logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

KAAGAD akong naupo pagkamulat ng mga mata ko. Madilim ang paligid. Humaba ang labi ko. Hindi ko na nasaksihan ang paglubog ng araw. Hawak-hawak ko ang noo ko pagkatayo. Sa kalagitnaan ng paghanap ko ng switch button ng ilaw ay tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako nandoon sa sahig. Hindi naman ako lasing, at lalo namang hindi ako uminom ng alak para matumba nang walang dahilan.
Kumunot nang husto ang noo ko habang inaalala kung bakit ako nandito. Inihilamos ko ang palad pagkaupo ko sa couch matapos kong i-switch on ang ilaw. Napasinghap ako, tinakpan ang bibig at mabilis na kumaliwa at kanan ang ulo ko, hinahanap ang salarin ng pagkahimatay ko.
Iyong may-ari ng paa kanina. Nasaan? Saan galing? Bakit wala rito sa loob ng bahay? Muli akong napahilamos ng palad at saka umiling-iling. Nananaginip lang ako. Imposibleng maging tao iyong hamster. Tama, panaginip lang kasi wala siya rito.
Ni hindi nga naging tao iyong dalawang alaga ko noon, tapos siya, naging tao kaya alam ko sa sarili kong panaginip lang iyon. Nasa reality ako at hindi magkakaroon ng kung anong himala sa mundong ito. Sa libro lang nag-e-exist ang ganoon na isinusulat ng mga malikhaing manunulat.
Noong mahimasmasan ako at tuluyang magising ang dugo ko ay napagpasiyahan kong lumabas ng apartment. Kinuha ko ang walis na nakasandal sa dingding at winalisan ko ang alikabok sa deck step. Pagkatapos kong malinisan ay ibinalik saka isinara ko ang lamok para hindi pumasok ang mga lamok bago ako umupo sa deck step nang hindi pa nakakapagbihis. Suot-suot ko pa rin pala ang uniporme ko.
Malakas akong bumuga ng hangin na sinabayan ng mahinang paghampas naman ng hangin noong liparin ang ilang hibla ng aking buhok. Titingala sana ako sa langit para titigan, pero naagaw ng pansin ko ang tunog ng susi malapit sa kinaroroonan ko at ang pagkusot ng plastic, ganoon din iyong usok ng sigarilyong dinala ng hangin sa aking pang-amoy.
I wrinkled my nose as well as my forehead while I gritted my teeth in disgust. "Ang sakit sa mata," I commented as I pretend that I am about to cover my eyes.
Hindi ko kayang makita ang pagmumukha niya. Sobrang kapal ng balbas niya, pati ang buhok niyang tila buhok ng taong grasang nagpapalaboy-laboy dahil parang hindi niya sinusuklayan ang kulot at mahaba niyang buhok.
"Nandito na naman iyong mukhang kabayo." Umikot ang mga mata ko nang gumawi ang tingin niya sa akin at lumabi.
"Tingnan mo. Iyong nguso niya parang labi ng pato. Akala mo naman ikiniguwapo niya," mahina kong sabi na sinigurado kong ako lang ang nakarinig.
"Yuna, mas lalo kang tumataba. Malapit ka na maging katulad ng balyena," pagpansin niya sa katawan ko matapos niya akong tapunan nang ilang minutong tingin.
Tumawa lang ako. "Kaba-Kuya Von, kumusta? Hayaan mo 'tong taba ko."
Hindi ako natutuwang makipag-plastikan sa kaniya. Akala niya tuwang-tuwa akong kausap siya. Kung alam ko lang na uuwi pala siya ng ganitong oras, hindi ako lumabas. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya.
"Ito, katatapos lang ng trabaho ko. Ikaw, pagkain na naman ang inaatupag mo? Mag-exercise ka rin paminsan-minsan." Malakas siyang tumawa, nang-iinsulto pa ang boses.
Ano bang isyu nila sa akin? Kumakain lang naman ako. Ano ang mali sa pagkain at may ganitong katawan?
Ngumisi lang ako. Hindi nagpatalo sa pang-iinsulto niya sa akin. "Kailan ka guguwapo, kuya? Mukha ka na kasing—"
"The more you criticize others, the more you will be criticized. It is a defense mechanism to protect ourselves from negativity, but we should be selective in our criticism."
Naitikom ko ang bibig at tiningala ang nagsalita. Pinamulagatan ko ito na punong-puno nang gulat. Diretso ang pagsasalita niya, hindi man nautal.
Bago ako malunod sa pagkamangha sa nakikita ko ay agad kong inisip kung sino siya. Wala naman akong naalalang nag-uwi ako ng lalaki. Hindi kaya. . . .Teka. . . sino ito? Kumurap ako. Siya ba iyong. . . Tinakpan ko ang bibig at napatayo bigla.
Hinila ko siya papasok sa loob. Naibagsak ko pa ang pinto nang sipain ko para isara. Kanina wala siya at paanong nandito siya?
Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Gusto ko siyang tanungin pero naipit ang dila ko sa pinto nang wala akong mabigkas na mga salita. Nakipagtitigan lang ako sa kaniya. Titig niyang may sinasabi, pero wala naman akong superpowers para basahin iyon.
Sa kabila ng pakikipagtagisan ko sa titig niya, napukaw ang atensyon ko kung gaano kaganda ang kaniyang mga mata. Mahaba ang pilik-mata niya at napaka-dark, para siyang naglagay ng mascara.
Napakalalim ng mata niya. Hindi siya masakit tumingin kundi natatawa nga na nakaloloko ang paraan ng tingin niya. Pumikit ako dahil hindi ko dapat ginagawa ito.
Yummy ang looks pero bawal kong titigan baka kasi kung ano ang isipin niya. Maya-maya ay naalala kong hindi ko naipagtanggol ang sarili ko sa kaninang sinabi niya. Sino siya para sabihin sa akin ang ganoon?
Iminulat ko ang mata at eksaktong naabutan ko pa rin ang tingin niya sa akin habang ang daliri niya ay nasa kaniyang baba, tila kinikilatis ako sa paraan ng kaniyang tingin. Pinutol niya ang titig sa pamamagitan ng paglibot ng paningin, na para bang may hinahanap. Sinundan ko ang mga mata niya noong tumigil siya sa bandang uluhan ko.
Pasado alas-dies na pala ng gabi. Ilang oras ba ako nakaidlip? Kung nakailang oras ako sa pagkaidlip, matutuwa ako dahil ngayon ko lang naranasan ang matulog nang ganoon katagal.
"Hindi ka pa matutulog?"
Tumawa ako sa tanong niya. Sino siya para patulugin ako? Papalayasin ko pa siya sa apartment ko. Hampaslupa!
"I'm nocturnal, you know," pagmamalaki kong humalukipkip pagkatapos kong ibalik sa kaniya ang mata.
Nangunot ang noo niya. "Buong magdamag kang gising?"
"Grabe ka naman sa magdamag, Jeyo. Nahihirapan akong makatulog," seryoso kong sagot.
"Insomnia?"
Matipid akong tumango sabay ngiti nang maliit. "Hindi ko gawa-gawa iyan. Halos lahat kasi sinasabi nilang imbento ko lang ang insomnia ko, pero hindi." Mahina akong tumawa sa segundong nag-flash na mga alaala sa akin.
"Three years ko na itong nararanasan. Simula noong mamaalam si Mary Jane," malungkot kong dugtong.
Being irritable and having frequent headaches are hindrances in my work-life rather, but I pretend that I have energy and nothing is wrong with me. I needed this job.
Ito ang pangarap kong trabaho at hindi ko hahayaang tangayin ito ng insomnia ko. Dalawang beses akong magkape sa umaga para gisingin ang sarili ko.
Luckily, five hours of sleep every day is an achievement, but these past few weeks, I only slept for three hours. I normally take a nap after my work and this is a wrong habit of mine, but I couldn't stop myself from doing it.
May malungkot na kanta sa isip ko kaya mabilis kong iwinaksi ang dramang namumuo. Ayaw kong umiyak. Wala akong panahon sa bagay na iyon.
Punong-puno ng pag-alala at may curiosity ang nakaukit sa mukha niya na para namang kilang-kilala niya ako, e, kakilala lang namin. Sino siya para mag-alala ng ganito?
Ngumiti ako sabay sabing, "Huwag mo nang pansinin iyong sinabi ko."
"Nagpakonsulta ka na sa doktor?"
"Hindi."
Naglakad ako patungo sa sofa. Humalukipkip akong umupo at ipinagkrus ang hita ko. Tinaasan ko siya ng kilay mula sa ibinabato niyang ekspresyon sa akin. Wala akong balak sagutin ang tanong niya.
Humaba ang labi niya sabay kurap nang mabagal, nagpapa-cute at nagmamakaawang ikuwento ko sa kaniya. Ngumiwi akong umirap. Hindi nakakadiri dahil ang cute nga niya, e, pero gusto ko lang magsungit.
"Once lang at hindi na ako bumalik pagkatapos kong ma-clinical diagnose. Afford ko naman pero sayang kasi iyong pera at hindi ko trip iyong mga ano-anong ka-ek-ekan nilang ipinapagawa sa akin," paliwanag ko.
Pinanlakihan ko ang dismayadong tingin niya. Bakit? Kulang pa ba paliwanag ko? Gusto pa yata niyang i-elaborate ko pa ang buhay ko kung bakit ako nagkaroon ng ganito at kung bakit ang lusog ko sa paningin niya.
"Your condition is more important than money. I'm sure—"
"Ilang beses ko na iyang narinig. Wala pa rin akong balak bumalik doon."
Tumango siya. Humakbang siya nang apat. Pinanatili niya ang distansya niya sa akin, na para bang tinatantiya muna ako kung papayagan ko ba siyang maupo sa couch.
Hinayaan ko lang siyang tumayo kahit na alam kong nauupo na siya dahil hindi mapakali ang paa niya sa pag-foot tapping.
"Anong oras ang work mo bukas?"
"Seven in the morning, bakit? Gusto mo rin mag-apply? Huwag mo nang subukan dahil hindi porke magaling ka mag-English, e, pasok ka na agad. Guwapo ka lang." Pinasadahan ko siya nang mabilis na tingin.
Napangiwi ako sa pormahan niya. Iyong kulay ng t-shirt at ng kaniyang maong pants ay cream. Saan niya nakuha ang matchy-matchy outfit niya? Tumawa ako dahil ang baduy. Hindi tumugma sa guwapo ng mukha niya.
"Wala naman akong sinabing magtra-trabaho ako. I can't go out during the day, Yuna."
Bumilog ang labi ko. Iba pa rin sa pandinig ko ang accent niya sa pagsasalita ng ingles. Hindi matigas ang pagkakabigkas. Mukha siyang galing ibang bansa at kasingtunog niya ang mga mayayamang bata na sinanay silang magsalita ng ingles ng maaga.
Pinangkitan ko siya ng tingin pagkataas ko ng palad para patigilin siya sa binabalak niyang paghakbang.
"Lumalayo na tayo sa usapan, guwapo," putol ko sa pagiging komportable ng paligid. Dapat ay manigas ako sa takot o 'di kaya kabahan nang husto pero wala lang sa akin ang presensya niya.
He seems harmless but I know to myself that I shouldn't be calm. Mukha lang siyang walang balak, pero baka mamaya may balak na pala.
Nakatingin lang siya sa akin na parang walang kaalam-alam. "Sino ka? Ano'ng pangalan mo? Bakit ka nandito? Saan ka galing?"
"Ilang beses ko ng sinabi kung sino ako. Hindi mo pa rin naalala?" malungkot niyang tanong, sinamahan pa niya nang maliit na pagsimangot.
Tumaas ang dalawa kong kilay. Gumuhit ang malawak na ngisi sa labi ko at pinipigilan lamang ang sariling matawa nang tuluyan sa kahibangan niya. Oo, nakita ko pero isang napakaimposibleng pangyayari at hindi iyon kailanman mangyayari sa realidad. There's no fantasy in reality because life isn't like that.
"Sabihin mo nga sa akin, nananaginip ba ako?" natatawa kong tanong. "Kung panaginip ito, pakigising nga ako."
Umabante ako habang nakaupo pa rin. Ang mga kamay ko ay nakatukod sa gilid ko para suportahan ang sarili ko't hindi ako mahulog sa sahig. Inilapit ko ang mukha sa kaniya, binibigyan siya ng permisong sampalin ako.
"You're not dreaming."
My eyes widened as his tone are serious with no hint of joke. Totoo nga ito? Paano? Hindi kaya nag-teleport ako at napunta sa fantasy world o baka naglu-lucid dream ako.
"Hamster ka ba talaga na nagkatawang-tao?"
Kaagad siyang tumango.
Hindi pa rin ako kumbinsido kaya nagkunwari akong nagulat na namangha. "Wow! May superpowers ka? Saan galing? Pa-share naman sa akin."
Kinapa ko sa gilid ng kinauupuan ko ang phone para buksan ang share it app.
Umiling siya, hindi natutuwa ang ibinigay niyang tingin sa akin mula sa ikinikilos ko. "Wala akong gano'n, Yuna."
"Paano ka naging tao ngayon sa harap ko?"
Bumagsak ang dalawa niyang balikat, pati mata niya ay naghahanap din ng kasagutan. "Marami rin akong gustong malaman, Yuna, pero wala ako gaanong alam. Kakaunti lang ang alam at naaalala ko."
"Kuwento mo nang malaman ko rin kung bakit parang nagiging fantasy ang buhay ko sa mga oras na 'to," pangungumbinsi ko. "Siguraduhin mo lang na talagang hamster ka na naging tao, ha? Dahil kung nagpapanggap ka at namatay ako habang tulog dahil pinatay mo ako, ikaw ang unang isasama ko!" mariing pagbabanta ko.
Namulagat siyang naitaas ang dalawang palad, nakaatras ang katawan niya. "Easy, Yuna. Nakita mo naman kung paano ako nag-transform."
Ibinuka niya ang bibig pagkatapos nitong magpakawala nang napakalalim na buntonghininga.
"Kumbinsihin mo akong hindi talaga ako nananaginip. Hindi pa sapat ang nakita ko para paniwalaang nasa realidad talata ako at wala sa panaginip," ani ko bago ko ibigay nang tuluyan sa kaniya ang trono para magsalita.
I don't know what I am doing. Hindi naman siguro masamang patuluyin siya rito at hayaang magkuwento. Kung mamamatay man ako, maghahanap ako ng paraan para mabuhay ulit ako at magpaka-sexy. Gagawin ko siyang pinakapangit sa mundo kapag papatayin niya ako.
"The truth is. . ."

Bình Luận Sách (49)

  • avatar
    AjfaidheDkfksjf

    thank you

    14/06

      0
  • avatar
    AbdalJonan

    jonan

    22/04

      0
  • avatar
    RavinaAngelbert

    good

    03/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất