logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

DRAGON PALACE
Kanina pa kami naka upo kasi kanina pa kami nandito inaantay lang naman yung boss nila ayy hindi pinuno ng grupo nila.
leader sa madaling salita ewan ko ba sa kanila ang selan nila sa tawag sa isang tao, pinag lalaruan ko lang yung tubig ko bigla naman sila tumayo ng bumukas ang pinto kaya naman tumayo na din ako.
Tinitignan ko yung leader nila bata pa naman pala siya kala ko matanda na o kung ano man sabi nila isa daw siyang ceo, nakakabilib naman siya ang bata niyang naging ceo.
"Aniki" ani ni kuya Jio ng makarating yung leader nila sa unahang banda ng mesa
"Miss?" tanong ng leader nila sakin
"Ahh Nakami Yadata po ang pangalan ko" pagpapakilala ko tsaka nagbigay galang
"Hindi mo kailangan yumuko sige maupo kayo" ani niya tsaka naupo
"Uhmm Aniki bakit wala si Kaita?" tanong ni Sasuke kay Mr. leader
Hindi pa naman siya nagpapakilala kaya Mr. leader muna.
"Hindi ko muna pinapunda may mga bagay akong sasabihin sa inyo na hindi niya pwedeng malaman" sagot naman niya kay Sasuke
Bakit hindi niya pwedeng malaman kalaban ba siya?.
Sino ba yung Kaita?
Hindi ako makapag tanong kasi wala naman ako sa lugar para magtanong aiihs.
"Oo mga pala ako si Kento Yoshiki I'm just 30 years old so I'm not that old or young and don't ask why i own a company in such a young age" pagpapakilala niya sa kanyang sarili
"Siguro naman kilala mo na sila lahat?" tanong niya sabay turo sa mga tao sa loob ng opisina na kung saan kami ngayon
Nilibot ko ang ang tingin para malaman at ilan nga sa kanila hindi ko pa kilala.
Tumingin lang ako sa kanya tsaka sumagot ng ngiting mapait habang ginagalaw galaw ang ulo ibig sabihin hindi pa may mga mukha kasing bago.
"Yung kambal si Naya at Maya yung dalawa naman doon si Shito at Zip, si Jio at Kai kilala mo na, yan naman si Sasuke, Zaki, Neo, Maoto, Shibara. nasan yung 5 pa Sasuke?" pagpapakilala niya sabay tanong kay Sasuke
"Napuruhan sila sa laban kanina kaya pinagpahinga ko muna aniki" sagot naman niya
"Ahh ganon ba yun naman si toshi, Burami, Rye, Tsumi at Koi. yung anim na nandito ang Sixto sila naman ang golden hawak sila lahat ng Dragon alam kung hindi mo pa naririnig ang mga grupo na yan sa kung saan dahil ang grupo na ito ay hindi pinapaalam sa kung sino dahil tagong grupo ito. sa loob ng lugar na to isa silang malakas na grupo pero sa labas ordinaryong tao lang sila na may tahamik na buhay pero kaya din makipag sabayan sa laban sa tao sa labas" pagpapaliwanag niya ng lahat
"Kaya sana miss nakami satin lang ang mga sinabi ko" ani niya pa habang nakatingin sakin ng diretsyo
"Ahh walang problema" sagot ko naman
"So let's go to the main topic Sixto, Golden bantayan niyo lagi mga galaw niyo lalo na sa araw araw niyong away hindi namin alam kung may mga bantay sa paligid na gustong gusto ng sumugod, ayuko lang mag umpisa ng gulo baka hindi ko na matapos at sila ang matapos" seryusong ani ni kuya Kento
"Walang problema na mapaaway kayo pero mag ingat kayo sa ataki patalikod hindi natin alam kung gaano sila kaduwag para magtago at bigla biglang lalabas sa lungga nila" dagdag pa niya
"Aniki kilan tayo susugod?" interesadong tanong ni Rye kay kuya Kento
"Wag kayong mainip pinagpapahinga ko lang sila tsaka tayo susugod kinikilala ko lang sila lahat at pinag hahandaan"
"Pinag aralan na namin lahat ng mga pinuno ng grupo na laban natin dahil nagtatayo sila ng isang malaking kaharian at mga kawal, ang mga drugang ginagawa nila ay talaga namang malakas na kayang mangpabaliw o pumatay sa kung sino"
"Ang druga na green inferno ang pinaka mataas na rate sa lahat ng druga na ginagawa nila ngayon pero hindi pa tapos dahil tinitest pa nila at lahat ng balita tungkol sa mga namamatay ngayon ay dahil sa druga na ito dahil kaya nitong pumatay depende sa dami ng gamit"
"May iba pang druga pero yan ang pinaka nangunguna, at ang mga tao na nasa likod ng experemento na yan ay Madash gang, Under at Maximum hawak sila ng Sato Prev kasama na doon ang mga kasosyo nila"
Ang lahat ay seryusong nakikinig sa lahat ng sinasabi ni kuya Kento kahit ang iba hindi ko na naiintindihan nakikinig pa din ako.
"Ang mga detalye na ito ay dala ni Miss Nakami salamat" busal niya sakin sabay abot ng kanyang kamay kaya naman inabot ko iyon at nakipag kamay din
Hindi nalang ako nagsalita pa dahil wala naman akong dapat sabihin.
"Isang gabi may mga sumugod nanaman sa bahay at ang Maximum yun at si Kaoka ang leader nila sa naman ng Madash ay si Pipe sa Under naman si Rako" pagpapaliwanag ni kuya Kento sa kahat ng detalye
Pinakilala niya din ang mga grupo at ang iba pang detalye nila nakinig nalang din ako kahit hindi ko naman yun kailangan gawin.
Ok naman din pala na marinig ko ang mga to para kung sakaling masalubong ko sila makatakbo agad ako syempre pagtakbo lang magagawa ko.
Natapos na si kuya Kento sa pagsasalita tungkol sa detalye ng ibang grupo tsaka may mga lalaki na biglang pumasok at may dalang malalaking box.
Nagtaka naman ako hindi naman yan kabaong o ano, pero ano kaya laman nyan.
Nilapag na nila ang mga malalaki na box napatingin naman ang lahat sakin maliban kay kuya Kento.
"Ok lang ba na ilabas yan nag nandito si Miss Nakami?" Takang tanong Sasuke
Habang ako naman ay nagtataka din kung bakit kailangan niya pa magtanog ng ganon, siguro mahagala ang bagay na nasa loob ng box na yan.
"Nagpakilala na kayo sa pangalan mas mabuti na magpakilala kayo sa kung sino talaga kayo, hindi niya din kailangan matakot tungkol sa bagay na to"
Habang sinasabi yun nilabas niya ang isang baril sa box.
Kahit yan ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko hindi ko kailangan matakot.
Bumabalik lang sakin lahat ng nagyari noong araw na iyon.
FLASBACK
"Pa tignan mo oh nakabaril ako ng rabbit" masayang ani ko sa aking Papa na nakatingin din sakin ng masaya
Kaming pamilya ay nasa bundok ngayon, ganito ang ginagawa namin kapag gusto magpahinga ng mga magulang ko galing trabaho.
Namamaril kami ng ibon o rabbit sa bundok.
"Ang galing naman ang aming prinsesa patingin nga ako saan tinamaan ang rabbit na yan" ani ni Papa tsaka ko inabot ang rabbit sa kanya
"Masaya talaga ang ganito pa at maganda ang tanawin sa bundok" galak na sabi ko sa kay Papa
"Tama ka dyan anak ko dahil dito ikaw ang prinsesa kahit saan" ani niya pa
Napatawa naman kami ni Papa ng marinig namin si Mama na tinatawag kami.
"Oh kayo dyan na mag ama kakain na tayo tara na dito" tawag samin ni Mama
END OF FLASBACK
Kaya hindi sakin iba ang baril pero hindi gaya nila na kilala ang baril sa maraming paraan.
Gusto kung lumaban para sa pamilya ko ng mga oras na yun pero hindi ko magawa dahil hindi ko naman alam saan mag uumpisa.
Namatay ang mga magulang ko habang ako nasa ligid lang at takot na takot.
Biglang dumulo ang luha ko na halos magtuloy tuloy na.
Kaya bigla akong napatayo at lumabas ng walang paalam sa kanila.
Paglabas ko ng opisina naghanap nalang ako ng mauupuan sa labas ng palace hindi na mapigilan ng luha ko na tumulo ng tumulo kaya hinayaan ko nalang.
"Ma, Pa bakit niyo ako iniwan, ang daya niyo hindi niyo ako sinama" ani ko habang nakatingin sa langit
Gusto ko maging matapang sa lahat ng bagay pero wala akong ganon na mailabas lalo na ng araw at oras na iyon.
Hindi pa din tumitigil ang luha ko sa pagtulo halos sumakit na ang mata ko kakaiyak.
"Uminom ka ng tubig nakakaubos ng tubig sa katawan ang pag iyak" ani ng pamilyar na boses sa gilid ko sabay abot ng tubig sakin
Tinignan ko nalang siya na nagtataka at kinuha ko ang tubig tsaka siya umupo sa tabi ko.
"Kung takot ka sa baril sana sinabi mo bago nilabas ni Aniki" usal niya habang nakatingin sa kung saan
"Bakit ka ba umiiyak? masama bang mabuhay ka? dahil ba sa mga magulang mo?"
Sunod sunod na tanong niya
Kung kilan hindi ko gustong magsalita doon ka naman nagsasalita.
Nakatingin lang ako sa kanya na parang naglalakbay ang utak ko.
"Wala, hindi ako takot sa baril" taging sagot ko
"Namatay ang mga magulang ko sa harap ko gamit ang baril pero hindi ako takot sa baril, naalala ko lang sila" dagdag ko pa
"Lagi ko silang naaalala" malungkot na ani ko
Siya naman nakatingin sakin hindi sa walang emosyon konti may malungkot na emosyon.
May lungkot sa mga mata niya na parang nararamdaman niya ako.
Nahahahiyang titigan siya kaya naman binalik ko ang tingin ko sa langit, at maraming bituwin ngayon.
"Hindi gustong ng mga magulang mo na makita kang umiiyak lalo na at wala sila sa tabi mo para punasan ang mga luha mo" ani niya tsaka ako hinarap sa kanya sabay punas ng luha ko na patuloy pa din sa pagtulo
Napatingin na lang ako sa kanya pero dahil sa hiya tinanggal ko ang kamay niya na naka hawak pa din sa pisnge ko staka tumayo.
Nakita ko naman na palabas na silang lahat kaya nag ayos na ako ng sarili para hindi nakakahiya ang itsura ko.
"Oh yo Miss Nakami" sigaw ni Sasuke habang naglalakad palabas
Yumuko nalang ako bilang sagot.
"Miss Nakami sorry sa bigla kung paglabas ng~" usal ni kuya Kento pero bigla akong nagsalita
"Wala po akong problema sa baril, sa..." Hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko wala naman kasing magbabago
Umiwas nalang ako ng tingin yumuko bilang galang sa kanila tsaka naglakad papunta sa motor nila Kai.
Pagkarating ko sa motor naupo nalang ako hanggang ngayon tumutulo pa din ang luha ko dahil sa nararamdaman kung lungkot.
Sa hawak ng nilagbay ng utak ko hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Kai at kuya Jio.
"Sa sunod na iiyak ka gumawa ka ng ingay hindi ko gusto ang tahimik umiyak" sabi ni Kai tsaka sinuot sakin ang helmet
Sumakay na kami sa motor tsaka umalis.
Habang nasa byahe hindi naman na ako umiiyak pero tumutulo pa din ang luha ko.
Nakayakap ako kay kai kaya hindi dapat ako umiyak nakakahiya naman kung tutulo ang luha ko sa kanya.
Nakarating na kami sa bahay yumuko nalang ako sa kanilang dalawa pagbaba ng motor tsaka naglakad papunta sa kwarto.
"Anong problema niya?" rinig kung sabi ni kuya Jio
Wala na akong narinig na iba pa dahil nakapasok na ako sa kwarto.
Huminga nalanag ako dahil sa pagod na naramdaman ko.
Hindi ko alam kung ano sasabihin, hindi ko alam paano magkwento, hindi ko alam ano dapat maramdaman.
Nagugulohan ako, natatakot ako ang dahilan kung bakit ako naghahanap ng tao na tutulog sakin dahil gusto ko magkaroon ng maayos na alala ang aking mga magulang.
Simula ng namatay ang mga magulang ko lagi kung naaalala kung paano sila pinatay ng mga taong yun.
"Ma, pa may mga tao na natutulog sakin magiging matapang ako gaya ng lagi niyong paalala"
Dahil sa kakaiyak napagod na ang katawan ko pati na din ang mata ko kaya dahan dahan na pumikit ang mata ko.
P.O.V KAI
Tahimik na ang bahay at siguradong tulog na silang dalawa.
Napaisip na lang ako habang nakaupo sa upuan ng kwarto ko.
Kaya naman tumayo ako sa pagkakaupo tsaka naglakad palabas ng kwarto ko at pumunta sa kabilang kwarto.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang nakahiga na at mukha lamig na lamig kaya naman sinarado ko ulit ang pinto at bumalik sa kwarto ko.
Kinuha ko sa kabinet yung extrang kumot tsaka bumalik sa kwarto ni Nakami.
Kinumot ko sa kanya ang dala kung kumot dahil mukhang lamig na lamig siya.
"Matulog ka ng mahimbing wag mo pagudin ang mga mata mo kakaiyak" lumuhod ako sa harap niya habang sinasabi ng mahina ang mga salita na yun at hinahawi ang buhok na nakaharang sa mata niya
"Dahan dahan kapatid baka mapamahal ka" ani ng nasa likod at alam ko na kung sino siya
Tumayo na ako sa pagkakaluhod tsaka naglakad papunta sa pinto.
"Malabong mangyari" ani ko habang sinasarado ang pinto at naglakad papunta sa kwarto ko
"Oh good night kapatid" rinig kung ani ni aniki bago ako tuluyang makapasok sa kwarto
Huminga nalang ako sa kama para makaramdam ng antok kahit papaano.
Staka pinikit ang aking mata para makatulog.
KINABUKASAN
Maaga akong nagising pero hindi ko pa nakikitang bumababa si Jio
Kaya naman umakyat ako sa taas para tignan ang kwarto niya.
"Jio, Aniki?" Tawag ko pero wala namang sumasagot
Kaya naman tumawag na ako sa cellphone niya pero ring lang ng ring.
Paulit ulit akong tumatawag pero ring lang ng ring, limang tawa, sampung tawag lagpas pa dyan ang tawag pero walang sagot hanggang no connection nalang ang sinasabi.
"Jio nasan ka na ba" alalang ani ko
Nagmadali akong bumaba ng hagdan para kunin ang susi ng motor ko at nagsuot na din ako ng helmet tsaka sumakay sa motor.
Narinig ko naman si Nakami na tumatakbo palabas.
"Kai saan ka pupunta? Nasaan si kuya Jio?" Tanong niya
Pinaandar ko na ang motor ko palabas ng gate ng biglang bumukas ang gate tsaka may pumasok.
Si Jio habang naka sakay sa motor niya.
"Oh yo" masayang bati niya habang may dala dalang mga grocery sa brown na paper bag
Si Nakami naman nakatayo lang sa pinto at nakatingin samin.
Ako naman tumayo sa pagkakaupo sa motor ko tsaka nagmamadaling maglakad papunta sa kung saan siya.
Tsaka siya sinuntok ng malakas nalaglag naman lahat ng dala niya.
"Kai!" Sigaw ni Nakami habang tumatakbo papunta samin
"Ano bang ginagawa mo" ani niya habang tinutulogan tumayo si Jio, kahit subra ang tanda niyo sakin yan lang ang tawag ko nasanay na ako wala na silang magagawa doon.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko, hindi ka ng sabi kung saan ka pupunta mahirap bang sagutin yung tawag" sigaw na sabi ko sa kanya habang sila nakatingin lang sakin
"Ok ka lang ba kuya Jio?" Tanong niya habang tinutulongan tumayo si Jio
ako naman naglakad na papasok ng bahay tsaka pumunta sa kwarto ko.
Nilock ko ang pinto at kinuha ang alak na natira sa mesa staka ininom.
P.O.V TERU
WAREHOUSE
"Boss sila yung mga nagnakaw sa bar natin" ani ng nasa pangkat ni Mesura
Habang ako naka upo at nakatingin lang sa kanila tsaka ako naglakad sa pwesto kung na saan sila.
"Ohh kamusta pare marami ka bang nakuha?" Tuwang ani ko sa kanya habang hinahawakan ang kamay niya
"Scorpion hindi namin sinasadya kailangan lang talaga" mangiyak na ani niya
"Tsk tsk tsk, masama yan" dinig kung usal ni Kiro
Ako naman naglabas ng patalim at pinaglaruan ito.
"Alam mo ba ang ginagawa namin sa mga walang kwentang myembro?" Ani ko habang naglalaro pa din ng patalim
Wala naman sumasagot ni isa sa kanila kaya nag iinit na ang ulo ko, napangiti nalang ako tsaka isinaksak sa kamay niya ang patalim.
"Ahhhhhhhhhh scorpion patawad" sigaw ng isa sa kaniya habang umiiyak
Ang mga kasama niya naman umiiyak na lang din parang mga bata.
Bugbug na ang mga mukha nila at may mga sugat din ang katawan.
"Magpasalamat kayo at hindi ko kayo papatayin dahil wala ako ngayon sa mood" pagtayo ko ako nagsalita tsaka naglakad pabalik sa upuan ko
"Salamat Scorpion, maraming salamat" masayang sabi nilang lahat na may payuko yuko pa
Napangiti naman ako.
Tumingin ako sa apat ibig sabihin sila na ang bahala kung ano ang gagawin.
Sumenyas ako na ialis na sila sa harap ko ng makaupo ako.
Naglakad na sila paalis tsaka pumunta sa ibang lugar sa Warehouse mula naman sa pwesto ko rinig yung mga sigaw nila.
Napangiti nalang ako sa ganda ng narinig ko natutuwa ako na naririnig silang sumigaw dahil sa takot.
"Ugh grabe boring na mga nagyayari, teru pwede magmakipag laro sa iba?" Tanong ni Mesura na habang naka malungkot na mukha
"Do what you want" sagot ko naman
"May pupuntahan ba tayo ngayon?" Tanong naman ni Tsukasa
"Oo naboboring ako dito tara at magsaya muna" sagot ko naman staka naglakad papunta sa kotse
TOWN BAR
Maingay na kanta, mga nagyayasayan at alak ang katapat ng nakakabagot na araw.
Si Mesura nagsasayaw sa baba si Tsukasa naman nakikipag usap sa mga babae habang kaming tatlo ni Kiro at Mui ay naka upo lang sa taas.
"Teru anong balita sa inyo ng kapatid mo nag usap na ba kayo ulit ng papa mo?" Tanong ni Kiro
Bigla nalang nag init ang ulo ko tungkol doon.
"Hindi dahil hindi kailangan sakin pa din naman sasama si Sera at di sa taong yun at hindi namin siya kailangan" sagot ko
Gusto ng walang kwentang ama namin na umuwi kami sa kanya para sa mana ni mama sa mga magulang niya.
Pinatay siya ng taong akala niya mamahalin siya gaya ng pagmamahal niya.
"Paano yung companya na dating pinapatakbo ng mama mo?" Tanong ulit ni Kiro
"Si lolo ang nangangalaga kaya hindi ko kailangan mag alala para samin ni Sera at kahit walang tumulong samin ni Sera kaya ko ang lahat" sagot ko ulit
TO BE CONTINUE...❣️

Bình Luận Sách (34)

  • avatar
    ThoofCuptean

    What I loved in this book? Is that the characters having conflicts in their own responsibilities. Waiting for character developments also the flow of story is accurate in every children and family. Love it! 💕

    24/01/2022

      1
  • avatar
    Shawn Azarcon

    salama sadhbsfsbsysnsgsnsgsbhsnsgsjsgsbshsnshsnshsvshdhzljk gdhdjbdbshshssjdjshdddjdkejejdudjdifhdhdnxhdusnsnxifgsshI'd ws

    17/07

      0
  • avatar
    TrinidadSherwin

    ....

    23/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất