logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 Tragic Past

"Mahal, iwan ko muna kayo saglit. Bibili lang ako ng meryenda," bulong ni Harwell kay Chaye, kasama si JC na hindi niya inasahang darating sa bookshop. "Sige mahal," tipid na sagot naman ni Chaye. Itinuon niya muna ang atensyon sa pagbabasa ng listahan ng mga libro, just a simple way to avoid a conversation with JC.
"Ang ganda ng tawagan n'yo, mahal," paanas na sambit ni JC at pinagdiinan ang huling salita. Tipid na ngiti naman ang naging sagot ni Chaye. Lihim niyang dinarasal na sana'y dumating na kaagad si Harwell nang matigil na ang pagsasalita ng lalaki. "Sana next time, matawag mo rin ako sa term na 'yan. Ang sarap kasi sa pandinig pag sinasabi mong 'mahal'."
Nagsalubong ang kilay ni Chaye at iniwasang tumingin kay JC. Ang creepy na talaga ng pakiramdam niya sa lalaking ito. Gusto na niyang isumbong ito kay Harwell.
"Joke ba 'yan? Hindi ka ba tinatawag nang ganyan ng girlfriend mo?"
JC smiled a bit. "Break na kami."
"Ah gano'n ba?"
Muling itinuon ni Chaye ang mga mata sa listahan. At di niya akalaing hahawakan ni JC ang kamay niya. It gave her a slight heart attack. "Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit kami nag-break?"
Mas lalo niyang ikinagulat ang tanong ng lalaki. "Private naman kasi 'yon between you and your girlfriend. Kaya hindi ko na tinanong pa." Napalunok siya sa kanyang sagot.
"You should know it Chaye," JC insisted. "Sige, kung gusto mong i-share. Walang problema."
JC cleared his throat. "I'm seeing someone for so many years. Akala ko makakalimutan ko nang mahal ko siya. Gusto mong malaman kung sino?"
"Okay. Sino ba siya?" Nagkunwari na lang siyang interesado.
"Ikaw. Honestly, high school pa lang tayo, hindi ka na mawala sa isip ko. Tapos nagkaroon ka pa ng boyfriend, ang masaklap ay si Harwell pa," pag-amin ni JC.
Iniangat ni Chaye ang tingin kay JC habang nakakunot ang noo. Pinandilatan niya rin ang binata. "Ano? Nagbibiro ka ba?"
Mas tumindi ang takot na nararamdaman niya kay JC.
"No, I'm serious. Wala naman akong pakialam kung ikakasal na kayo. Wala akong balak na manggulo pero just in case na hindi ka pa sigurado kay Harwell, puwede naman ako Chaye." Naglalaro ang ngiti sa labi ni JC kasabay ng kung anong nagtatagong kislap sa kanyang mata.
"Makakahanap ka rin ng mamahalin mo JC," pakli naman ni Chaye. She wished that she can stay out of this situation. Ngayong nalaman na niyang may gusto sa kanya si JC, nagkaroon na siya ng matinding dahilan upang iwasan ito.
"Tara, kumain na tayo."
Animo'y nawala ang bara sa lalamunan ni Chaye nang marinig ang boses ni Harwell. Hindi nawawala ang ngiti nito habang papalapit sa kanila ni JC. "Nag-order ako ng pizza dyan. Masarap 'to, paborito ni JC," sabi pa ni Harwell na parang gusto nang lantakan agad ang pagkain.
"Alam mo, since highschool pa talaga hobby na natin ang kumain ng pizza. Mas matakaw ka lang talaga kaya siguro na-inlove si Chaye sa'yo. Kasi di ba mahilig siyang magluto tapos ikaw ang una niyang pinatitikim ng niluto niya?" nakangising tanong naman ni JC at saka sinulyapan si Chaye.
"No, ako ang unang na-inlove," biro pa ni Harwell saka tumabi sa nobya. Madali niyang napansin ang pagkabalisa sa mga mata ni Chaye at sisiguruhin niyang pag-alis ni JC ay kakausapin niya ito.
“I can't blame you. Kamahal-mahal naman kasi ang katangian ng girlfriend mo,” pakli ni JC.
Napayuko na lang si Chaye at hinihiling na sana'y matapos na lang ang tagpong ito at umalis na agad si JC na parang walang nangyari.
***
"See you next time Harwell, salamat sa pizza. Sa susunod ako naman ang mag-i-invite. Salamat din sa librong pinahiram mo sa'kin." Malapad ang ngiti ni JC pagkalabas niya sa bookshop.
Kinawayan pa niya sina Chaye at Harwell bago siya pumasok sa kanyang kotse. "Salamat din sa pagpunta JC. Aasahan kita sa araw ng kasal namin," tugon naman ni Harwell saka umakbay sa kanyang girlfriend.
"Sure, congrats!" sambit ni JC. Nang tuluyan na siyang makaalis ay bumuntong-hininga si Chaye at naunang bumalik sa bookshop. "Mahal, anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Harwell. Si JC kasi may inamin sa'kin." Dumilim ang mukha ni Chaye at parang ayaw na niyang sabihin pa ang confession ni JC kanina. "Ano naman 'yon?"
"May gusto raw siya sa'kin noong highschool pa tayo." Parang tinatambol ang puso ni Chaye sa di maialiwanag na kaba. She knew that Harwell might feel upset. Napakagat-labi siya nang iangat ang tingin sa nobyo na parang naguguluhan dahil sa kanyang ipinagtapat.
"All of these years, hindi niya man lang sinabi na ikaw pala ang babaeng tinutukoy niya," dismayadong turan ni Harwell. He grabbed Chaye's hand and hold it gently.
"Nasabi niya kasi na gagawin niya ang lahat para mapaibig ang babaeng iyon. Posibleng may galit pala siyang kinikimkim dahil magpapakasal na tayo," dagdag niya.
"Pero, wala naman tayong ginagawang masama sa kanya Harwell. Hindi mo dapat ika-guilty ang feelings ni JC. Maayos naman ang pakikitungo natin sa kanya, ang mahalaga inamin ko sa'yo kasi di ba magiging mag-asawa na tayo at dapat open sa isa't isa?" paglilinaw ni Chaye.
"Alam ko, pero nakakatakot kasi 'yon si JC, hindi 'yon tumitigil kapag may bagay siyang nais makuha. He's too competitive," paliwanag naman ni Harwell. "Puwes, hindi uobra ang pagiging competitive niya para masira ang relasyon natin." A hint of smile grew on her face.
"Alam mo rin naman na ikaw lang ang mahal ko. Kaya nga magpapakasal ako sa'yo eh." Muling napangiti rin si Chaye.
****
"Wow ang taas naman ng standards ni Enrico para ayawan si Chantal. Akala mo naman pinakagwapo at hindi naman siya sobrang sikat!"
"Ayaw kasing ligawan ni Enrico si Chantal, ayun sa iba tuloy napunta. Baka bakla si kuya n'yo."
"Oo nga, bakla siguro. Di ba umayaw siyang mag-aral sa PMA bilang sundalo. Eeew."
Mariing ipinikit ni Enrico ang mga mata nang matapos niyang basahin ang twitter thread na patungkol sa issue niya at ng on screen partner na si Chantal. Inamin na kasi ng katrabaho na may nobyo na ito at malabong magiging magkasintahan sila sa totoong buhay. Ginawa iyon ni Chantal dahil na rin sa pakiusap niya. Na-pressure na kasi siya nang husto sa gustong publicity stunt ni Mr. Sam para muli siyang pag-usapan.
"Enrico, anak patayin mo muna siguro ang cellphone mo para hindi mo na mabasa ang pinagsasabi nila," mungkahi ni Mang Ben habang nakasulyap sa rear view mirror at nagmamaneho.
Enrico gasped. "Okay lang po. Sa tagal ko ba naman sa industriya, ngayon pa ako magiging mahina?"
"Alam ko naman 'yan anak, ikaw ang pinakamatapang na batang nakilala ko," nakangiting komento ni Mang Ben.
"Kahit po ba duwag ako? Natandaan n'yo ba 'yong kuwento ko na tumakas ako sa academy kasi hindi ko kinaya ang pambu-bully ng upper class cadets? Tapos nagalit si papa, pinalayas niya nga ako no'n kahit malakas ang ulan. Sinabihan niya akong duwag. Si mama gumatong pa sa galit ng tatay ko. Ang tanging kakampi ko lang ay si kuya Charles, sinundo niya nga ako doon sa madilim na kalsada, pinayungan niya ako at niyakap nang mahigpit. Tapos noong pauwi na kami — may truck na babangga na sa nilalakaran namin dahil sa dulas ng kalsada. Sinagip ako ni Kuya Charles, ako dapat ang masasapul ng sasakyan pero tinulak niya ako. Tandang-tanda ko pa na naliligo siya sa sariling dugo at wala nang malay. Ako ang sinisisi ni Papa sa pagkamatay ni Kuya Charles. Kung bakit daw sinundo pa ako ni Kuya Charles eh wala naman daw akong silbi. Hanggang ngayon, hindi ko kayang burahin ang alaalang may namatay nang dahil sa worthless na tulad ko."
Enrico tried to stop his tears. But everytime he remembered that nightmare, he felt like he was being stabbed by a sharp knife and the best thing to ease the pain is to let those tears fall.
"Enrico, huwag mo nang isipin ang mga bagay na ikasasakit ng damdamin natin. Nandito lang ako, kahit anong mangyari, ikaw si Enrico na matapang, mabait at mapagparaya. Pinahahalagahan kita kahit hindi ka nila kayang pahalagahan. Gusto mo bang mag-unwind tayo? Gusto mo bang gawin ang bagay na makapagpapasaya sa'yo? Ako ang unang supporter mo anak." Magkahalong pagluha at pagngiti ang rumehistro sa mukha ni Mang Ben. Pansamantalang hininto niya ang sasakyan at nilingon si Enrico. "Enrico, huwag mong kalimutan na mayroong Mang Ben na nagmamahal sa'yo."
"Kayo lang naman ang mayroon ako," nahihikbing sambit ni Enrico at niyakap nang mahigpit ang matandang itinuturing niyang ama at matalik na kaibigan.

Bình Luận Sách (128)

  • avatar
    ريد ميديس

    ang Ganda Ng story 😊

    23d

      0
  • avatar
    Aiza Romanggar

    nice 🙂

    06/08

      0
  • avatar
    MacapinigRhea Mae

    5.0

    26/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất