logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

—Chapter 6—

PINAGHANDA ko silang dalawa lalo na't gaya nga nang inaasahan ko ay hindi ako pinayagan na lumabas ng mag-isa. Napansin ko na nakabusangot si Griffin at mababakas sa kanya’ng pagmumukha na ayaw niyang sumama sa mall.
“Bakit naman kasi sa dinami-daming pupuntahan ay sa mall pa talaga?” ang reklamo ni Griffin.
Lumapit naman ako kay Cornelia at bakas pa din sa kanya’ng mukha ang pag-aalala. Mukhang pagod pa siya dahil sa nangyari kagabi. Tinapik ko ang kanya’ng balikat at ngumiti sa kanya.
“Bakit parang mga napagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha ninyo?” ang tanong ko.
Napahalukipkip naman si Cornelia sa aking tanong. Dinig ko naman ang pagbuntung-hininga ni Griffin. Parang hindi maganda ang kutob ko sa dalawang ito. May hindi ba sila magandang experience sa mall.
“Nag-aalala ka pa rin ba Griffin na baka pagsuotin ka din ni Lairus ng damit pambabae?” ang tanong ni Cornelia.
Napataas na naman ako ng kilay. Pinagsusuot siya ng damit pambabae? Ano kayang trip ni Mama at pinagcro-cross dress niya si Griffin? Hinila ko silang dalawa pero hindi ko sila natinag sa kanilang mga pwesto.
“Tumayo ka diyan! Hindi ako nagpapacross dress sa kasama ko. Hindi malakas ang trip ko!” ang sambit ko.
Nagningning naman ang mga mata ni Griffin at agad siyang tumayo sa couch. Ngumiti naman si Cornelia at tila may tinik na natanggal sa kanya’ng dibdib. Nang masigurado ko na okay na ang lahat ay sumakay naman kami ng jeep papuntang mall. Buti na lang at behave lang silang dalawa. Sinuot ko naman ang shades ko upang hindi nila makita ang kulay ng aking mata. Nang makarating naman kami sa mall ay nagtungo naman ako sa optical clinic dahil sila ang nagdidispense ng authentic na contact lens. Naghintay naman sina Cornelia sa may food court at iniwanan ko din sila ng pera para in case na may matipuhan silang bilhing pagkain ay makakain sila.
Pagdating ko sa optical clinic ay bumungad sa akin ang sandamakmak na eyeglasses at shades. Nasa counter naman ang mga contact lens kaya dumiretso ako doon.“Miss, magkano ang contact lens?” ang tanong ko.
Ngumiti naman ang staff at chineck sa computer nila ang presyo ng contact lens.
“Sir, seven hundred sixty-five pesos po ang colored. Ang clear contact lens naman po ay nine hundred ninety nine. Mag-iiba naman po additional price depende po sa grado ng inyong mata. Three hundred pesos naman po ang additional price po kapag may astigmatism po kayo,” ang paliwanag ng staff.
Tumango naman ako sa kanya’ng paliwanag. Pinapunta naman ako ng staff sa optometrist upang ipatingin kung may grado ba ang mga mata ko. Aapak pa lang sana ako sa loob ng examination room nang bigla kong naalala ang kahel kong mga mata. Bakit nga ba nawala sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon? Hindi ba talaga p’wedeng bilhin ang contact lens ng walang reseta?
“Miss hindi ko po ba talaga p’wedeng bilhin ang contact lens ng hindi chinecheck up?,” ang sambit ko sa staff.
Tumango naman ang staff. “Prohibited po ng ating law ang pagbebenta ng contact lens ng walang reseta. Kahit na correct po ang vision natin o hindi. Lagi po nating tatandaan na hindi po over-the-counter ang mga contact lens na walang grado. Isa pa po, may advisory po ang ating government agency regarding for po sa rampant buying and selling ng contact lens without supervision po ng optometrist and opthalmologist,”,ang paliwanag ng staff.
Wala naman akong nagawa at kahit na ayaw ko ay pumasok ako sa loob ng eye examination room. Inalis ko naman ang shades ko at chineck up ito ng optometrist. Nagtataka pa nga ako dahil hindi nagtaka na kulay kahel ang aking mga mata. Binigyan naman ako ng reseta para sa contact lenses at iniabot ito sa staff. Ipinack niya ang contact lens na binili ko kasama ang lens solution nito at ang container nito. Ipinaliwanag naman ng staff kung paano i-preserve at kung ano ang mga bawal gawin sa contact lens. Nagpasalamat naman ako sa staff at binayaran aking pinurchase. Kaagad akong umalis dahil ayaw kong paghintayin sina Griffin. Dumiretso ako sa comfort room ng mga lalaki at inilagay ang itim na contact lens. Pagkatapos ko sa comfort room ay mabilis kong pinuntahan sina Cornelia sa may food court. Napatakbo naman ako nang bigla silang pinagkaguluhan ng mga usisero. Pilit akong sumiksik sa kumpulan at nang makalampas na ako ay nakita ko ang isang lalaki na nakaluhod at nagmamakaawa kay Cornelia na pumayag bilang girlfriend nito. Halatang naiinis na si Cornelia at pinipigilan lang niya ang kanya’ng sarili na sampigahin ang lalaki. Walang pag-aalinlangan kong binatukan ang lalaki at nagulat ito sa ginawa ko.
“Lubayan mo, Mama ko kung ayaw mong sampigahin kita!” ang malamig kong sambit sa lalaki.
Napatayo naman ang lalaki dahil sa mukhang hindi ito makapaniwala sa narinig niya. Gusto ko sana itanong kung ilang taon na si Cornelia pero mukhang malabo iyon dahil sabi nga nila huwag mong itatanong sa babae kung ano ang edad nila. Nagsilayuan ang mga usisero at ngunguto-ngutong umalis ang lalaki. Napansin ko na masama ang tingin sa akin ni Cornelia dahil sa ginawa kong palusot. Nagpipigil naman ng tawa si Griffin sa tabi ko dahil sa eksenang naganap kanina. Nagtataka naman ako dahil hindi man lang naisip tulungan ni Griffin si Cornelia.
“Bakit mo naman ako tinawag na Mama?” ang tanong ni Cornelia.
“Bakit? Gusto mo ba maging girlfriend ko? Mamaya magselos pa si Griffin eh ‘di sinapak ako niyan?” ang tanong ko.
Naibuga naman ni Griffin ang iniinom niyang juice at namumula naman si Cornelia. Napahalukipkip naman ako sa kanilang dalawa dahil mukhang bumingo ako sa sinabi ko. Dahil nasa mall na rin naman kami ay naisip ko na makapag-grocery na din dahil kakaunti na ang stocks sa bahay.
“Ang mabuti pa ay samahan niyo na lang ako mag-grocery. Sa lakas ba naman kumain ni Griffin laging nauubos ang pagkain sa bahay,” ang sambit ko.
Mukhang magmamakaawa din ang aking pitaka kapag nagpatuloy pa sa pagbili ng kung ano-ano si Griffin. Nakita ko ang mga laruang pang pusa. As expected sa isa sa mga mga big cats ng mundo.
“Griffin, ano naman ang balak mo gawin sa mga ito?” ang tanong ko sa kanya.
Napakamot naman siya ng kanya’ng ulo dahil sa malaki ang nagastos niya sa mga gamit na binili niya. Teka, at saan naman niya nakuha ang pambayad sa mga gamit na ito? Sa pagkakaalala ko ay five hundred pesos lamang ang inabot ko sa kanila?
“Griffin, saan nanggaling ang ipinangbayad mo dito?” ang tanong ko.
Ngumiti naman si Cornelia. Binulong niya sa akin na nagmula iyon sa inipon nila noong nabubuhay pa si Mama. Nagtrabaho pala sila bilang assistant ni Mama sa loob ng dalawampung taon at inipon nila ang pera na sinahod nila kay Mama. At sa swerte nila ay nakaipon sila ng bilyon at nakatago iyon sa kanilang mga bank account. Ibinalik naman sa akin ni Cornelia ang one thousand five hundred pesos na inabot ko sa kanila kanina. Mapapa-sana lahat ka na lang talaga sa ipon nila. Kinuha ko ang one thousand five hundred pesos at nagtungo kami sa supermarket para mamili. Kumuha ako ng mga dairy goods, karne, pampalasa at mga stocks na gagamitin sa bahay. Nagbayad naman kami sa cashier at umabot sa dalawang libo ang aking pinamili. Naisip na lang namin na mag-taxi dahil hassle ang sumakay sa jeep sa oras na ito.
Halos pasado ala singko na ng hapon kami nakarating sa bahay. Naabutan namin may dalawang tao na kumakatok sa gate ng bahay namin kaya agad naman kaming bumaba sa taxi. Halos two hundred forty five pesos ang binayaran ko dahil natraffic kami. Lumapit ako sa kumakatok sa gate namin at napatampal ako nang mukha ko nang maalala kong ngayon nga pala ang araw na dapat magkikita kami ni Tito Florante at Tita Jingle.
“Tito Florante, Tita Jingle, kayo po pala,” ang pagbati ko sa kanila.
“Lairus, nasaktan ka ba?” ang tanong nila sa akin.
Umiling naman ako dahil okay lang naman ako sa mga oras na ito. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Tita Jingle dahil sa sinabi ko. Hinaplos naman ni Tita Jingle ang aking mga kamay.
“Okay lang po ako. Bakit po kayo napapunta dito?” ang tanong ko.
Nagkatinginan naman sina Tita Jingle at Cornelia. Mukhang nagkakaintindihan sila sa kanilang iniisip. Nabalot ng ilang minuto ang katahimikan.
“May nakita ka , hindi ba?” ang tanong ni Cornelia.
Tumango naman si Tita Jingle at sumenyas si Cornelia na sumunod kami sa loob ng bahay. Mukhang seryoso naman ang pag-uusapan namin kaya napag-isipan ko na magluto muna ng hapunan. Bakas sa kanilang mukha ang tensyon kaya binasag ko ang katahimikan na bumabalot sa mga sandaling iyon dahil ni-isa sa amin ay walang gustong magsalita.
“Tita Jingle, Tito Florante, ano nga bang ginagawa niyo dito? Bakit po tinatanong niyo kung okay lang po ako?” ang tanong ko.
“Nakita ko sa mga baraha ko na laban na magaganap sa pagitan ng pwersa ninyo at ni Sitan. Kaya nagpunta kami dito upang kamustahin ka,” ang sambit ni Tita Jingle.
Napahalukipkip naman si Cornelia sa sinabi ni Tita Jingle.
“Huli ka na sa balita, Genevieve. Nangyari na ang kintatakutan nating lahat. Sumugod sila dito kagabi at pinagtangkaan nila ang buhay ni Lairus. At iyon din ang rason kung bakit niya nagamit ang pana ni Aurora. Bukod d’on, nagising na sa mga ugat ni Lairus ang dugo ng kanya’ng ama,” ang sambit ni Cornelia.
Naguluhan naman ako sa sinabi ni Cornelia. Ang ibig niya bang sabihin ay may kaugnayan ang nangyari kagabi sa pagbabago ng kulay ng mga mata ko?

Bình Luận Sách (201)

  • avatar
    Jewel Jane Udtohan

    maganda hindi peke thank you novels dahil saying may bahay ma kami

    29/05

      0
  • avatar
    BarrugaAngelica

    maganda ito

    14/04

      0
  • avatar
    EspiaLem

    yes

    04/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất