logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Minsan bumaba ang grades ni Stefani, pumasok ang dalaga na may pasa sa mukha at sa braso. Nakaramdam ng awa si Yelena, nalaman niya na pinagbuhatan pala ito ng kamay ng ama dahil lang sa pagbaba ng grades. Nang mga panahon na iyon ay bago pa lang silang magkaibigan. Yelena stayed with her, listened to her, siya ang nanatili sa tabi nito sa mga sandaling wala itong kaibigan.
Dahil sa klase ng pamilya na kinakalikahan, alam ni Yelena na sabik ito sa atensiyon, kaya naman naging pala-kaibigan ito. Isang bagay na naiintindihan niya. Yelena feels sorry for her, looking at them. Mas mapalad siya dahil mayroon siyang mapagmahal na mga magulang. Mayroon siyang mga kaibigan na palaging nariyan sa tabi niya. Samantalang ito ay wala, kaya ng mga panahon na iyon. She decided to welcome her on her circle of friends.
Mahilig sa extra-curricular activities si Stefani. She’s very active, not only in academics. Dahilan para mas makilala ito sa campus, bukod doon ay maraming kalalakihan ang humanga at pumila sa panliligaw dito.
Isang araw ay naglalakad si Yelena, ng may bumangga sa kanya kaya natapon tuloy ang bitbit niyang softdrinks in can. Nagtatakbuhan at nagtutulakan kasi ang ilang mga lalaking estudyante, kaya isa sa mga ito ang bumangga sa kanya.
“Ano ba naman?” galit na lingon niya sa nakabangga.
“Ay Yelena, sorry,” sabi nito.
Humarap siya dito saka tinuro ang damit na natapunan ng softdrinks.
“Ano ngayon ang gagawin mo dito?” maangas na tanong niya.
“Ha? Ah, ano…”
“May klase pa ako mamaya, alam mo ba ‘yon?”
“Sorry talaga,” hinging paumanhin ng nakabangga sa kanya.
Napalingon silang lahat ng dumating si Stefani. Agad nitong nakita ang damit niya.
“Oh, anong nangyari?” tanong nito.
Inis na tingnan niya ang mga ito. “Mga hindi kasi nag-iingat eh!”
“Hindi talaga namin sinasadya. Sorry, papalitan ko na lang,” sagot ng lalaki.
“Kung bakit naman kasi naghaharutan kayo dito. Sige na, lumayas na kayo sa harap ko!”
Napailing na sinundan ni Stefani ang mga ito, bago tumingin sa kanya.
“Ikaw talaga, napaka-mainitin ng ulo mo. Pinalagpas mo na lang sana,” sabi nito.
“Paano ba akong hindi maiinis? May klase pa ako, may lakad pa kami ni Ren mamaya,” sagot niya.
“Si Ren?” ulit nito.
“Oo, nagyaya ang loko! Alam kasi na maaga uwi ko,” sagot niya.
“Ah… iba ang closeness n’yong dalawa, no?”
Noon napangiti si Yelena. “Ah oo,” sagot niya.
“Gusto mo siya? I mean, not as a friend,” tanong ni Stefani.
“Honestly? Oo. Actually, we both know we like each other. Pero hindi pa puwedeng maging kami. Nangako kasi ako sa Daddy ko, pati si Ren, na hihintayin
muna na maka-graduate ako ng College bago siya manligaw. Nag-iisang anak kasi ko, kaya medyo may pagka-overprotective si Dad.”
Bumuntong-hininga ito. “Ang sweet naman,” nakangiting reaksiyon nito.
Tumingin si Yelena sa relo niya, may isang oras pa bago mag-umpisa ang klase nila.
“Sandali lang, lalabas ako saglit. Bibili ako ng damit dito lang sa malapit na
mall. Ayokong mag-amoy softdrinks mamaya sa klase at sa lakad namin ni Ren,” sabi niya.
Biglang yumakap si Stefani sa isang braso niya. “Sama ko!” prisinta nito.
Ngumiti siya. “Sige, tara!” pagpayag niya.
Few more months later, sa pagtagal ng paglalalim ng pagkakaibigan nilang dalawa ni Stefani, ay naging close din ito kay Ren. Noong una, sa tuwing nakikita niyang magkasama ang dalawa ay hindi siya nagseselos. Pero nang kalaunan, ramdam na ni Yelena ang pag-iba sa kilos ni Stefani sa tuwing kasama ito ni Ren. Pero hindi niya kinompronta ito, ayaw niyang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan ng dalawa. Tiwala siya kay Ren, alam niya na siya lang ang mahal nito at handa itong maghintay sa kanya.
Hanggang sa nangyari ang isang malaking aksidente sa University nila, habang tinatayo ang bagong building doon. Mula sa pinakamataas ay biglang may bumagsak na malaking bakal at sa ibaba niyon nakatayo si Ren habang kausap ang mga classmate nito.
“Ren!” malakas na sigaw niya.
Mabilis na tumakbo si Yelena palapit dito, pero bago pa siya makarating kay Ren. Mas nauna si Stefani, tinulak nito ang binata sabay talon din. Nailigtas si Ren, pero napilayan sa kaliwanag paa ang kaibigan.
“Oh, my God, Stef!” nag-aalalang sigaw niya saka agad na tumakbo.
Mabilis na tumayo si Ren. “Stefani, are you okay?” nag-aalalang tanong din nito.
“Ren, ikaw? Okay ka lang ba?” baling niya sa binata.
Imbes na sumagot ay agad nitong kinarga si Stefani at tinakbo sa clinic.
“Excuse me!” natatarantang sabi ni Ren sa mga tao.
Naiwan si Yelena doon na tulala. Para siyang sinaksak sa dibdib, hindi siya makapaniwala, sa unang pagkakataon. Hindi siya pinansin ni Ren. For the very first time, he ignored her. Alam ni Yelena na hindi iyon ang panahon para maramdaman niya iyon, pero ng lumingon siya at nakita na may ibang babaeng nasa bisig nito, nakaramdam siya ng selos.
Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon. Naging mas malapit na si Ren at Stefani sa isa’t isa. Ang binata ang palagi nitong kasama at umaalalay kay Stefani sa paglalakad dahil sa pilay sa loob ng dalawang linggo. Dumating sa punto na nawalan na si Ren ng panahon sa kanya. Maging si Stefani ay hindi na niya nakakasama. Hanggang sa napabalita sa buong campus na may relasyon na ang dalawa.
“Are you okay?” tanong ni Julianna.
Malungkot siyang ngumiti, saka marahan tumango.
“Weh? Huwag ka nga mag-pretend? Hindi ikaw ‘yan,” sabi ni Regine.
Huminga siya ng malalim at pilit na pinigilan ang pagtulo ng luha.
“Nag-usap na ba kayo ni Ren?” tanong naman ni Nigella.
“Hindi. Lagi siyang busy, lagi silang magkasama ni Stefani,” walang ganang sagot niya.
Napalingon sila ng dumaan ang dalawang estudyanteng babae sa puwesto nila.
“Confirm girl, silang dalawa na!”
“Talaga ba?”
“Oo! Maraming nakakita na binigyan ng flowers ni Ren si Stefani!”
“Ay kinikilig ako sa kanila!”
Nagkatinginan silang magkakaibigan. Pakiramdam ni Yelena, ano man oras
ay aagos na ang luha niya. Kaya agad siyang tumayo at naglakad palayo.
“Yelena! Saan ka pupunta?!” sigaw ni Regine.
“Hahanap ng mapaglalabasan ng galit sa mundo!” sagot niya.
“Hoy Yelena! Anong gagawin mo? Bumalik ka dito!”
Pero hindi siya nakinig at dumiretso ng lakad. Mula doon ay nag-desisyon siyang pumunta na lang ng CR. Malapit na siya sa pupuntahan nang mapadaan siya sa isang stock room. Napahinto siya sa paglalakad ng masipat niya na nasa loob ng stock room si Stefani. Ang lapad ng ngiti nito at halatang kay saya nito. Mula doon ay biglang may nagsalita pang dalawang babae.
“Anong plano mo ngayon, Stef?”
“Alam mo Mae, wala naman kailangan pagplanuhan. Nangyayari ng kusa ang lahat ng gusto ko,” sagot ni Stefani.
“Ikaw talaga, pretend pa more! Hindi naman sa’yo ‘yang bulaklak! Ayan oh, kitang-kita na nakapangalan kay Yelena,” sabi pa ng isang kasama nito.
“Ang laki ng problema mo Liezel,” natatawang sagot ni Stefani.
Nanlaki ang mata ni Yelena sa nakitang ginawa nito. Kinuha ni Stefani ang card sa bouquet saka nilamukos at tinapakan iyon. Noon din nakita ni Yelena na magaling na ang paa nito at wala ng pilay. Ibig sabihin, umaarte na lang ito kay Ren. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan, hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Stefani.
“Ayan, wala ng ebidensya!”
“Saka ikaw ang dramatic actress mo, last week ka pa nakakalakad ng maayos eh,” sabi ni Liezel.
“Eh baka mamaya kasi hindi na ako lapitan ni Ren,” katwiran ni Stefani.
“You saved his life. Hindi niya makakalimutan ‘yon,” sabi naman ni Mae.
Bumuntong-hininga ito. “Buti nga naunahan ko si Yelena, kung hindi, siya na naman ang mapapansin ni Ren.”
Tumawa ang tatlo.
“Maldita ka!”
“Shhh! Huwag kang maingay, baka may makarinig!” sagot ni Stefani.
Nakaramdam ng galit si Yelena, kaya bigla niyang binuksan ang pinto. Kitang-kita niya ang pagka-gulat sa mga mata ni Stefani.
“So, those flowers are really mine? Pero inangkin mo?”
“Yelena…”
“You’re lying all these time, Stef?” kompronta niya.
Maging si Liezel at Mae ay nagulat sa biglang pagbukas niya ng pinto.
“Iwan ka muna namin,” paalam ni Mae.
“Ngayon, sabihin mo sa akin ang totoo, Stefani. May gusto ka ba kay Ren?” deretsong tanong niya
“Oo, matagal na. Noong unang kita ko pa lang sa kanya, gusto ko na siya.”
“Bakit? Alam mon a mahal ko siya,” sagot ni Yelena.
“Pero wala kayong relasyon! At kahit may relasyon kayo, hindi mo ako mapipigilan na mahalin siya!”
“You’re that desperate?”
“Oo, I want him in my life! And I will do anything to get him,” determinadong sagot ni Stefani.
“So, this is the real you? Lahat ng pinakita mo sa akin, sa mga tao dito ay hindi totoo?”
“Totoo ang pagkakaibigan ko sa’yo noong una, Yelena. Nagkataon lang na minahal ko si Ren, pero ako ang tipo ng tao na alam kung ano o sino ang gusto. I can’t be friends with you anymore, dahil kaagaw kita sa kanya.”
“Pathetic,” mariin sabi niya.
“Call me anything you want, but I will not back down. I will not give him up,” sagot nito.
Umangat ang isang sulok ng labi niya. “Eh di tingnan natin,” aniya.
Bigla siyang tumalikod at agad na lumabas. Hinabol siya ni Stefani, at agad na humarang sa daraanan niya.
“Ano pa bang gusto mo?” maangas na tanong niya.
“Kung inaakala mo na maniniwala siya kapag nagsumbong ka. Huwag ka ng mag-aksaya ng panahon, dahil nasa akin ang tiwala niya,” sabi ni Stefani, with her devilish smile.
“Simula ngayon, huwag na huwag mo akong kakausapin, o kahit tangkain lapitan man lang,” galit na sabi niya.
Napakunot noo si Yelena ng biglang bumalik sa dati ang ekspresyon ng mukha nito. Pagkatapos ay ngumiti ng maayos sa kanya.
“Here’s the flowers, pinabibigay pala ni Ren sa’yo. Nami-miss ka na daw niya,” biglang sabi nito.
“What the hell are you talking about?” naguguluhang tanong niya.
“Huwag ka ng magalit sa akin, please? Tsismis lang naman ‘yong kumakalat dito sa University eh. Hindi totoo ‘yon, tinutulungan lang ako ni Ren sa injury ko,” sabi pa nito.
Sa inis ni Yelena ay bigla niyang tinabig ang kamay nitong may hawak na bulaklak.
“Shut up! Tigilan mo ako ng kaplastikan mo!” galit na sigaw niya.
Hindi siya makapaniwala sa sunod na ginawa nito. Bigla itong napaupo sabay sigaw at hawak sa paa. Mayamaya ay umiyak ito.
“Stefani!”
Napalingon si Yelena, doon lang niya nakita si Ren. Agad itong tumakbo palapit kay Stefani.
“Yelena, anong ginawa mo?!” galit na tanong nito.
“Wala akong ginagawa! Tinabig ko siya sa kamay, iyon lang!”
“I asked her to give you the flowers!”
“Ren, masakit ‘yong paa ko!” daing ni Stefani.
Sarkastiko siyang natawa. “Galing mo rin umarte, no?”
“Yelena, tumigil ka na please? Nasaktan na si Stefani dahil sa pagtulak mo!” saway sa kanya ni Ren.
“Puwede ba, Ren?! Hindi ko siya tinulak! At huwag kang maniniwala sa palabas ng babaeng ‘yan! Puwede na ‘yang makipag-marathon! Inaartehan ka lang niyan dahil may gusto siya sa’yo!”
“What are you talking about? Stefani is very supportive to us,” giit nito.
“So, you’re saying? Nagsisinungaling ako? Na mas naniniwala ka sa kanya?”
“Ang ibig ko lang naman sabihin, hindi niya magagawa ‘yong mga sinasabi mo,” paliwanag nito, sabay hawak sa braso niya.
“Eh di ganoon din ‘yon!” galit na sagot niya.
“Ano bang kinakagalit mo?! Iyong balita sa school tungkol sa amin? Wala kaming relasyon ni Stef! I was just helping her!”
Pumiksi siya saka lumayo dito.
“Whatever! Magsama kayo ng sinungaling na ‘yan!” galit na sagot niya saka mabilis na nag-walk out.



Bình Luận Sách (73)

  • avatar
    BalulaoNorman

    thanks

    04/05

      0
  • avatar
    PatulinEugene

    tdddgygnfdghdbfjfjfhfhhdhdhfhfbfjgnfhfhbfhfnfhfhtntjtjtjtmmtmgkjtkemhkejyjwthwgnsnhhswjwjwjwykekeuokwyjhwgntykkemeyethnfjnnrnbfnnfnnrbrbrggehebdveggg get htbrbgegdvdvdg hbfbfbfjngjytjtjtjthhhhrhrhtjjikykgntmnfjr hruhrhhdbehrgrghnnkjvhvjvhvjvubhhmvjfjfjfjdudifogoeitotirororieitotkdkdslflgkfkfkfkdjdjfkfkdkyofofididglfkfpgofoyptptpdoroforidkfkdkfofpfpfofodoflgkflglflglfkfkyototptpfldoditglgkxkflhlgogofodihieydudlgidfkgkfpglgodogitirofogiffkgkfoykgfjjgtjfdjhssgshfjfjfjdhhfhditotjfkgrlitititoyohlhohl

    20/01

      0
  • avatar
    Elvi Senaban Elvi Senaban

    ang Ganda Ng story nato guyss..

    30/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất