logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2: Blood

I’m catching my breath as I watch the fog surrounding the Castle. This is the longest run I’ve ever done. Pinagbabawalan ako ni Papa na lumayo sa Castle. Hindi ako sigurado kung bakit niya ako pinagbabawalan, we’re safe here in Summa. Lahat kami ay mga Summan. Ako lamang ay mag halong dugong banyaga. Marrying a foreigner is prohibited. Hindi talaga mapipigilan ang tadhana. Kapag may gustong makipag-asawa ng banyaga, dadaan sa proseso. Tulad ni Painter Philip, he is married to a Pecunian. Kailangan lang naming masisigurado na ang magiging asawa ng mga Summan ay hindi magdudulot ng gulo sa aming bansa. They can choose where to live, either here in Summa or to the other country. Kapag sa ibang bansa sila titira, dadaan na naman ng proseso ang Summan dahil may ibang bansang nagbabawal ng paggamit ng potentia. Masyadong komplikado kapag nag-aasawa ng banyaga. Mararanasan sana ito ng aking mga magulang pero nang nalaman ng mga Balindong na Gourmand ang aking ina, automatic na hindi siya tanggap sa bansa o sa aming pamilya.
Umupo ako at pinagmasdan nang mas mabuti ang fog na pumapaligid sa Castle, halos hindi na ito makikita. Hindi talaga ito makikita sa mga hindi Summan, for them, fog lang ang kanilang makikita at mga green plant na nasa pinakagitna ng mga giant rock formation. Sobrang tahimik din ng paligid, tila ba wala talagang nakatira sa lugar na ito.
The fog is the potentia of my grandparents. Nang namatay sila, pumalibot sa aming lugar ang kanilang potentia especially in the Castle, making it invisible to the foreigner’s eyes.
“Anong ginagawa mo rito, Alverda?”
Agad akong tumayo at nilingon ang kumausap sa ‘kin. Bumungad sa ‘kin ang babaeng kalbo na medyo may edad na rin. Payat din siya pero hindi ito naging dahilan upang maging mahina siya.
“Beamer Lolita.” Nagmano ako sa kaniya. I almost flinch as I feel her cold hand. Ngumiti ako nang nagtagpo ang aming mga mata. She is always wearing a calm yet intimidating expression. Halos lahat na may mataas na position dito sa Summa ay pareho ng expression at presensiya niya. Mas mataas ang position, mas kakaiba ang presensiya.
“Naghersisyo po ako. Hindi ko agad namalayan na napadpad pala ako dito,” dagdag ko.
Tinaasan niya ako ng kilay pero ngumiti lang ako.
“Hindi man ako nakababasa ng isip, Alverda, pero alam kong nagsisinungaling ka,” kalma niyang sabi.
Si Lolita Balindong o kilala rin bilang Beamer Lolita ay nag-iisang babae sa magkapatid na Balindong. Panganay si Painter Philip, kasunod si Papa, pangatlo si Beamer Lolita at bunso si Traveller Francisco. Kahapon, parehong hindi sumabay sa amin sa pagkain sina Beamer Lolita at Traveller Francisco. Minsan lang talaga nakasasabay sa amin si Traveller Francisco, madalas siyang nasa ibang bansa.
Beamer Lolita at si Papa ay parehong kalmado. Si Traveller Francisco ay tahimik naman kapag nagsesermon sa kanila si Painter Philip pero kapag aalis na si Painter Philip, lalabas na ang mga hinanakit niya. Mahilig din siyang magmura. Mukhang natutunan niya ito mula sa ibang bansa.
Hindi ako sumagot kay Beamer Lolita. Hindi ko naman ugali ang sumagot. Sasagot lamang ako kapag kailangan. Ugali rin ng Summan to keep the conversation short. Siguro isa ito sa mga rason kung bakit tahimik ang aming lugar.
“Ipadadala na kita sa Castle,” pahayag ni Beamer Lolita.
Hindi pa ako naka-react ay naramdaman ko na ang kakaibang enerhiya na nasa ilalim ng aking mga paa at lumipas ang ilang segundo ay natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng Castle. Ang pinakamalaki at nag-iisang orasan sa Summa ang una kong napansin. Nakalagay ito sa pinakamataas at pinakagitna  ng Castle. Bawat kilos ng oras nito ay automatic na tatatak sa isipan ng mga Summan. Ang oras ay importante sa mga aming mga Summan kaya nang namatay ang isa sa aming ancestors ay napunta sa nag-iisang orasan ng aming lugar ang kaniyang potentia.
Ang potentia ng mga Summan ay mananatili sa mundong ito. Ang aming katawan lamang ang mawawala. Kadalasan, mananatili ang aming potentia sa bagay o taong aming labis na pinapahalagahan. Tulad ng aking grandparents, hangad nila na protektahan ang mga Summan kaya ginawang invisible ng kanilang potentia ang Castle.
Luminga-linga ako pero wala kong nakita ni isang Summan na nasa labas, this is a sign that everyone are doing their assigned works. Base rin sa oras, late na ako ng ilang segundo.
Tahimik akong nagtungo sa loob. Every step I take, I feel a familiar energy. It is the potentia of one of our ancestors surrounding the castle to protect it. Kahit sa main door, may potentia na nakabalot upang automatic itong bubukas. Kakaiba ito sa potentia ng aking grandparents, the purpose of this potentia is to make the Castle invulnerable.
“Alverda!” pabulong na sigaw ni Manang Maria. Siya ang head ng mga tagapagsilbi.
Naramdaman ko ang pagsarado ng main door habang papalapit naman sa ‘kin si Manang Maria na parang hinahabol ng kung ano.
“Bakit huli ka ng ilang segundo? Naku, nakalimutan mo bang pupunta kayo ni Healer Christopher sa Kagubatan?” dagdag niya.
“Magbibihis po muna ako,” sabi ko habang paakyat sa hagdan. Kung mananatili akong nakatayo habang sinasagot si Manang Maria, mas mahuhuli ako. Big deal na talaga para sa mga Summan ang ma-late kahit ilang segundo.
“Tatawag na lang kaya ako ng jumper para naman makarating ka kaagad sa kwarto mo.” Manang Maria’s voice echoed in the Castle.
Hindi na ako sumagot. Si Manang Maria lang talaga ang maingay sa lugar na ito. Medyo nahahawaan niya ang kaniyang mga kasamahan pero tatahimik din kapag na nasa Castle si Painter Philip.
Tumakbo ako nang mabilis. Sanay na ako sa ganito dahil tuwing umaga naman ako tumatakbo bilang paghahanda sa pagpapalagay ng APM. Dapat malakas ang aking katawan kahit naka-deactivate na ang aking potentia.
Nang nakarating ako sa aming palapag ay nakita ko si Papa na naghihintay sa akin malapit sa pintuan ng kwarto ko.
“Pa, good morning.” Nagmano ako sa kaniya.
“Late ka. Bilisan mo ang paghahanda. Hindi tayo pwedeng ma-late. Elder pa naman ang pupuntahan natin.”
“Opo.”
Nagtungo na si Papa sa kusina nang pumasok ako sa aking kwarto. Agad kong hinubad ang aking mga damit at pinalitan ng green velvet dress. Dapat dress talaga ang aking suot lalo na kapag importanteng nilalang ang makakahalubilo.
Si Papa lamang ang aking nakasabay sa pagkain. As always, it was quiet. Madaling natapos ang breakfast namin. We only had a short conversation about my upcoming fifteenth birhday celebration.
“Will jump to Kagubatan, Alverda,” sabi ni Papa nang nasa main door na kami.
Sa Summa, there are three kinds of people who can teleport. First, the jumpers. Ang kayang i-teleport ng jumpers ay ang kanilang sarili at dalawang ibang kasamahan within the border of Summa. Second, the traveller. Tulad ni Traveller Francisco, ang travellers ay lalabas sa border ng Summa at kaya nilang magdala ng kasama pero very limited lamang, depende sa lakas ng potentia nila at sa distance na kanilang pupuntahan. Third, the beamer. Ang beamers, katulad ni Beamer Lolita, ay naka-assign sa opening ng border. They can teleport someone or a group of people, things, and animals to other places while they are staying in the Summa. Beamer can teleport someone too within the border of Summa, tulad ng ginawa ni Beamer Lolita sa ‘kin.
“Okay, Pa, pero mas maganda sana kapag naglalakad. Mapagmamasdan ko ang detalye ng Kagubatan.”
“Sa susunod na lang, Alverda. Kailangan makarating agad tayo sa Kagubatan.”
Sumang-ayon na lamang ako dahil hindi naman pamamasyal ang sadya namin. We have a mission.
Aside from being a healer, my father is also a jumper. Mas malakas ang kaniyang healing potentia kaya ito ang dahilan kung bakit naging sikat siya.
Lumapit sa ‘kin si Papa. Mayamaya ay naramdaman ko ang kaniyang potentia at sa isang iglap ay nakatayo na ako sa ibang location. Matataas ang mga puno at malulusog, sobrang green ng mga dahon. May huni ng mga ibon and unfamiliar sounds from different kinds of animals.
Nakaamoy ako ng kakaiba dahilan kung bakit nanuyo ang aking lalamunan. Mukhang napansin ako ni Papa kasi hinawakan niya ang aking braso at tinignan nang maigi ang aking mukha. He says something, almost shouting, but in my senses, he is just mumbling.
Nahihilo ako. Nalilito. Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman. Marami akong nararamdaman at napapansin sa aking kapaligiran. Kahit kaunting galaw ng insekto ay napapansin ko.
May kakaibang pilit hinihila ang aking atensiyon. Hindi ko naiintindihan ang aking nararamdaman, parang nahahati ang aking sarili. May isang gustong pakalmahin ang aking sistema habang may isang gustong puntahan agad ang pinagmulan ng amoy ng dugo.
Dugo.
“Tulong!” sigaw mula sa malayong lugar. Hindi makikita ni Papa ang pinagmulan ng sigaw pero gamit ang aking potentia, alam ko kung nasaan iyon.
May bago akong potentia na nabuhay.
It is bizzare. I find myself running at breakneck speed, hindi katulad sa nakasanayan kong takbo tuwing umaga. Parang may sariling utak ang aking mga paa.
I stop, facing the old woman. She is almost inside the mouth of a dangerous creature. Hindi ko alam kung ano ito. Hindi ko ito nabasa sa mga libro o baka wala talang nilalang na ganito sa Summa.
“Tulong!” muling sigaw ng matanda.
Kumilos ako. Habang tumatakbo, bilang nanigas ang aking mga daliri na parang kahit anong bagay ang aking kakalmutin ay mapuputol gamit nito. Dumaan ako sa mga sanga ng mga puno at tumalon papunta sa halimaw. I am swirling in the air and land perfectly in the creature’s shoulder kasabay ang pagputol sa ulo nito. Everything was fast. Hindi man lang naka-produce ng ingay ang halimaw dahil agad na naputol ang kaniyang ulo.
Agad kong sinalo ang matanda bago natumba ang halimaw. Sobrang gaan niya. Parang damit lamang ang aking binubuhat.
Hindi pa rin bumalik sa normal ang aking mga daliri at may kakaiba na naman akong nararamdaman. Parang may tumutubong pangil sa aking bibig. Nangiginig ang aking katawan at kating-kati ang aking mga daliri. I know I’m almost out of control. Alam kong ito ang tinutukoy ni Painter Philip pero hindi ko na malalabanan ang aking potentia, masyado itong malakas.
Bago akong tuluyang nawala sa sarili ay narinig ko si Papa na tinatawag ang aking pangalan pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Hindi kayang pigilan ni Papa o kahit sino ang aking potentia.
Isa akong Gourmand, pamilyang uhaw ng kapangyarihan. Ayaw ko mang maging katulad nila pero nasa aking dugo na ito. At ang araw na ito ang patunay na isa ako sa kanila.
I suck the blood of the old woman hanggang naubos ito. Nang nawalan na siya ng lakas ay kinuha ko ang kaniyang puso at kinain ito, simbolo na lilipat sa ‘kin ang kaniyang potentia.

Bình Luận Sách (179)

  • avatar
    samantha

    this novel is really a masterpiece. sa lahat ng nabasa ko, ngayon lang ako nag rate at sa first time na 'to, five star pa. it's really amazing. keep on writing fantasy story, author <3

    08/03/2022

      29
  • avatar
    Zophia Membreve Barason

    grave ang ganda ng kwento kapopolotan talaga ng aral

    2d

      0
  • avatar
    Rj Hermano Rauch

    good story i really like it keep up the good work don't stop writing stories because i really like it

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất