logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER: 4

Chapter: Four
"Clarity saan ka ba nanggaling?" tanong ni kuya clark sakin kakarating ko lang.
"Nagpahangin lang ako..." ani ko kaagad naman akong tumabi kay ate lia. Nasa cottage kami ngayon habang 'yong iba naliligo na sa dagat, kaming tatlo lang ang andito.
"Mommy..." Tawag ni feyya kay ate lia kaya kaagad na tumayo ito. "Maiwan ko muna kayo, tinatawag na kasi ako ni kulit." Tumango naman kami kaya mabilis na naglakad si ate lia doon kila kuya clio.
"Clar..." Tawag ni kuya clark sakin kaya tinignan ko siya, tumigil naman siya sa pagiihaw at nagsalita, "Pumayag ka ba do'n sa gusto ni dad?"
Tumango ako.
Nagulat naman siya sa sagot ko. "Paano ka niya napapayag? Sigurado ka bang kaya mong gawin 'yon?" tanong niya sa'kin
"Oo naman, ako pa," ani ko.
"I don't think so... Ni ligawan ka nga lang ayaw mo tapos pumayag ka pa sa gusto ni dad."
"Gusto ko lang na... Maging masaya si dad."
Nakatitig lang siya sakin. "Kahit ito lang ang magagawa ko para kay dad..."
"Paano kaya kung umamin ka na lang kay dad... Kaysa naman pinahihirapan mo pa 'yang sarili mo." suggestion niya.
Kaagad naman akong sumagot. "Gusto atang mapaaga si dad eh," ani ko sa kanya.
"Ang akin lang ayaw kong nakikita kang nahihirapan... Sinasabi ko sa'yo pagsisisihan mo 'yan."
"Kahit ano pang sabihin mo kuya hindi pa rin magbabago ang desisyon ko," madiin na ani ko.
"Okay, bahala ka. Buhay mo naman 'yan," pagsuko niya at tinuloy niya muli ang pag-iihaw.
Nakapag Desisyon kong hanapin ang lalaki na 'yon para maibalik ko na sa kanya itong jacket niya, ng mahagip mga mata ko ito kaagad akong nagtungo sa kanya.
Walang ka emo emosyon niya akong sinalubong. Nakaangat naman ang labi ko.
Mabilis kong inabot sa kanya 'yung jacket. "Oh, kunin mo na." Nakatitig lang siya sakin.
"Anak ng–kunin mo na ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa'yo," ani ko, nakatingin na siya ngayon sa jacket na hawak hawak ko.
Kinuha naman niya ito at nagsalita, "I thought your not going to give it back to me."
"Kala mo lang 'yon..." ani ko, kaagad naman akong tumalikod upang aalis na sana ng nagsalita siya ulit, "Can you do me a favor?" ani nito habang nakatalikod pa rin ako.
Ano kayang binabalak nito?
"Can you pretend to be my girlfriend?" para naman akong nanigas sa aking kinatatayuan.
Napaawang naman ang labi ko habang paulit ulit na naririnig sa utak ko ito na parang sirang plaka. Napabalik naman ako sa ulirat ng magsalita siya muli, "Kahit ngayon lang just pretend to be my girlfriend."
Kaagad ko siyang hinarap at nagsalita, "AYAW KO," matigas at madiin na ani ko sa kanya.
Akmang aalis ulit ako ng magsalita na naman siya, "Gagawin ko lahat ng gusto mo..." napatigil naman ako at nag-isip isip. Well pwede niya akong matulungan.
Tumikhim naman ako at derestyong humarap sa kanya. "Sige ba..." ani ko. "Sa isang kondisyon."
"What is it?"
"Hanapan mo ako ng lalake," saad ko.
Kita ko naman sa mukha niya na parang nagpipigil siya ng tawa. "'Wag na nga." Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang aking kamay.
"Wait, I'm sorry..." ani nito kaagad ko namang hinawi ang kamay niya.
"Ano?"
"I'm sorry I just can't imagine that you want a man," aniya.
"Don't laugh at me, you don't know why I'm doing this!"
"Sorry..."
"Apologize... Accepted," ani ko bigla ko namang nasilayan ang ngiti niya.
Bigla naman akong nailang kaya napa-iwas ako ng tingin sa kanya. "So payag ka na?" tanong nito sa akin.
Tumango naman ako.
Nahuli ko naman siyang nakatitig sa akin kaya napa iwas tingin na naman ako. "A-aalis na ako..." ani ko sabay lakad palayo sa kanya.
Bigla naman ako nakaramdam ng matinding kaba kaya hinawakan ko ang aking dibdib. Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko? Aatakihin na ba ako? Naku 'wag naman.
Matamlay akong naka-upo sa balkonahe habang tulala sa kawalan. Napaigtad naman ako ng may biglang tumabi sa'kin, sinilip ko naman ito at si dad lang pala.
"Ba't gan'yan 'yang mukha mo?" tanong ni dad.
"May iniisip ka ba?" tanong niya ulit.
Tumingin ako kay dad at nagsalita, "Dad ipangako mo sa'kin na hindi mo kami iiwan ah."
Pilit naman siyang ngumiti. "I don't know if i can promise you–"
"Dad please... Gagawin ko lahat basta 'wag mo lang akong iwan."
"Then I will do my best to keep... Alive for you, my princess," nagbabadya namang lumabas ang aking mga luha dahil sa sinabi ni dad.
Bigla naman akong lumapit sa kan'ya at mahigpit siyang niyakap. "I can't live without you dad..."
"Then find another reason to live..." Tinapik tapik naman niya ang aking balikat.
How can I find another reason to live? Hindi ko kayang mawala si dad. Marami pa akong gustong ipakita sa kanya, my dream, achievement and the true me.
Bigla na lang nagsihulugan ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. "I know someday you will find it but this time you need to use your heart not your brain."
"So... Ano na?" tanong ko sa kanya, andito kami ngayon sa pinakamalapit na coffee shop.
"I need you now..." ani nito na siyang ikinatingin ko sa kan'ya.
"Fine, kailan ba?" tanong ko sa kan'ya.
"Now," ani nito, as in ngayon na?
"What? Ngayon na?" gulat na tanong ko sa kanya, tumango naman siya bilang sagot.
Napasandal naman ako sa aking kinauupuan at napahawak sa batok. "Your kidding, right?"
Umiling naman siya. "No, I'm not kidding–"
"Ba't parang biglaan naman?"
"Yes, biglaan nga," aniya habang umiinom ng kan'yang drink.
Napatitig naman ako sa adams apple niya, sana all. Nakabalik ako sa ulirat ng magsalita siya, "What are you looking?" tanong niya.
Umiwas naman ako ng tingin. "Nothing..." ani ko. Umakto naman akong abalang nakatingin sa menu na nakadikit sa pader.
"I've seen you looking at my Adam's apple." Napatingin naman ako sa kanya.
"You're just hallucinating."
Umiling naman siya. "No, I'm not." Napa-irap naman ako sa kawalan.
"May nakita lang akong dumi kaya napatingin ako." palusot ko.
"Okay, kung 'yan ang sinabi mo."
Tinuon ko na lang ang aking mata sa paligid habang sumisimsim ng chocolate shake. Ilang minuto pa'y nagsalita ulit siya, "Nag-uusap na tayo but I still don't know your name."
"Kailangan pa bang malaman?" tanong ko.
"Yes of course," ani nito.
Napasinghal naman ako. Maya maya pa'y inabot ko na ang aking kamay. "I'm clarity, just call me clar," ani ko kaagad naman niyang tinanggap ang aking kamay. "I'm Husserl Bergson, you can call me whatever you want."
Sa pagdikit ng aming palad nakaramdam ako ng parang kuryente kaya kaagad kong binawi ang aking kamay na siyang ikinataka niya.
"Naramdaman mo ba 'yon?" gulat na tanong ko sa kanya
Kinunotan naman niya ako. "I don't feel anything." Kibit-balikat nitong sagot sa akin.
Ano ang naramdaman ko kanina?
"Wala ka bang naramdaman nang hinawakan mo ang kamay ko?" tanong ko ulit sa kanya impossible naman na ako lang ang nakaramdam nun.
"What?–"
"N-Never mind," sabi ko. Baka isipin pa nitong baliw na ako.
Ilang minutong katahimikan ang namamayani sa'min ng binasag niya ito. "Can I get your number?"
Napabuntong hininga naman ako at kinuha 'yong cellphone niya, ng maitype ko na 'yong numero ko kaagad ko itong ibinalik sa kanya.
"Susunduin kita mamayang 6pm, saan ka ba naka check in–"
"No! Ahm–magkita na lang tayo sa lobby mamaya." Napatango naman siya.
"Don't forget to dress properly." Umangat naman ang labi ko.
Tumango naman ako. Ngayon lang 'to clarity para kay dad! Ito lang ang paraan para naman mapasaya ko siya.
Para talaga akong matatapilok, ba't pa kasi ako nag heels? "Careful..." ani ni husserl, napahawak naman ako sa kanya ng muntik na akong matumba.
Nakasuot ako ngayon ng puting bestida habang naka-ipit ang aking buhok, naka suot din ako ngayon ng takong para talagang magmukhang babae pero sa nangyari ngayon para akong alien na ngayon lang nakasuot ng ganito.
"Are you okay?" tanong niya, sinamaan ko naman siya ng tingin. "Sa tingin mo okay ako?" sarkastikong ani ko.
Nagulat naman ako ng binuhat niya ako ng pang bridal style. "Ano ba! Ibaba mo nga ako." Sigaw ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggang bagkus naglalakad na siya habang buhat buhat ako.
Kita ko naman 'yung ibang tao na nakatingin sa amin na para bang kinikilig. Eww!
Ng nakarating na kami sa restaurant na sinabi niya maingat niya akong ibinaba. "Ba't mo ba ako binuhat?"
"Does your feet still hurt?" pag-iiba niya ng topic, hindi ko naman siya sinagot.
Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya. "Sa susunod 'wag kang magsuot ng heels kung hindi mo naman kaya."
"Correction... Wala ng susunod," ani ko sa kanya.
"Sorry I forgot."
"Ano? Nakatayo ka na lang tayo dito buong gabi?" sarkastikong saad sa kanya.
Lumapit naman siya sakin at hinawakan ang aking kamay. "Kailangan pa ba ng ganiyan?" takang tanong ko habang nakatingin sa kamay namin na pinag-isa.
Hindi siya sumagot, iginaya na lang ako papasok sa loob. Ng tuluyan na kaming makapasok sa loob kaagad niya akong iginaya pa-upo sa isang bakanteng upuan na pang apatan.
"let's just wait her." Nakakunot noo naman ako.
"Her?"
"Yes, my little sister," ani nito, siguro siya 'yung babaeng nakita ko.
"There she is..." ani niya kaya napatingin ako sa direksyon nito, dalawang babae ang nakita naming papalapit sa'min.
Tinignan ko naman si husserl na ngayoy walang emosyon ang mukha habang nakatingin sa babaeng papalapit sa'min.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya.
"Hi kuya husserl," ani nito at mabilis na umupo. "I'm sorry.... Naisama ko kasi si hannah." ani nito.
"It's okay," malamig na ani nito.
Nagulat naman ako ng hawakan niya ang aking kamay kaya binalingan ko siya ng tingin. "Okay ka lang ba talaga?" pabulong na tanong ko sa kanya.
Katabi ko siya ngayon at katapat ng inuupuan namin ang dalawang babae na kakarating.
Bigla niyang pinisil ang aking kamay. "Yes I'm okay, babe." para naman akong na estatwa sa aking inupuan.
Babe? Wtf.
Tumikhim naman ang kapatid nyang babae. "So... She's your new girlfriend?" tanong nito.
Kaagad namang nagsalita si husserl, "Yes she's my girlfriend," ani nito sabay tingin sa'kin.
Nakaramdam naman ako ng matinding kaba na parang sa mga oras na ito bigla na lang akong sasabog.
Bumaling naman ang tingin nito sa'kin. "I'm happy for the both of you..." masayang ani nito ngunit iyong kasama niya kala mo pinag bagsakan ng langit at lupa.
"Hi I'm farrah..." ani ng kapatid niya, tipid naman akong ngumiti.
"And you? What's your name?" tanong nito sa akin.
"I'm clarity," simpleng sagot ko.
"Clarity sound like a good girl, hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang girlfriend ni kuya," ani nito na parang pinaparinggan 'yong kasama niyang babae.
"Paano nga pala kayo nagkakilala?" tanong ng kasama niyang babae na parang clown ang mukha dahil sa kapal ng make-up.
"We meet in the bar–"
"Bar? Hindi na lang ako magtataka kung paano mo siya nakuha," sarcastikong ani nito sa'kin, napayukom naman ang aking kamao.
"Hannah!" suway ng kapatid ni husserl.
"So, that's your type of girl?" sarkastikong tanong nito kay husserl.
I gritted my teeth in anger. Kung hindi ako makapag-impi baka mapatulan ko ito.
"Hannah, can you shut up your mouth." sigaw ni farrah sa kan'ya.
"Don't you dare to talk to my girlfriend like that or else I'll make your life miserable."
Napalitan naman ng takot ang mukha ng babae, kaagad itong tumayo at tumingin sa amin ng matalim.
"I'll make her life more miserable husserl, mark my words!" ani nito sabay martyang paalis.
Lakas ng loob puro naman salita.
"I'm sorry kuya pinilit niya kasing sumama," paumanhin ni farrah sa kuya niya.
"It's okay."
Bumaling naman ang tingin niya sa'kin at nagsalita, "Are you okay, clarity?" tanong nito sa akin.
"Okay lang ako," tipid kong sagot.
"I'm sorry ate clarity for what happened," hingi niya ng paumanhin sa akin.
"It's okay, it's not your fault." Ngumiti naman siya.
"Honestly i like you for my kuya," ani nito, napa kurap kurap naman ako. "Promise me ate that you won't break my kuya's heart."
Napakagat naman ako sa ibaba kong labi at pilit na nagsalita, "I'll promise to keep your kuya happy with me." Ngumiti ulit ito sa'min.
Ramdam ko naman 'yong tingin ni husserl sa'kin kaya napailang ako. Ba't ba ako nakakaramdam ng pagkailang?
"Thank you..." ani ni husserl sa'kin. Andito kami ngayon sa ressort.
"For what?"
"For making my sister's smile."
"Naku maliit na bagay." sabay hampas ko ng aking kamay sa kawalan.
"I had a great day because of you," ani niya na siyang ikinatigil ko.
Napabalik naman ako sa ulirat ng lumapit siya sa'kin at hinawi ang hibla ng buhok ko. Hindi naman ako makagalaw sa aking pwesto dahil sa lapit namin sa isa't isa.
Biglang nagsilakihan ang aking mata at napakurap kurap ng maramdaman ko ang kan'yang malambot na labi sa akin, para naman akong nanigas. Hindi ko namalayang nasuntok ko na pala siya sa mukha.

Bình Luận Sách (42)

  • avatar
    Radine Felipe

    I want to read untill the end

    20d

      0
  • avatar
    BanugonRyan

    thank you

    26d

      0
  • avatar
    delorazomark

    Good story

    17/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất