logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

SWIM - 3

SWIM - 3
"Ano 'yan?"
"Ano sa tingin mo? Edi isda!"
Nasa dalampasigan si Hanelle kanina pang madaling araw para manguha ng ibat-ibang klase ng isda nang makita siya ni Ethan duon.
Kita ni Hanelle ang namumugtong na mga mata ni Ethan. Mukhang alam na niya kung anong dahilan non. Hindi na lang niya itatanong.
"Marami naman si lolo Tonio na nahuli ah,"
"Hindi pa sapat 'yon." sambit niya habang patuloy na nililipat sa planggana ang mga isda sa net.
Tumabi sa kanya ng upo ang lalaki. "At bakit naman?"
Inayos nito ang buhok ni Hanelle na nililipad ng malakas na hangin na tumatabing sa kanyang mukha.
"Sabi ko, tutulong ako sa inyo 'di ba? Kaya sinisipagan kong makahuli ng marami para mabenta at may pambili ka na ng gamot ng nanay mo."
Rinig niyang tumawa ng mahina si Ethan. Pero sa loob-loob nito, lubos na rin itong nahihirapan sa sitwasyon na dinaranas ng kanyang ina. Alam niyang laging tumatanggi ang kaibigan sa alok niyang tutulungan ang ina nitong may sakit pero kahit ano pang tanggi nito, hindi siya sumuko. Lalong lalo na at itinuring na niyang kapamilya si Ethan.
Hindi rin naman maiwasan ni Hanelle na makaramdam ng awa kay Ethan lalong lalo na ang ina na lang nito ang mayroon siya.
"GALUNGGONG kayo d'yan!"
Ngayong araw ng sabado at walang pasok, panay ang alok ni Hanelle ng mga ibinebentang isda sa mga taong dumaraan at namimili sa may kaliitang palengke sa kanilang baryo. Pawisan na siya at kanina pa gutom dahil walang pang almusal at higit sa lahat, ay nagtitipid siya.
Pursigido talaga siyang matulungan ang ina ni Ethan na lalo pang lumala ang sakit na dinadala. Napacheck-up na raw ito at ayon sa doktor, mas lumala pa ang kalagayan ng ina nito.
"Elle, ayos kalang ba?"
Pinunasan niya ang pawis sa nuo. "Opo, ate Cel. Ayos na ayos po."
Napailing-iling naman ang katabi niyang tindera at may kung anong kinuha sa ilalim ng lamesa. "Hay nakung bata ka. Ang putla putla mo na oh! Tsk. Ito, kainin mo muna."
"Hala, hindi na po. Okay lang po ako."
"Aish! Masama ang tumatanggi sa grasya!"
Ngiwing tinanggap ni Hanelle ang biskwit na hansel saka nagpasalamat. Sanay naman siyang hindi kumakain sa umaga kaya medyo expert na siya kapag sinabak sa isang linggong walang kainan. Haha, jk! Dedz na sya non.
Kaya naman hindi maitatanging payat siya at idagdag pa ang pag eensayo sa pag lalangoy araw-araw.
DUMAAN ang isang linggo at dumating uli ang araw na lunes na siyang kinakainis ni Ethan. Kung siya ay gustong-gusto pumasok, si Ethan naman ay kabaliktaran. Kaya medyo kulelat sa klase pero nakuha pang mag ingles kapag kinakausap siya.
"Tara recess?" tanong ni Ethan sa kanya matapos ang ikalawang klase.
Lagi siyang pinupuntahan ng lalaki sa klasrum niya tuwing sila'y may breaktime para akiting kumain. Tutal wala naman siyang kaibigan maliban kay Ethan.
Umiling siya habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ayaw ko. Busog pa ako."
Pinitik nito ang nuo niya. "Are you nuts? Wala ka pa ngang kinakain simula kaninang umaga eh! For goodness sake, Elle!"
"Pwede ba Eth, itigil mo nga yang kaka-english mo? Di bagay. Ang sagwa pakinggan."
Sapilitang hinatak siya nito patayo at hinila papalabas ng klasrum niya.
"Huwag mong ibahin ang usapan. Saka, libre naman kita eh,"
Agad na nalukot ang pagmumukha ni Hanelle. Ito ang ayaw niya kay Ethan eh. Siya na nga ang pinoproblema nito pero mukhang si Ethan pa ang walang iniintinding problema at laging pa easy-easy lang sa buhay.
Pero kahit ganon ang kaibigan, alam niya na hindi na lang nito ipinapakita sa kanya ang tunay na nararamdaman sa loob-loob nito para hindi siya mamomroblema. Kaya lang, doon nag kakamali si Ethan. At Kahit anong tanggi nito na okay lang siya, hindi sa kanya uubra iyon dahil matagal na niyang kilala ito at alam na niya ang bawat kilos nito.
"Eth naman, please lang. Nagtitipid ako para lang matulungan kayo tapos ikaw tong gagastos para lang malibre ako?" seryosong aniya niya.
Nawala ang mga ngiti sa labi ni Ethan at nag iwas ng tingin. Hindi siya pinansin nito at hinatak siya sa patungo sa walang mga estudyanteng lugar at saka siya matiim na tinitigan.
"Gusto ko lang naman kalimutan muna sandali ang problema ko eh... hindi ba pwede 'yon, Elle?" hindi siya sumagot kaya nag init lalo ang ulo ni Ethan. "Alam kong nag aalala ka sa kalagayan ni mama at kinakaawaan mo ako pero tignan mo naman yang sarili mo!"
Nagulat siya sa pag taas ng boses ni Ethan. Sa buong buhay na magkakilala sila, ngayon lang siya pinagtaasan ng boses nito.
"Namamayat kana sa kakatrabaho! Ipinangako mo pa sa akin na aalagaan mo ang sarili mo kaya hinayaan kitang tumulong! Pero anong ginawa mo?! Hindi ka na kumakain at lagi mong idinadahilan ay busog ka pa kahit hindi naman! Huwag mo namang akong gawing tanga, Elle. Alam ko ang mga pinaggagagawa mo sa sarili mo. Ako tong anak pero ako pa ang siyang walang maitulong!" napasabunot si Ethan sa kanyang buhok. "Masakit lang sa parte ko dahil wala akong nagagawa o naitutulong sa sakit ng sarili kong ina. Ako yung anak eh! Ako! Pero bat mukhang ikaw pa itong todo kayod para lang may maipakain sa 'min?"
Napahilamos si Ethan sa kanyang mukha nang bumuhos ang kanina pang pinipigilang mga luha. Hindi alam ni Hanelle kung ano ang sasabihin o gagawin. Tangin kaawaan lamang ang nararamdaman niya para sa kaibigan.
"T-tinutulungan ko lang naman k-kita para may maipagamot ang nanay mo eh--"
"Hindi mo trabaho 'yon! Hindi ikaw ang anak para mamroblema non!" nanlilisik ang mga maluha-luhang mata nito na tumitig sa kanya. "Kaibigan lang kita, Elle. Oo tinutulungan mo ako para kay mama... pero sobra-sobra na ang naitulong mo. Oras na para sarili mo naman ang ayusin mo."
Sa dinami-daming sinabi ni Ethan, apart na salita lang ang tumatak sa isip niya. Hindi lang sa isip, pati na rin sa puso niyang kumikirot.
Kaibigan lang kita, Elle... Iyon ang umaalingaw-ngaw sa kanyang isipan.
"Please, Elle, huwag mo naman sanang ipamukha sa akin na wala akong kwentang anak dahil wala ako nagagawang tulong para ipagamot ang ina ko." pagkasabi non, tuluyan na siyang iniwan ni Ethan at naglakad na ito papalayo.
Gusto niya itong habulin pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa. Gusto niyang sabihin na hindi naman niya ipinapamukha dito na wala siyang kwentang anak dahil lang sa walang maitulong.
Ngayon lang bumuhos ang kanyang mga luha na ayaw na ayaw niyang makita ng kaibigan. Ayaw niyang makita siya nito na mahina. Siya dapat ang magpalakas sa loob nito lalo na sa sitwasyon ng ina nito.
"I-I'm sorry, Ethan..."
BUMALIK na siya sa klasrum niya ng wala pang kinakain. Hindi na siya magtataka mamaya kung hindi siya sunduin dito ni Ethan o kausapin man lang pagkatapos ng klase nang dahil sa nangyari.
"Hoy, Villena, bayad mo sa class fund, asaan na?"
Singil sa kanya ng presidente ng klase nila pagkaupo na pagkaupo niya. Bumulong ang kanilang treasurer sa presidente ng klase.
"Oh, right, wala ka pa lang pera. Pasensya na ha, God bless." nag flying kiss pa ito sa kanya bago umalis para inisin siya.
Bumuntong-hininga siya. Nuon pa man, wala na siyang pakialam sa mga pinagsasabi o pinaggagagawa sa kanya ng mga kaklase niya. Kahit anong tukso o kantyaw ng mga masasakit na salita galing sa mga kaklase niya o sa ibang tao, wala pa siyang pinapatulan ni isa. Ganon karami ang kanyang pasensya.
"SO class, lahat ng parents o guardian ninyo ay required na umattend para sa kuhaan ng card for the second quarter tomorrow. Understood?"
"Yes, Ms. Alonzo!" sagot ng kanyang mga kaklase samantalang siya'y tumango lang.
Tumaas ang kilay ng kanyang guro nang may mag taas ng kamay. "Yes, Ms. Del Moro?"
"Eh, ma'am paano po si Hanelle?--"
Lumingon siya sa bumanggit ng pangalan niya.
"What about Ms. Villena?"
"--walang mga magulang?"
Napayuko na lang si Hanelle nang mag umpisang umalingawngaw sa room ang tawanan ng kanyang mga kaklase.
Sanay na siya ron. Sanay na sanay na siya matagal na. Sadyang hinahayaan lang niya para hindi na lumaki ang gulo kahit pa napakasakit na ng mga sinasabi ng mga ito sa kanya.
"Quiet!" saway ng guro. "I said parents and 'guardians'! Not parents only!"
Tumingin ang guro sa kanya. "And please everyone, try to respect Ms. Villena for not having a parents like y'all have. Maswerte nga kayo at may mga magulang kayo. Pero pasalamat na rin tayo sa kung anong binigay sa atin. Magulang man yan o guardian. Ang mahalaga, mayroong nagmamahal at nag aalaga sa inyo."
Nginitian niya pabalik ang guro. Minsan, nagpapasalamat siya at mayroong gurong ipinapagtanggol siya sa Kahit anong paraan.
NAG sialisan na ang mga kaklase niya at siya na lang ang natitirang estudyante sa klasrum nila nang lapitan siya ng kanilang guro.
"Hanelle?"
"Po?"
"May I have a word with you?"
Tumango siya. Pinaupo siya ng guro sa harapan ng lamesa nito sa unahan ng klasrum.
"Hanelle, on behalf of your classmates, I'm really sorry for their attitude lately. I know how hard it is not to have a parents like them. And I know what it feels like." ngumiti ito ng malungkot sa kanya. "So, kinausap kita ngayon para pigilan ka sa kung ano man naglalaro jan sa isip mo."
"Ano pong ibig ninyong sabihin?"
"What I meant is, you know teenagers today, when they're depressed on something, the solution they made to ease all the pain they'd suffered, is to get suicide."
Gulat man siya sa sinabi ng guro, hindi niya iyon ipinahalata.
"Are you aware of that?"
"Y-yes, po. Pero po bakit nyo sinasabi sa akin ang mga ito?"
Huminga ng malalim ang guro. "I'm going straight to the point but please, don't get me wrong, okay?" lito man, tumango siya. "Sinabi ko 'yon sayo dahil baka maisipan mong mag suicide."
Napanganga siya. Hindi niya inaakalang isipin iyon ng guro sa kanya.
"M-ma' am, hindi po ako praning para gawin 'yon. I have limitations po."
Matagal na hindi nakapagsalita ang guro.
"O-oh is that so? Very good then. And I'm sorry for saying those to you. I'm just overreacting on something." nag iwas ito ng tingin.
Kita ni Hanelle ang lungkot sa mata ng guro kahit pa gaano ito ngumiti sa kanya. Alam niyang peke iyon at pilit. Alam din niyang may pinagdadaanan ito kaya ganon. Isa sa kakayahan ni Hanelle ang mabasa ang mga emosyon ng ibang tao lalong lalo na kung paano magbago ang ekspresyon ng isang tao.
Nagpaalam siya sa guro para makauwi ng maaga at para na rin makapagtraining na siya. Tuwing madaling araw bago pumasok sa klase at sa hapon pagkatapos ng klase sila nagtetraining. Bale two times a day sila nag eensayo sa limang araw sa loob ng isang linggo.
Tulad nga ng inaasahan niya, hindi siya sinundo ni Ethan sa klasrum niya. Kaya mag isa siya ngayong uuwi.
NANG makarating sa tahanan nila, nakapagpalit na siya ng pang langoy pero nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa malawak na karagatan.
"Sampung taon na. Sampung taon na ang nakalipas pero dito pa rin kami nag eensayo... hindi katulad ng iba, nasa maayos na lugar kung saan nag eensayo sa paglalangoy."
Sa tono ng kanyang pananalita, hindi siya naiinggit sa ibang nakakalaban niya sa kompetisyon na nag eensayo sa maayos na lugar kundi, ipinagmamalaki pa niya kung saan siya nag training simula limang taong gulang pa lamang siya.
Sa dagat... kung saan ang kinalakihan na niya. Sa dagat na walang bayad kapag maglalangoy. Sa dagat na makakakuha ka ng makakakain sa pang araw-araw mong buhay.
Hindi man siya katulad ng ibang kabataan ngayon, kuntento na siya sa buhay niya na mayroon ngayon at noon pa man.
"C-COACH?" agaw pansin niya sa coach na nakatulala na parang may malalim na iniisip nang makarating siya sa pangpang.
Agad namang natauhan ang coach niya at lumingon sa kanyang gawi.
"Ano 'yon, Elle?"
"Wala po ba si Ethan?" takang tanong niya nang mapansing wala sa mga nag lalangoy ang kaibigan.
Akala naman niya kaya iniwan na siya nito kanina sa school nilaay nagmamadali sa training pero wala siya.
"A-ahm," mukhang nag aalinlangan pa itong magsalita kaya nag tanong uli siya.
"Coach Vic, asaan po si Ethan?"
Huminga ito ng malalim na ikinahinala niya. "Sabi niya sa akin, huwag ko raw ito sabihin sayo. Pero hindi ko naman kayanga itago sayo eh,"
Kumunot bigla ang nuo niya at ikinabilis ng tibok ng puso niya. May masama siyang kutob sa sasabihin ng coach niya.
"Ang alin po?"
Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya at malungkot itong ngumiti.
"Iha, nagpaalam siya sa akin na... titigil na siya sa paglalangoy..."
HANELLE
I bit my lower lip as I face that mangangaso. Bakit ba sa dinadami dami ng estudyante, sila pa? And not to mention na may hindi ako sinasadyang narinig na estudyante na sabi ay ang cheap cheap raw dito sa dadbod. So I can't believe that he and he's minions decided to eat here... when they're so rich as a royalty.
Napapikit ako sa bansag niya sa akin. Utangera.
"Anong kailangan mo?"
Ngumisi siya ng malademonyo. Ang creepy!
"Simple. I want you to be my servant."
My mouth was literally drop at what he just said. He wants me to be he's what?!
"Di ba yun naman ang trabaho mo dito?"
Nag iinit na ang dugo ko pero pinatilihin kong kalmado ang sarili ko na kinasanayan ko. Mahirap na rin. Baka masisante pa ako. Wala akong maiuuwi kay inay.
"Oo. 'Yon ang trabaho ko pero hindi lang sayo. Pati sa ibang tao. I served customers. Not only you. At huwag na huwag mo akong matatawag na utangera dahil as far as I know, I only have a debt on you once. Not many. Oh, and don't worry, it'll never happen again."
With that, I forcely place a three hundred pesos on their table and turn my back on them to leave. Good thing our manager gave me a salary this month so I could pay that guy already so he couldn't bother me anymore. He looks so hungry on money. Tsk.
"Dude, she's so cool!"
"Woah, such a badass girl."
"Yeah I like badass girls. But not like her."
Iyon ang mga narinig kong komento nang mga alagad niya. Ramdam ko rin ang titig niya sa likuran ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon. Di naman ako matutunaw sa titig niya eh. Mabuti pang bumalik na lang sa trabaho.
"Sorry, Rylee," nakangiwing hingi kong tawad kay Brylee. Ang kasamahan sa rito sa pagtatrabaho.
Nakilala ko si Brylee nang sabay kami mag apply dito sa dadbod. Kailangan namin ng trabaho kaya pursigido talaga kaming matanggap agad. Minsan palpak man, pero agad naming naayos at naitatama.
Hindi siya masungit o maarte katulad ng ibang babae o kaklase ko. At isa pa, nang malaman kong nag aaral rin siya sa AU katulad ko, agad na naging maayos ang pakikitungo namin sa is at-isa. Siguro parehas kami ng pinagdadaanan. First year college ako at second year naman siya. But we're on the same age. Nahuli lang talaga ako ng pasok.
Athletics ang sport niya at isa siyang mananakbo. Kaya lang, ang pinagkaiba namin ay hindi siya katulad ko na scholar. Kaya todo kayod siya may maipang tuition lang.
I'm also thankful that we're actually close because of our work. Like me, she wasn't the type of girl who only thinks of herself. Siya lang ang kaclose ko at wala nang iba. Hindi rin naman siya gaano ka-friendly dahil inaayawan rin siya ng mga kaklase niya... katulad ko.
Okay, enough with that, kulang na lang ata e, ikwento ko na buong buhay niya.
"Grabe ha, muntik nang matapon yung pagkain sa tray!" sabi niya sabay padyak.
She's always like that when pissed.
"I'm sorry okay, I didn't mean it." I pouted.
Kumamot siya sa ulo. "Osige na. Palit na tayo."
Nagpalit kami at siya na ang nag serve ng mga pagkain sa mga customers habang ako'y taga lista ng order ng mga customers.
"HI, welcome to dadbod!"
Ngumiti pabalik ang babaeng customer. She's on her AU uniform too and I think we're on the same age. She's also wearing a cute bonnet.
"Ahm, miss, a-ano bang mga pagkain nyo dito?"
I blink twice. Looks like she's not like the other girls who gave a disgusting look on our menu. And this girl in front of me was... well, I think confused?
Nanliliit ang mata niya habang binabasa ang nasa menu sa itaas ng counter.
"Milk tea, 50 pesos..." she whispered.
She took her wallet on her pocket. I smiled when she started to count the coins on her palm. She looks cute.
"Ahm, I would like to order milk tea. That's it." she place her coins on the counter table. "Saktong fifty pesos ito. You can check it if you want."
I chuckled. "Don't worry, I believe you."
For some reason, I find it comfortable talking to her like we knew each other long ago.
Her confused face replaced by a smile. "Thank, you."
"Oh, wait." pigil ko sa kanya nang tumalikod na. "What's your name, by the way?"
Her eye brow rises. "Isn't that confidential?"
"H-ha?" woah, her emotion just actually changed! "Kailangan dito 'yon para kapag tinawag na ang pangalan mo, makukuha mo na ang order mo."
Agad na nagbago uli ang emosyon niya. "A-ah, ganon ba? Sorry, I've never been eating here before."
"O-Oh, that's okay,"
"Amara. That's my name."
I didn't say thank you yet when she quickly walk to seat on the customer chair.
"MISS Amara?"
She went right away to the counter to get her order.
"Kailangan ba talagang isigaw ang mga pangalan dito?" bulong niya sa akin matapos makuha ang kanyang inorder.
"Oo naman. Para marinig--"
"What? Paano kung marinig ng iba tapos istalkin ka? Sino ba kasing nagpauso nito? Ang sarap ipa tulfo!"
"Shh!" I shush her and covered her mouth.
The other customers might here what she says. And I'm so dead if ever!
Naging mapang inspekto ang kanyang itsura at nagpalinga-linga sa paligid na ipinagtaka ko.
"Could you please not do it again if I ordered here?"
Nanliit ang mga mata ko nang may mapansing kakaiba sa kanya. "May pinagtataguan ka ba?"
Halata ko na agad na nagulat siya sa tanong ko dahil bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at napaatras. Buti na lang hindi niya nabitawan yung milk tea niya. Sayang naman.
"Nothing, I have to go."
Nakatingin lang ako sa papalayo niyang likod.
I tilted my head on the side. "She's kinda weird."
AFTER my afternoon shift, 5:30 - 7:00 pm, I bid my goodbyes to my co-workers and of course, to Rylee. Nag kanya kanya na kaming uwi sa tinituluyan namin.
At dahil malapit lang naman dadbod sa apartment na tinutuluyan ko, nilakad ko na lang ito para makatipid. May roon na rin ang hapunan. Mabuti na lang talaga at mabait yung manager namin at pinabaunan kami ng pagkain sa dadbod.
Tumingala ako sa langit at ngumiti habang naglalakad. "Kamusta na kaya si Eth?" tanong ko sa kawalan. "I miss him, so much."
Nawala ang mga ngiti ko sa labi at napatigil sa pagalalakad nang may marinig na parang may nag aaway sa may parteng madilim, walang ilaw at walang tao na masyadong dumadaan. Sa madilim na eskinita.
My curiosity leads me to follow the noise coming from the dark alley. Yeah it's dangerous but what if there's someone needs my help right? But don't get me wrong. I'm not trying to be a hero.
Nagtago ako sa likod ng pader at bahagyang sumilip para makita ang nangyayari. Pero hindi ako chismosa ha!
Tama nga ako. May nagbabakbakan nga. Isa laban sa lima. At... yung isang 'yon ay... babae?!
Panay ang sugod ng mga lalaki sa babae na panay naman ang suntok at sipa ruon na para bang hindi babae gumalaw. Kundi lalaking lalaki ang kilos niya sa pakikipaglaban. Ni hindi man lang ito natatamaan ng limang lalaking sugod ng sugod sa kanya.
Humanga ako sa babaeng naka itim ang suot mula pang itaas hanggang sa pang ibaba pero hindi ko kita ang mukha dahil naka mask ito nang tumakbo papalapit sa pader at nakuha niyang mabalanse ang katawan para upakan ng malakas na tadyak sa mukha ng lalaki saka ito umikot sa ere at walang hirap na nailanding ang mga paa sa lupa habang ang lalaki ay nakatihaya na at walang malay. Ganun na din ang mga kasamahan nito.
Aatras na sana ako para umalis nang may maapakan akong plastic bottle kaya gumawa iyon ng ingay na ikinapikit at kagat ng labi ko.
Hala!
Iminulat ko ang mga mata ko at sumilip muli. Wala na don ang babae. Siguro nakaalis na. Nakahinga ako ng malalim dahil akala ko'y narinig niya ang ingay na nagawa ko.
Humarap na uli ako para umalis nang may isang bulto ang biglang tumalon sa harapan ko. Nang dahil sa gulat, nawalan ako ng balanse kaya natumaba ako.
"S-sino ka?" tanong ko sa babaeng naka mask.
Lumuhod ang isang tuhod nito para magpantay ang mga mukha namin. Nanlaki ang mata ko nang unti-unti niyang inalis ang mask at nang mapagtanto ko na kung sino iyon.
"Oh, Hanelle, ikaw lang pala."
|©amph1trite|

Bình Luận Sách (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất