logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 10 IX - Hostile

Kayne
“Hoy! Gumising kayo! Papatayin niya tayo!”
Nangunot ang noo ko sa nakabubulahaw na sigaw ni Ryan. Iminulat ko ang aking mga mata at pinilit intindihin ang nangyayari.
“Ahhh!”
“Sino ka?”
Nanlaki ang mata ko nang madatnang may taong naka-coat at may hawak na itak sa harapan namin. Iwinawasiwas nito sa hangin ang itak at itinatapat sa bawat isa sa amin.
Seryoso ba ‘to?
Mabilis akong tumayo mula sa pagkakasandal sa puno.
“Ano bang problema mo?” ani Ryan na unti-unting nilalapitan ang taong naka-coat. Bobo!
“Mga tanga!” sigaw ko at hindi na nag-aksaya ng panahon. Tumakbo na ako sa direksyong papunta sa kalsada.
Wala na akong pakialam sa kanila, at narinig ko na lang ang mga sigawan mula sa likuran ko.
“Mga tanga kasi! Tatanungin pa kung anong problema, eh papatayin ka na nga! Walang utak!” Napaismid na lang ako habang tumatakbo.
Hininga ko lang ang naririnig ko habang binabaybay ang kagubatan. Inilayo ko muna ang sarili ko sa kanila bago dumiretso sa kalsada.
“Tanginang ‘yan,” bulong ko nang sa wakas ay makatapak na sa daan.
Napatingala ako at sa gitna ng makakapal na ulap, natanaw ko ang bilog na buwan.
Buwan.
Paborito niya ang pagtitig sa buwan. At ngayon, sana ay nanonood siya habang unti-unting pinagbabayad ang mga taong sumira sa kaniya.
Ang mga ‘yon... sana pinatay na sila. Mga walang kuwenta!
Masama ba kung sabihin kong na-excite ako noong makitang nangangatog sila sa takot?
Hmp. Bagay lang sa kanila ‘yon. Mga walang kuwenta naman sila. Basura sa lipunan. Kung akala ng iba, isa lang silang normal na tropang mahilig gumala, doon sila nagkakamali. Hindi lahat sa kanila ay malinis ang budhi. Mga demonyo sila!
Kung hindi lang sana sila ang nakilala niya... siguro maayos pa ang lahat. Siguro hindi nangyari ang mga masasaklap na pangyayaring ‘yon. Siguro hindi ako nag-iisa ngayon.
“Mamatay na kayo. Mga punyeta.”
Ilang sandali pa ay muntik na akong mapatalon nang may kumaluskos mula sa gilid ko, ang gubat na pinanggalingan ko kanina.
“Alam kong may tao… ‘Wag mo na akong takutin, gago.”
“Takutin? Eh...” Mula sa isang madilim na parte ay iniluwa nito ang pigura ng isang tao.
“... mukhang takot na takot ka na nga.”
Napaismid ako.
“Tanga. Hindi ako takot. Hindi ko lang maisip kung anong klaseng kagaguhan ba ang nangyari kanina.”
“Gusto mo ba talagang matakot?” Unti-unting humakbang ang taong ito palapit sa akin habang nakatago sa likod ang isang kamay. Kinutuban naman ako at napalunok.
Kailangan ko siyang unahan.
“Ah!”
Mabilis kong sinalubong ang taong kaharap ko at siniko sa tiyan. Napahalinghing siya sa sakit at napaupo. Kumaripas na ako ng takbo pagkatapos.
Kailangan ko pang makaalis dito. Ayoko nang makisali pa sa kanila.
Dire-diretso lang ako sa pagtakbo sa kahabaan nitong kalsada na hindi ko alam kung saan papunta.
Pero... parang lumilipad ang isip ko habang humahagibis.
Tama ba ang ginagawa ko? Paano siya?
Naaalala ko siya. Ang mga nakakatawa niyang karanasan. Ang nakangiti niyang mukhang punong-puno ng pag-asa. Ang tono ng boses niya na para bang naririnig ko mula sa malayo at nagsasabing, “Kamusta ka na, Ate?”
Pinilit kong alisin ‘yon sa aking isipan. Ang mahalaga ay makalayas na ako rito—
Sandali.
Hapit ang pagtakbo ko kaya medyo sumasakit na ang tagiliran ko. Tumigil ako nang isang saglit at lumingon sa taong iniwan ko.
“Ay, puta.”
Buwisit! Hinahabol pa rin pala ako, kaya umariba na ulit ako ng takbo. Pakiramdam ko, delikado na rin ako.
Sa kalagitnaan ng aking pagtakbo ay may nahagip ang mata ko sa isang tabi.
“Anong...” Mabilis na akong lumiko at nilapitan ang malaking bagay na ‘yon.
“Nandito lang pala ang van?” saad ko. Nakapasok sa isang medyo malawak na patag na lupa sa isang bukana ng gubat ang van na akala namin ay nawawala. Itinabi lang pala sa gubat? T*ng ina.
Agad kong nilapitan ang pinto nito at sa kasamaang-palad ay ayaw bumukas.
“Hayop, bumukas ka!” Sinubukan kong buksan pati ang bintana at ibang pinto pero wala.
Naalerto ako nang marinig ang mga yabag na papalapit mula sa kalsada. Nalintikan na!
Agad akong umikot papunta sa likuran ng van at nagtago. Sumandal ako patalikod at sinubukang huwag gumawa ng ingay.
Ilang segundo na ang lumipas ay wala akong naririnig na kahit ano. Hindi ba ako nasundan?
Bumuntonghininga ako at dahan-dahang tumayo. Sinipat ko ang paligid at nang walang makita, maingat akong naglakad papunta sa harapan ng van.
“Buti naman—”
Putang ina! Ramdam na ramdam ko ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko nang makarating ako sa harap ng van. Nagtatago pala siya roon!
Napalugmok tuloy ako sa lupa at napapikit sa sakit.
Pinilit kong hawakan ang parte ng ulo ko na kumikirot, at sa nanlalabo kong paningin ay naaninag ko ang mga paa ng taong bumato sa akin.
“Bakit mo ba ako tinatakbuhan, Kayne?”
•••
Kelly
Jusmiyo!
Mangiyak-ngiyak ako ngayon habang patuloy sa pagtakbo mula sa kung sino mang taong ‘yon. Ano bang ginawa namin sa kaniya?
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Juice colored! Bakit ba ganito ang nangyayari?
Hingal na hingal na ako at nanlalambot na. Napagpasiyahan kong tumigil na dahil baka mahimatay pa ako sa pagod.
Naupo ako sa ugat ng isang puno ng mangga para magpahinga.
Isang malaking buntonghininga ang pinakawalan ko at napasabunot sa buhok ko. Natanggal tuloy ang pagkaka-pony nito.
Napatulala ako sa kawalan.
Unti-unti pa lang na nagsi-sink in sa utak ko kung ano ba ang nangyayari sa amin. Mabibigat ang paghinga ko na medyo nangangatal pa sa pagod.
Ano bang gagawin ng taong ‘yon sa amin? Bakit niya kami sasaksakin?
First of all, sino siya?
Jusme. Hindi ko kinakaya.
Napatingin ako sa kamay ko kung nasaan ang pamuyod na ginamit ko.
Ang mga pambabaeng gamit na ito... kailan ko ba ito maaalis?
Nakakagulat man, pero kahit bilang isang binabae, may part sa akin na gusto kong bumalik sa dati. Sa dating ako na kinalimutan ko na.
Noong bata ako, hindi mo naman mahahalata na magiging ganito ako paglaki. Kung tatanungin mo ako noon kung barbie o baril, talagang barb— este baril ang pipiliin ko.
Mahirap lang ang pamilya namin. Mula noon at kahit ngayon. Tarantadong lasinggero si Tatay na wala nang ginawa kundi mambuwisit at manghingi ng pera kay Nanay na natunaw na yata ang kamay sa kaka-labandera.
Nag-iisa lang akong anak, kaya kahit papaano ay naigapang nila ang pag-aaral ko. Kaso hanggang elementary lang ‘yon. Mula high school eh nagta-trabaho na ako sa salon para may panggastos din ako.
Noong high school ko lang nalaman na ganito pala ako. Noong una, pasama-sama lang ako sa mga babae at ‘di nagtagal, feeling babae na rin ako. Ewan ko ba.
Nakatapos din naman ako hanggang Grade 10, kaso nahirapan ako sa sumunod na taon. Tumigil ako nang isang taon at nagtrababo para makaipon, at sa kabutihang-palad ay nakakuha ng scholarship sa Yelton. Nagpatuloy ako ng pag-aaral at ‘yon na nga, naging fully-developed girl na ang ate niyo sa paglipas ng panahon.
Noong nakilala ko si Jane at ang tropa niya noong Grade 12, mabilis ko silang nakapalagayan. Ewan ko ha, pero parang matagal na nila akong kasama kung ituring, kahit three years pa lang naman kaming nagsasama. Sabagay, mahaba na rin ang tatlong taon. Ramdam ko na totoong kaibigan nila ako.
Wala rin naman akong matatawag na true friends dati kasi nga mahirap lang ako. Pero sila, lalo na si Jane, napakabait nila sa’kin.
Kaya nga ako nakapagpatuloy hanggang college eh dahil sa financial support ng pamilya ni Jane. Balak ko na sanang hanggang senior high school na lang ang tapusin at magtrabaho na nang full-time, pero pinilit ako ni Jane na pumasok at sinabing tutulungan ako.
Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit hinding-hindi ko siya iiwan. Poprotektahan ko siya, lalo na sa sitwasyon namin ngayon.
Saan naman papasok doon ang kagustuhan kong maging lalaki ulit?
‘Di ba, sabi ko nga poprotektahan ko si Jane? Paano ko naman magagawa ‘yon kung palembot-lembot ako, ‘di ba?
Saka, na-realize ko rin na mas mabuting maging lalaki ako. Gusto kong maging matibay, malakas, at maaasahang Kelvin na inaasam sa akin ni Nanay.
Si Nanay ay isa sa mga nagtakwil sa akin noong nagladlad ako. Actually pareho naman sila ni Tatay, eh. Lumayas pa ako noon ng bahay dahil bubugbugin ako ni Tatay.
Nakitira ako sa isang kakilala kong bakla rin, at ‘yon…
Tumagal din ako ng ilang buwan sa kanila.
Isang araw na dumaan ako malapit sa amin, natanaw ko si Nanay na sinasaktan ulit ni Tatay at sa harap pa ng maraming tao. Hudas talaga! Nanggigil ako kaya kahit ayaw kong magpakita sa kanila, eh, sumugod ako’t ipinagtanggol si Nanay.
Tandang-tanda ko pa ang umiiyak na mukha ni Nanay noon habang nakayakap sa akin. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa kaniya, at sinabi niya na tanggap na niya ako.
Pero kahit hindi niya sabihin, alam ko namang nanghihinayang siya sa akin.
Noong bata pa kasi ako, palagi niya akong kinakausap na maging matagumpay raw ako paglaki, para ako ang mag-aahon sa amin sa kahirapan at mailalayo ko na siya kay Tatay na lagi naman kaming pinapabayaan.
Eh, hindi naman sa pag-aano sa mga kasamahan ko sa asosasyon ngayon, pero mas mahirap talagang umunlad lalo na’t baliko ang kasarian mo. Hindi pa namin napapatunayan kung anong kaya namin, bagsak na agad dahil sa grabeng diskriminasyon.
Pero hindi ako susuko hangga’t hindi natutupad ang nag-iisang pangarap ko sa buhay. Ang matulungan si Nanay at ibalik sa kaniya lahat ng pagsasakripisyo niya para sa akin. Si Tatay? Nevermind.
Pero s’yempre, bago ang lahat nang ‘yon, kailangan ko munang makauwi nang buhay mula dito sa gulong pinasok namin.
Ginamit ko ulit ang pamuyod at itinali ang buhok ko, saka tumayo at pinagpagan ang sarili.
Napabuntonghininga ako na akala mo’y hinugot pa sa balon ang hangin. Napalunok din ako at napayakap sa sarili dahil sa sobrang lamig.
Napanguso na lamang ako dahil sa mga aksyon ko kanina. Pagmulat ko ba naman kasi, bumulaga sa akin ‘yong taong naka-coat na akmang tatagain na si Ryan, kaya nag-panic na ako at kaagad tumakbo sa kung saan mang direksyon.
Ni hindi ko man lang nakita kung nasaan si Jane. Sana naisama ko siya sa akin kung hindi agad ako tumakbo. Nag-aalala rin talaga ako sa kaniya dahil kilalang-kilala ko ‘yong babaeng ‘yon. Mas matatakutin pa ‘yon sa akin at huwag naman sana, pero sa tingin ko, siya ang pinakamahina sa amin kaya madali siyang mahahabol ng killer kung sakali.
Sana kasama niya ang iba pa naming kaibigan, para kahit papaano ay may magpoprotekta sa kaniya.
Kailangan ko na silang makita sa lalong madaling panahon. Mahirap na, baka nasa malapit lang ang mang-iitak na ‘yon. Mas ligtas kami kung sama-sama.
Hindi ko man alam ang direksyong pupuntahan ko, unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko at binaybay ang kagubatan.
Hindi pa ako nakalalayo ay may narinig na akong kaluskos ng mga tuyong dahon. Ibig sabihin ay may tao sa malapit.
Napalingon ako sa kaliwa’t kanan para malaman kung sino ‘yon, pero wala akong nakita.
Medyo kinabahan ako dahil baka ang killer na ‘yon. Napalunok ako at dahan-dahang naglakad.
Maya maya pa, mas malakas na kaluskos ang narinig ko. Tumigil ako upang makarinig nang mas maayos.
S-Sandali...
Muli kong narinig ang kaluskos, at nalaman kong galing ito sa kanan ko. Muli akong napalunok. Lalapitan ko ba? Paano kung ang killer nga ito?
Pero naisip ko rin... paano kung sila ito? Ang mga kasama ko?
Dinahan-dahan ko ang paghakbang papunta sa direksyong ‘yon. Mahirap na.
‘Di nagtagal ay nakita ko na ang pigura ng isang taong nakatayo. Kung hindi ako nagkakamali, babae ito.
Si Jane kaya? Sana.
Ilang metro na lang ang layo ko sa kaniya pero parang nakatalikod siya at nahaharangan ng ilang puno kaya hindi ko masigurado kung sino.
Sa paglapit ko ay nakita ko nang buo ang taong ‘yon na naliliwanagan ng buwan.
Humarap siya sa akin, at napasigaw naman ako.
“Catherine!”
•••

Bình Luận Sách (118)

  • avatar
    BagasinAmormia

    Potek ang ganda ng story. Dimo talaga alam kung sinong magiging killer. Diko inaasahan ang mga revelations Hahaha ang ganda. Diko one expect na ganun yung magiging ending hanep haha. Nice nice

    06/01/2022

      0
  • avatar
    EscondeAzzy lei

    woohhh ka thrill ng stories HAHAHA d mo talaga mahuhulaan yung mga susunod na mangyayare

    21/12/2021

      4
  • avatar
    PersiaKlaatu

    it's my first time reading this kind of story kind the like it's nice

    12/12/2021

      5
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất