logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 16 Bahay-bahayan

All my thoughts are left hanging in the air. The week went by so fast. I don't know where my feet have been stepping into.
Noong araw na iyon ay hindi ako nakapasok at nagpatuloy ang sakit ko hanggang sumapit ang sabado. Still, Levi was there but not all the time.
May mga pagkakataon na aalis siya at hindi ko naman alam kung saan siya nagpupunta dahil hindi ko naman obligasyon pang alamin iyon.
Linggo nang maging maayos ang pakiramdam ko. Wala akong nakitang kahit anino niya sa buong mansyon. Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga naabutan dahil maghapon akong nasa coffee shop talagang wala siya roon.
"Hija, hindi ko alam na close pala kayo ni Ser Lebi." Tanong ni Nanay Celia sa akin isang araw na kumakain ako sa hapag nang mag isa.
Nakita ko ang pagdating ni Levi, at pagdiretso nito sa hagdan. Kaya sinundan ko na lamang siya ng tingin. He's kinda busy, ilang araw na.
Hindi ko rin naman alam ang isasagot kay Nanay Celia.
"Hindi naman po Nanay Celia."
"Aysus. E inaalagaan ka nga nung may sakit ka! At talagang kung hindi mo makita ang pag-aalala nun sayo! E magdamag ngang gising at pabalik-balik sa kwarto mo!"
Napangiwi ako sa tono ni Nanay Celia. I cannot pinpoint what she's tryna' say.
But in the back of my mind gusto kong mangiti sa sinabi niya? He really did took care of me.
"Napaka bait niyang si Sir Lebi. Mukha lamang talagang masungit." Sabi niya at sumubo ulit sa kaniyang pagkain.
I smiled at what she said. Totoo naman. He look so intimidating the first time I saw him, no, everytime I saw him. Parang sa tuwing kaharap mo siya ay dapat gawin mo ang lahat ng walang pagkakamali kung hindi ay pipintasan ka niya. But no, he's gentle in his own ways.
I wonder if everyone sees him the way I see him. Cause for me he's beyond perfect. That word is not enough to justify him.
"Kaya bagay na bagay sila ni Celestine e."
My mind and mouth shut at the same time.
Napatingin ako kay Nanay Celia, mukhang ako lang naman ata ang apektado sa sinabi niya.
"Magiging mabuti ring kapatid sa iyo yang si Ser Lebi. Kita mo't inalagaan ka pa niya."
Tuluyan ko ng nabitawan ang kubyertos na hawak ko at inaantay pa ang mga susunod niyang sasabihin pero hindi naman na ito nasundan.
Tila parang gatilyo niyang nakalabit ang lahat ng gusto kong isipin. Mga tanong na gusto kong magkaroon ng sagot.
It's been circling around my mind these days. Ayokong bigyan ng ibig sabihin ang kahit anong ginagawa ni Levi sa'kin but half of me knows that I'm secretly hoping for something.
Nitong mga nakaraang araw ay parang hindi ko na kilala ang sarili ko. This is not me. Ava wouldn't let her guard down like this. Never.
But I, my heart, made it clearly to me the moment Levi left. For that 5 days I know exactly what I wanted. I wanted him around, his companionship, his presence. All of him.
Sinungaw ko ang ulo ko sa pintuan ng opisina na sigurado ako ay naroon siya.
Seryoso siyang nakatayo sa harapan ng lamesa habang nakatukod ang dalawang kamay at tinitignan ang isang malaking blue print na nakalatag sa lamesa.
Hindi niya ako napansin kaya't tuloy-tuloy na lamang akong pumasok.
Mula sa seryosong pigura niya ngayon ay nakita ko ang pag aliwalas nito. He smiled and so I did.
Niyakap ko ang sketch book ko at nagmadaling umupo sa harap ng lamesa.
Nakita ko ang agad niyang pagligpit sa blue print at umupo mula sa pagkakatayo.
"Abala ka parin ba sa trabaho mo?" He look kinda stress but hindi man lang ito nakabawas sa kaaya-aya niyang itsura. He's still looking like a well fine man.
"Kind of. How 'bout you? Aren't you busy with your school?" Sinundan ko ang pagkibot ng labi niya.
Umiling lang ako sa sinabi niya. "Tapos na ang huling pagsusulit namin."
Hindi rin ako makapaniwala dahil ilang linggo na lamang ay mangyayari na ang graduation ko.
Kailangan nalang talaga naming tapusin ang requirement namin sa philosophy at matatapos na ang problema ng grupo namin.
Sa susunod na buwan ay tutungtong na ako sa kolehiyo. unti-unti nang magsisimula ang mga plano ko.
Binuklat ko ang sketchbook ko at nagsimulang gumuhit.
"Are you still working in that coffee shop?"
Nilingon ko siyang sandali at nakita ko na wala na siyang ginagawa ngayon at nakatingin lamang sa akin.
"Hm-hmm." Tango ko lang sa kaniya.
"Are you happy working there?"
I bit my lower lip because of focusing too much sa parte na shinade ko ng maigi. Hindi estraktura ang ginuguhit ko ngayon kundi mga iilang visual designs. Sinubukan ko iyon simula nang ipakita sa akin ni Levi ang mga sample ng visual techniques.
I find it hard of course, it's not my forte but I'm giving it a try anyway.
Wala kasi akong maisip na gawin ngayon kaya't kung ano na lamang ang gawin ng mga kamay ko ay iyon na lamang.
"Masaya. Kasi marami akong nakikilala at hindi na ako naiinip doon."
"Are you bored here?"
Tumango lamang ako patuloy na shinishade ng maingat ang makipot na parte ng design ko.
"Why don't you bring your friends here then? Girl...friends."
"Hmm?" Nilingon ko siya ng isang segundo at ibinalik muli ang atensyon sa aking ginagawa, I'm eager to finish this so I can show it to him.
Narinig ko ang pagtikhim niya at sandaling paggalaw niya sa kaniyang upuan.
"I mean, your friends. The girls I saw before."
"Ah! Sila Mariel ba ang sinasabi mo?"
Kumibot lamang ang labi niya at tinatya ang sinabi ko.
"Hindi ko naman sila kaibigan. Si Jomar lang ang kumakausap sa akin."
I was suddenly sad at that thought. Akala ko kasi ay wala na kaming problema. Hindi naman sila masama sakin pero hindi rin naman ako bulag para makita na napipilitan lang sila dahil gusto ako ni Jomar sa grupo nila.
"Jomar? That boy is your friend?"
Tumango muli ako.
"And why is that?"
I stopped shading and cocked my head, inisip ang pwedeng isagot sa kaniya.
"Kasi mabait siya sa akin at lagi niya akong kinakausap, hindi niya ako hinahayaang mag isa at masaya rin siyang kasama."
Tinignan ko siya after that statement. Hinintay ko ang isasagot niya ngunit wala naman siyang sinabi dahil nakipagtitigan lang din siya sa akin habang pinaglalaruan niya ang kaniyang ibabang labi kaya bumalik na ako sa pagguhit.
"Really? Is that so?"
"Hmm-hmm."
"Uhm, tinanong niya rin pala ako kung pwede daw ba siyang manligaw."
It's okay. I feel comfortable confiding in him. Pakiramdam ko ay maiintindihan naman niya ang mga ikini-kwento ko sa kaniya. He's way older than me so I know he'll understand.
"Ligaw?" His voice made sure it will be heard in the whole room.
Ngumuso at tumango.
"He's asking for courtship when in fact he can only do what? Maglaro ng bahay-bahayan?"
He chuckled. Pero nahimigan ko naman ito ng pagkainis kaya nilingon ko siya. I'm curious again if he's mad.
Ano ba ang sinasabi niyang bahay-bahayan? Hindi naman na siguro naglalaro ng ganun si Jomar.
My eyes were curious looking at him while he's looking pissed looking at the ceiling. What did I just say to make him mad again?
"At what did you say him?" Matalim ang mga titig niya.
"Na hindi pa ako handa para sa mga ganun."
"Uh-huh?"
Lumunok ako sa lamig ng boses niya.
"A-at pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya."
Pinagsaklop niya ang mga kamay niya at dinala sa kaniyang bibig na parang hinahalikan ito. Palagi ko siyang nakikita sa ganitong ayos sa tuwing seryoso niyang pinag tutuunan ng pansin ang isang bagay.
"Is that all? At ano namang sinabi niya pagkatapos nun?"
"Ayos lang daw at mag hihintay raw siya."
Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya dahil lumalakas nanaman ang tibok ng puso ko sa matalim na titig niya sa akin.
Ayokong humingi ng tawad gayong hindi ko naman alam kung anong kasalanan ko.
Sumabog ang halakhak niya sa buong kwarto kaya't natigil ang buong pagkatao ko at takang taka siyang tinignan.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito, ilang segundo lang ang tinagal nito at ang huling mga sandali nito ay hindi naman tunog masaya. His eyes were not happy at all then why is he laughing?
"Ano naman ang alam niya sa salitang paghihintay? You're way to young for that." His eyes were cold and his words are clear.
Sobra ko itong naintindihan na parang tinarakan ng punyal ang dibdib ko at natameme sa sinabi niya.
I know I'm not ready for that kind of relationship. I know I'm young. I know.
"I know." Bulong ko sa sarili.
Tinuloy ko ng tahimik ang pagguhit ko at hindi na siya pinansin pang muli.
Siguro nga ay mukha lang akong katawa-tawa sa paningin niya. He's a man. Kung mayroon mang mas may alam tungkol sa relasyon na sinasabi niya ay siya rin iyon. I can only imagine him and Ate Celest being in a relationship.
They're in the right age. They are both professionals and priviledge. Tamang tama na sila sa isa't isa.
"I'm just saying that, you're not ready for that Ava."
"Oo, alam ko. Hindi naman talaga ako pwedeng pumasok sa relayon dahil bata pa ako."
Ngumuso ako sa lumabas na salita sa bibig ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para akong batang hindi pinayagang maglaro sa labas dahil hindi ako nakatulog ng tanghali.
"At ikaw, pwedeng-pwede ka na. Dahil nasa tamang edad ka na. Sigurado ako na maraming babagay sayo at alam mo narin ang salitang paghihintay."
Mas nadiinan ko pa ang pagshi-shade ko kaya naputol ang dulo ng lapis ko. I can feel my shoulders weakened. Bakit pati naman itong lapis ko ay bumibigay?
Narinig ko ang marahas na buntong hininga ni Levi. Tumayo siya sa kaniyang upuan at nanatili akong nakayuko sa ginawa ko, iniisip kung kukuha ba ako ng panibagong lapis sa kwarto ko at hindi na babalik o hahayaan nalang na ganito para mas magtagal pa ako rito.
Naramdaman ko ang pag ikot niya sa lamesa at pagpunta sa harap ko. Hindi ko naman siya nilingon at baka magmukha nanaman akong katawa-tawa sa kaniya.
Kinuha niya ang lapis sa aking kamay at pinalitan niya ito ng bago. Isang mamahaling lapis ang ipinalit niya rito. Matulis ang dulo nito't halatang hindi masyadong ginagamit.
"Why? Do you like him?"
Pinigilan ko ang pag nguso ko at umiling parin habang nakatingin sa gawa ko.
"Then why do you look disappointed?"
Bakit nga ba? Dahil ba sa sinabi niyang masyado pa akong bata para sa relasyon? O dahil mas nagising niya ako sa katotohanang malayo ang mga hinahangad ko sa mga pwedeng mangyari.
He's a bachelor or maybe he's not. And I'm just this 17 years old girl in Mar De Vena.
Totoo ang sabi ni Nanay Celia na bagay na bagay sila ni Ate Celest. Nasa tamang edad na sila para duon.
At ako ay isang bata lang sa paningin niya.
"Please say something." He sighed.
I look at him and pushed a smile. I can't explain the look at his eyes. Para bang may lungkot dito at pagkabagabag. Kind of desperate or is it just me?
"Magkaibigan lang kami ni Jomar pati narin si Oli. Mas prayoridad ko ang pag aaral ko."
Akala ko ay susuklian niya ang ngiti ko pero nanatiling mapungay ang mata niya at nakatitig sa akin. His button down white long sleeve was a one button open exposing a part of his chest.
Nagulat ako ng inilapit niya ang upuan niya sa akin at inilagay ang isang kamay sa likod ng aking inuupuan.
Nagbubunggo ang aming tuhod samantalang ang isang kamay niya ay nakapatong sa kaniyang hita. Nagmumukhang ikinukulong niya ako sa pwesto namin ngayon.
"Listen," Hinanap niya ang panigin ko bago siya magpatuloy.
Sa loob-loob ko ay gusto ko ng sumabog dahil sa lapit niya sa akin. Amoy na amoy ko ang pamilyar niyang pabango at kitang kita ko siya ng malapitan. Takot na takot ako na ganun rin siya sa akin, ano nalang kaya ang amoy at ang hitsura ko ngayon para sa kaniya?
"It's not that you're not allowed for that. It's just that boys like them are not yet capable of their so-called principles and might just take advantage of you if they had their chance."
Tumango ako at deretso lamang ang tingin sa dibdib niya. He's taller than me, kaya't ito lamang ang lebel na kaya kong abutin sa kaniya. And besides, hindi ko siya kayang tignan ngayon. I'm afraid I might convey what I feel.
"It's still your decision. If you feel like it's what you wanna do, then okay."
Napatingin ako sa mga mata niya dahil sa sinabi niya. Lumalabas na parang binabaliktad niya ang sinabi niya at pinahihintulutan niya akong gawin iyon.
"Though I suggest you don't."
Oh.
"Hmm-hmm" Tumango na lamang ako sa kaniya at wala ng nasabi pa. knowing at the end of the day alam ko namang ang desisyon niya lang ang gusto kong gawin at pakinggan.
Isang linggo na lamang at wala na akong iintindihin pa. Ipa-finalize na lamang namin ang mga hard copy ng brochure namin at wala na kaming problema.
"Cy. Kumain ka na?" Tanong ni Jomar sa akin habang nandirito kami sa isa sa mga bench ng school ground. Pinag uusapan namin ang mga bagay na dapat pang gawin sa proyekto namin.
"Oo Jomar."
Nagkita kami kanina ni Oli at sabay kaming kumain sa canteen. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na kami madalas magkita ni Oli kaya't naninibago ako sa kaniya kanina dahil tahimik siya at parang wala sa sarili. Tinanong ko naman siya kung may problema siya ngunit bumalik lang siya sa pagiging masayahin.
Siguro ay hindi pa siya handang sabihin iyon. Antayin ko na lamang siya na magsabi sa akin.
"Ang gwapo talaga ni Lourd!" Tili ni Alicia habang tinititigan ang isang pahina ng brochure namin kung saan naroon ang litrato ni Lourd.
Umismid naman agad ang mga kagrupo naming lalaki sa pagtili niya. Kinuha ko ang isang kopya ng brochure at inilipat ang ilang mga pahina.
Kita roon ang ilang mga litrato ni Lourd Vidalio na kinuha namin sa internet, nakalagay rin doon ang ilang mga sagot niya ng interview-hin namin siya.
Lourd Vidalio. 20 years old.
Napakatipid ng mga sagot niya sa ilan naming mga tanong.
Katulad nalang ng sagot niya sa tanong namin sa kaniya patungkol sa pag ibig.
"Ano ang pananaw mo patungkol sa salitang pag-ibig?"
"Plain shit."
"Tss." Napa ngiwi ako sa nakitang sagot niya. Hindi lang ugali ang magaspang sa kaniya kundi pati yata tabas ng dila niya. Ayos lang ba na ito ang gawin naming persona?
Inilipat ko ang ilang pahina at nakita ko naman ang mga litrato niya na nakasuot ng uniporme ng University of Mar De Vena.
Patungkol naman sa karunungan ang tanong rito. Kung saan siya nag aaral at mga ilang parangal na nakuha niya. Hindi ko alam kung totoo nga bang matalino siya dahil sa mga litrato na nandirito at sa mga sinabi niyang natanggap niya. Well...
"Bakit mo piniling mag aral sa Mar De Vena gayong nasa Maynila ang pamilya mo?"
This is my question from last time.
"No certain reasons."
Binasa ko ito ng paulit ulit. Hindi naman kasi ito ang sagot niya.
Naalala ko parin ang mga mata niyang akala mo'y kilalang kilala ako mula ulo hanggang paa. Mga tingin niyang nakaka insulto at hindi ko nagugustuhan.
Ngayon ko mas napapatunayan na patas talaga ang Diyos. Kung gaano ka perpektong ginawa niya ang pigura ng tao na iyon ay ganun naman kagaspang ang ugali niya.
"Pagkatapos ng linggo na ito ay pumunta tayo sa Lagoona!" Sigaw ni Leo.
"Oo nga! Ito na yung huling ligo natin sa school year." Sabi ni Alicia.
"Nakakasawa na dun! Sa iba naman tayo!"
Tahimik ko lang na binubuklat ang ilan pang mga pahina ng brochure namin. Hindi pa nga kami tapos at nakakapagplano na sila.
"E kung mag dagat nalang tayo?"
Sa huling pahina ay ang malaking litrato naming lahat kasama si Lourd Vidalio noong araw rin nayun. Matangkad siya at makikita mo agad siya sa litrato dahil agaw pansin ang taas niya. Nasa tabi niya ako at tinitigan ko rin ang sarili ko ng mabuti roon.
Nakangiti ang lahat roon samantalang kami ni Lourd ay wala man lang ekspresyon. Hindi ako nakangiti ngunit siya ay mukhang naiinis sa mga nangyayari.
Pinabalik balik ko ang titig ko sa litrato. Hmm
"Oo nga, dun tayo sa mansion ng mga Solidad!"
"Ha?" Ulit?
"Sige na Cy! Huli naman na iyon." Siko sa akin ni Jomar.
I was caught off guard. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko naman sila pwedeng tanggihan.
Tumango ako at nakita kong ngumisi si Mariel ngunit hindi ako sigurado dahil iniwas niya ang tingin sa field.
After how may minutes ay na-finalize namin ang mga gawain namin sa brochure. Pero kinakailangan pa ng pirma nito ni Lourd Vidalio.
"Sa Biyernes pagtapos ng exam ay baka ako na lang ang pumunta riyan." Sabi ni Alicia.
Tumango na lang kami. Malaki talaga ang parte ni Alicia sa proyekto namin. Laking pasalamat talaga namin sa kaniya.
Mabilis ang mga araw at parang hindi ko ito napansin. Kahit na magsunog ako ng kilay buong maghapon ay ayos lang sa akin. Tuwing uuwi ako mula sa coffee shop ay hindi maipaliwanag ang saya ng puso ko.
May mga araw na maabutan ko si Levi sa kaniyang opisina ngunit minsan naman ay hindi na. Hindi ko alam kung wala pa siya o mas nauna na siyang magpahinga. He would always give me lectures and lessons but sometimes, hinahayaan niya lang ako na gumuhit roon habang seryoso siya sa kaniyang trabaho.
Ayos lang naman sa akin dahil natutuwa akong makita siyang ganun. He fits so much into this field na parang buong buhay niya ay ito na talaga ang nakalaan niyang gawin.
"Ava."
Minsan akong nagising sa bulong niya sa akin.
Kinusot ko ang mata ko at ang malabong paningin ay mas lumalabo pa ngunit alam kong siya ang taong nasa harap ko ngayon.
"Go to your room so you can rest."
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa lamesa. Pagod na pagod ako sa coffee shop dahil hindi nawawalan ng customer noong araw na iyon. Hindi ko siya naabutan nitong nag daang mga araw kaya nang makita kong bukas ang opisina ay pinuntahan ko siya rito kahit na pagod na ako at gusto koong magpahinga.
"Hmm-hmm" I nodded while my eyes are half open. Tumayo ako at parang mabubuwal ako dahil sa antok na naramdaman.
I heard him chuckle. Katawa-tawa nanaman siguro ang hitsura ko ngayon.
Ramdam ko ang pag alalay niya sa akin. Naramdaman ko pa ang pag ayos niya sa buhok ko habang kinukusot ko ang mata ko.
Ngumuso ako at hindi kinalimutang dalhin ang sketchbook at lapis, pagtapos ay walang paalam na lumabas sa opisina.
"Wrong way baby."
Antok na antok ako at wala na ako sa tamang ulirat para maramdaman ang buong paligid. Basta ang alam ko ay nakarating ako sa aking kwarto at payapa akong nakatulog ng gabi na iyon.
Friday, and it's our last day for this hell week that we've been through.
"Guys! Pwede bang kayo muna ang magpunta sa sentro? Hindi ko talaga kaya." Mapungay ang mata ni Alicia ng sabihin niya iyon. Ngayon ay siya naman ang tinamaan ng sakit.
Hindi rin naman kasi talaga biro ang pinag daanan namin nitong mga nakaraang araw.
"Hindi ako pwede ngayon galit na galit na sakin si tiya Maleng." Ismid ni Mariel.
"Hindi rin ako pwede Alicia, sabi mo kasi ikaw na ang bahala hindi ako nakapag paalam kay tatay." Si Leo na sinang ayunan naman ni Oscar. Ngayon ko lang nalaman na magkasama lang pala sila sa iisang bahay.
Malungkot si Alicia na tumingin sa amin ni Jomar habang inaantay ang sasabihin namin.
Ako?
Tumingin ako kay Jomar at tumingin rin siya sa akin.
Ngumuso si Alicia at wala na akong nasabi.

Bình Luận Sách (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    2d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất