Wag na wag kang magtitiwala sa kahit kanino, kapag nakatapak kana sa paaralang iyon. Kapag may kaylangan ka, lagi mo lang tawagan ang babaeng ito." Sabi nito sabay turo kay Cassandra na nakangiti lamang sa dalawa.
"Siya ang tita Cassandra mo. Matutulungan ka niyang makapag-adjust sa lugar na iyon. Lahat ng mga katanungan sa isip mo ay siya na ang sa sagot. Alagaan mo din ang sarili mo roon, wag na wag kang magpapalipas ng gutom. At higit sa lahat, wag na wag kang mag kakamaling mag boyfriend. Bata kapa, marami pang pwedeng dumating na lalaki sa buhay mo. Mag-aral ka muna bago lumandi. Dahil sa oras na malaman kung kumaringking kana, asahan mong kakalbuhin kita." Hindi maiwasang mapangiwi ng dalaga dito. Sino ba naman kasi ang papatol sa isang manang na katulad niya. Walang ayos sa sarili at palaging natutulog sa klase.
"Lola, paulit-ulit niyo nalang sinasabi ang bagay na iyan. Halos makabisado ko na nga. Tyaka matanda na ako, im already seventeen. Alam ko na lahat ng ginagawa ko." Sabi nito na ikinailing lamang ng isa.
"Diyaan ka nagkakamali. Hindi porket Seventeen kana kaya mo nang gumawa ng tamang desisyon. Tandaan mo wala kapa sa wastong gulang kaya dapat ka paring makinig sa akin. Lagi mo ring itatak dyan sa iyong isipan, na hindi ka dapat gumawa ng isang desisyon na maaari mong pag-sisihan sa huli. Dapat kumunsulta ka muna sa mga mas nakakatanda sa iyo. Dahil kahit sabihin mong seventeen kana, kaylangan mo parin ng gabay." Dahil sa narinig hindi maiwasan ng dalaga na mainis dahil lagi nalang hadlang ang kanyang lola sa mga bagay na gusto nya.
Alam naman niyang ang iniisip lang nito ay ang kanyang kapakanan, pero hindi niya talaga maiwasang mainis.
Pasimple na lamang itong napairap na hindi naman nakatakas sa paningin ng matanda. "Ako'y tigil tigilan mo diyaan sa ka iirap mo Angela. Kapakanan mo lang ang iniisip ko, at baka matusok ko rin ng wala sa oras yang mata mo." Sabi nito na ikinabuntong hininga na lamang ng dalaga.
Natatawa namang na nanood ang kanyang sundo sa mga nasasaksihan nito.
"Ikaw Cassandra, bantayan mo ng mabuti ang batang 'to at baka kung saan-saan na naman magsusuot. Mahilig pa naman 'yan sa adventure. Si Dora the Explorer ata. At ikaw Angela, lagi mong ipapaalam kay Cassandra lahat ng pupuntahan mo. Kung balak mong mag explore, magpasama ka sa kaniya." Dahil sa narinig hindi maiwasang mahiya ng dalaga sa kanyang sundo. Pakiramdam nito, gusto na naman siyang baby-hin ng kanyang lola.
Hindi naman na kasi ito bata, pero kung iturin ng matanda ay parang isang batang paslit, na dapat laging bantayan.
"Oo naman Anita. Aalagaan ko ng mabuti itong apo mo." Dahil sa narinig napangiti na lamang ang matanda, habang napasimangot na lamang ang dalaga. Dahil kahit sa bagong eskuwelahan na papasukan niya ay may roon siyang bantay.
"Oh sige na at umalis na kayo. Mag iingat kayo sa byahe ha. Ikaw Angela ang mga paalala ko sayo ha?"
"Opo lola." Sagot ng dalaga sabay yakap sa kanyang kaisa-isang kinikilalang lola. Hindi narin napigilan ni Cassandra ang sarili at kaagad na nakisali sa yakapan ng dalawa.
"Mamimiss po kita lola. Huwag po kayong mag-alala dadalawin ko po kayo dito kapag may time po ako." Sabi ng dalaga habang hindi bumibitaw sa yakap.
"Hindi mangyayari iyon apo. Dahil once a year lang kayo pwedeng lumabas sa paaralang iyon. Di bali nalang kung may emergency." Hindi maiwasang magtaka ng dalaga sa sinabi ng kanyang lola ngunit ipinag sa walang bahala nya na lamang ito.
Unti unting bumitaw ang dalawa at binitbit ang dalawang maleta sabay pasok sa loob ng kotse. Hindi pa nakakaalis ang sasakyan ng bumukas itong muli. At sa muling pag kakataon ay niyakap ng mahigpit ni Angela ang kaniyang lola bago bumalik sa loob.
Napangiti na lamang ang matanda habang naka tanaw sa sasakyang papaalis.
"Sa paaralang iyon mo matatagpuan at malalaman lahat ng sekretong ikinubli ng kay tagal. Umaasa akong sa muli mong pag babalik, ikaw parin ang apo ko kahit na malaman muna ang totoo." Ngiting sabi ng matanda habang may lungkot sa matang naka tanaw sa apong lulan ng sasakyan.
ANGELA POV
"Matulog kana muna diyaan Angela. Mahaba-haba pa ang byahe natin papuntang academy." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni tita Cass. Kanina pa kami bumabyahe, pero hanggang ngayon hindi pa kami na kakarating sa akademyang sina sabi nya.
Ewan ko ba kung bakit ang tagal-tagal namin bago dumating doon. Tapos ito pa, kanina pa kami bumabyahe dito sa kagubatan. Ilang puno narin ang aming nadaanan na hindi ko na mabilang.
Iniisip ko tuloy katulad din kaya sila ng mga kaklase at schoolmate ko. Yung tipong kahit matanda na, gagawa parin ng kung ano-anong kalukuhan. Na le-late din, nag cu-cuting classes, nakikipag-bugbugan o sabunutan, athletic, artist at kung ano ano pa.
Siguro masungit at strikto yung mga teacher doon, yung parang sa dati ko lang na school. Ang kaso baka mas malala pa. At baka konting pagkakamali ko lang, bagsak na ako. Aishhh masyado akong nega.
Napapikit na lamang ako at nag palamon sa antok.
Nagising ako sa pag tapik tapik sa akin ng kung sino man. Iminulat ko ang aking mata at tumambad sa akin ang mukha ni tita Cass.
"Nandito na po ba tayo?" Tanong ko na ikinatango niya lamang.
Kaagad akong umupo ng tuwid at binuksan ang bintana. Napatingin na lamang ako sa gate ng paaralan, kulay itim ito at nangangalawang na. Sa taas nito ay nakasabit ang pangalan ng akademya which is *DEATH ACADEMY* habang may mga salita akong hindi maintindihan na naka sulat din sa baba ng pangalan nito. Ang weird naman ng pangalan ng school nato. Kasing weird ng sundo ko. "Tita Cass, paaralan ba talaga ito? Bakit ang creepy? Mas nagmumukhang hunted mansion." Tanong ko habang hindi maalis ang aking paningin sa gate ng paaralan.
"Huwag mo na lamang pansinin. Mas pag-tuunan mo ng pansin ang iyong sarili." Sabi nito sabay hinto sa sasakyan.
"Sa oras na makapasok tayo sa loob ng paaralang 'yan. Baguhin mo narin ang ugali mo. Maging alisto ka sa lahat ng oras, wag kang magpapabulag sa iyong mga nakikita. Huwag basta-basta mag titiwala o sabihin na nating, wala kang pwedeng pagkatiwalaan kung hindi ay ang sarili mo lamang. Dont trust anyone even me, but trust yourself instead. Sarili mo lamang ang iyong kakampi sa lugar na ito, at wala ng iba." Hindi ko alam kung anong sa sabihin o isasagot ko sa kaniya. Kaya tumango na lamang ako at napatingin muli sa labas.
"Tanggapin mo ito." Napalingon akong muli sa kanya at napatingin sa kanyang hawak na inaabot sa akin. "Para saan po ito." Sabi ko sabay kuha at pinagmasdan ang kahon. "Suotin mo iyan palagi, wag na wag mo yang iwawala. Proprotektahan ka nyan sa mga masasamang nilalang, pati na sa akin." Pagbukas ko ng kahon, tumambad sa akin ang isang kwentas.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga sinasabi nya o hindi. Pero seriously, ang dami nyang alam. "Huwag nyo pong sabihing naniniwala kayo sa mga engkanto at masasamang lamang lupa? Ay isama ko narin po pala yung mga lobo at bampira." Sabi ko na bigla nalang ikinapula ng kanyang mata at ikinangisi sa akin.
"Paano kung totoo sila? Anong gagawin mo? At paano kung isa ako sa kanila, kakayanin mo ba?" Bigla akong nangilabot sa paraan ng pag sa salita nya at sa mga lumabas sa bibig nya. Pero impossibleng totoo yung mga yun. Mga kathang isip lamang ang mga nilalang na iyon. Gawa lamang sila ng malikot ng pag iisip ng ilang mga tao. At tyaka wala pa namang patunay na totoo sila.
Hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakikita. Sabi nga nila 'To see is to belive'.
"Hindi ka talaga makapaniwalang nag eexist sila ano? Pero dahil nandito ka narin naman. Sa paaralang ito ay maraming mga nilalang ang nag aaral. Mga studyanteng may ibat ibang kakayahan o kapangyarihan. Sila'y nag mula sa ibat ibang kaharian sa mundong ito." Ha?
"What do you mean na mundong ito? Dont tell me--" Hindi hindi naman siguro tama ang iniisip ko hindi ba?
"Tama ang iniisip mo Angela. Wala tayo sa mortal world. Dahil nandito tayo sa BELOW World." No it cant be. Paano nya nababasa ang nasa iisip ko. Or to be exact paano nya nalaman na iyon ang iniisip ko? Halla, Huwag mong sabihing bampira sya.
"Hahaha silly, natutuwa talaga ako sayo Angela. Ang galing mong mang hula. Pero hindi ako na tutuwa sa pagiging maingay ng utak mo, isama mo narin pala ang pagiging isip bata mo." Seryuso nitong wika na ikinalaki ng mata ko. So it's true, vampire sya. "How come na bampira ka, eh hindi ka naman na susunog kapag tinatamaan ka ng sinag ng araw?"
"Using this" Ha? Gamit talaga ang lotion? "Its not just a simple lotion as what you are thinking right now. Ang lotion na ito ay may mga kakaibang ingredients na tumutulong upang maprotektahan kaming mga bampira sa sinag ng araw. Mga ingredients na galing pa sa paleothetic Era o sabihin na nating stone age."
Hindi ko na alam pa kung ano ang irereact ko sa mga nalalaman ko. Pero how come na nakakuha sila ng mga ingredients na ganon kung matatagpuan lamang ang mga ito sa nakaraan or to be specific, stone age?
"Dahil sa mga time keeper na nakakapunta sa ibat ibang panahon. Sila ang kumukuha ng ibat ibang bagay mula sa nakaraan o minsan ay sa hinaharap. At sa tulong naman ng mga witch at wizard, nabubuo ang maraming potion na hindi lang para sa amin kung hindi para natin sa ibang nilalang. Yan ang dahilan kung bakit hindi napapansin ng mga tao, na ang mga nakakasalamuha na pala nila ay mga ibat ibang uri ng nilalang." Ahh ganon pala. Ang galing din nila ano.
"Oo naman, hindi lang matalino, may kapangyarihan pa." Tsk. Privacy naman tita Cass.
"Hahaha, isuot mo na nga yang kuwintas ng sa gano'y hindi ko na mabasa ang nasa isip mo."
Napailing na lamang ako sa kanya at kaagad na isinuot ang kuwintas. Maganda naman sya, ang dami nga lang bato. Pero sa gitnang parte ng pendant nito ay may kulay pulang bato na pinlilibutan ng itim na bato.
Mabuti naman siguro sila hindi ba? Mabait naman siguro silang nilalang tulad ni Tita Cass. Hindi naman siguro sila masama tulad ng mga napapanood ko sa palabas.
Kaagad nyang pinaandar muli ang sasakyan.
I can't wait to be with those creatures.
Studying with them in one school.
And being their human classmate and schoolmate.

Bình Luận Sách (168)

  • avatar
    Longcob Ryan

    isn't this a scam?

    10d

      0
  • avatar
    Jamz Ubjail

    Nice

    11d

      0
  • avatar
    PJ Rasuman

    so amazing

    21/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất