logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

—Chapter 7—

WALA sa amin ang gustong gumalaw ng PAGKAIN na siyang nakahain sa hapag. Balot pa rin ng tensyon ang paligid dulot ng mga nangyari kagabi. Halos hindi rin mahawakan nang maayos ni Tita Jingle ang kanya’ng kutsara dahil sa tindi ng kanya’ng nerbyos. Hinawakan naman ni Tito Florante ang mga kamay ni Tita Jingle dahil sa nag-aalala ito.
“Jingle, alam kong natatakot ka para kay Lairus pero kailangan nating magtiwala na hindi mangyayari ang kinatatakutan natin,” ang sambit ni Tito Florante.
Tiningnan naman ako ni Tito Florante at kahit na ngiti ang nakaplaster sa kanya’ng mukha, ay dama ko sa kanya’ng aura ang pag-aalala.
“Ano’ng plano natin? Hindi natin p’wedeng habang buhay ikulong si Lairus dito sa bahay! Hindi habang buhay ay mababantayan niyo siya!” ang sambit ni Tita Jingle.
Napataas ng kilay si Cornelia sa sinabi ni Tita Jingle. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Tita Jingle. Pero sa aminin namin o hindi, may punto si Tita Jingle. Hindi ako preso na p’wedeng ikulong habang buhay. Wala akong kasalanan.
“Bakit may ibang plano ka ba na naiisip? Sa tingin mo ba, hindi ko naisip ‘yon?” ang tanong ni Cornelia.
Napataas naman ang kilay ni Tita Jingle sa sinabi ni Cornelia. Napatingin naman ako kay Tito Florante at Griffin na halos synchronize ang paghigop ng kape kahit na nagsisimula nang lumalim ang gabi. Bakit ba parang immune na ang dalawang ito sa pagbabangayan nina Tita Jingle at Cornelia?
“Akala mo ba wala akong plano? Hindi mo ba naisip na kahit isa akong manghuhula sa may Quiapo ay kabilang pa din ako ng organisasyon!” ang matalim na sambit ni Tita Jingle
Inilapag ni Cornelia ang kanya’ng kubyertos sa ibabaw ng kanya’ng plato. Napahalukipkip siya at bakas sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ni Tita Jingle. Pero curious ako sa sinabi ni Tita Jingle. Ano naman kayang organisasyon iyon? Narinig ko ang pagtawa ni Cornelia na may halong kapaklahan. Nakaramdam ako ng takot dahil sa kung ano ang kayang gawin ni Cornelia.
Ang kanya’ng buhok ay naging itim at ang kanya’ng labi ay naging kulay lila. Ibang-iba siya sa Cornelia na nakilala ko. Nakaramdam ako nang pagkabahala kaya naman humarap ako kay Griffin ngunit umiling si Griffin. Parang pinahihiwatig nila na huwag na kaming makialam.
“Ano’ng organisasyon, Genevieve? Yung organisasyon na hinayaan kaming makipaglaban sa mga aswang sa mismong araw ng kaarawan ni Lairus! Masaya dapat siya sa araw na iyon! Hindi dapat namatay si Aurora!”ang sigaw ni Cornelia.
Natulala naman ako sa sinabi ni Cornelia. Bumalik sa isipan ko ang dahilan kung bakit hindi ko cinecelebrate ang birthday ko. Kung bakit sa sementeryo lagi ako nagcecelebrate sa halip na sa mga pasyalan. Tumayo ako sa aking kinauupuan at niyakap si Cornelia. Muling bumalik sa dati ang hitsura ni Cornelia.
“Lairus,” ang naiiyak na sambit ni Cornelia.
Tumingin ako kay Tita Jingle. Naiintindihan ko na nalulungkot ang mga tao dito sa pagkawala ni Mama pero hindi dapat sila magpatayan sa mismong pamamahay namin. Walang may gusto sa nangyari kay Mama. Kung may dapat sisihin sa nangyari, ang mga aswang yun. Nakahinga naman ako nang maluwag sa pagkalma ni Cornelia at Tita Jingle. Napabuntung-hininga naman si Griffin at Tito Florante. Halatang mga takot sila sa dalawang ito. Tumingin ako kay Tita Jingle at kumalas ako sa pagkakayakap kay Cornelia bago ako nagtanong.
“Tita Jingle, ano’ng organisasyon po pala ang tinutukoy niyo?” ang tanong ko dahil kanina pa talaga ako kinakalabit ng utak ko na itanong iyon.
Napangiti naman si Tita Jingle dahil sa interesado akong malaman kung ano nga ba ang layunin ng organisasyon. Muli naman akong umupo dahil sa totoo lang ay hindi ganun kalakas ang stamina ko. Madalas akong maglabas pasok noon sa ospital pagkatapos ng nangyari kay Mama. Kaya nga kahit na mahina ang stamina ko ay pilit akong nagsiside line upang mabili ang pangangailangan ko nang hindi ginagamit ang ano mang yaman ng mga Veluz.
“Ang organisasyong tinutukoy ko ay ang tinatawag na Hinirang. Binubuo iyon ng mga hinirang ng mga diyos na siyang naririnig natin sa mitolohiya ng Pilipinas,” ang sambit ni Tita Jingle.
Napataas naman ang kilay ni Cornelia. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang napataas ang kilay ni Cornelia. Talagang sasama nga ang kalooban ni Cornelia kung alam nilang binubuo sila ng mga hinirang ng diyos.
“Eh ano ngayon kung hinirang ng diyos ang miyembro niyo? Kung tumulong sana kayo eh di sana—!” naputol ang sasabihin ni Cornelia nang sumingit si Tito Florante.
“Bata pa noon ang mga hinirang, Cornelia. Alam mo yan! Kaya huwag mong isisisi sa organisasyon ang nangyari kay Aurora! Kaya kung naririnig man tayo ni Aurora ngayon, malamang ay gumugulong na siya sa kanya’ng hukay!” ang sambit naman ni Tito Florante.
Natahimik naman si Cornelia. Talagang hindi kami matutulungan ng organisasyon. Siyempre tututol ang mga magulang ng mga hinirang na ipadala sila sa labanan. Kahit na sabihin nilang kaibigan nila kami. Kahit na buhay na namin ni Mama ang nakasalalay doon.
“Eh bakit ikaw Genevieve? Hindi ba anak ka ni Kapalaran? Bakit hindi mo tinulungan si Aurora? Hindi ba kaibigan ka niya? Nasaan ka noong kailangan ka niya!” ang sigaw ni Cornelia.
Hinampas naman ni Tita Jingle ang mesa sa sobrang galit. Nanatili akong nakikinig sa pagbabatuhan nila ng sisi at gustuhin ko man na awatin sila ay hindi ko magawa. Parehas silang ayaw magpaawat.
“Oo, anak ako ni Kapalaran! Pero hindi ibig sabihin nun ay namana ko ang buong kapangyarihan niya! Ang namana ko lang naman ay ang kakayahang makita ang hinaharap! Kaya bago ang birthday ni Lairus, sinabi ko kay Aurora ang pangitain ko! Pero hindi niya sinunod ang payo ko! Dahil wala siyang ibang gusto kung hindi ang mapasaya si Lairus!” ang sigaw ko.
Dahil sa akin? Nawala si Mama? Aanhin ko ang pagcecelebrate ng birthday kung mawawala naman sa akin habang buhay si Mama? Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak pero sa tuwing naririnig ko ang topic kay Mama ay hindi ko iyon maiwasan.
“Bakit ngayon mo lang sinabi ang tungkol diyan? Bakit hindi mo sinabi sa amin ang tungkol sa lintik na pangitain na iyan? Ano bang kinatatakot mo? Kinatatakutan mo ba na hindi namin kayang baguhin ang kapalaran? Na hindi namin kayang isulat ang sarili naming kapalaran? Duwag ka, Genevieve! Hindi ka marunong sumugal! Hindi ka marunong magsakripisyo!” ang sigaw ni Cornelia.
Kita ko ang pangangatal ni Tita Jingle dulot  ng galit. Hindi ko alam kung paano sila aawatin? Sa bawat salitang ipinupukol nila sa isa't isa ay tumataas ang tensyon. Tumulo ang mga luha ni Tita Jingle ngunit agad niya iyong pinunasan.
“Huwag mong kwestiyonin ang desisyon ko, Cornelia! Gusto mong malaman kung bakit siya namatay? Dahil sa inyo ni Griffin! Hindi kamatayan ni Aurora ang nakita ko! Kung hindi ang kamatayan ninyong dalawa!” ang sigaw ni Tita Jingle.
Hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa na itong pumatak. Hinahaplos naman ni Tito Florante ang likuran ko. Halos hindi ako makahinga sa naririnig ko.
“Noong araw na lumabas kayo, sa halip na iwan kayo ni Aurora ay isinama niya kayo sa amusement park. Sa halip na mamamatay kayo sa mismong pamamahay na ito, ay itinuloy niya ang balak niyang baguhin ang kapalaran ninyong dalawa! Alam niyo naman siguro, na ang dapat nakatakdang mangyari ay hindi dapat baguhin! At ang buhay ni Aurora ang kabayaran sa pagbago niya sa kapalaran ninyong dalawa! Dahil kayo ang isa sa kasiyahan ni Lairus noong tagapagbantay pa kayo ni Aurora!” ang sigaw ni Tita Jingle.
Sa sobrang sama ng loob ko sa mga nalalaman ko ay nagdilim ang paningin ko. Pakiramdam ko ay may sumalo sa aking pagbagsak ngunit hindi ko nakita kung sino iyon. Naririnig ko ang kanilang pagtawag sa pangalan ko ngunit lumalabo iyon sa pandinig ko habang tumatagal. Nais ko lang naman sumaya at maranasan kung paano magkaroon ng pamilya na maituturing. Pero bakit ganito Mama ang nangyayari? Bakit kung kailan nananahimik ang buhay ko ay bigla na lang may manggugulo? Ganito ba talaga kasakit malaman ang katotohanan? 

Bình Luận Sách (201)

  • avatar
    Jewel Jane Udtohan

    maganda hindi peke thank you novels dahil saying may bahay ma kami

    29/05

      0
  • avatar
    BarrugaAngelica

    maganda ito

    14/04

      0
  • avatar
    EspiaLem

    yes

    04/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất