logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

THE KOREAN word “Ji Hye” in English means wisdom. Ji Hye International University is listed on fourth spot, as one of the most prestigious universities in the country for the past years now since it was established. Known for its world class and high-tech facilities, nakilala rin ang unibersidad sa mataas na dekalidad na edukasyon. Bukod doon ay kilala rin displinado ang mga estudyante doon. Mahigpit na pinatutupad sa unibersidad ang rules and regulations nito. Lahat ng mga nagtatapos sa JHIU ay halos pag-agawan ng mga malalaking kompanya.
Matatagpuan ito sa Taguig, malapit sa C5 Highway. Mula doon sa Tanangco Street na malapit lang din sa nasabing highway ay maaaring limang minuto lang puwedeng maging byahe papunta sa university kapag hindi traffic. Sa malawak na commercial area na iyon, matatagpuan ang isa sa pinakamalaki, at grandyosong Unibersidad. Pagpasok mo pa lang ay bubungad na sa'yo ang malawak na parking lot at mataas na main building. Sa itaas ay makikita ang malaking sinage ng pangalan ng University na nakasulat sa English at Korean. Sa main building matatagpuan ang Faculty Rooms, private offices ng mga staff hanggang sa Presidente ng unibersidad. Doon din matatagpuan ang meeting rooms, at conference hall maging ang malawak na Library. Pagpasok sa loob ng mismong campus, bubungad ang malawak na school ground na madalas pagtambayan ng mga estudyante tuwing vacant period ng mga ito. May mga puno kasing nakatanim doon at natatakpan ng maliliit at berdeng damo ang lupa. May sariling gusali ang bawat courses, kung saan naroon din ang mga facilities na kakailanganin ng mga ito sa pag-aaral. Mayroon sariling indoor basketball court, indoor swimming pool with lockers and shower room. Ang lahat ng rooms ay fully-air-conditioned, habang ang canteen naman ay sobrang lawak, na pinamamahalaan ng mag-asawang Chef na si Vanni at Madi.
JHIU's main branch is located at Seoul, South Korea. JHIU is founded by a Korean business man named Park Yo Shin, twenty-five years ago. Nag-umpisa ang kagustuhan nitong magtayo ng isang unibersidad sa Pilipinas matapos ang isang business trip nito. Marami siyang mga kabataan na nakilalang gustong makapag-aral pero walang kakayahan ang mga magulang na tustusan ang pag-aaral ng mga ito. Pangalawa, ng mga panahon na iyon ay may mga Koreans ng pumupunta sa Pinas para makapag-aral ng mura. All in all, Mister Park wants a school who will reach out to the students, gives out the best in them. Provide wisdom, and teach them to study well for their future.
Pagkatapos mapag-isipan mabuti, sa tulong ni Darrel James, na nakilala ni Mister Park dahil ang Travel Agency nito ang nag-ayos ng flight details sa mga business trips nito. Nakilala ni Mister Park ang mga kaibigan nito, na gaya ni Darrel, na mga business men din, at ng mga panahon na iyon ay nagsisimula ng pamilya. Na-kumbinsi nila ang mga kaibigan ni Darrel na mag-invest para sa itatayong unibersidad. Sa tulong ng perang in-invest ng Tanangco Boys, kasama ang ilan pang mga Korean Investor. Naipatayo nila ang Philippines Branch ng Ji Hye International University. Makalipas ang ilang taon, nang ipatupad ng gobyerno ang k to 12 sa edukasyon. Binuksan ng Ji Hye International University ang pinto nito para sa mga Junior at Senior High. Nang mamatay si Park Yo Shin, ang dalawang anak nitong lalaki ang namahala sa JHIU. Si Park Nam-Young, ang panganay ang namamahala sa main branch sa Seoul. Samantala, si Ivan Park naman sa branch dito sa Pilipinas.
Tumatanggap din ng scholars ang unibersidad, kaya kahit ‘yong mga hindi masyadong nakakaangat sa buhay ay nagkakaroon ng malaking pag-asa na makatapos sa magandang eskuwelahan. Dahil doon ay nagkakaroon din ng pag-asa ang mga ito na gaganda ang buhay nila. Tanging Senior at Junior High students lang ang may uniporme doon, habang ang mga college students ay wala.
“OMG! Male-late na ako sa next subject ko,” sabi ng kapatid niya, saka halos mapatalon ito mula sa kinauupuan, saka agad na inubos ang laman ng pinggan at juice nito. Bago magtanghalian ay dumating doon sa University ang parents niya, kaya doon na sa canteen kumain ng lunch ang mga ito kasabay ang parents ni Aven.
Napatingin si Ren sa suot na relo. It’s thirty minutes before one in the afternoon.
“Ala-una pa ang pasok mo, twelve-thirty pa lang. Wala pang five minutes nasa kabilang building ka na, ang OA,” sagot niya.
Regine flipped her hair and looked at him. “Kuya, ayokong magmadali sa paglalakad. Baka pawisan kili-kili ko, saka kailangan kumendeng habang naglalakad,” walang gatol na katwiran nito.
“Anak, dahan-dahan sa pagsasalita ng kili-kili, dalaga ka na,” saway ng Mommy nila na si Panyang.
“Ang sabihin mo gusto mo lang makita si Yoon,” tudyo niya.
Bigla siyang hinampas nito ng libro sa braso. “Aray!” daing niya.
“Shut up, Kuya ha?”
“O, baka magkapikunan kayo,” saway ni Roy, ang Daddy nila.
Bigla niyang inakbayan si Regine at pasimpleng inipit ang ulo nito sa kili-kili niya.
“Kuya! Amoy bayabas ang kili-kili mo!” sigaw ni Regine.
“Eh bayabas scent ang gamit kong deodorant, amuyin mo bilis!” pang-aasar pa niya sa kapatid.
“Bastos!” sigaw ulit nito.
That’s right, sila ang bunga ng makaysaysayan pagmamahalan ni Roy at Panyang mahigit dalawampung taon na ang nakakaraan. Ilang beses ng narinig ni Ren ang kuwento ng mga taga-roon sa Tanangco Street tungkol sa mga magulang niya. Iisa lang ang sinasabi ng mga ito, kung gaano ito kabait at kakulit ngayon ay ganoon din ang mga ito noon. Kaya naman mahal na mahal niya ang mga magulang. Bilang panganay, he looks out for his little sister, Regine.
“We’ll go ahead,” paalam niya sa mga magulang.
“Aray Kuya! ‘Yong buhok ko nag-blower pa ako!” tungayaw ni Regine.
Ngumisi lang siya at lalong inipit ang ulo ng kapatid. Hindi niya ito binitiwan hanggang sa makalabas sila ng pribadong opisina ng daddy niya. Mayamaya ay bigla siyang napahiyaw ng kurutin nito ng pino ang tagiliran niya, kaya bigla niyang nabitiwan ito. Tumakbo ito palayo sa kanya, pero bigla itong nabangga kay Yoon. Nakita niya kung paano namula ang mukha ng kapatid ng makita si Yoon saka nagmamadaling umalis.
“Bye Regine!” tila nang-aasar pa na paalam nito.
“Ilong mo mukhang babay!” pagsusuplada ni Regine kay Yoon, saka kumekendeng na naglakad palayo.
Natawa na lang siya saka napailing habang pinagmamasdan ang dalawa. Maceo Luciano as what they call him, pero Park Yoon sa harap ng camera. He is the adopted son of Darrel and Allie Luciano. He is pure Korean but raised here in the Philippines. Isa itong sikat na actor at singer, hindi lang dito sa bansa kundi maging sa South Korea. Sa ngayon ay nag-lie low muna ito sa lime light para tapusin ang pag-aaral. Mayamaya ay dumating ang iba pa nilang kaibigan.
“Uy Pare, mauuna na ako sa inyo! Late na naman ako!” paalam ng nagmamadaling si Aven. Hindi man lang nito hinintay ang sagot nila, mabilis itong tumakbo at iniwan sila. Aven or Lavender Cruz, ang bunso sa apat na anak ng mag-asawang celebrity chef na si Vanni and Madi Cruz.
Napailing si Yoon. “Kelan ka ba hindi na-late?” natatawang komento nito, pagkatapos ay nag-high five sila nito.
Umakbay kay Ren si Steven o Estaben Santos, ang second cousin niya at pangalawang anak ng Tito Dingdong at Tita Chacha niya. Sa kabila niya ay si Makaio Pederico, ang isa pa nilang kababata na anak ng mag-asawang Ken at Myca Pederico. Sa kanan ni Yoon, tumabi si Channe, ang bunsong anak ni Humphrey at Lady Lombredas. Ang mga magulang nilang lahat ay matatalik na magkakaibigan, partikular na ang kanilang mga ama na doon na sa Tanangco Street lumaki.
Ilang sandali pa ang lumipas, tumatakbong lumapit ang apat pa nilang mga kaibigan. Si Page Servillon, anak ng isa sa may-ari ng nag-iisang Car Wash sa lugar nila. Si Adam Leongson, Hajime Kento at Dawson Marcelo, mahigit sampung taon na ang nakakalipas simula ng lumipat ang tatlo kasama ang mga pamilya nito doon sa Tanangco. Simula ng makilala nila ang mga ito at nagkasundo, napasama ito sa grupo nila, at tila magkakapatid na ang naging turingan sa isa’t isa.
Bigla silang napahinto sa paglalakad ng sabay-sabay tumunog ang cellphone nila. Matapos basahin ay agad silang nagkatinginan.
“Siguraduhin ninyong hindi late si Aven mamaya,” sabi ni Ren.
“Do we have another mission?” seryosong tanong ni Channe.
“Maybe, kilala mo naman si Boss kapag may bago tayong project,” sagot ni Adam.
Bumuntong-hininga si Hajime pagkatapos ay nag-inat. “I miss doing this, mukhang magiging active na ulit tayo,” sabi pa nito.
“Let’s go, mamaya natin pag-usapan ‘to,” sabi naman ni Ren.
Ngunit may lihim silang magkakaibigan, isang bagay na hindi alam ng karamihan ng mga nakatira doon. Isang lihim na mahigit limang taon na nilang pinagkakaingatan.
Napalingon si Ren kay Hajime ng kalabitin siya nito sa braso.
“Ha?”
Imbes na sumagot ay may nginuso ito sa di kalayuan. Paglingon ni Ren ay nakita niya si Stefani. Nakangiti ito sa kanya at kumakaway pa, gumanti lang siya ng ngiti dito. Mayamaya ay naglakad ito palapit sa kanya, ngunit hindi pa man nakakalapit si Stefani ay napatingin siya sa bandang likuran nito ng dumaan si Yelena.
“Oy Yelena, saan ka pupunta?” tanong ni Steven.
“Doon sa walang maingay na tulad n’yo,” mataray pero pabirong sagot ng dalaga.
“Uy sama ako diyan,” sabi pa ni Dawson saka sinabayan ito.
“Ay naku, lumayas nga kayo sa paningin ko,” kunwari ay naiiritang sagot nito.
“Lab yu, Yelena!” sigaw pa ni Channe.
“I hate you!” sagot nito.
Nagtawanan lang ang mga ito. Sanay na silang lahat sa ugali ni Yelena na maangas, alam nila kung kailan ito seryoso at kelan ngbibiro. Pero hindi doon nakatuon ang atensiyon ni Ren.
“Yelena,” tawag niya.
Huminto ito saka humarap sa kanya. She looked at her with those cold beautiful eyes.
“What?” pormal ang mukha na tanong nito.
“Can we talk?” tanong din niya.
Pero bago pa ito makasagot ay dumating na si Stefani. Agad pumulupot ang kamay nito sa braso niya.
“Ren, let’s go have some ice cream?” yaya sa kanya nito sabay ngiti ng matamis.
Matalim na pinukol ni Yelena ng tingin si Stefani, bago muling tumingin sa kanya.
“Saka na tayo mag-usap kapag wala ng bangaw na nakadapo sa’yo,” walang kangiti-ngiting sagot ni Yelena. Hindi man lang nito hinintay ang sagot niya at basta na lang siya tinalikuran.
“Let’s go?” tanong sa kanya ni Stefani.
Alanganin siyang ngumiti sa dalaga, saka inalis ang kamay sa braso niya.
“I’m sorry Stef, maybe next time,” sagot niya saka mabilis na hinabol si Yelena.
Nang maabutan niya si Yelena ay agad siyang humarang sa daanan nito. Bahagya pa itong nagulat at sinalubong siya ng tingin. His heart skipped when those beautiful eyes laid on him. Alam na niya noon pa man na maganda na si Yelena, pero mas lalong tumingkad ang ganda nito ngayon. She’s wearing an all-black outfit, wearing a dark makeup that makes her look mysterious and more gorgeous. Hinayaan nitong nakaladlad at tinatangay ng hangin ang kulat tsokolateng buhok nito. She has the wonderful hazel brown eyes that mesmerizes him everytime she looks at him. May katangusan ang ilong nito, at ang labi nito ay tila kaysarapan hagkan. She still has that fair complexion. Pero sa kabila ng kagandahan nito, kahit na pilit nitong tinago sa likod ng make-up, bakas sa mga mata nito ang kalungkutan.
“What?” tanong nito. Sa pagkakataon na iyon, malumanay na ang boses nito.
“Nothing, I just miss you. Hindi na kita nakakausap,” sabi pa nito.
Bumawi ng tingin si Yelena. “Sinabi ko naman sa’yo na huwag na tayong mag-usap, di ba?” anito.
“Pero bakit? Kung dahil lang sa alitan n’yo ni Stefani, then, I can’t accept that!” giit niya.
Bumuntong-hininga ito. “Bahala ka,” anito pagkatapos ay nilagpasan siya.
“Sandali lang, may gusto akong itanong sa’yo,” habol niya.
“Ano ‘yon?” tanong nito saka muling humarap sa kanya.
“Nililigawan ka ba ni Wil?” tanong niya.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Ren ng gumuhit ang magandang ngiti ni Yelena. Isa sa dahilan kung bakit nain-love siya sa dalaga, he wants to see that smile everyday. He wants that smile to be exclusively for him.
“Saan mo naman nadampot ‘yan tsismis na ‘yan?” natatawang tanong nito.
“Wala, narinig ko lang diyan sa tabi-tabi,” sagot niya.
Lumapit ito sa kanya saka magaan na ngumiti sa kanya. “Alam mo kahit madalas akong badtrip sa’yo, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko matiis na hindi ka kausapin gaya ng palagi kong sinasabi,” sabi nito saka bumuntong-hininga.
“Hindi, okay? Hindi nanliligaw si Wil sa akin,” sagot ni Yelena.
“Talaga? Eh bakit nakita ko kayo noong nakaraan araw. Nakayakap ka sa kanya,” sabi pa niya.
Ang tinutukoy niya ay ang araw na nag-away si Stefani at Yelena malapit sa bahay nila.
“Ay naku Rene Roy, stop asking those kinds of questions! You sound jealous for your information,” natatawa pa rin na saway nito sa kanya.
“I am jealous,” mabilis niyang sagot.
Napalis ang ngiti nito at tumingin sa kanya.
“Stop it,” ani Yelena na muling sumeryoso ang mukha.
“Mauna na ako, may klase pa ako,” biglang paalam nito.
Hindi na tinangka pa ni Ren ang humabol. Pinagkasya na lang niya ang sarili na nakatanaw dito. Kelan nga ba nagsimula ang pagmamahal niya kay Yelena ng higit pa sa kaibigan? Bumuntong-hininga siya, hindi na niya alam kung kailan eksakto, basta ang natatandaan niya. Nang bumalik si Yelena mula sa America makalipas ang ilang taon bago sila mag-Senior High, nagbago na ang pagtingin niya dito.

Bình Luận Sách (73)

  • avatar
    BalulaoNorman

    thanks

    04/05

      0
  • avatar
    PatulinEugene

    tdddgygnfdghdbfjfjfhfhhdhdhfhfbfjgnfhfhbfhfnfhfhtntjtjtjtmmtmgkjtkemhkejyjwthwgnsnhhswjwjwjwykekeuokwyjhwgntykkemeyethnfjnnrnbfnnfnnrbrbrggehebdveggg get htbrbgegdvdvdg hbfbfbfjngjytjtjtjthhhhrhrhtjjikykgntmnfjr hruhrhhdbehrgrghnnkjvhvjvhvjvubhhmvjfjfjfjdudifogoeitotirororieitotkdkdslflgkfkfkfkdjdjfkfkdkyofofididglfkfpgofoyptptpdoroforidkfkdkfofpfpfofodoflgkflglflglfkfkyototptpfldoditglgkxkflhlgogofodihieydudlgidfkgkfpglgodogitirofogiffkgkfoykgfjjgtjfdjhssgshfjfjfjdhhfhditotjfkgrlitititoyohlhohl

    20/01

      0
  • avatar
    Elvi Senaban Elvi Senaban

    ang Ganda Ng story nato guyss..

    30/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất