logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

WALANG imik si Yelena habang nilalagyan ni Ren ng gamot ang sugat niya. Napatingin si Ren sa kanya ng marinig nito ang bahagyang pagdaing niya dahil sa hapdi ng gamot na nilagay nito. Marahan hinipan nito ang sugat bago takpan iyon. Mula sa labas ay dinala siya ni Ren sa bahay nito at ang binata mismo ang gumamot sa sugat niya
“Paano ka ba kasi nasugatan?” tanong pa ni Ren.
“Bakit mo pa tinatanong? Hindi ka rin naman maniniwala, baka mamaya kasalanan pa ng kamay ko dahil hindi siya nag-ingat,” pilosopo pero sarkastikong sagot niya.
Napabuntong-hininga siya. “Stop being sarcastic, Yelena. Tinatanong kita ng maayos,” aniya.
“I’m okay now, thank you,” sa halip ay sagot nito saka tumayo.
Natigilan siya ng maramdaman na hinawakan ni Ren ang kamay niya.
“Sigurado ka ba na okay ka na talaga?” tanong nito.
Lumingon siya sa binata. “Kapag sinabi ko na hindi. Anong gagawin mo?”
“Yelena, bakit pati tayo apektado sa alitan n’yo ni Stefani?”
“Simple, ikaw ang dahilan kung bakit ayaw akong tigilan ng babaeng ‘yon. Dalawa ang mukha ng babaeng iyon, ‘yong isa, may sungay at buntot!” walang gatol na sagot niya.
Hinawakan siya ni Ren sa magkabilang balikat. “Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa’yo na mabait siya. Kilala ko si Stefani, Yelena. So, stop making up stories,” sagot nito.
Parang pinukpok ng martilyo si Yelena sa narinig mula kay Ren. Bago pa tuluyan na naman siyang maiyak, agad niyang binawi ang kamay mula dito. Malungkot siyang ngumiti.
“Let’s stop talking to each other from now on. Para ano pa at naging magkaibigan tayo kung hindi mo rin ako papaniwalaan. Doon ka na lang kay Stefani, tutal mas naniniwala ka sa kanya. Para saan pa ang pagkakaibigan na ‘to kung wala ang tiwala mo sa akin. At tutal ulit iyon naman ang gusto n’ya kaya ako ang binu-buwisit no’n,” sabi niya pagkatapos ay tuluyan na niya itong tinalikuran.
“Yelena, wait!” narinig niyang habol nito, pero hindi na siya huminto at lumingon pa.
“Hija, ano nagamot ba ni Ren ang sugat mo?” tanong pa ng Tita Panyang niya matapos itong makasalubong sa hardin.
Pinilit niyang ngumiti dito. “Opo,” sagot niya.
Napakunot noo ito matapos magkasalubong ang tingin nila.
“You look sad, nag-away ba kayo ni Ren?” tanong pa nito.
“Yelena, wait!” narinig ulit niyang sabi ni Ren.
“Hindi po, sige Tita, uwi na po ako. Thank you po,” sagot niya, saka nagmamadaling lumabas ng bakuran ng mga Cagalingan.
Paglabas ni Yelena ay naabutan niya ang bestfriend niya na si Wil sa labas ng gate nila. Bakas ang pagtataka sa mukha nito ng makitang galing siya sa bahay nila Ren. Ilang sandali pa ay lumapit ito sa kanya.
“Hey, are you okay?” tanong nito.
Sa harap ni Wil, she can be herself. He knows everything. At ito lang ang tanging naniniwala sa kanya. Muli na naman siyang naiyak kaya yumakap siya sa kaibigan. Narinig niya itong humugot ng malalim na hininga.
“Ano na naman ang ginawa sa’yo ng Stefani na ‘yon?” tanong nito.
Hindi sumagot si Yelena sa halip ay tahimik lang siyang umiyak habang yakap nito. Nang mga sandaling iyon, hindi ang nangyari sa pagitan nila ni Stefani ang dahilan ng pag-iyak niya. Kung hindi si Ren, ang lalaking kaytagal na niyang minamahal. Minsan napapagod na siyang mahalin ito, she’s trying her best to be good and worthy for him, pero sa tuwing umeeksena si Stefani. Nasisira ang lahat ng iyon at siya ang nagmumukhang masama palagi sa paningin ni Ren.
“BYE MOM, bye Dad,” paalam ni Yelena sa mga magulang bago lumabas para pumasok ng school.
“Stay out of trouble, young lady. Bawasan ang pagiging maangas at siga sa University. May nakakarating sa akin na reklamo tungkol sa’yo, nabu-bully mod aw ang ibang students,” paalala ng ama.
“Dad, maangas lang ako, pero hindi ako bully. Ang totoong bully sa school, iyong nagpapanggap na Santa-santita doon. Nag-iinit lang talaga ulo ko kapag nababangga ako kaya inaangasan ko sila, pero hindi ako nangbu-bully,” paliwanag niya.
“Kahit na, konting pasensiya anak,”
“Yes Dad,” sagot niya.
“Masyado mong namana ang pagiging mainitin ng ulo ni Papa,” dugtong ng Mommy niya, na ang tinutukoy ay ang kanyang Lolo.
“I miss Lolo, Mom. Kailan ba sila uuwi dito? Miss ko na ‘yong sparing namin sa Gym,” sabi pa niya.
“O ayan, sparing! Masyado kang naging boyish habang lumalaki kaya ayan, nasasabihan ka ng bully,” anang Daddy niya.
“Ay naku Dad, pakialam ko sa mga Pengkum na ‘yan. Anyway, alis na po ako.”
“Drive carefully,” habol naman ng ina.
“I will, Mom,” sagot ulit niya.
Paglabas niya ng bahay ay naabutan ni Yelena na nakabukas na ang gate ng bakuran nila. Agad siyang sumakay sa kotse at nilabas iyon sa garahe. Natanaw niya na nakaabang na ang iba pa niyang kaibigan sa tapat ng tindahan ng Ninong Olay niya at naghihintay sa kanya. Binaba ni Yelena ang bintana ng sasakyan sa side niya at ngumiti sa mga kaibigan.
“Good morning ladies, get in,” aniya.
Mabilis na sumunod ang mga ito sa sinabi niya.
“Good Morning, Ninong!” magiliw niyang bati kay Olay.
“Kasing-ganda natin ang umaga, inaanak!” sagot nito.
“Alis na po kami,” nakangiting sabi niya.
“O sige, ingat kayo,” bilin ni Olay.
“Okay po.”
Bago niya tuluyan paandarin ang sasakyan. Bigla siyang napatingin kay Ren ng lumabas ito sakay ng magarang big bike nito. For a few moments, Yelena and Ren exchange gazes. Hanggang ngayon ay wala pa rin nagbabago sa damdamin niya para dito, pero nasasaktan siya na palaging si Stefani ang pinapanigan nito.
“Okay na ba ang kamay mo?” narinig niyang tanong ni Regine.
“Hindi pa. It still hurts, very much,” makahulugang sagot niya, pagkatapos ay bumawi ng tingin mula kay Ren at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan.
Mula sa Tanangco, ilang minuto lang ang bibilangin at naroon na sila sa Ji Hye International University. Ang Unibersidad kung saan major investor ang Daddy niya, which makes her belong to everyone’s so-called “Campus Royalties”, sila ang grupo ng mga anak ng sampung major investors ng JHIU. Ang Daddy niya at ang siyam na matalik na kaibigan nito. Also, known as the original Tanangco Boys.
Pagdating nila sa campus, awtomatikong pinagbuksan siya ng malaking gate para makapasok ang kotse niya. At agad na pinarada sa isang eksklusibong parking area para sa kanila. Hindi nagtagal, nagsidatingan ang iba pang kotse ng mga kababata niya. Kasama na doon si Ren na sakay ng big bike nito.
Kinuha ni Yelena ang dark sunglasses sa loob ng bag at sinuot iyon saka bumaba ng kotse. Malaki at malawak kasi ang parking lot ng Ji Hye International
University, daig pa ng laki nito ang parking lot sa mga shopping mall.
Lumingon siya sa mga kaibigan. “I’ll go ahead,” paalam niya saka naglakad palayo.
“Yelena, lunch later ha?!” narinig niyang sigaw ni Julianna, ang panganay na anak ng Tito Leo niya.
Tinaas lang niya ang isang kamay at nag-thumbs up bilang sagot dito. Hindi pa nakakalayo si Yelena ng mabangga siya ng kung sino, dahilan para mabitawan niya ang hawak na bag. Napahinto siya saka hinubad ang shades at masamang tiningnan ang lalaking nakabangga sa kanya.
“Ano ba?! Ang taas ng sikat ng araw hindi mo pa rin ako nakita?!” singhal niya sa lalaki.
“Sorry Yelena,” sagot agad nito.
Akma na itong aalis ng iharang niya ang isang braso sa daraanan nito.
“So, ako pa ang dadampot ng bag ko? Ako pa ba ang mag-aadjust?” mataray na sabi niya.
Agad dinampot ng lalaki ang bag saka inabot sa kanya.
“Madali ka naman palang kausap eh. Sige na, go! Umalis ka na,” maangas niyang sabi. Bumuntong-hininga siya saka napailing at muling naglakad.
That’s her, Yelena Pineda. Oh her last year in College and taking up Business Ad at Ji Hye International University. Ang unica hija ng mag-asawang Abby at Joneil Victor Pineda. Her Dad is a world-renown car racer, a champion to be exact. And her Mom is a simple but the best wife and a mother to them. Mabait pareho ang mga magulang niya, kaya nagtataka ang marami kung saan siya nagmana ng pagiging maangas, matapang at straightforward. Sa madaling salita, “siga” ang madalas na term ng mga tao sa kanya.
Sabi ng Mommy niya, marahil ay sa Lolo niya sa Mother side dahil matapang na pulis daw ito noon at walang kinatatakutan. Halos lahat ng estudyante doon sa JHIU ay pinangingilagan siya. Kaya sino nga ba ang maniniwala sa kanya na kaya siyang apihin at itulak ng basta ni Stefani sa tuwing nasa mood itong mag-maldita sa kanya? Hindi naman sa nagpapa-api siya, it’s just that, sa tuwing gusto niyang manapak, lalo na kapag naiisip niya si Stefani. Palagi niyang naaalala ang pangaral sa kanya ng Lolo niyang pulis noon. Hindi dahilan ang katapangan para manakit ka ng kapwa mo. Huwag daw niyang hayaan na marumihan ang kamay niya. Dahil hindi sukatan ng katapangan ang pananakit ng kapwa.
Okay lang naman sa kanya na hindi siya paniwalaan sa iba, dahil hindi siya ang tipo ng tao na ipipilit ang sarili sa ayaw sa kanya. Except for Ren Cagalingan.

Bình Luận Sách (73)

  • avatar
    BalulaoNorman

    thanks

    04/05

      0
  • avatar
    PatulinEugene

    tdddgygnfdghdbfjfjfhfhhdhdhfhfbfjgnfhfhbfhfnfhfhtntjtjtjtmmtmgkjtkemhkejyjwthwgnsnhhswjwjwjwykekeuokwyjhwgntykkemeyethnfjnnrnbfnnfnnrbrbrggehebdveggg get htbrbgegdvdvdg hbfbfbfjngjytjtjtjthhhhrhrhtjjikykgntmnfjr hruhrhhdbehrgrghnnkjvhvjvhvjvubhhmvjfjfjfjdudifogoeitotirororieitotkdkdslflgkfkfkfkdjdjfkfkdkyofofididglfkfpgofoyptptpdoroforidkfkdkfofpfpfofodoflgkflglflglfkfkyototptpfldoditglgkxkflhlgogofodihieydudlgidfkgkfpglgodogitirofogiffkgkfoykgfjjgtjfdjhssgshfjfjfjdhhfhditotjfkgrlitititoyohlhohl

    20/01

      0
  • avatar
    Elvi Senaban Elvi Senaban

    ang Ganda Ng story nato guyss..

    30/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất