logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6

AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito sana'y masiyahan kayo sa bawat chapter na mababasa niyo.
----------
"OH MY GOSH! I CAN'T BELIEVE THIS!"
"Alam mo masiyado kang over reacting, Janine."
"Why? You see, alam mo 'yung kung sino pa 'yung kinaiinisan mo at pinagseselosa--"
"Can you please shut your mouth!?" Inis na sambit ko dahil sa nakakairitang mga sinasabi nila. Natahimik naman sila bigla dahil sa matalim na tingin ko sa kanilang dalawa.
"Sorry na, Trixie. Kasi naman eh, i feel you lang. Bakit kasi siya pa ang napunta sa section natin? Mas lalong masisira ang araw mo sa kaniya." Wika ni, Janine.
"Yeah, you're right Janine. And i feel something sa babae na 'yon." Nakasimangot na sabi ni, Diana.
Tahimik na malalim na napapaisip ako habang narito kami sa cafe, dahil mamaya pa ang next class namin. Hindi ko talaga inaasahan na siya ang malilipat pansamantala sa section namin at 'yon ang hindi ko matanggap.
I don't like her anymore!
Tumayo ako dahil may kailangan akong puntahan at kakausapin dahil hindi ako papayag na mangyari ito. Ayokong makita ng mga mata ko ang babae na 'yon lalo pa at katabi pa niya si, Gabriel.
"Triexie, wait! Where are you going?"
Hindi ko sila nilingon tuloy-tuloy na naglakad ako papunta sa Dean office para kausapin ito. His my ninong so, i think na pagbibigyan niya ako sa gusto ko.
----------
"So you mean you want to replace that girl?"
"Yes!" Sagot ko agad habang nakaupo at kausap siya.
"But why? Tell me a valid reason at gusto mo siyang palitan ng ibang studiyante?" Seryoso na tanong nito.
Napaangat ang kilay ko dahil bakit kailangan niya pa 'yon itanong sa akin.
"Tell me, then i'll do it." Muling wika nito.
"I don't like her. Ayoko siyang makasama sa isang subject namin, so this is a valid reason right?" Iritang sagot ko dahil naiinis na ako sa kaniya.
"No, dahil lang sa hindi mo siya gusto 'ay paaalisin mo na siya? Come on, pansamantala lang ito. Kung may pansarili kang problema sa kaniya huwag mo na muna ito pansinin." Sagot nito at tumayo.
Napatayo na rin ako dahil sa hindi ko inaasahan na sagot niya.
"I said, replace her! I don't like her! Just do it want i want!" Malakas na sigaw ko na kinagulat niya.
"I'm sorry, Ms. Fontanilla. You may go now."
Tiningnan ko siya ng masama dahil binalewala niya ang pagpunta ko dito, ganon na lang at palalabasin niya ako. How dare him!
"I'll tell this to my Daddy." Inis na sabi ko at nagdadabog na lumabas ako ng pinto, pabalibag na sinara ko ang pinto.
"What happend?" Tanong ni Janine na nandito pala ang dalawa sumunod sila sa akin.
"Don't talk to me." Wika ko at iniwan silang dalawa.
Naglalakad ako at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at ang balikat ko dahil sa inis. That old man! You can't do this to me! Patuloy na naglalakad ako at kinuha ko sa shoulder bag ko ang phone ko para tawagan si, Gabriel.
"Where are you?" Tanong ko pagkasagot niya.
"Here my place." Sagot nito, napahinto ako sa paglalakad ng makita na makakasalubong ko ang babaeng kinaiinisan ko.
"Ok." Sumagot ako at pinatay ko na ito, mabilis na naglakad ako hanggang sa magkatapat na kaming dalawa. Nakatingin siya sa akin
"Move." Sabi ko, dahil ayokong ako pa ang iiwas sa kaniya. Tiningnan niya ako ng may pagtataka at tumingin sa gilid niya. Mapang-asar na mahinang tumawa ako dahil parang sinasabi ng mata niya na maluwag ang daan.
Lumakad ako at ng magkatapat na kami tinulak ko siya para mawala siya sa harap ko, halos matumba siya dahil sa hindi niya inaasahan ang ginawa ko.
"Sa susunod na masusulubong mo ako, iiwas ka na. Ayokong makasalubong ang mga katulad mo o makita ang mukha mo." Mataray kong sabi at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Maraming nagbubulungan na mga studiyante sa nakakitang ginawa ko, pero tuwid na naglakad lang ako na parang walang pakialam.
I dont care what we are talking. I'm Trixie Fontanilla. The Daughter of Fontanilla Corporation, i'm a princess so no one can say against me.
------------
Tulala at hindi ako makapaniwala sa ginawang pagtulak sa akin ni Trixie, muntikan na akong matumba.
Anong kasalanan ko bakit niya 'yon nagawa sa akin?
Isip ko habang naglalakad kahit marami ang napapatingin sa akin dahil sa nangyari. Naramdaman ko sa bulsa ng pantalon ko ang pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko ito at tiningnan.
"Gerson Sevilla."
Sambit ko sa pangalan siya 'yung lalaki na naglagay ng number niya sa phone ko.
"H-Hello?" Mahinang sagot ko.
"Wala ka ng klase, right?" Sagot naman nito.
"Oo sandali paano mo nalaman?" Takang tanong ko.
"Just come here, i'll text the address. I'm waiting."
"Ha? Sandali--" na-cut na ang tawag ko dahil pinatay niya na. "Pambihira pinatayan agad ako." Napabuga ako ng hangin. Mayamaya'y may text message na pumasok, mula sa kaniya at naroon ang address. Binasa ko ito at malapit lang 'yon dito sa University.
Sandali tama ba na pumunta ako? Pero mukha naman mabuting tao siya baka may sasabihin siya sa akin.
Nagpunta ako sa locker ko para iwan ang libro ko at ilang gamit ko, matapos 'yon ay lumabas na ako para puntahan ang address.
"Sevilla Coffee shop." Bigkas ko at napangiti ako dahil nasa harap ko na ito. Pero nagdalawang isip ako na pumasok dahil napakasosyal ng loob at may mga studyante akong nakikita sa loob.
Biglang tumunog muli ang phone ko at agad na sinagot ko ito.
"Nandito na ako pero nasaan ka ba? Hindi kita makita sa labas." Sagot ko at tumawa siya sa kabilang linya.
"Hindi mo talaga ako makikita diyan sa labas dahil nandito ako sa loob ng coffee shop."
Nanlaki mata ako at napatingin at nakita ko siya na nakatayo sa loob at kumaway sa akin. Nakita ko siya dahil sa glass wall ang paligid nito.
"Teka, diyan ba talaga sa loob?" Tanong ko pa at muli siyang tumawa.
"Come on, lalamig na ang kape natin." Sagot niya at pinatay na ang phone.
Napatingin ako sa paligid ko dahil talagang naiilang ako dahil mga 'di kotse ang bawat umaalis at pumapasok sa loob.
Ano ba kasi ang kailangan niya bakit kasi dito pa?
Napapikit na lang ako at humakbang na ang paa ko papunta sa entrance, binati pa ako ng guard pagpasok ko sa loob. Pati mga staff doon 'ay binati rin ako kaya naman naiilang tuloy ako lalo.
Hinanap ng mata ko si Gerson at nakita ko naman siya banda sa may gilid. Sumenyas siya sa akin para lumapit ako, napapatingin ako sa paligid at ang sarap sa ilong ng amoy ng kape. Pati yung desenyo dito ang sosyal lang, ang mga sopa na alternate ang kulay, white and brown. Sa tingin ko ay malalambot ang mga upuan na 'yon. Ang ilaw ay sumakto siya sa paligid 'yung tipong hindi masiyadong maliwanag kaya ang sarap mag-relax dito.
"Come on." Aya nito pagkalapit ako.
Nag-aalangan na naupo ako habang namamangha pa rin sa nakikita ng mga mata ko.
"Bakit pala dito tayo mag-uusap?" Wika ko agad.
"Tikman mo muna ang espesyal na kape dito." Nakangiting sabi nito at may lumapit na naka-uniform na staff dito sa tingin ko.
"Boss, ito na po." Wika ng lalaki.
"Boss?" Takang tanong ko at napatingin ako kay Gerson na nakangiti sa akin.
"Why? Hindi ba ako mukhang boss?" Natatawang sabi niya.
"Hindi naman pero--" natigilan ako at maalala ang pangalan ng coffee shop na 'to. Napakapit ako sa bibig ko at nanlalaki ang mata habang siya ay nakangiti. Dahil nawala sa isip ko kanina.
"So, you want a job?" Tanong nito at humigop ng kape.
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ako makapaniwala na sa kaniya ito dahil sa tingin ko hindi naman nalalayo ang edad niya sa akin.
"I'm only nineteen. Eighteen ako ng simulan na pamahalaan ko ito dahil sa akin talaga ito, tatlo kaming magkakapatid at sa ganiyang edad may mga negosya na kaming sarili at ito ang pinili ko dahil mahilig ako sa kape." Nakangiting paliwanag nito sa akin.
Napatango-tango na lang ako dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko. Imagine sa edad niyang 'yon may negosyo na, sana all lang talaga. Pero hindi naman 'yon imposible dahil sa tingin ko talaga 'ay mayaman siya.
"So you want a job?"
Muling wika nito at napatingin ako sa kaniya at hindi makapaniwala.
"Job?" Takang tanong ko.
"Yes, hindi ba naghahanap ka ng partime job? Nandito na bibigyan kita, kung tatangapin mo ito maaari ka ng magsimula ngayon."
"Ha?" Hindi makapaniwalang nasambit ko dahil talagang gulat na gulat na ako sa mga sinasabi niya. "Bibigyan mo ako ng trabaho at maaari na akong magsimula ng trabaho ngayon mismo tama ba ako?" Paglilinaw ko pa.
"Yeah." Nakangiting sagot nito at muling humigop ng kape.
"Gerson boy, nandito ka lang pala. Wala ka sa office mo."
Sabay na napalingon kaming dalawa dahil sa nagsalita at nanlaki ang mata ko pagkakita dito. Nakatingin rin siya sa akin at parang hindi makapaniwala na makikita ako dito.
"Ikaw pala, Gabriel. Sandali magkakilala na ba kayo?" Takang tanong ni, Gerson.
Napayuko ako at hindi ko magawang sumagot.
"Nope, but i see her many times." Sagot nito at nakita ko na pinausog niya si Gerson.
"What she doing here?"
Narinig ko na tanong ni Gabriel dahil hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanila.
"I hired her, she needs a job. Alam mo naman na mabait akong tao at isa pa mukhang mabait naman siya at maganda pa."
Pakiramdam ko nag-init ang magkabilaan ng pisngi ko dahil sa sinabi ni, Gerson. Para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ay inangat ko ang tasa para humigop ng kape.
"Bakit ba kahit saan ako magpunta nakikita kita?"
Natigilan ako sa paghigop ko ng kape at nagtama ang mata namin, hindi ko magawang sumagot dahil hindi ko rin naman alam kung anong isasagot ko. Basta ang nararamdaman ko ngayon sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mga mata niya.

Bình Luận Sách (133)

  • avatar
    Farah Ruiz Dela Torre

    bilis po ng chapters nakakabitin huhuh

    04/07

      0
  • avatar
    GwapoAnoy

    ganda

    16/06

      0
  • avatar
    Obinque Buenaventura

    ganun lang?

    07/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất