logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 9 Vidalio

Yakap ng isang kamay ko ang sketchbook na matagal ko ring hindi nahawakan, habang tanging isang lapis lamang ang bit-bit ng kanan kong kamay. I slowly peeked inside to see if he's already there, but his presence is nowhere to be seen.
Dahan dahan akong pumasok at inilibot ang tingin ko sa buong kwarto.
The sheer curtain was dancing in unison due to open glass door. Nahulog ang ilang mga papel at agad kong sinakop ang mga ito at ibinalik kung saan sila nanggaling.
Ipinasada ko ang mga dulo ng darili ko sa makinis na lamesa it was clean, well, and organize.
"It's still early, didn't I say you should rest first?"
Mabilis pa sa alas-4 akong lumingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon.
Ngumiti ako sa kaniya at yumuyuko kada segundong magtapat ang mata naming dalawa. I can't look at his eyes knowing that the excitement in my eyes are vivid. Baka kung ano pang isipin niya sa akin.
I heard him sigh at naglakad siya papasok at umikot sa lamesa upang umupo sa main chair ruon.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya't nanatili akong naka tayo at sinusundan ang bawat galaw niya.
He opened the loptop that is laying on the top of the table at nang binuksan niya iyon ay hinarap niya ito sa akin.
My mouth went agape when I saw some pictures of architectural designs at wala sa sariling umuupo ako sa upuan na nasa harap ng lamesa na iyon.
"G-ginawa mo ba ang mga ito?" Katapat ko lamang siya habang nakalapat ang dalawang braso niya sa ibabaw ng lamesa habang mapungay na nakatingin ang mga mata.
"No. These are some of the projects that I've done." He said without leaving my eyes.
Tipid naman akong ngumiti at tumango sa sinabi niya. He's an engineer, why would I ask that?
Kita ko ang iba't ibang modernong disenyo ng mga bahay at mga matataas na gusali, hindi pangkaraniwan ang mga straktura na ito, kakaiba sa mga nakikita ko sa palabas at mga magasin rito sa mansyon.
I can't help but to unintentionally said some amazed kind of sounds dahil tila nabubuhayan ang dugo ko sa mga desinyong nakikita ko.
Seeing these want me to do more. Want me to dream more.
I saw a different architectural building, hindi ito typical at kakaiba sa mga disenyong narito.
I touched the monitor at halos manginig ang mga kamay ko sa "wala sa sarili" kong ginawa. Napaka taas nito dahil nauungusan ang ibang estraktura sa paligid nito.
"Ganito pala ang Maynila." I nearly whispered saying those words.
"You haven't been there?" Naagaw niya ang atensyon ko dahil naramdaman ko ang init ng hininga niya nang siya ay magsalita.
I met his deep dark brown eyes, his thick brows that is perfectly place on where it is right now and I didn't even realize the small gap between us, not until now.
"Hindi pa." Hindi rin ako sigurado kung sa kaniya ko iyon gustong sabihin dahil tila ba ako lang ang nakakarinig noon sa hina ng pagkakasabi ko.
Paulit ulit akong napa kurap sa pagdaan ng hangin na nanggaling sa bintana.
This feeling, this unfamiliar feeling that warms my heart yet I know I can't still pinpoint what it is. Tila nilalasing ako ng mga titig niya kahit na hindi ko naman talaga alam ang pakiramdam na iyon.
Inangat niya ang kaniyang kanang kamay, and reached for the strands of my hair that was loosen on my ponytail due to the strong breeze of air.
His touch was an electric shock at this moment. Hindi ko na mahanap ang mga salita sa isipan ko dahil tila ba nahihilo ako sa titig niya at sandaling pagdampi ng balat niya sa akin.
"Vidalio," he spoke "my family's group of hotels." Tila ba nabasa niya ang nasa isipan ko dahil narin siguro sa pagtataka bigla ng mga mata ko.
Itinuon niya ang paningin niya sa kaninang estraktura na kinamamanghaan ko.
Vidalio. Tila narinig ko na ito, ngunit hindi ko lamang matukoy kung saan. Siguro ay dahil sa sobrang magpapabasa ko ng mga dyaryo ay magasin kaya't hindi ko na ito matandaan.
And family's group of hotels? The amazement was unending just now.
Alam ko na hindi siya basta bastang tao, dahil kilala siya ng mga Solidad ngunit hindi ko naman inaakala na ganito pala kalaki at katayog ang tao na ito. Lalo kong naramdaman na hindi ko siya kilala, at isa siyang dayo rito sa Mar De Vena. At kung papaanong kausap niya ako ngayon na isang hamak at wala lang, ay hindi ko rin alam.
In that span of 2 hours he did thought me some basic lessons about Architectural Genre and kinds. Doon ko napagtanto na ang mga ginagawa ko pala ay Modern Architecture. Madalas akong gumawa ng mga gusaling hindi ko pa naman talaga nakikita sa totoong buhay. Madalas ay sa telibisyon ko lamang ang mga ito nakikita. The thought of those blocks being aranged perfectly as high as a skyscraper amazes me. Kaya siguro buhay na buhay sila sa isipan ko.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ko tuloy lahat ng hinahangad ko ay hindi ko kayang abutin sa taas ng mga ito. At first, getting the course that I want, bumukod sa pamilyang Solidad, ngayon naman ay ang mga gusaling matagal ko nang ginuguhit.
Bigla ko tuloy naisip ang binitawan na salita sa akin ng kaklase kong si Mariel. Ambisyosa raw ako. Siguro nga tama siya, I feel like I'm turning into someone who's ambitious enough to wish for something that is nearly impossible to happen.
"So your friends are coming today."
"Oo. Pero, h-hindi ko sila lahat kaibigan."
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Group mates." I happily said. "Alam mo yun diba?" I smiled while continuing my sketch.
He chuckled, "Of course I knew that."
"S-siguro si Jomar lang ang kaibigan ko sa kanila. Siya lang naman kasi ang kumakausap sa akin sa kanilang lahat."
"Jomar? Is he the boy you're with last time?"
Sandali akong napahinto at inisip ang tinutukoy niya at ilang sandali ko ring napagtanto iyon.
"Hindi," Pag iling ko. "Si Oli iyon. Hindi ko siya kaklase. Kaibigan ko na siya ng matagal." Lingon ko pa sa kaniya.
"Is that so?" Tumango lamang ako bilang tugon at hindi na siya nilingon pa. Masyado akong ginaganahan sa pag guhit dahil sa mga ipinakita niya sa akin.
"Why is that Jomar was your only friend? Don't you have girl groupmates?" Nilingon ko siyang muli at nakita ko ang magkasalubong na kilay niya.
"Meron, pero pakiramdam ko ay ayaw nila sa akin. Naiintindihan ko naman dahil hindi ako parte ng pagkakabigan nilang lahat. Maswerte ako at isinali ako ni Jomar sa grupo nila."
Wala naman na akong narinig na sagot sa kaniya ngunit ramdam ko parin ang pagtitig niya sa pagkilos ko.
"Did he say that he wanted to be friends with you?"
Napahinto ako at inisip ng maigi ang itinanong niya kung mayroon nga bang pagkakataon na sinabi iyon ni Jomar sa akin.
Idinikit ko ang dulo ng lapis sa aking ibabang labi sa paghahalungkat sa isipan ng mga pinag usapan namin ni Jomar.
"Ah, wala naman. Pero tinanong niya ako kung nobyo ko ba si Oli. At sabi niya ay kung pwede na." Bumalik ulit ako sa pag guhit.
"Pwede na?"
"Hm-hm. sa tingin ko ay iyon ang ibig niyang itanong, kung pwede ba kaming maging magkaibigan dahil magkaibigan rin kami ni Oli." Pagkumpirma ko pa sa kaniya. Malamang ay hindi niya rin alam ang ibig sabihin ni Jomar, kahit ako naman ay ilang beses ko ring inisip kung anong ibig sabihin ni Jomar ng sinabi niya iyon sa akin.
I heard him cleared his throat.
"And what did you say to him?"
Nabaling muli ang atensyon ko sa kaniya dahil hindi ko na alam ang tinutukoy niya dahil ilang segundo narin ang lumipas at ng maisip ko ng sinabi ko kanina ay marahan lamang akong umiling sa kaniya.
Tinitigan ko lamang siya dahil pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin ngunit isang katok ang umagaw sa atensyon namin.
"C-come in." Matigas na sabi ni Levi at lumingon narin ako ng umawang ang pintuan.
Isang matikas na lalaki ang sumilip sa awang na pinto at hindi ko pa ito nakikita. I don't know him, akala ko ay kaming dalawa lamang rito.
"Sir, excuse me. May mga kabataan pong naghahanap kay Ms. Cyreese sa labas."
My eyes have gone curious and when I met Levi's dark almond eyes I realized.
"Andito na sila Jomar!"
I heared him uttered some words pero hindi ko na narinig dahil dali-dali ko nang tinahak ang pintuan para lumabas.

Bình Luận Sách (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất