logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 05

"Ahh!" Tili ng dalaga at agad na napabangon buhat sa pagkadapa sa ibabaw ng binata.
Ang first kiss ko wala na. Ani ng isip ng dalaga. Napatakip siya sa kaniyang bibig. Agad din naman bumangon ang binata at pinatitigan ang itsura ng dalaga. Namumula ang pisngi at hindi pa rin inaalis sa pagkakatakip no'n.
"Ba't mo ako hinalikan senyorito?" Napatingin ang dalaga sa binata na ngayon ay nakahalukipkip.
"Pambayad utang." Mabilis na sagot niya. Tumaas pa ng bahagya ang sulok ng labi nito at ngumisi.
"Po? Hindi naman po ako umutang sa inyo senyorito." Paninigurado ng dalaga. Iniisip niya baka ang lola niya ang umutang sa binata.
"Hindi ka sa akin nagka-utang kung hindi kay Badong." Napangisi ulit ang binata at pinoproseso kung ano ang tumatakbo sa isip ng dalaga.
"Kay Badong? Senyorito never ko pa nga siya nakikita, paano ako nagkaroon ng utang sa kaniya?" Kumukunot na ang noo ng dalaga dahil kahit anong gawin niyang pag-iisip hindi siya nagkaroon ng utang dito.
"Sa pagtitimpi ni Badong kaya sumasakit ang puson nito. Gusto niyang maka-home run kaso hindi pwede kaya sariling sikap ang ginagawa niya." Tulad ngayon kung nagkataon pang-apat ko na ito. Shit! Ginulo ng binata ang sarili nitong buhok.
"Ah?" Pinaglalaruan na naman ng dalaga ang daliri nito.
"Huwag mo ng isipin iyon maintindihin mo rin balang araw. You're already twenty four pero napakainosente mo pa rin. Ano ba ginawa sa'yo ni Nanay Isabel." Napapailing na lang ang binata.
"Hinalikan mo na ako, so bayad na ba ako sa pagkakautang ko kay Badong?" Natigilan ang binata at napaisip.
"Kahit smack lang iyon pwede na." Damn woman! Smack lang iyon pero napakalakas na boltahe ang naramdaman ko. Paano pa kaya kapag kinain ko ng buo iyang labi mo?
"First kiss ko po iyon." Mahinang pagkasabi ng dalaga. Nahihiya pa itong napayuko.
"Don't worry, ako ang una't huli mo baby. Halika ka nga rito." Tinawid ng binata ang pagitan nila at niyakap niya ito, yakap na napakahigpit. Buong buhay ng binata maliban sa kaniyang ina wala na itong ibang niyakap na babae. Ngayon, itong yakap na pinagsaluhan nila ang napaka-special sa binata dahil may puwang sa puso niya ang kayakap.
Habang yakap ng binata ang dalaga hindi naman magkandarapa ang puso nito. Nandito na naman ang mga kabayong naghahabulan, isama mo pa na pawang mga paru-paro sa kaniyang tiyan. Naririnig din ng dalaga ang malakas na tibok ng puso ng binata.
"Senyorito, mayro'n ka rin bang mga kabayo riyan sa dibdib mo?" Dinikit pa lalo ng dalaga ang katawan nito para mas lalong marinig niya.
"Ba't mo natanong?" Kunwaring hindi maintindihan ng binata ang gustong malaman ng dalaga.
"Naririnig ko po at ang lakas ng tibok. Ganiyan din po ako, mayron akong mga kabayo sa dibdib kaya malamang gano'n ka rin." Humalaklak ang binata sa turan ng dalaga. Nagpupunyagi ang nararamdaman ng binata dahil pinagtagpo sila ng landas. Magkaiba sila ng pananaw kaya alam ng binata kung ano ang nangyayari. Hindi naman ito katulad ng dalaga na walang kamuwang- muwang sa lahat ng bagay.
"Heaven, nararamdaman mo ba? Dahil sa'yo bumibilis ang tibok nito. At ikaw lang ang nakagawa niyan. Dati pusong bato mayroon ako hindi nakakaramdam ng kahit ano. Pero nung natagpuan ka ng puso ko binago mo lahat, binali mo ang patakaran na ginawa ko sa sarili ko. Kahit pilitin kong umahon hindi ko na magawa dahil lunod na lunod na ako." Humiwalay ang dalawa sa pagkakayakap at pinakatitigan ang isa't isa.
"Walang kabayo na naghahabulan dito sa dibdib ko. Ang nararamdam mo kagaya ko ay nagpapahiwatig ng umiibig." Dugtong ng binata sa nais sabihin nito.
"Alam kong hindi mo ako maintindihin. Pero tutulungan kita kung ano ibig sabihin ng umiibig. Thank you baby dahil binago mo ang lahat sa akin." Hinalikan ng binata ang noo ng dalaga. Sa pagkalunod ng binata alam niyang talo na siya. Tama ang sinabi ng kaniyang ina na kakainin niya lahat ng kaniyang sinabi. Na balang araw mababali rin ang ginawa niyang patakaran para sa sarili at dumating na nga ang araw na iyon. Desidido ang binata na ipaparamdam sa dalaga ang totoong pagmamahal. Naumpisahan na niya kaya tatapusin niya hanggang sa dulo.
Lingid sa kaisipan ng binata, hindi mawari ng dalaga kung pag-ibig rin ang nararamdaman nito. Oo nga't pareho nilang nararamdaman na bumibilis ang tibok ng kanilang puso kapag kasama ang isa't isa. Sa parte ng binata alam niyang kung ano iyon, pero pagdating sa dalaga hindi niya matiyak. Kaya nababahala ang binata, nakakaramdam siya ng lungkot at sakit dahil parang ang kinalabasan one sided love, siya lang itong nagmamahal sa kanilang dalawa.
"Pahinga muna tayo at umidlip. Masarap ang hangin senyorito kaya siguradong makakatulog ka." Paanyaya ng dalaga sa binata. Sa lahat ng nangyari kanina lang, parang walang epekto sa dalaga. Hindi na nagtataka ang binata dahil sa pagka inosente ay iyon nga ang mangyayari.
"Ok, let's sleep then." Hindi na hinintay ng binata ang reaction ng dalaga. Basta na lang niya ito hinila pahiga sa telang nakalatag.
"Saglit lang senyorito-"
"Just sleep." Hindi na pumalag ang dalaga dahil niyakap na ito ng binata nang mahigpit. Magkayakap silang nakahiga, sa ayos ng posisyon nila mapagkakamalan mong mag-jowa. Isiniksik ng dalaga ang kaniyang ulo sa leeg ng binata. Naramdaman iyon ng binata kaya lihim itong napangiti.
"Hindi man tayo pareho ng nararamdaman sa ngayon, hayaan mong tulungan kitang tuklasin mo iyon Heaven." Bukal sa puso ng binata ang kaniyang sinabi. Ngayon lang siya umibig at ayaw niyang mawala pa ito. Siya mismo ang tumuklas kung ano ang pag-ibig para sa kaniya. At gano'n din ang gagawin niya para sa dalaga. Nang nakatanggap ng pagtango ang binata galing sa dalaga, nakaramdam ng konting pag-asa ang binata na balang araw pareho na silang nagmamahal.
Naalimpungatan ang dalaga sa pagkakatulog. Siguro isang oras na ang nakalipas buhat ng makatulog sila. Magkayakap pa rin sila, gumalaw ng bahagya ang dalaga para tignan ang binatang mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ito, hindi makakaila na nasa kaniya na ang lahat. Bigla niyang naalala ang una nilang pagkikita. Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng mga oras na iyon. Kahit gusto niyang iwasan ang pagkakatitig sa binata hindi sumangayon ang kaniyang katawan. Nahimatay pa nga siya at labis niyang ikinahiya. Ngayon lang kasi siya nakaramdam ng gano'ng klase. Minulat kasi siya ng kaniyang lola mula pagkabata hanggang pagtanda niya na bahay at sa mansion ng Davis umikot ang kaniyang buhay. Wala siya halos kaibigan pero marami naman ang taong nagmamahal sa kaniya. May mga nagtakang manligaw sa dalaga pero hindi sila tumatagal dahil halos bantay sarado siya. Hindi man niya lubos maintindihan ang gustong ipahiwatig ng binata sa kaniya pero handa siyang tuklasin kung anuman iyon.
Sa sobrang pag-iisip ng dalaga hindi niya namalayan na gising na rin ang binata. Magkahinang ang kanilang mata at ang tibok ng puso lang nila ang kanilang naririnig.
"What are you thinking?" Tanong nito sa dalaga na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikibo. Sobra na yatang malayo ang narating ng kaniyang iniisip.
"Ang sabi ko ano ang iniisip mo?" Tinagalog ng binata baka kasi hindi nakakaintindi ito ng english kaya hindi pa rin siya sinasagot.
"Nakakaintindi ako ng english kahit papano. Hindi man ako nakapagkolehiyo nakapagtapos naman ako ng high school. May naisip lang ako kanina." Tinampal ng dalaga ang dibdib nito. Hindi na komportable ang titig ng binata sa kaniya kaya napabangon na rin ito. Agad din naman sumunod ang binata. Kapwa sila nakaupo sa telang nakalatag habang nilalanghap pa rin nila ang sariwang hangin.
"So, ano nga iniisip mo?" Pangungulit sa kaniya ng binata. Inirapan niya ito at tumingin sa malayo.
"Naisip ko iyong una nating pagtatagpo. Nakakahiya nga dahil nahimatay ako." Natawa ang dalaga dahil sa nangyari sa kaniya noon. Gano'n din ang binata na hindi nakaligtas na paningin ng dalaga.
"Ba't ka kasi nahimatay that time." Natatawang turan pa rin ng binata.
"Ganito ako kapag sobrang nerbyos nahihimatay at palagi kong pinaglalaruan ang aking daliri. Dahil doon lang mapapawi kahit papano ang nerbyos na nararamdaman ko." Napayuko na lang siya dahil ayaw niyang makita ang reaction ng binata.
"Pansin ko nga." Mabilisang wika ng binata. Walang pag-aalinganan niyang pagsagot. Nag-angat bigla ng tingin ang dalaga.
"Sa'yo lang naman ako nagkaganito. Kahit iyong mga nanliligaw sa akin dati hindi ko naramdaman iyong ganito. Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan ka. Ikaw nga palagi ang laman ng isip ko. Hay! Mababaliw na yata ako." Sinabutan ng dalaga ang sarili. Sobra naman ang kasiyahang nararamdaman ng binata dahil walang kaalam-alam ang dalaga na pagtatapat na pala iyon.
"Lalo akong nahuhulog sa'yo baby." Hindi maiwasan ng binata na mayakap ulit ang dalaga. Alam niyang may pag-asa kahit papano at nagsisimula na.
"Hindi na ako bata senyorito, dalaga na po ako. Kaya huwag mo akong tinatawag na baby." Kinurot ng binata ang pisngi nito dahil sa kainosentihan.
"Senyorito natatakot po ako?" Bakas sa mukha ng binata ang pagkagulat dahil sa winika ng dalaga.
"Natatakot saan? May masakit ba sa'yo? Tell me?" Hinawakan ng binata ang magkabilang balikat nito na bakas din sa mukha ng dalaga ang takot.
"Baka po mabuntis ako." Mahinang wika ng dalaga at napayuko habang nakahawak pa rin ang binata sa balikat niya.
"Ah bakit?"
"Dahil hinalikan mo ako, kaya panagutan mo ako senyorito."
"Oh God!"

Bình Luận Sách (75)

  • avatar
    Esor Pay Nolagnob

    done reading, I really love the story of bachelor's I'm waiting for season 4 to be completed para tuloy tuloy ang pag babasa ko.. I'm waiting author.. 😊😍👍👌👌👌👌👌👌👌👌

    23/03/2022

      0
  • avatar
    ZepedaMadeleine Jodie

    please

    8d

      0
  • avatar
    Bebelyn Lapina

    grabe ang story para akong baliw s katatawa s mag kakaibigan doon s part n niluto n heaven n pagkain at pag harana nila,God bless

    29/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất