logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

40

Goodnight
Nalaglag ulit sa sahig ang panga ko. Ano na namang nangyayari?
He just came to me all of a sudden, in a very unexpected time, then started to talk to me so casually like we haven't had an awful past. Tapos ngayon, bigla niya na lang akong yayayaing umuwi... sa kanya?
I so badly want to scoff and laugh my ass off to somehow lessen the tension in the air surrounding us. Pero dahil na starstruck pa rin ako sa sinabi niya, ilang minuto na lang ang lumipas ay nakanganga pa din ako.
He then smiled at me again. This time, it wasn't that mocking smirk anymore. Ngumiti siya sa 'kin na parang natatawa na naman sa ekspresyon ng mukha ko.
Nang makabawi na ay dahan-dahan ko nang inayos ang postura ko. Tinikom ko na ang aking bibig at umupo na naman nang maayos. Nakatitig siya sa lahat ng kilos ko, at nagsimula na naman akong mailang.
And when he started to bite his lip while intently looking at my every move, I gulped in nervousness.
I admit that there was never a day in those whole five years that I've been here in Japan that he didn't crossed my mind. Kahit na ang mga naiwan kong mga responsibilidad ay paminsan-minsan lang bumabalik sa 'kin, ang mukha ni Kian, gabi-gabi akong dinadalaw. Sa panaginip man o kahit sa mga oras na mapag-isa ako sa sarili kong opisina. Kahit pilit na nakikihalo sa madaming tao para hindi na gambalain pa ng mga alaala niya, pilit pa rin talaga siyang bumabalik sa isip ko. He became a thought that have been constantly bothering me, can't be erased despite the other lingering thoughts in my mind.
He's the only thought in my head that won't just stay for a fleeting moment. He's constantly consuming my every single thought.
"Payag ka ba d'on?"
I snapped back at my thoughts when he spoke. Nanlaki na naman ang mga mata ko at napalinga-linga sa paligid, parang tangang inaalam kung ako ba talaga ang kausap niya kahit na alam kong ako lang naman ang kaharap niya.
I looked down and pretended to be busy watching our table, "H-hmm?"
Porkchop naman, Cianna. Pati sa gan’on nauutal ka pa rin?
I heard him chuckle and it took a lot of persuasion to myself to not look back at him again. Nanatili ang tingin ko sa lamesa at hindi na nga inalam pa kung ano ang ginagawa niya sa aso ko, o kung gagalawin ko pa ba ang mga natitirang desert na hindi ko pa tapos kainin.
"I mean, you can reject me if you please, Cianna. Kung ayaw mo talagang umuwi, hindi kita pipilitin."
I stayed silent, eyes still fixated at the table in front of me. Nagalaw lang ang tingin ko nang binaba ulit ni Kian sa lamesa si Winter. Marahan ko siyang binalik sa kandungan ko, at hinimas-himas ang balahibo niya. Hindi pa rin tapos ang pagtitig ni Kian sa 'kin, pero mas maayos na ang posisyon ko ngayon dahil pwede ko nang pagkaabalahan si Winter. Bahala siya kung mabagot na siya diyan.
Napabuntonghininga siya at napatingin sa paligid bago binalik na naman sa 'kin ang mga mata. I was still busy playing Winter's white fur.
"What's her name?" he asked.
Alam ko naman na ang aso ko lang ang gusto niyang pag-usapan, kaya agad ko naman siyang sinagot.
"Winter."
"Bakit Winter?"
Napatingin ako sa kanya. "Kasi puti siya tapos, I saw her on winter."
"You saw her on winter?"
"I saw her down the streets, shivering and homeless, so I thought of, you know... getting her and take her as my own."
He pouted and nodded. Hindi na ako nagsalita ulit kaya nabalot na naman kami ng katahimikan.
I'm not sure of his true intentions of showing to my face again, but I could only care less about it. If he's here to just casually talk to me like old friends do, or to slap me of the responsibilities I left in when I chose to start a new life, I don't get why I don't feel anything about it.
I can say that I am indeed nervous, but that's just because of his presence, and not with all the possibilities of him attacking me with rants on how stupid am I for deciding something rashly in the past.
He was also silent for a few minutes. Nakita ko pa ang dahan-dahan niyang paghablot sa isang tray ng fries na kinain ko kanina. Westerner yata ang may-ari ng stall na 'to, making it the most unique stall of all the Japanese stalls surrounding the city. May kalahati pa ang plato ng fries na inorder ko kanina, at dahan-dahan iyong inubos ni Kian.
I didn't mind it, though. Hinayaan ko lang siya habang nilalantakan niya ang pagkain ko. Binalik ko ang atensyon ko kay Winter na ngayo'y tumayo sa kandungan ko para abutin na naman ang atensyon ni Kian.
I saw Kian smiled cutely at my dog, pagkatapos ay sinubuan niya na rin ito n’ong fries na kinakain niya. I unconsciously smiled at the scene in front of me. Nawala nga lang ulit nang makita kong sa 'kin na naman nakatingin si Kian.
Our eyes scanned each other for a moment, pero ako ang unang nag-iwas ng tingin. I heard him cough before probably looking away, too.
"So... what brought you here, hmm?" he suddenly asked.
Dinidilaan na ni Winter ang kamay ko nang nilingon ko na naman si Kian. Walang masyadong costumer sa ice cream parlor na 'yon kaya masyado ngang nakakailang ang presensya ni Kian.
I stayed silent and didn't answer his question. Napansin kong napabuntonghininga na naman siya.
"I'm glad you look happy now," He said out of the blue. Nilingon ko na ulit siya.
His eyes were deeply looking at me. At kahit na pinilit ko na naman ang sarili kong ilipat ang atensyon ko sa iba, naintriga ako sa sinabi niya kaya hahayaan ko siyang ipagpatuloy ngayon ang sinabi niya. I know he'll say more than just a one sentence observation about me.
He shifted a bit on his seat, "Or am I right? Are you happy here? Living your own life?"
My gaze at him soften. I thought about it for a while, then finally smiled at him.
"Yes. I'm happy here." I lied.
That was not a full truth. Yes, I was happy that I was able to get the life I've always wanted to have. But still, it torments me sometimes.
When the past come running back in my thoughts, I think of how cruel of a person I am. I've been selfish because of my desperation. I've craved for a better life only to myself, so I can finally benefit from all the sufferings I've experienced for half of my life.
But can you blame me? My desperation was the only thing that fueled me to come to where I am right now. Matagal akong nagdusa. Buong buhay ko, mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na naging totoong masaya ako. Kaya sa pagkakataon na nabigyan ako ng pagkakataon na maging malaya at masaya, kahit na kapalit nito ay ang pagiging makasarili ko, masisisi niyo ba ako kung agad ko iyong kinuha dahil desperada na akong mamuhay ng isang buhay na naaayon lang sa kung ano ang matagal ko nang pinapangarap?
I was once deprived of all the things I have right now. And whenever I thought about the risks I took just to be able to have this kind of life right now, I can say everything was worth it. But it didn’t make me feel happiness, though. Just contentment... for achieving a dream.
"Are you sure?"
I almost rolled my eyes when he asked that. Really? Am I still that open to him? Bakit parang ang dali-dali niya lang talaga akong basahin?
Sandali kong iniwas ang tingin ko sa kanya para lumunok.
"Y-yeah. B-bakit naman hindi?" I let out a nervous laugh.
Tumawa din siya, "Oo nga naman..."
"B-bakit ka nga nandito?" tanong ko na naman sa kanya, pekeng-peke ang ngit habang kinakamot-kamot ang batok.
"Hinanap kita."
My eyes widened at his fast and honest answer.
"Ang dali mo lang nakawala, no? Pero ang tagal mo na namang nawala... sa 'kin."
He said bitterly, looking at me now with the same dark eyes I came to cherish so much before that tragic truth was spilled.
Pumapasok din naman 'yon sa isip ko paminsan-minsan. Na baka, nagmadali ako. Baka hindi pala iyon ang totoo at ang katotohanang nalaman ko ay bahagi lang din pala ng isang kasinungalingan din?
Magulo pero, kaya nga hindi ko pa rin masabing nasa tuktok na ako ng kasiyahan. Dahil patuloy pa rin akong binabangungot ng nakaraan.
I've been lying to those speeches of mine. I still haven't found happiness.
"Have you finally settled down in this place, then? You're happy here?" tanong niya ulit.
I looked away again, "Yes."
"What if... I bring you home and I make you happy there, too?"
Binalingan ko siya ulit, nakaawang ang labi, hindi inaasahan ang sinabi niya. Ano daw?
"H-ha?" naguguluhan kong tanong.
"Papauwiin kita at papasiyahin din kita d'on. Deal?"
Hindi ako nakapagsalita. Ilang sandali pa ay siya na naman ang nag-iwas ng tingin, at bahagyang napabuntong-hininga.
"Nevermind. I... was going too fast, am I?" he chuckled.
Nakakunot pa rin ang noo ko sa kanya. That's when he clenched his jaw and nodded in the air, realizing what he has done.
Nang makabawi na naman ay yumuko ako at binaling na naman ang atensyon sa aso kong ningunguya na naman ang cardigan na suot ko. Hindi naman niya pinupunit, sadyang nginunguya lang para paglaruan.
"So, I'll meet you when I meet you?"
I turned to him again. "A-alright!"
"Alright." he said, voice etched with finality.
Umalis na siya pagkatapos n'on. Nang lingunin ko naman siya na papalabas ng lugar na 'yon, nakita ko siyang umiiling habang naglalakad.
I was still in denial of what happened nang makauwi na ako sa apartment ko. Tulala at lutang pa talaga ako kanina, kahit nang isauli ko na ang bike na nirenta ko, at muntik na akong makasagasa ng isa pang aso. Good thing Winter barked so loud kaya napatigil ako.
Humikab kaagad ako pagkapasok pa lang sa loob. Bukas, kahit Linggo ay may dadaluhan akong mga hearing, pero ayos lang naman at nasanay na ako sa trabaho ko. At least, nakapag-pahinga ako ngayong araw.
Hindi ko nga lang alam kung pati din ba 'yon ngayong gabi. Sa nangyari kanina, ewan ko na lang kung magiging maayos pa ang tulog ko.
Kaya pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso agad ako sa kusina, kumuha ng kung anong pwedeng kainin at pumunta sa balcony ng pangalawang palapag ng apartment. Maganda ang view dito. Kitang-kita ang mapayapang mga kabahayan na nakapalibot sa lugar habang papalubog na ang araw.
Natagalan pa ako kanina sa ice cream parlor pagkatapos umalis ni Kian, kaya ngayon ay papagabi na at kakauwi ko pa lang.
Nang matapos kumain ay nilagay ko lang ang bowl na nilagyan ko ng ramen kanina sa lamesa na malapit sa 'kin, at inabot ang maliit na ref ko sa isang gilid. May mga bote ako ng alak d'on at agad akong kumuha ng apat.
I drank myself to sleep, dahil alam kong hindi na naman yata ako makakatulog kapag hindi ko kakalimutan pansamantala ang nangyari ngayong araw.
I still woke up early to prepare myself for the day, and left the house at exactly 7:30 in the morning. That's one of the things I learned in being a lawyer, being punctual. And in time. Always.
After years of being just Cianna Esquivel, I can now proudly introduce myself as Atty. Cianna Esquivel, and with a J.D in documents.
And also, one of the few things I learned in this law journey was being precise, especially with time. At dahil may iba pa akong gagawin ngayon, kailangan ko ngang maging mas maaga pa sa karaniwan kong punta sa trabaho.
I'm still practicing for now, and it's only been a year since I've been living this attorney life. Madami pang kailangan matutunan, pero at least wala na akong ibang poproblemahin pa bukod dito.
With my all beige corporate attire, I entered the law firm confidently. Chin up, and posture straight, with my unique features that differ well upon all these Japanese faces surrounding me, I definitely stood out from the crowd.
Hindi ko man lingunin, alam kong halos mabali na ang mga leeg ng mga taong nakatingin sa 'kin ngayon. Dahil nga kakaiba ang mga katangian ng mukha ko, sa halos bawat kanto akong maglakad, talagang napupuri ako ng mga Hapong 'to.
"Attorney," bati sa 'kin ng paralegal ko.
Briann is a half Japanese and half Australian guy. He's just a few years older than me, at ilang beses ko na siyang natanong noon kung bakit hindi niya na lang naisipang magpatuloy sa pag-aabogado kung ilang taon na din pala siyang naging paralegal sa Tokyo. But everytime I'll ask him, he'll just shrug and change the topic. Hindi ko na lang siya pinilit pa. Besides, people's dreams vary from person to person.
I just recently hired him, actually. Dahil isang taon pa lang naman akong abogado, hindi ko pa munang napag-isipan na kumuha ng paralegal. But he came to the firm I worked in now, at sinabing kailangan niya daw ang trabaho, kaya I just hired him since it almost seems like no other one in the firm want to hire him. Hindi ko na rin tinanong pero sabi ng iba ay umalis daw siya sa isang firm sa Tokyo dahil naging ex na niya ang abogadong pinagtatrabahuan niya.
"Morning, Briann." I greeted him, too.
"I already checked the files you assigned to me last Friday. It only needs your signature now."
I smiled at him. "Thank you, Briann. I'll just call you when I want you to do something again."
"Alright. I still also have some work to do, too. May you have a good day, Attorney."
I only smiled at him before proceeding to my office.
It was a productive day for me. I attended some hearings and went back to have a cup of coffee with me to my office. Madami pa akong mga papeles na kailangan na pirmahan, at may ilan ding kailangan ko pang basahin.
Because I don't have any baggage in my life anymore, it's easier to move around and accept lots of opportunities. Kahit na nagsisimula pa lang sa ganito kong pamumuhay, masasabi kong medyo gumagaan na nga ang mga pasanin ko sa buhay.
Hindi pa man ako tuluyang nabibigyan ng mga malalaking kaso, madami na rin akong na-handle na medyo ayos na para ipakita at matutunan ko na rin kung gaano talaga mamalakad ag gobyerno dito sa Japan.
The most intriguing part of this country's law for me is the most controversial death penalty. I still have so many pending thoughts about that topic, but I'm sure that this well-disciplined country will only allow this law to be implemented without further abuse to it, and will simply use it when necessary.
Hindi ko alam pero palagi kong hinihintay na magtagal na sa practice ko at maka-handle na ng mga malalagim na mga kasong pwedeng kahantungan ng pagpataw ng kamatayan. I know I still have a lot to learn about laws, pero kung aabot man ang panahon na bibigyan ako ng mga ganoong kaso, hindi na ako magdadalawang-isip na tanggapin ito.
Because of my degree in Criminal Justice, I am now a practicing lawyer in a law firm and can be assigned in criminal courts. Ilang criminal cases pa lang ang natatanggap ko, at karamihan ay mga violence records lang at wala talagang pwedeng makasuhan ng homicide o iba pang karumal-dumal na pagkakasala.
If destiny will be in favor in me again and it will lead me to such crucial and dangerous cases, I'll gladly accept them in no time.
Dahil gusto kong maging hands-on talaga sa ginagawa ko ngayon, malapit nang mag alas diyes ng naisipan kong iligpit ang mga gamit ko at umuwi na.
Tatawid na sana ako sa kabilang parte ng kalsada para tignan kung may dumadaan pa bang mga taxi, nang biglang may humatak sa 'kin sa bulwagan pa lang ng law firm. Nang dumaan ako kanina sa ibang mga opisina ay meron pa naman talagang naiwan at nagtatrabaho pa din sa gnitong oras kaya hindi naman ako masyadong kinabahan na may basta-basta na lang na humila sa 'kin. Baka naman isang katrabaho lang din.
Nagulat na lang ako nang makita ang isang nakangising si Kian sa harap ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nakita ko pa ang bahagya niyang pagngisi sa naging ekspresyon ko.
"Hi," sambit niya. "Pauwi ka na?"
Hindi naman masyadong malapit ang mukha niya sa 'kin, pero sapat na ang agwat namin para umusbong na naman ang kaba sa loob ko.
"Uhh, oo?"
Porkchop. Naaakit ako sa paraan ng pagsasalita niya. Paano ba naman, eh ilang taon na yata akong hindi nakasalubong ng taong nagtatagalog. Kahit na in tagalog niya rin naman akong kinausap kahapon, parang iba ang epekto sa 'kin ngayon dahil sa posisyon naming dalawa.
Nasa braso ko pa rin ang kamay niya, at mas lalo pa yatang lumawak ang ngisi niya ngayon. Pero ilang sandali ang lumipas at naramdaman niya yata ang nailang ako sa kanya, binitawan na niya ako.
"I brought my car. Hatid na lang kita."
I looked at him with an awkward stare, pero parang hindi na niya ako pinansin, at hindi man lang hinintay pa ang pagsang-ayon ko, bago hinawakan na naman ako sa kamay at hinila ako papunta sa kung nas'an ang sasakyan niya.
Nagpatianod lang ako sa kanya, at hindi pa din nagsalita hanggang sa pinaandar niya na lang ang sasakyan niya.
"Ganitong oras ka talaga umuuwi?" he suddenly asked.
Napatingin ako sa kanya. "Uhh, oo."
"Isang taon ka pa lang sa trabaho mo 'di ba? Bilang... Attorney?"
Nakita ko ang pagsilay ng malokong ngiti niya nang banggitin niya ang propesyon ko. I bit my lip to stop myself from doing the same.
"Uhh, oo."
"Anong feeling?"
Nanlaki ang mga mata ko, "H-ha?"
"Anong feeling maging attorney, Attorney?" he teased. Bahagya akong namula.
"Uhh, a-ayos naman."
"Hmm? Ayos lang? Hindi... magical?"
"B-bakit naman magical?" I let out an awkward laugh.
"Kasi matagal mo ng pangarap 'to?"
Nag-isip ako ng ilang sandali, pinag-isipan nang mabuti kung anong isasagot ko sa kanya. Why are we on this conversation, anyway?
"Hmm, a-ayos lang, hehe. M-magical nga d-din."
Porkchop, Cianna. Nand'yan ka na naman. Para na namang tanga.
Natawa siya sa 'kin, muntik ko nang masampal ang sarili ko sa kahihiyan.
"Bawi ka, ha?" sambit niya na naman.
"Ha?" gulantang kong tanong. Anong pinagsasabi niya?
"Sabi mo noon, kapag abogado ka na, babawi ka sa 'kin."
Tahimik ako habang binabalikan ang sinasabi niya. Naala niya pa 'yon? That was still my young, foolish, and naïve self that was talking to him! I can't believe he really took that seriously.
"H-ha?"
"Tsk. Natupad mo lang pangarap mo, kinalimutan mo na ako."
The air surrounding us suddenly became suffocating to me. Parang gusto ko na lang agad na makauwi na ako.
Hindi na ako nagulat nang alam niya kung saan liliko papunta sa apartment ko. Knowing him and the last time our paths crossed for a long time, baka ilang buwan na niya akong sinusundan dito sa Japan, at ngayon lang nagkaroon ng lakas na magpakita sa harap ko.
I let out a deep breath when I exited his car. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at halos takbuhin na ang distansya papunta sa maliit na gate ng apartment ko.
Akala ko hihigitin niya na naman ako dahil sa mabilis kong kilos, tila natataranta, at parang ayaw nang tignan muli o kahit ialintana man lang ang presensya niya. Pero hindi, wala akong naramdamang kamay na humawak sa braso ko.
Sa pagtataka, nilingon ko siya nang matapos ko nang makapasok sa maliit kong gate, na hanggang bewang ko lang at halos... hanggang tuhod niya lang.
I saw him lick his lips, with both his hands on his pockets. Sa simpleng gray na tshirt at maong na pantalon niyang suot, halos lubayan na ako ng kaluluwa ko sa hindi ko maintindihang emosyon. Parang 'yong nararamdaman ko dati. Kinikilig lang sa presensya niya.
Pota ka, Cianna. Tumigil ka.
Kahit dahan-dahan lang siyang naglakad palapit sa 'kin, mabilis pa ding nilamon ng malalaki niyang hakbang ang distansya naming. Ngayon ay pinatong niya ang mga kamay niya sa ibabaw ng maliit kong gate, kaya tinggal ko ang kamay ko na nand'on din sana kanina.
"Goodnight." he casually said.
Galing sa madamong lupa ng lote ko, napunta na naman sa kanya ang paningin ko.
He had a small smile on his lips, and his eyes now stares at me in a way that I feel... different.
It's nothing like all the times he stared at me in the past. Ngayon, parang may kung ano sa pagtingin niya sa 'kin na parang... nagpipigil.
It's only been a day since I finally met him again after a few years, after I made a selfish decision. Even without knowing his true motives for showing up to me again, parang naramdaman ko na naman na parang hindi naman ako mapapahamak sa kung anong gagawin niya.
Yes, I felt betrayed by him and my so called friends that's why I left. Pero kung siya talaga ang may hawak ng puso ko, anong magagawa ko? I'll still always come back to him.
Pero kung ang sitwasyon niya ang iisipin, bakit nagpakita na naman siya sa 'kin? Like what have been bothering me for a while, pa'no kung, iyong katotohanang nalaman ko ay... parte lang din pala ng isa na namang kasinungalingan?
I didn't let him explain that day. And now, by looking at him, staring at his gorgeously dark orbs that are now filled with emotions I can't seem to distinguish, I think there's still so much left in him that I have yet to discover.
Nginitian ko rin siya, "Goodnight."
"Kita ulit tayo bukas." he said before smiling at me one last time and, walked away.

Bình Luận Sách (38)

  • avatar
    DiandaJhoy

    gfcydigijgdysyvibibvvkk onmppnpnppnnphiyrxcvhcsk

    19d

      0
  • avatar
    Marjorie Alfante

    plsss 🙏🙏🙏

    07/08

      0
  • avatar
    Shayera Louisse Francisco

    so very nice

    11/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất