logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3: Exchange student One must have good memory to keep the promises one has made. - Friedrich Nietzsche

Chapter three: Exchange student
One must have good memory to keep the promises one has made.
- Friedrich Nietzsche
____________________________________________________________
Pagkatapos na pagkatapos naming sumagot, ay kaagad na akong tumayo at nangulekta ng kanilang mga answer sheet.
"Angela iha, pinapatawag ka nga pala ni Sir Principal sa office niya. Pumunta kana doon at si Dexter na ang mag tutuloy. Dexter ikaw na dito iho." Napatingin nalang ako kay sir at napakunot ang noo.
Hala, baka tinuloy nga ni Ma'am yung sinabi niya. Patay ako nito, talagang gigising na ako ng maaga.
Pagkarating ko sa tapat ng office, huminga muna ako ng malalim.
"Ho. Kaya ko to." Pagbukas ko palang ng pintuan, isang babae na agad, na sa tingin ko'y nasa twenty years old ang nakakuha ng aking atensyon. Ito ay naka itim, mula ulo hanggang paa.
"Goodmorning po Mr. Principal, sorry po kung hindi na po ako kumatok. Pinapatawag niyo raw ho ako?" Tanong ko agad sa principal habang may ngiti sa labi, ngunit ang totoo'y kinakabahan na ako sa loob-loob.
"Oo iha, ito nga pala si Cassandra mula sa DA. At Cassandra ito si..."
"Angela ho." Magalang na sabi ko sabay ngiti. Ang ganda naman ng pangalan niya.
"Mr. Principal bakit niyo ho ako ipinatawag?" Huwag naman sana sa pagiging late ko.
"Nalaman ko kasi sa adviser mo, na lagi kang late. Totoo ba iyon?" Tanong nya palang biglang kinabahan na ako.
Nako ito na nga ba ang sinasabi ko.
Pero kaagad na napako ang tingin ko kay Miss Cassandra na nagpipigil ng tawa.
Anong nangyayari sa kaniya? Nababaliw naba siya? May sapi ata.
"Ah opo sir, totoo po iyon. Pero sir valid naman po yung mga reason ko. Huwag niyo napo sana akong---"
"Wag kang masyadong nega Angela. Nandito ka dahil gusto ng paaralang, pinag tratrabahuhan ni Miss Cassandra, na kunin ka at doon mag aral. Kung baga pang exchange student." Ano yon? Hindi ako matino kaya ipapalit nila?
"Pero sir hindi po bat parang hindi naman tama. Kasi po malapit ng magtapos ang school year, ilang buwan nalang." Ilang buwan nalang tapos lilipat pa ako?
"Don't worry. Pagpasok mo naman doon, ay deretsong grade twelve kana." Nakakapagtaka naman ata.
"Am Miss Cassandra, wala po kasi akong pang tuition few. Tyaka, parang pang mayayaman lang po yang school naiyan ."
"Don't worry, sa mga gagastusin mo. Lahat yun ay libre, tyaka ayaw mo ba iyon? Grade twelve kana agad?" Oo nga naman, ang kaso paano naman ang mga maiiwan ko dito. Nangako ako kanila Carlos na ako'y hindi lilipat, pero ito ngayon at nag-aalangan. Maganda din naman kasi ang offer ng school na iyan. Wala na akong gagastusin, makakatipid pa kami ni lola. Mababawasan ang mga bayarin.
"Gusto naman po, ang kaso kaylan po ba ang pasukan doon? Tyaka, mag papaalam po muna ako kay lola." Dahil baka hindi pumayag yun.
"Bukas na ang enrollment, kaya sana maka pagdesisyon kana agad. Dahil bukas, ng umaga ay susunduin kita." Susunduin agad? Grabe, wala man lang rest-rest. Hindi pa nga ako nakapag papaalam doon sa dalawa, kinabukasan na agad.
"Sige po. Am sir, pwede na po ba akong umuwi? Aayusin ko lang po sana, ang akin mga gamit. Tyaka magpapaalam narin po ako kay lola at sa mga kaklase ko" Baka bigla po kasing magtampo. Lalo na yung mga kaibigan kung aso't pusa. Baka bigla ring magwala. Kaylangan ko paring magpaalam sa mga kaklase ko, kasi naging parte naman na sila ng buhay ko.
"Sige iha."
"Sige po salamat." Napangiti na lang ako at napatango.
Mukhang promise are really meant to be broken talaga. Because right now, I just broke my promise to them.
Mabigat ang paang nagtungo ako sa classroom habang napapabuntong hininga.
Ano na lang ang sasabihin ko sa kanila?
Surprise! Lilipat na ako ng school.
Wag yun, baka batukan lang ako Jane.
Classmates may good news ako. Lilipat na ako ng school. At mawawalan na kayo ng kaklaseng katulad ko.
Hindi rin yon. Baka hindi lang sila maniwala sa akin.
Ay ano ba iyan. Anong sasabihin ko?
"Paano ko ba sasabihin sa kanila?"
"Sasabihin ang ano?" Mabilis pa sa alas kuwatro akong mapalingon sa pinanggalingan ng boses.
Sh*t na malupit, nalagpasan kuna pala itong classroom namin. At itong Carlos na ito, kung makatingin parang may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya.
"Ano kaba naman Carlos, wala lang yon." Pangungumbinsi ko sa kanya. Pero ang bakla hindi man lang ako pinaniwalaan.
"Sabihin muna tutal alam ko narin naman. Lumipat ka kung gusto mo, tutal sarili mo rin lang naman ang iniisip mo." Galit nitong sabi na nakapag pahina sa akin. Paano, paano niya nalaman? May nag sabi ba sa kaniya?
Disappointment ang nakikita ko sa kaniyang mga mata habang sina sabi ang mga salitang iyon. Masakit, oo, pero hindi ko lang naman to ginagawa para sa sarili ko. Gusto kung tumulong sa kaniya kahit sa ganitong paraan lang. Naaawa na ako kay lola, kaylangan niya ring magpahinga. Buong buhay ko siya lagi ang nagtratrabaho. Kung ano-ano nang trabaho ang napasukan niya makapag-aral at may makain lang kami sa pang araw-araw.
"Guys may gusto lang sana akong ipaalam sa inyo." Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng tapang para harapin silang lahat. At mas lalong, hindi ko alam kung paano ako nakarating dito.
Napalingon na lang silang lahat sa akin at ngumiti.
Grabe, mamimiss ko yang mga ngiti nila.
Mamimiss ko ang sectiong ito. Ang section puno mg katarantaduhan, I mean katalinuhan. They became my family.
"Lilipat na ako ng bagong school--" hindi ko paman natatapos ang sa sabihin ko ay bigla na lang padabog na umalis si Jane, at sinundan naman sya ng isa sa mga kaklase namin.
I know she's mad. I know na nag tatampo sya.
"Edi lumipat ka, wala rin namang pipigil sayo. Mas mabuti ngayon, mababawasan ang mga kagaya mong weird dito sa classroom." Weird talaga? Weird talaga ako sa paningin ninyo?
Hindi ko alam kung ano ang trip niya at ganyan siya magsalita. Hindi nga kami close, ayaw ko pa ang existence niya.
"Yes your weird. Sino bang babae ang gustong-gusto makakita ng dugo? Ikaw lang naman." I wannna punch his face right now. Sino nga ba ulit tong lalaking to? Sa pagkakaalam ko, siya lang naman yung lalaking bigla na lang lumitaw dito sa school. At paano niya naman nasabing gustong-gusto kong nakakakita ng dugo?
"Who do you think you are para pag sabihan ako ng ganyan? You are just a transfery na out of the blueng lumitaw na lang." I want to remove that smirk in his lip using my own hand.
Hindi ako ganito. But when his around, basta basta na lang kumukulo ang dugo ko. I hate this man, i hate his smile, his smirk, his presence. I hate everything about him.
"So gusto mo pa akong magpakilala? But too bad, aalis kana rin naman." Arggg, this man is pissing me off.
"Pwede ba kung wala ka namang magandang sa sabihin umalis kana. I wanna talk to my friends, I wanna talk to my classmates without you. So you better get out of this class."
"Kaylan kaba aalis at paimportante pa? Hindi ka naman importante." This man is really getting into my nerve.
"Bukas. Aalis ako bukas, ano masaya kana? Imbis na makakapag paalam ako sa kanila ng maayos ngayon hindi na ng dahil sayo. Gustong-gusto mo talagang ginugulo ako no? Gustong-gusto mo talagang sinisira ang araw ko." Nanggagalaiti kong sabi habang nakatingin sa kaniya. Pero ang tukmol, nginisihan lang ako.
"Yes I do. At wala kanang magagawa doon. Hindi bale, ikaw naman ang kapalit ko sa paaralang iyon. You are my subtitute, kaya sana mag tagal ka. By the way, im Niko Ayuzawa. Im your substitute in this world." Ha? Sya yung pang exchange student ng school na iyon. Grabe, grabe talaga. Mas nauna pa syang pumunta dito. At anong substitute ang pinagsasabi nya? Ano ako laruan para palitan? Tao ako, may feelings ako. Hindi tulad niya na kung makapag salita'y parang nanggaling sa ibang planeta, alien lang ang peg. May, im your substitute in this world pang nalalaman.
"Hoy ikaw na kabute ka. Wala akong pakialam sa pangalan mo. Wala---"
"Please Angela umalis kana. You promise to us na hindi ka lilipat right? But you broked your promise. So please umalis kana kung iiwan mo rin naman kami. But one thing na dapat mong tandaan, were still here. Hihintayin ka namin, hihintayin namin ang pagbalik mo. So please, promise to me that you will go back. Na babalik ka sa amin." I want to cry, pero wala man lang tumulong luha sa aking mga mata.
Gusto kung mangako ulit, pero ayaw ko na iyong mapakong muli. I wanna promise to them that I will back. But I cant because right now, im afraid. I am afraid to broke it, I am afraid to fail them.
"I don't know"

Bình Luận Sách (168)

  • avatar
    Longcob Ryan

    isn't this a scam?

    10d

      0
  • avatar
    Jamz Ubjail

    Nice

    11d

      0
  • avatar
    PJ Rasuman

    so amazing

    21/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất