logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 13 Princess

I thought there's really something wrong with me. Akala ko ay sobra lamang ang pag iisip ko ngayon kay Levi kaya't nabibingi na ako.
"Lourd Vidalio? As in yung model na tiga sentro?" Nanlalaki ang mata ni Mariel na sinabi iyon.
Kahit ako ay hindi ko rin ito kayang paniwalaan. Vidalio? Vidalio ang apelyido niya? Magkakilala ba sila ni Levi?
Sumimangot ang mga lalaki sa tuwang ipinakita ni Mariel at Alicia. Kilalang-kilala si Lourd dahil ipinagmamalaki siya ng Mar De Vena. Sino ba naman ang hindi makakikilala sa kaniya?
Duda na ako sa sarili ko kung kilala ba talaga siya dahil ilang beses ko siyang napanood at nakita sa magazines pero hindi ko alam na Vidalio ang apelyido niya.
"Ano naman ang nakakatuwa dun? Palibhasa ang hilig niyo sa mga gwapo." Ismid ni Oscar. Sinang ayunan naman siya ni Leo at Jomar.
Nagkaroon pa sila ng ilang sagutan but I was so spaced out. Baka naman namamali lang ako ng rinig?
It made me think of him more. I don't even know you, why would I even put my interest on you?
"Pinayagan ka Cy?"
Iyon agad ang ibinungad sa akin ni Jomar kahit na hindi pa ako nakakaupo. Inilapag ko ang bag ko at deretsong napatingin kay Mariel na buti na lamang ay hindi nakatingin sa akin ngayon.
"Oo," Hindi nga ako nagkamali sa hula ko dahil pinayagan talaga ako ng mga Solidad ng tawagan ko sila sa telepono kagabi.
Wala na akong nasabi ng ibilin ni Ate Celest na mag ingat ako at magsaya palagi kasama ang mga kaibigan ko habang wala sila sa mansion.
"Nagdala ka ba ng damit panligo?"
Tumango naman ako bilang tugon. May mga ilan pa siyang sinabi tungkol sa pagpunta namin sa Lagoona pero hindi ko na ito masyadong naintindihan.
It was Monday. My eyes are falling off because of lack of sleep. Dalawang gabi na akong wala maayos na tulog at hindi ko alam kung anong dahilan nito.
I can't wait to finally be back at my work and drain my all, nang sa gayon ay makatulog na ako ng mahimbing.
Sa kagustuhan kong labanan ang antok ko ay inilabas ko na lamang ang sketch book ko at nagsimulang ituloy ang hindi natapos na estraktura.
Ilang guhit pa lamang nagagawa ko at natapos ako sa iisang tuldok. I violently sighed at isinarado ng marahas ang sketchbook.
I harshly palmed my face because of too much frustration.
Everything that I do reminds me of him. Hindi na ako sigurado kung hinihilig ko pa bang wag na siyang bumalik or I was still in denial by the fact that I was waiting for him.
I was waiting for him, I miss confiding in him. Asking for his lessons and advice. I'm not so comfortable around him but i feel at ease when he's around. His intimidating eyes that I use to stare at always. I miss it the most.
And I'm afraid that If I'm this attached to him, I might always feel this way. Hindi ko gusto ang pakiramdam na ganito, na parang laging may kulang sa akin. Loosing my mother and father was a different matter, and loosing him was different too.
It seems like unsolved puzzle has been left out at hindi ka sigurado kung mabubuo pa ba iyon o wala naman talagang may intensyon na buuhin iyon.
The day went smoothly. It was dismissal nang nag tipon-tipon na kaming magkakagrupo dahil pupunta na kami sa sentro para makausap ang subheto namin. Lourd Vidalio.
Dalawang tricycle ang sinakyan namin para makapunta sa sentro. Mahigit 20 minuto rin ang itinagal ng byahe namin.
Papunta pa lamang ay hindi na maitago ni Alicia at Mariel ang tuwa nila dahil makikita namin ang hinahangaan nila. I don't even know how did Alicia got a chance for us to meet him up. Pero wala na yun sa isipan ko.
Mula sa mapuno at tagong baranggay ng Mar De Vena ay unti unting lumiliwanag ang daan at napapalitan na ng mas malalaking bahay at estraktura. Mas patag at kunkreto narin ang mga kalsada rito kumpara sa maputik na daan ng Mar De Vena, tanda ito na malapit na kami sa sentro.
Mahigpit ang hawak ko sa aking sukbit-sukbit na bag ng makarating kami sa sentro. It was just my third time coming here at sa tagal ng huli kong punta rito ay kitang kita ko kung ano ang mga nagbago.
Ang dating simbahan na madalas naming puntahan ng inay at itay ay ganun parin ngunit ang palibot nito ay nag iba na. Mas marami naring tao kumpara sa nakaraang dalawang taon na nagpunta ako rito.
Matatanaw parin sa hindi kalayuan ang sidewalk at marami ring tao ang nanduduon. Tanaw ang kalawakan ng dagat ng Mar De Vena.
There are even some pop up stores and commercial buildings that haven't existed before. The park just in front of the church is now innovated. Nabawasan ang mga makakapal na puno at napalitan ng mga waiting shed na may lamesa at upuan. Ngunit ganito parin ito, marami paring mga tao na nagkalat o kaya'y nakaupo sa damuhan.
My reflexes are fast to react when the wind passed, causing the skirt of my uniform to follow it's direction. Hindi ko naman nakitang ginawa iyon nila Alicia at Mariel dahil abala sila sa paglingon at hinahanap ang tamang daan patungo sa adress na pupuntahan namin.
"Cyreese, dito ka sa likod ko para hindi masyadong hanginin ang palda mo."
Hinawakan ni Jomar ang magkabilang braso at inakay ako sa bandang likod niya. I'm afraid I might believe he actually likes me.
"Salamat."
Tinatawanan namin ang ginagawang harutan ni Leo at Oscar habang si Alicia namaan ay seryoso paring tinatanaw lahat ng pasilyo ng sentro.
"Ayun! Yung mataas na building." Sigaw ni Alicia habang hinahawakan ang bangs niya na nililipad ngayon sa lakas ng hangin.
Hindi mahirap makita ang building na iyon kahit na medyo may kalayuan ito sa amin. Ito lamang ang nag iisang matayog na building sa lugar na ito kaya't imposibleng hindi ito mapansin.
Sinundan namin si Alicia habang si Jomar ay nasa harap ko parin at maya't maya akong nililingon na para bang mawawala ako.
Everybody is amused when we stepped in front of the building.
Napaka taas nito at mapapagod ang leeg mo kung titingalain mo ito. Halos katulad nito ang mga building na iginuguhit ko ngunit ito ay tila ba hinaluan parin ng classic na disensyo.
Before you enter the building, a screaming crest of the hotel will welcome you. Tatlong malalaking letra ang papansin sa iyo VGH at sa ilalim nito ang maliliit na dikit dikit na kataga. Vidalio Group of Hotels.
Hindi ko maiwaksi ang titig ko rito at paulit-ulit na binabasa ang mga ito na parang hindi ko naiintindihan.
The Vidalio I know was just with me a few days ago, and now we've travelled this far to interview this unknown Vidalio.
And this Vidalio. This building, isa ba ito sa mga sinasabi ni Levi? Is this one of their hotels?
Para bang intensyon ng mundo na ipaalala saakin sa tuwing iwawaksi ko sa isipan ko ang apelyido na ito.
Tinawag ako ni Jomar dahil hindi ko na napansin na nahuli na ako at nasa malaking entrada na sila building na ito at kinakausap ang gwardya duon. Tatlo ang lalaking pare-pareho ang unipormeng suot.
"Kay Lourd Vidalio po. Nag set po ng appointment ang tatay ko sa kaniya." Pormal na sabi ni Alicia. I wowed at the side of my head. Kilala ba ang tatay ni ALicia at may kakayahan itong makipag kasundo sa ganito kakilalang tao?
May kinausap pa ang gwardya sa telepono at sinabi ang pangalan ng tatay ni Alicia at ilang sandali pa ay pinayagan na kaming pumasok rito.
Entering the lobby made everyone's jaw drop.
The first thing you will see is the floor laid with a plain tile marble. The ceilings are high and there's even this classic grand staircase that will catch your eye, it was well blended with the walls ornate detailing. Exquisite paintings are hanged in the rich subtle high walls. Some modern chandeliers can steal everyone's attention. It was classic but still, the modern ambiance of the vicinity subsist.
Tila ba nasa ibang lugar kami, ito lamang ata ang modernong pasilidad ng Mar De Vena.
Inanyayahan kami ng isang matangkad na babae na malinis at magarang tignan sa kaniyang uniporme sa isa sa mga naglalakihang lounge rito. Lahat kami ay tipid ang mga kilos dahil tahimik ang paligid at minimal lamang mga tao bukod sa mga babae at lalaking pare-parehas ang kulay balat na uniporme.
Panay ang papuri ni Leo at Oscar sa buong paligid at maging si Jomar ay parang nawawala rin sa sarili dahil sa mga nakikita.
"Mr. Lourd Vidalio will be down in a minute." Umagaw sa atensyon ko ang babaeng sumalubong sa amin kanina ng sabihin niya iyon.
Ang kaninang pagkamanghang naramdaman ko ay napalitan ng kaba sa pagkarinig ng pangalan na iyon. O dahil ba sa apelyido nito?
"Okay guys, hati-hati tayo ng part. Kami muna mauuna ni Cyreese, tapos kayo sa ni Mariel sa huling part Jomar. Ikaw Leo at Jomar gawin niyo yung part niyo." Mabilisan at medyo natatarantang sa bi ni Aicia.
Agad namang nilabas ni Jomar at Leo ang cellphone at malaking kwaderno sa sinabi ni Alicia.
Ilang minuto ang hinintay namin ng biglang paimpit na tumili si Alicia sa direksyon na tinitignan niya. Nalipat ang tingin namin roon at nakita ang sinadya namin rito.
Isang may edad na lalaki at babae ang nakasunod sa kaniya habang tila parang runaway niyang nilalakad direksyon namin. Pinaliit ko pa ang mga mata ko to adjust my blurry eye sight.
Kumabog ng ilang beses ang dibdib ko at naalala ang huli naming pagkikita.
He was on his long sleeve uniform and a simple slacks na agad mong makikilala because who would't know University of Mar De Vena? Lahat yata ng estudyante ay hinahangad mag aral roon.
Ganun parin ang itsura niya ngunit mas simple kumpara sa mga magasin na nakikita ko.
Wala namang masyadong espesyal sa kaniya. Ngunit hindi naman maitatanggi na nakaka intimida ang tao na ito. Siguro ay dahil kilala siya ng marami.
Hindi naman magkamayaw si Mariel at Alicia ng makitang malapit na ito sa amin. Naiintindihan ko sila pero iba ang sa akin.
"You only have 30 minutes Sir." Sambit ng babaeng naka sunod sa kaniya ng umupo siya sa harapan naming single seater couch.
Tahimik kaming lahat at tinitignan ang kilos niya. Inilahad niya ang kamay niya sa babae at inabot naman nito ang telepono niya.
Nagtinginan kami dahil walang nagtatangkang magsalita sa amin at inaantay ang mga susunod na mangyayari.
Ilang segundo siyang nagtipa roon at ng iangat niya ang paningin niya ay nagtama ang paningin naming dalawa. His dark eyes was so familiar like I've already seen it a lot of times before. Parang napapaso kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.
Baka maalala niyang ipakulong ako. Takot kong sambit sa aking isipan.
"Sorry but I'ma say I only get interviews one person at a time." Blangkong sabi nito na sumira sa katahimikan namin. Hindi ko na nakita pa ang ekspresyon nito dahil nakayuko lamang ako sa tabi ni Jomar.
I didn't even realize that we are already far from him and Alicia who's currently having her part of the interview. Ilang metro lang ang layo sa amin. Hindi ako mapakali ng bumalik si Alicia at sinabing ako na raw nag susunod.
"Ilang tanong lang yan Cy. Siguraduhin mong irecord mo lahat ha?" Abot niya sa akin ng cellphone at listahan ng mga tanong.
Wala sa sarili akong tumango at lumapit sa kinaroroonan ni Lourd na nakatutok sa telepono niya.
I sat in front of him as if I'm some kind of balancing myself para hindi makalikha ng ingay. I didn't even know why I did that when I was suppose to have a conversation with him.
Inangat niya ang tingin niya ng mapansin rin kalaunan ang presensya ko.
I smiled at him at hindi naman niya sinuklian yun.
His eyes are dark at kung hindi ako nagkakamali ay parang hinuhusgahan niya ako ngayon sa kaniyang mga mata. Is he that ashamed of me?
"M-magandang hapon. Ako si Ava Cyreese Suarez. Grade 12 Student sa M-Mar De Vena Science High school. May ilan lang akong katanungan."
"So, ikaw si Lourd Vidalio. First year college sa University of Mar De Vena. Uhm- And you're actually a model." Pag kumpirma ko sa mga nauna ng isinulat ni Alicia sa papel na hawak ko.
Tikom parin ang bibig niya habang nagsasalita ako.
"Why did you chose to stay and study here in Mar De Vena while your parents are residing in Manila?"
He blinked a few times and shifted on his position. Ipinatong niya ang isang braso niya sa arm rest ng sofa at pinaglaruan ang kaniyang labi.
This guy, looking at him feels like I've known him for years. Dahil ba sa dami niyang litarato at mukhang nagkalat kung saan saan?
"I don't like staying with my family that's why."
I was amused by the his bored tone while saying that. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at hindi napigilang sagutin siya.
"Hindi mo gusto?"
Tamad na tamad siyang tumango at hindi parin tinatanggal ang tingin niya sa akin.
Now that I was able to talk to him, mas lalo kong napatunayan na wala ngang kahit anong espesyal sa lalaki na ito. He's got the looks and everything but his attitude...
"Bakit hindi mo gustong makasama ang pamilya mo?"
"Because I hate them." Umawang ang labi ko at mas lalong nabalot ng inis at sigurado akong kitang kita na ito ngayon sa akin.
"You hate them?" Mapait kong sinabi sa kaniya.
I can't believe I'm talking to this heartless man in front of me. Kilala siyang tao, gusto ko sanang matuwa sa pagiging totoo nya ngunit ngayon ay mas hiniling ko nalang na sana ay nagpanggap nalang siya ng kahit kaunti.
"Andaming taong nagluluksa dahil wala silang pamilya at ikaw mas gugustuhin mong hindi sila makasama?"
"Why? Are you so loved by your family Ms. Suarez?" His lips arose as he said that. Napaka plastik ng ngiti na iyon na mas lalong nagpa inis sakin.
Namuo ang inis sa dibdib ko at matapang na tinitigan ang mga mata niya na sakastikong nakatitig sa akin.
Stick to your questions Ava. Don't get to personal. Paalala ko pa sa sarili ko.
"Do you have any siblings?" Tabang kong tanong habang nakatingin sa listahan na ginawa ni Alicia.
"Yes."
"And who are they?"
"I actually don't want to talk about them so can we pass that question."
Nagpantig nanaman ang tenga ko sa sinabi niya at nilunok ang bara sa lalamunan ko. Pinaghalong inis at hindi na malaman ang nararamdaman ko.
"How long have you've been staying here in Mar De Vena and how is it so far?"
"2 years. t'was nice." Tipid niyang sabi. Now, I realize that he's got some accent.
Tumango ako sa ikli ng sagot niya. Hinahanap ko ang susunod na pwedeng itanong sa kaniya.
"How did your family influence you to be this person you are today?"
Napapikit ako ng iyon na lamang huling tanong rito sa pahina. Dahil naiwan ang inis ko sinagot niya kanina ay kaya siguro ito ang naitanong ko.
His expression hardened and chuckled.
"If you just want to talk about my family then I'm not the right person to stick your nose at." Napakalamig ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon.
"If you are some kind of princess in your family then I'm sorry Ms. Suarez cause I can't relate to that." He laughed mockingly.
"Talaga? Kawawa ka naman at mukhang hindi ka mahal ng pamilya mo." padabog kong isinara ang notebook at umalis sa harapan niya.

Bình Luận Sách (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất