logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 22

Naalala ko 'yong message ni Laurent sa akin noong isang araw. Nagyaya siyang kumain kami kaya lang tinanggihan ko kasi may lakad kami ni Yanna. Nagpasama kasi sa akin sa mall may bibilhin raw siya. Hindi naman ako makatanggi basta iyon na ang magyaya, ayaw ko rin kasi na magtampo 'yon.
"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ni Yanna sa akin, may mask pa na nakalagay sa mukha niya. Ang hilig kasi nito na maglagay ng mga pampaganda sa mukha.
"Mamaya na kailangan ko ito tapusin, para hindi na ako ma-stress dito," sagot ko sa kanya. Kaya pumunta na ito sa kanyang kwarto, siguro matutulog na 'yon. Kaya tinuon ko na lang ang aking atensyon sa aking ginagawa.
Ilang oras din ako nakatingin sa laptop hanggang sa nakaramdam na ako ng sakit sa mata at sa aking likuran. Kaya tumayo muna ako para kumuha ng isang basong tubig. Saka bumalik sa sala, kinuha ko muna ang aking cellphone sa sofa at tiningnan ang oras. Hindi ko akalain na umabot pala ako ng 2 a.m. ng umaga sa kakatrabaho pero hindi ko pa rin ito natapos.
Binuksan ko muna ang aking Instagram, gusto ko muna magpahinga kahit ilang minuto lang sa pagtratrabaho. May bigla nag-message sa akin. Kaya agad ko itong tiningnan.
LaurentC : Hindi ka pa natulog?
Kaya nag-reply ako agad.
ZLeign: May tinapos lang ako, kailangan na kasi ito.
Nakitang kung nagta-type pa ito. Naka-duty ba ito kaya gising pa siya sa oras na ito.
LaurentC.: Tapos ka na? Coffee muna tayo if okay..
Nag-iisip pa ako kung papayag ba ako, madaling araw na rin kasi. Pero sa huli ay pumayag din ako dahil hindi rin naman ako makatulog tapos kailangan ko rin magpahangin lalo't stress na ako sa ginagawa ko. Bukas ko na lang ito tatapusin.
Agad ako umakyat sa taas upang magpalit ng damit, nagsuot lang ako ng jacket na hanggang tuhod at leggings. Nilugay ko lang 'yong buhok ko saka nagsuot ng hoodie, naglagay lang ako ng kaunting liptint. Kinuha ko ang wallet ko at dahan-dahan na lumabas ng apartment. Kung hahanapin nila ako sasabihin ko na lang na nag-jogging lang ako.
Sa labas ko na lang hinintay si Laurent, nag-message naman iyon na malapit na siya. Hanggang sa may makita ako na palapit sa akin na itim na motor. Huminto ito sa aking harapan at tinanggal ang kanyang helmet.
"Hi," bati niya sa akin.
"Hello! Wait, d'yan ako sasakay?" gulat na tanong ko sa kanya at he just nodded. Halata sa motor nito na mahal ito,  ikaw ba naman ang may Ducati tapos iyon pang bagong labas.
"Are you scared?" Hinintay nito ang aking sagot.
"Hindi," pagsisinungaling ko, medyo nakaramdam kasi ako ng kaunting takot pero hindi ko ito pinahalata sa kanya.
Inabutan niya ako ng helmet, tapos ako naman itong tanga hindi marunong magsuot ng helmet. Kaya marahan niya ako hinila para mapalapit sa kanya at siya na ang nagsuot nito. Pigil ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya, doon lang siguro ako nakahinga ng maayos ng lumayo na siya. Inalayan niya ako na makasakay sa motor niya.
Hindi ko alam kung saan ako hahawak, nahihiya naman ako kung sa kanya. Hindi naman kami gaano ka close, iwan ko nga ba ano pumasok sa isip ko at pumayag ako na lumabas kami ng madaling araw para lang magkape. Nagulat ako ng inabot niya ang aking kamay at pinulupot sa kanya saka pinaandar ang motor.
Dahil sa sobra gulat ko napahigpit ang hawak ko sa kanya habang nakapikit ang aking mga mata. Kaya narinig ko pa iyong tawa niya dahil sa reaksyon ko, kaya unti-unti kung dinilat ang aking mga mata at tiningnan ang bawat nadadaanan namin. Sobrang tahimik ng lugar, wala pang gaanong sasakyan sa paligid. Nakasara pa ang ibang tindahan, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ayaw ko naman magtanong.
Huminto kami sa isang coffee shop, medyo malayo ito sa aming apartment. Pumasok kami at umupo ako sa bakante table. Si Laurent na ang pumunta doon para mag-order. Maya-maya ay bumalik na ito.
"Wala kang trabaho ngayon?" Tanong ko sa kanya. Boring kasi kung hindi ko siya kakausapin.
"Kanina pa natapos, may binabasa lang ako kanina ng makita ko na online ka pa," sagot nito.
"Ano ba ginagawa mo kanina?"
"School works," I replied to him.
Hindi na namin natapos ang aming pag-uusap ng dumating ang order namin. Tahimik lang kami habang umuinom ng kape.
"Masarap 'yong kape nila," nakangiting sabi ko. Hindi pa kasi ako nakakapunta rito, nasanay na lang kasi kami ng mga kaibigan ko na bumibili ng coffee 'yong 3 in 1, mas tipid pa.
"Madalas ako dito, when I was in college. Tahimik kasi mag-aral dito," ani nito sa akin. Kung sabagay sa mga mayayaman kapag nag-aaral pumupunta sa coffee shop, kaming mga mahihirap makabili lang ng nescafe stick sapat na para hindi antukin sa kakaaral.
"Hindi ba nakakapagod 'yong pagiging doctor? Kasi alam mo 'yong hawak mo ang buhay ng isang tao, tapos minsan hindi pa kayo natutulog."
"Hindi naman, as long as you love your job. Kapag gusto mo 'yong ginagawa mo kaya hindi mo maramdaman 'yong pagod," seryosong sagot niya. Kaya napahanga ako dito, totoo naman kasi iyong sinabi niya. Kahit gaano pa 'yan kahirap pero kung gusto mo talaga iyong ginagawa mo hindi ka mapapagod.
Hindi ko namalayan na naubos na pala 'yong kape dahil sa pinag-usapan namin. Tumingin ito sa kanyang relo, siguro may lakad pa ito. Lumabas na kami sa coffee shop at nagpunta kung saan naka-park ang kanyang motor. Tinulungan muna niya ako isuot iyong helmet ko bago siya sumakay sa kanyang motor at nagsuot na rin ng helmet.
Nagtataka ako kung bakit iba ang daan na aming tinatahak, hindi ito patungo sa amin.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Curious kasi ako baka saan niya ako dalhin, pero may tiwala naman ako sa kanya dahil hindi naman siya masamang tao.
"May ipapakita ako sa iyo," sagot niya habang ang mga paningin ay nasa daan.
Ilang minuto din ang aming biyahe bago kami nakarating sa may tabing dagat. Mabuti na lang talaga at naka-jacket ako kaya hindi ko gaanong ramdam ang lamig ng hangin. Medyo madilim pa ang paligid, kaya hindi ko pa gaano nakikita ang kabuuhan ng paligid. Naririnig ko ang tunog ng alon sa dagat. Naghintay kami ng ilang minuto pa at unti-unti na nagliwanag ang paligid.
Namangha ako sa aking nasaksihan dahil sobrang ganda ng kulay ng langit, unti-unti nagpakita na ang araw. Agad ko kinuha ang aking cellphone sa bulsa upang makunan ito ng pictures, kahit hindi ko man ito ma-upload sa Instagram dahil magtataka si Yanna at bakit ako napunta rito baka itanong pa kung sino ang kasama ko. Makulit pa naman iyon, hindi titigil hanggang hindi nalalaman.
Tiningnan ko iyong kuha ko na pictures sa aking cellphone, sobra nitong ganda.
"Madalas ka ba rito?" Napatingin ako sa kanya at hinihintay ang sagot nito.
"Kapag madaling araw na ako matapos sa trabaho ay dumadaan ako rito, tinitingnan ko lang ang pagsikat ng araw," saad nito habang nakatingin sa kalangitan.
Naghintay pa kami ng ilang oras bago kami nagpasya na umuwi na. Habang sa biyahe ay niyaya ko muna siya na pumunta kami sa tindahan ni Aling Nena dahil masarap 'yong mga pagkain niya doon lalo na ngayon oras na ito. Bawi ko na rin dahil hindi niya ako pinabayad sa kape kanina. Lagi na lang kasi niya akong nililibre, nakakahiya naman sa kanya.
"Oh, sino 'yang kasama mo?" bungad sa amin ni Aling Nena ng makita kami.
"Kaibigan ko po," nakangiting sagot ko. "'Yong dati na order ko po, dalawa."
Umupo kami ni Laurent sa bakanteng mesa, wala pang customer si Aling Nena dahil suguro sobra kaming maaga.
"Kumakain ka pa sa ganito?"
"Hindi ko pa nasubukan," nahihiyang sagot niya. Kaya tuloy nakaramdam ako ng hiya, hindi pala siya sanay sa mga ganito dahil mayaman naman siya. Sino ba naman ang mayaman na kumakain sa isang karendirya. Bakit ba hindi ito pumasok sa aking isipan. Gusto ko na tuloy umalis kami dito.
"It's okay, don't worry about me," agad na bawi niya ng makita ang reaksyon ko. Ngumiti siya para masigurado na okay lang sa kanya.
Dumating na si Aling Nena dala 'yong order namin. Nagpasalamat ako sa kanya bago ito umalis. Tiningnan ko talaga ang reaksyon ni Laurent ng kainin na niya ito.
"I like the taste of their food," nakangiting sabi niya sa akin at kumain na ito. Pilit ko binabasa 'yong isip niya baka sinabi lang niya iyon sa akin para hindi ako malungkot pero napatunayan ko na nagustuhan niya ito ng nag-order pa siya ng isa.
Kaya napangiti na lang din ako. Pagkatapos namin kumain ay babayaran na sana niya 'yong kinain namin pero naunahan ko na siya. Nakakunot tuloy 'yong noo niya dahil naisahan ko siya. Nagpaalam na kami ni Aling Nena, kumaway na lang ako dito bago kami tuluyan na umalis.
Hinatid niya ako sa apartment at umalis din agad. Dahan-dahan ako pumasok sa apartment.
"Saan ka galing?"
"Tipaklong-" nagulat ako ng makita si Yanna na may hawak na isang tasang kape at tiningnan ako ng napakasama. Para itong nanay na nahuli ang anak na tumakas sa bahay.
"Nag-jogging lang," palusot ko dito.
"Talaga?" hindi ito naniwala sa sinabi ko. " Nang ganyan ka fresh? Naka-liptint pa, hindi ka man lang pinagpawisan," nakataas na ang isang kilay nito.
"Oo, nag-jogging lang. Inumaga na ako sa ginawa ko, hindi naman ako makatulog kaya ayon nag-jogging na lang ako. Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo," pagsisinungaling ko dito, sana naman kumagat. Bakit ang aga kasi nitong nagising ngayon, ang hirap pa naman nito paniwalain. "Akyat na ako," hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad ako nagmamadali umakyat sa taas. Baka sa kakatanong niya mahuli pa tuloy ako. Mahirap na baka ano pa isipin non kapag nalaman na magkasama kami ni Laurent.
Humiga muna ako sa kama dahil ngayon pa ako dinalaw ng antok, mabuti na lang at wala akong trabaho. Mamayang hapon pa ako pupunta sa bahay nila Laurent para turuan 'yong kapatid niya. Nandoon kaya siya o baka pumasok na iyon sa trabaho.

Bình Luận Sách (174)

  • avatar
    Susana Aboloc

    feeling ko may gusto SI hanz sayo

    1d

      0
  • avatar
    JosePatrick

    thanks

    4d

      0
  • avatar
    Korei Santos

    happy

    12d

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất