logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 3 Chaotic Life Off-cam

"KASI naman eh, tinanghali ako ng gising! Lunes pa naman ngayon. Basta on the way na ako Mandy!"
Kinakapos ng hininga si Chaye dahil sa mabilis niyang pagtakbo. Fifteen minutes na lang at tuluyan na siyang male-late sa pinapasukang trabaho bilang regular office staff. Tanging nagpahinto lang sa kanya ang malakas na pagbusina ng kotse habang siya ay tumatakbo.
"Chaye, late ka na naman. Tara, sabay ka na sakin." Napalingon si Chaye sa pinanggalingan ng boses. Nasa loob pala ng kotse ang matalik na kaibigan ng nobyo niyang si Harwell, si JC. Tipid ang ngiti niya sa lalaki.
"Ah, okay lang. Late na rin naman ako eh. Salamat na lang," nahihiyang sagot niya rito.
Akala niya ay sumang-ayon na ang lalaki sa kanyang pagtanggi. Ngunit ihininto ng lalaki ang kotse at lumabas. It seems like he's at it again.
"Tara na," sabi pa ni JC sabay hablot sa kamay niya. Tiningnan siya ng binata na parang may ibig sabihin. She doesn't want to feel awkward but everytime JC stared at her, parang nakakaramdam siya ng kaba. Iyong tipo na kapag nakikita niya ang lalaki ay nararamdaman niyang dapat itong iwasan.

"Naku, ayos lang naman ako." Ipinaling ni Chaye ang tingin sa siwang ng bintana ng kotse. Nasilip niyang may tao sa loob, unang pumasok sa isip niya na kasama ni JC ang girlfriend nito.

"Chaye, my girlfriend doesn't mind if you ride with us," sagot naman ng lalaki.
Pineke ni Chaye ang ngiti. "Naku, hindi na talaga. Salamat na lang."
Para makaiwas nang tuluyan, nagsimula na siyang humakbang palayo. Hindi naman maitago ang disgust sa mukha ni JC habang sinusundan ng tingin si Chaye. Ramdam niyang mailap sa kanya ang dalaga kahit alam nitong magkaibigan naman sila ng nobyo nitong si Harwell. At iyon ang dahilan ng inis niya sa kaibigan.

Lalong napaigting ng kanyang inis nang makita si Harwell na nakasalubong ni Chaye. Makikita niya kaagad ang pagpapalitan ng ngiti ng magkasintahan. Matindi ang pagseselos niya sa senaryong nakita.
"JC, tara na. Di ba may lakad pa tayo?" untag ng kanyang nobya na nasa loob ng kotse. Napailing lang si JC at pilit na itinago ang pagkadismaya.

****

"Hindi ko pa natatapos ang huling chapter. Sayang, naggive-up na kasi ang talukab ng mga mata ko." Kaagad na inakbayan ni Chaye ang nobyong si Harwell nang makita ito. Pailing-iling naman si Harwell habang ginantihan ng ngiti ang kanyang nobya. "Di ba sabi ko naman sa'yo, kapag may pasok ka, huwag kang magpupuyat? Bibigyan na lang kita ng spoilers sa huling chapter ng libro ko," sagot niya sabay kuha ng bag ni Chaye na nakasukbit sa balikat nito.
"Sige ka, kapag binigyan mo ako ng spoilers, hindi na kita pakakasalan." Animo'y bata na paulit-ulit sa pagngiwi si Chaye. Ngumiti lang si Harwell.
"Joke lang, siyempre mas mahalaga ka sakin kaysa sa kagustuhan kong mabasa mo na ang librong sinulat ko."
Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad. Naisip na lang ni Chaye na mag-halfday sa trabaho dahil late na rin siya.
"Ah... Mahal, kumusta nga pala 'yong adaptation ng isang story mo? Tinanggap na ba ni Enrico 'yong offer?" Biglang tanong ni Chaye. “Or as usual ba, declined na naman ba?”

"Oo. Hindi pa rin niya tinanggap. Sabi niya kasi, hindi maganda ang gawa ko para i-adapt bilang movie," Harwell replied with his impassive expression. Ang totoo'y wala na siyang balak pang sabihin kay Chaye ang possible cancellation ng movie dahil ayaw niyang madismaya ang nobya. Kilala na niya ito simula pa noong high school students pa lang silang dalawa. Madaling maapektuhan si Chaye sa failure ng ibang tao kaysa sarili nitong failure. His girlfriend was soft and that's the thing he truly admired about her.
"Hindi maganda? Baka siya itong hindi magandang umarte? Ang arte ng lalaking 'yon! Bakit? Siya lang ba ang artista sa buong Pilipinas?" Di napigilang kontrolin ni Chaye ang dismayado niyang reaksyon tungkol sa ibinalita ni Harwell.

"Dapat pala hindi ko na lang sinabi." Tipid na ngumiti si Harwell sa kanyang nobya. Kapwa napahinto sila sa paglalakad. Hinaplos niya ang makintab na buhok ni Chaye. "Relax, hindi naman gano'n ka-bigdeal kung sino ang gaganap. Baka may iba pa namang mag-consider ng role."
Harwell likes to glide his hand on Chaye's hair strands. Isa iyon sa paraan niya upang pakalmahin ang dalaga. Being together for more than fifteen years as friends turn to sweethearts, alam na alam ni Harwell kung paano pagaanin ang loob nito.
"Pero mahal, alam ko namang pangarap mo talaga ang maisapelikula ang akda mo eh, saka nag-iisa lang ang Enrico na ‘yan na umaayaw sa akda mo. Kahit ang mga batikang manunulat sa philippine literature, pinuri na ang libro mo," nakikisimpatyang turan ni Chaye.
"Hayaan mo na. Sapat na ang blessings na natanggap ko bilang writer, may mga sumusuporta pa rin naman sa gawa ko kahit papaano. Iyong suporta mula sa'yo at sa iba kong supporters na lang ang panghahawakan ko. Ayokong nakikitang malungkot ang magiging misis ko dahil lang sa ganitong balita."
Harwell flaunts a smile that could tell how much he loved Chaye. "May naisip ako. Di ba magha-halfday ka na lang sa trabaho? Ano kaya kung mag-interview tayo ng mga taong iba't iba ang career? Halimbawa, si kuyang enforcer?"
Itinuro ni Harwell ang lalaking enforcer na nasa gitna ng kalsada at kasalukuyang ginagawa ang trabaho nito. Upang makapagsulat ng epektibong plot ng kuwento at makakuha pa ng mas maraming ideya sa pagsusulat, gawain na ni Harwell na kumausap ng iba't ibang tao at kumalap ng mga impormasyon mapakarera man o personal na buhay. Isa rin kasi iyong effective way dahil hango sa tunay na buhay ang content ng akda niya at mas gusto niya ang accuracy ng mga detalye na isusulat niya patungkol sa careers ng gagawin niyang karakter sa kanyang mga libro.

Napakamot-ulo si Chaye. "Paano natin siya makakausap? Tingnan mo nga, busy siya sa pagta-traffic enforcer."

"Eh di panoorin na lang natin siya."
Natawa silang pareho.
****

"Enrico, narito na tayo sa tapat ng bahay niyo." Kung hindi pa niyugyog ni Mang Ben si Enrico na nasa passenger's seat ng kotse, malamang ay hindi pa ito magigising. Nararamdaman niya ang matinding pagod ni Enrico dahil wala pa talaga itong tulog dahil sa sunod-sunod nitong TV guestings at filmings ng commercial para sa isang clothing brand.

Marahang idinilat ni Enrico ang mga mata. He sighed after he realized where he was.
"Nakatulog po ba ako nang matagal? Pasensya na." He managed a sly smile. Alam niyang napagod na rin si Mang Ben dahil ito na rin ang tumatayong personal assistant niya at driver. Napakatiyaga ni Mang Ben at itinuturing na niyang parang anak si Enrico. Nagkataon lang na tatay si Mang Ben ng dating PA ni Enrico na nag-resign noon dahil mag-aaaral na ito sa kolehiyo. Nakapalagayang loob naman niya si Enrico at sa loob ng apat na taong paninilbihan, saulado na niya ang pag-uugali nito. He's the only one who understands his emotions and thoughts.
"Ayos lang Enrico. Sige na, pumasok ka na sa loob at baka naghihintay pa sa'yo ang mga magulang mo," payo ni Mang Ben.
Pagtango at tipid na ngiti ang sagot ni Enrico. Pagkadiretso niya sa loob ng bahay, naabutan niya ang kanyang mga magulang. Ngunit parang hindi man lang napansin ng mga ito na dumating na siya kahit nakita siyang nagbukas ng pintuan.
"Mama, papa... Nandito na ako."
He even hesitated for a while kung babatiin pa niya ang mga magulang. Ever Since he started his acting career, naging mas malamig at komplikado na ang pakikitungo ng parents niya sa kanya. Alam niya ang dahilan, noon pa man ay gusto ng parents na sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang sundalo. Ngunit hindi naman niya gusto ang karerang iyon.
"May pera ka na naman ano? Kasi balita ko may bago ka na namang endorsement," may bakas ng sarkasmong sabi ng kanyang ina.
"Hindi naman po endorsement 'yon. Wala naman akong pinipirmahan pang kontrata."
His voice seemed to crack though he didn't scream. At this moment, he knew that the question would start a fire to burn their house.

"Ayan. Hindi mo ba napapansin Enrico? Sikat ka kasi gwapo ka. Sikat ka pa ngayon kasi bata ka pa. Eh paano kung tumanda ka na? Malalaos ka na rin. Kung bakit kasi hindi mo na lang sinunod ang kagustuhan ng tatay mo." Nagtaas ang boses ng kanyang ina.

Enrico clenched his jaw as he tried to stay calm. Sanay na siya sa disgust comments na naririnig sa sariling bibig ng ina ngunit parang punyal ang mga salita nito na tumatagos sa kanyang puso't kaluluwa.

"Trabaho din naman ang pag-aartista eh. Nag-invest na po ako, para kung sakaling mawalan ng projects, may pang-negosyo pa," Enrico clarified.

"Hayaan mo siya. Sarado na talaga ang utak niyan sa gusto kong mangyari. Kung nag-aral siya at naging sundalo, ipagmamalaki ko pa siya. Ang mga sundalo ay isang bayani ng bayan. At iyon ang pangarap ko para sa'yo Enrico. Iyang pag-aartista? Pag tumanda ka malilimutan ka na ng mga tao, kung nag-sundalo ka, bibigyan ka pa ng karangalan ng bansa natin," mahabang litanya naman ng kanyang ama na itinuring niya na lamang na huni ng isang ibon.

"Matutulog na lang po ako. Goodnight."
Deretso kaagad siya sa sariling kwarto. Pakiwari niya ay mas pagod ang emotional part ng kanyang pagkatao. Pagod na siyang mangatwiran, wala namang pakialam ang sarili niyang magulang na dapat ay unang susuporta sa pinili niyang career.

Bago tuluyang makapasok sa kwarto ay nasulyapan niya ang mga magulang na di pa rin nawawala ang disgust sa mga itsura nito—as if he committed a crime. Pagsalampak niya sa kama, muling inulan ng maraming bagay ang utak niya. At mukhang hindi siya makakatulog nang mahimbing.
'Am I living in hell? Kung mamamatay ako, bakit hindi pa ngayon?'

Bình Luận Sách (128)

  • avatar
    ريد ميديس

    ang Ganda Ng story 😊

    23d

      0
  • avatar
    Aiza Romanggar

    nice 🙂

    06/08

      0
  • avatar
    MacapinigRhea Mae

    5.0

    26/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất