logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

1

Garage
"Happy birthday to me, happy birthday to me- " I sang as floods of tears escaped my eyes, "-happy birthday, happy birthday, happy birthday to me... "
Mas lalo akong humagulgol pagkatapos kong kumanta. It's my 10th birthday, and I am celebrating it on my own. Palagi naman. Even the maids don't know it's my big day.
Oh, it's not even considered a big day in this house, it's just a normal day. Walang espesyal, pinapaiyak ko lang ang sarili ko.
I did expect na may makakaalala, kahit isa sa mga tao sa bahay, kahit kaibigan lang, pero wala. Umiyak pa ako lalo. I cried all day, even if I am supposed to celebrate happily for receiving another year of life, but as time goes by I started to develop a bit of hatred towards life, my life.
Sumapit na ang alas diyes na ng gabi at nasa balcony ako ng kwarto ko. Because it was located at the front of the second floor of our mansion, madali kong nakikita kung may papasok bang mga sasakyan. And then I saw it.
My parent's car made it's way to our garage. They must've had a long day at work. Pinilit kong inintindi ang sitwasyon at umasang baka nakalimutan lang nila ang birthday ko dahil na busy sila sa trabaho. Palagi naman. Alam kong paasahin ko na naman ang sarili ko pero susubukan ko pa rin.
Pilit akong ngumiti nang makababa sa hagdan. Akala ko ay makakasalubong ko ang mga magulang ko pero wala sila. Nakakapagtataka dahil wala namang ibang daan para makapunta sa kwarto nila kundi sa main door ng mansion.
Sinubukan kong pumunta sa garage, kung saan ko nakitang pinark nila ang kanilang sasakyan, pero wala sila. Nandoon ang sasakyan pero wala sila.
Lalabas na sana ako doon nang makarinig ako ng ingay. Hindi ko malaman kung saan iyon galing, wala namang tao sa garage. Tuluyan na sana ako lalabas doon ng makarinig na naman ako ng ingay. It sounded like a scream, an agonizing one. Parang iyong sa mga horror movies, parang isang sigaw ng isang taong sobrang pinahirapan.
Fear crept into my entire system and I decided to run. Pero napakalaki ng garage dahil madami din ang mga sasakyan na pagmamay-ari ng aking pamilya, kaya nahirapan ako sa pagtakbo palabas. Sinubukan ko pa din, but just when I thought I can successfully run towards the comfort of my room, I heard something open.
Without thinking twice I looked behind me, where I just heard the sound of something opening, and I was surprised to see my Mom. She looked as shocked as I am. Sumunod naman si Dad.
It turns out that there is something unknown below the garage, like a secret room in our house. Ang narinig kong pagbukas ng kung ano ay parang isang pintong nasa sahig ng garahe, na magtutungo sa tingin ko'y isang bahagi ng bahay na hindi ko dapat puntahan. I just shook those thoughts off.
"Mom! Dad! " sigaw ko sa kanila. They immediately closed the door on the floor and tried to smile at me. Though it looks fake, I still managed to smile back.
"Hey, baby. W-what are you doing here? Dapat tulog ka na." mahinahong sabi ni Mommy, pero kahihimigan pa din ito ng kaba.
Hindi ko alam ang isasagot at nagpatianod na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinasok ako sa loob ng mansion. Hindi ako nakapag-salita, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi na lang. Siguro nakalimutan nga nila, useless lang kung ipapaalala ko pa. Malapit na namang matapos ang araw, siguro wala ng kwenta kung ipipilit ko pa ang gusto ko.
Inihatid nila ako sa kwarto at sinigurado na nakahiga na ako sa kama at matutulog na nang lumabas sila sa aking silid. Nakakapagtataka iyon dahil hindi naman nila iyon nakasanayang gawin sa akin. Wala naman sila palaging pakialam kung maayos ba akong nakakatulog gabi-gabi.
Baka dahil naalala nila kung anong meron sa araw na 'to? Baka hindi nga nila nakalimutan ang birthday ko. Pero kung alam nga nila, bakit 'yon lang ang ginawa nila? Sana binati nila ako.
Then a thought came to my head. What if ...dahil iyon sa nangyari kanina sa garage? May itinatago ba sila sa akin?
The look on my parents' face when they saw me was like they saw someone very unexpected on that place. May halong takot at kaba ang kanilang mga mata at wala akong mahanap na dahilan para katakutan nila ang pagsulpot ko sa lugar na iyon.
Alas tres na ng madaling araw at hindi pa ako makatulog dahil sa pag-iisip sa mga nangyari kanina. It was really odd. I never felt so problematic upon a situation before. Pinanganak akong nasanay na na hindi masyadong pinapansin ng mga tao, kahit mga magulang ko, kaya hindi ko na masyadong iniintindi ang pagkuha ng mga atensyon nila.
Ngayon ay bago ang sitwasyon at hindi ko mahinuha kung ano talaga ang nangyari. Sumagi sa isip ko ang sigaw na narinig ko at naisip na baka nga sa ilalim ng garage iyon nanggaling.
Gaya ng naisip ko kanina ay para iyong sa mga horror movies, parang sigaw ng taong tinotorture o ano. Nasiklaban na naman ng takot ang buong sistema ko.
Napatingin na naman ako sa orasan sa kwarto ko at nakitang malapit nang mag alas kwatro at hindi pa ako nakakatulog. Kating-kati ang mga paa ko na pumunta ulit sa garage at alamin kung ano talaga ang misteryong nandoon, kung may itinatago ba talaga ang mga magulang ko sa akin.
Nasa politika sila at kilala sila ng halos buong bansa. Ang rason kung bakit napakalaki ng bahay namin at napakadami naming bodyguards ay dahil sa kapangyarihan na mayroon sila.
Dating abogado si Daddy at Mommy at ngayon ay halos angkinin na nila ang buong bansa. Hindi ko maalis sa isip ko na baka din may narinig akong sigaw doon ay dahil may tao nga silang pinahirapan.
Mahal ko ang mga magulang ko pero madami akong naririnig na nagsasabi na kurakot sila, na hindi nila pinaghirapan ang posisyon nila at nakuha lang iyon ngayon dahil sa pera, na galing din naman sa mga taong naloko nila. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi nila, sa mga taong hindi ko kilala na naninira ng mga pagkatao ng mga hindi din nila kilala. Masyado pa akong bata para intindihin iyon. Oo, hindi nga ako palaging nabibigyan ng atensyon ng mga magulang ko, pero hindi naman iyon sapat para paratangan sila dahil lamang sa mga narinig kong tsismis.
Pero sadyang nangangati talaga ang paa ko na bumalik sa garage. Hindi ko alam kung bakit, lumipas na ang ilang oras matapos ang pangyayaring iyon, at baka guni-guni ko lang 'yong narinig ko. Pero hindi mapakali ang isip ko at pilit nitong sinasabi na bumalik ako at tignan kung ano ba talaga ang misteryo na naroon sa garahe ng mansion.
Minutes later and I already saw my little feet tiptoe its way to our garage. All the lights are now off, except the ones outside.
Tahimik na at mukhang tulog na ang lahat. Nang makaabot ako sa garahe ay ganoon din, masyadong tahimik kaya nagsimula na naman akong kilabutan. I slowly made my way to where I saw my parents moments ago. Saglit kong tinignan ang mukhang pinto sa sahig at walang pag-aalinlangan ay sinubukan ko itong buksan.
Pero hindi ako nagtagumpay dahil napaka-bigat nito. My small body and arms don't have enough strength to pull this door up. Lalo na at wala akong tulog, mas lalo akong walang energy.
Napabuntong-hininga ako at naisip na subukan ulit na buksan iyon. But again, I failed. Pero nang muntik na akong sumuko at naisipang bumalik na lang sa kwarto ko at matulog na lang, may nahagilap ang mga mumunti kong mga mata.
Buttons. Like those things on movies in where you're gonna type something then a secret door is unlocked. Maybe that's why I can't open this thing, it needs a password.
Pero ano naman ang pwedeng maging password nito? Could it be my birthday? Nah. Imposible. Hindi nga yata iyon naalala ng mga magulang ko. Baka birthday nila? Anniversarry?
I laughed to myself. Who am I kidding? I am still a kid, my parents are adults. Sinong matinong tao na kaedaran nila ang mag-iisip ng mga ganoong passwords? At isa pa, there must be something horrible under this door. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot, pero iyon nga ang nadarama ko. Hindi naman siguro mananakit ng tao ang mga magulang ko, so I shook those feelings off again.
Sa sumunod na araw ay tanghali na akong nagising. Well, 'di ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako. Siguro mga trenta minutos lang.
Napasinghap ako. Another day of my boring life. Hindi ako pwedeng lumabas, hindi pwedeng makipag-kaibigan sa kung sino-sino, at hindi pwedeng makipag-usap sa akin ang mga maids. Diba, napaka-boring.
Nasanay na ako. Simula pa noong pinanganak ako hanggang sa nagkaisip na ay ito na ang naging buhay ko. Siguro habang-buhay na itong ganito. Kahit gaano man kaboring ay wala naman akong magagawa.
Nagpapasalamat pa din naman ako na ganito ang buhay ko kahit papaano. Atleast wala akong masyadong prinoproblema dahil wala namang tao ang pumapansin sa akin, kaya hindi na hassle ang pag-isip ng idea para makipag-communicate.
Pagbaba ko nakahain pa din sa dining table ang mga pagkain. Madami iyon. Sobrang dami kahit na alam naman ng lahat na halos hindi nga ako makaubos ng isang plato ng pagkain.
Yeah, I know, ginagawa lang nila ang trabaho nila. Pero hindi ba sila napapagod kakaluto ng ganito kadami kada kain? Sa pagtatapon ng sandamakmak ng tira-tira araw-araw? Wala naman silang pakialam sa akin, kung mabusog ba ako o kung nagustuhan ko man lang ba ang pagkain na inihain nila. Sana nagluluto lang sila ng ganito kapag nandito ang mga magulang ko.
And speaking of, siguro maaga na naman silang umalis kanina at hindi man lang nagpaalam sa akin. Hindi naman nila kailangang gawin iyon pero palagi ko naman itong ginagawa sa sarili ko, ang paasahin ang damdamin ko na papansinin din ako ng mga magulang ko.
I have always yearned for them to notice me, to love me as their child just like what other parents do. Pero wala eh, wala yata ang ganoong klaseng emosyon sa mga sistema ng mga magulang ko.
Lumipas ang maghapon na wala akong ibang ginawa kundi magkunwaring nasa isang talkshow ako at pinag-uusapan namin ng host ang buhay ko. Madami akong nasabi, so many unexpressed feelings and opinions. Maaaring boring ang buhay ko pero madami pa din naman akong masasabi tungkol dito. Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung hanggang saan aabot ang ganito kong pamumuhay. Sigurado akong lalaki ako balang araw, at kakailanganin kong lisanin ang bahay na ito. At iyon ang araw na pinaka-hihintay ko.
Nang mawalan na ako ng ideya ng mga pwedeng i-chika sa sarili ko ay bumalik na naman ang mga palaisipan ko kagabi. May password ang pinto kaya ngayon ay hindi pa man sigurado ay parang nararamdaman ko na na mapanganib ang lugar na iyon sa ilalim ng garahe.
Pero pwede naman iyong hindi mapanganib diba? Baka nandoon ang mga pera at kayamanan ng pamilya ko.
Pero kung kayamanan lang ang nandoon, bakit may narinig akong sumigaw? Umalingawngaw na naman sa isip ko ang ingay na iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako nasasanay at nakakakilabot pa din.
Humilata ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Ilang sandali ang itinagal ng tingin ko doon bago ko binalingan ang orasan. Alas dos y medya. Masyado pang maaga at wala na akong maisipang gawin. But just when I thought I'm gonna get bored for the rest of the day, an idea came to my mind.
Kumaripas ako ng takbo palabas sa kwarto ko at dumiretso sa opisina nina Mom at Dad.
Gaya ng inaasahan ay wala nga sila roon. Sinarado ko muna ang pinto at siniguradong naka-lock iyon bago tuluyang pumasok. Pumunta ako sa lamesa ni Daddy at tinignan ang mga papel doon. Hinanap ko kung asan ang mga schedule nila at nahagilap ko iyon agad. Nakasulat doon na papunta silang Manila ngayon at sa makalawa pa ang uwi.
Napangiti ako sa sarili ko at maingat na umupo sa swivel chair doon at binuksan ang computer. Palagi akong walang magawa sa buhay kaya hindi na ito ang unang beses na pumasok ako sa opisina ng magulang ko ng walang paalam.
Alam ko na din ang password ng computer dahil simple lang naman iyon. Ang apelyido namin, Esquivel. Pero hindi pwedeng pareho ang password ng computer ni Dad at iyong pinto sa sahig ng garahe. Numero ang nandoon at kompletong keyboard naman ang nasa computer.
Nagsimulang likutin ng kamay ko ang mouse at sinimulang maghanap ng mga ideya o numero na maaaring maging password ng pinto sa garage.
Nagpunta ako sa files at documents. It is sorted by the date it was last opened. Ang pinaka-unang document doon ay isang grupo ng mga numero. Nagtaka ako at ilang segundo munang tinignan iyon.
32178439
Iyon ang numerong nahagilap ko. At ano naman ang koneksyon nito sa amin? May meaning ba ito o pinindot-pindot lang ni Dad dahil walang maisip na i-title sa dokumentong ito? Ewan. Isinulat ko pa rin iyon sa isang maliit na piraso ng papel na nakita ko din doon sa lamesa. Tsaka ko pinindot iyong file na iyon at nagulat ako sa nakita ko.
Hindi kapani-paniwala, hindi ko maintindihan kung bakit ako naguguluhan. Bahagyang nanindig ang mga balhibo ko.
Ang laman ng file na iyon ay mga profile ng mga trabahante namin, mga bodyguards kadalasan. Naka-landscape ang pages at nahati sa dalawa.
Sa bandang kaliwa ay iyon ngang mga profile ng mga bodyguards namin, at sa bandang kanan naman ay mga litrato ng mga tila crime scene. Umabot sa mahigit trenta ang pages ng file na iyon at paulit-ulit lang ang nakikita ko. Mga nakakakilabot na mga litrato na hindi ko alam kung paano o kailan nangyari.
Sa ilalim ng bawat litrato ay may mga numero. Nasa isang parentheses ang hula kong mga code names nila at sa ilalim naman niyon ay mga petsa. Nang nakaabot ako sa pinakahuling pahina ay mas lalo lamang akong kinilabutan. Hindi ko kilala ang taong nakalagay doon pero nang tignan ko ang petsa sa ilalim ng litrato ng gutay-gutay niyang katawan ay halos mapasigaw ako sa naalala.
Ang petsa kahapon ang nakasaad doon, ang araw kung kailan ko narinig ang nakakatakot na sigaw sa garage at nakita ang kaba sa aking mga magulang nang nakita nila ako doon.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga nalaman, at para bang sasabog na ang utak ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi maaari ang naiisip ko. Mahal ko ang mga magulang ko kahit hindi nila ako pinapansin. Hindi nila magagawa ang mga ganoon ang kasamang mga bagay. Hindi. Hindi nila gagawin iyon.
Pilit kong iginigiit sa sarili ko na inosente ang mga magulang ko sa mga pangyayaring ito. Pero paano napunta ang isang dokumentong ganito sa computer ni Daddy? Sa computer ko iyon mismo nakita at walang nakasaksak na flash drive doon, bagay na maaaring magpatunay na si Daddy nga ang gumawa ng document na iyon.
Tinignan ko muli isa-isa ang mga pahina sa dokumentong iyon. Sinuri ko kung kilala ko ba ang mga taong nandoon pero imposible iyon dahil hindi naman ako palakaibigan sa mga tao sa bahay at wala naman akong pakialam sa kanila. Pamilyar sila pero hindi ko talaga sila kilala ng tunay. Ngayong nakita ko ang mga sinapit nila ay hindi ko mapigilang maawa. Pero hindi ko naman pwedeng sisihin ang mga magulang ko. Wala pa akong matibay na ebidensya na sila nga ang may kagagawan ng mga ito.
Lumipas ang oras at nakabalik na ako sa kwarto ko, nag-iisip na naman ng mga kung anong mga bagay. Pilit bumabalik ang mga nalaman ko kanina lang. Ngayon nangangati na naman ang mga paa kong bumalik na naman sa garage at mag-aksaya ng oras na magpindot-pindot ng mga numero sa pinto sa sahig.
Ewan ko pero parang meron talaga akong nahihimigan na misteryo sa lugar na 'yon. Lalo na ngayon sa mga nalaman ko sa computer ni Dad.
Sa mga litratong nakita ko kanina ay parang sa iisang lugar lamang nangyari ang mga nakakakilabot na pangyayaring iyon. At baka...alam ko kung saan 'yon.
Kaya sa mga sumunod na minuto ay napunta na naman ang sarili ko sa bukana ng malaking garahe ng mansion.
Nakatayo lamang ako doon at inosenteng nag-iisip kung tama ba ang ginagawa ko. Bata pa lang ako pero nakikisali ako sa mga ganitong bagay. Hindi pa man sigurado ay alam kong delikado ang mga iniisip kong gawin, ang tuklasin ang mga misteryo sa bahay na ito at ipahamak ang sarili ko.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at dahan-dahang humakbang papasok sa loob. Walang tao doon at tahimik, tanging ang mga magagarang mga sasakyan ng aking pamilya ang nandoon.
May narinig akong mga hakbang sa bandang gilid ko at nakita ko ang isa sa mga trabahante namin.
He is pushing a trash bin, a big one. Nakapagtataka naman iyon dahil bakit naman kakailanganin ang ganoon kalaking basurahan kung ang tanging magiging basura lang dito ay mga sirang gulong lang at mga nuts ng mga sasakyan. Kasya lang ang mga iyon sa isang maliit na trash bin, ang dala ng lalaki sa harap ko ay iyong napakalaki at halos dalawang beses na mas malaki sa akin. Nagmukha lang iyong maliit sa tabi niya dahil matangkad siya.
"Oh, Ma'am Cianna! Nandito ka pala?" bati niya sa akin habang nakangiti pero pinagpapawisan din.
Mukha siyang kabado at gaya ng nakita ko sa mga mukha ng mga magulang ko kagabi ay parang nagtataka din siya kung bakit ako nandoon. Like duh, 'di ba alam ng mga taong 'to na wala akong ibang magawa sa buhay kundi aliwin ang sarili ko't maglakad-lakad sa mansion? Kagigil naman. Hindi naman siguro iyon dapat ipagtaka dahil malikot naman talaga ako na bata, pupuntahan ko kung anong gusto kong puntahan, sa sarili kong bahay.
Pero hindi ko iyon sinabi sa kanya. Sa halip ay nginitian ko lamang siya.
"Wala lang, boring." sabi ko saka kumaway at nilagpasan siya.
Nagkunwari akong naglalakad-lakad lang para hindi mahalata ang gagawin ko hanggang sa tuluyan siyang umalis.
Pero bago pa man siya makaalis nang tuluyan ay may nakita akong kakaiba sa basurahan na tinutulak niya. Kahit nasa malayo ay makikita napaka-dungis nito dahil kulay dilaw ito. May umagos sa gilid na tila natuyong dugo dahil pula ito. At ang mas nakakakilabot pa ay, may nahagilap akong parang hintuturo ng tao na nakasiwil sa takip niyon.

Bình Luận Sách (42)

  • avatar
    SamsonGlaiza

    thank you

    09/02/2025

      0
  • avatar
    Haward Fajardo

    yokonga

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Jonathan M. Fugaban

    ijkj

    06/11/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất