logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Murder Sealed

The Murder Sealed

intellect01


Chapter 1 : Survivors

KIARA'S P.O.V
"Pano ka nga pala naka takas sa massacre na naganap kagabe sa compound nyo ?" Bungad sakin ng lalakeng naka kurbata nang magising ako dito , kaya ngayon ko lang napag tantong dinala pala ko sa Hospital ng CordialWood Town pagkatapos ng isang kahindik hindik na nang yari sa lugar namin kagabe.
"Sino ka po ba ?" Naguguluhan kong tanong habang naka tulala lang ako sa kawalan at pilit kong inaalala kung papano ako nakarating dito ?
"Isa akong detective dito sa CordialWood Town , Ako nga pala si Dexter Pantanilla. I repeat, how did you escape the massacre that happened in your compound ?" Pag tatanong ulit ni Detective Pantanilla habang naka tulala pa rin ako sa ibang direksyon , dahil hindi ko na masyadong maalala kung ano ba talaga yung nang yari mula nung nawalan ako ng malay kagabi.
Napa buntong hininga na lang ako at napa tingin ako sa kanya habang wala pa rin kaemo emosyon ang mukha ko. "Ang natatandaan ko lang po , may gustong pumatay sakin habang nasa kwarto kame ng kapatid ko." Giit ko kaya parang napa balikwas si Detective Pantanilla sa aking paanan kung saan sya naka upo.
"Namukhaan mo ba yung salarin ?" Seryosong tanong nya habang naka tingin lang sya ng diretso sa aking mata kaya unti unting kumunot ang noo ko.
"I don't know, but I saw a tattoo on his left arm." Paliwanag ko naman at napansin kong napa ngisi na lang si Detective Pantanilla sakin. Tila ba'y binalutan ako ng matinding kuryosidad habang nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata nya.
"Yung mga parents mo ? Nasaan pala sila nung mga oras na yon ?" Pag tatanong nya ulit na ikinainis ko naman kaya napa singhal na lang ako at sinamaan ko sya ng tingin.
"Matagal ng patay yung mga magulang ko , pumunta na lang po kayo sa heaven kung gusto nyo po sila makilala !!!" Iritado kong sambit at tinaasan ko sya ng kilay dahil nakaramdam ako ng pagka asar sa lalake na to.
Lumaki kase kame ng kapatid ko sa puder ni Auntie Nicole , dahil namatay daw si Mama sa panganganak sakin. Samantalang si Papa ay nadepress naman daw sa pagka sawi ni Mama kaya nagpaka tiwakal daw si Papa nung panahong nilalamon sya ng kalungkutan. It's sad but we have to accept the fact that my sister and I were orphaned early when we were kids.
"Sorry. Anyway pano ka nga pala ulit nakaligtas sa massacre ?" Pangungulit ulit ni Detective Pantanilla kaya lalo akong nainis sakanya habang inaalala ko ulit yung bangungot na naranasan namin kagabi.
"Wala na po kong masyadong matandaan mula nung nawalan ako ng malay eh , pero meron po kong naaninag na isang tao sa harapan ko." Paliwanag ko sa kanya at napansin ko naman na naka tingin lang sya sakin na walang kaemo-emosyon , kaya tinitigan ko na lang sya pabalik na mistulang naguguluhan.
"Diba sabi mo , pinag tangkaan ng salarin yung buhay mo kagabi ? At kasama mo rin nung mga oras na yon yung kapatid mo ?" Giit nya kaya tinanguan ko na lang sya bilang sagot ko , at dali dali naman akong tinamaan ng matinding takot kaya napapikit na lang ako saglit nang mapagtanto kong kasama ko pala si Ate Kiana sa mga oras na yon.
"When I had the opportunity to run last night , nagpa iwan naman si Ate sa kwarto na yon , hindi ko po alam kung baket ? pero hanggang ngayon kinakabahan pa rin po ko." Pag lalahad ko sa kanya habang nag ngingitngit yung mga ngipin ko dahil takot. Sana naman nakaligtas sya kagabi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay sa aking kinasasadlakan. Gustuhin ko man tumayo pero nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Lechugasss !!
"Don't worry ... naka ligtas sila, wala ka na dapat ipag-alala" Napa ngiti na lang sakin si Detective Pantanilla kaya para kong nabuhayan ng loob. Mabuti naman naka survive sila sa massacre na nangyari kagabi dahil hindi ko kakayanin kapag yung isa sakanila napahamak.
Mag sasalita na sana ko ulit pero kapwa kame ni Detective Pantanilla na napatingin sa pintuan ng kwarto na to na unti unting bumubukas hanggang sa bumungad sa mga mata ko sila Andrei at Stefanie , pati sila Auntie Nicole at Ate Kiana.
Para kong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko , nang makita ko silang buhay at naka ligtas sa massacre na nang yari sa lugar namin kagabi , pero napa kunot na lang yung noo ko nang dumako naman yung paningin ko sa isang lalakeng naka black long sleeve at mukhang ka edad pa nya yata si Auntie.
"Pano kayo naka takas kagabi ? --- tsaka sino yang lalakeng yan." Kunot-noong panimula ko sa kanila , at dali dali naman silang lumapit sa puting kama na hinihigaan ko.
"Mahabang kwento pero bunso ... sya yung nag dala sayo sa hospital nung nawalan ka ng malay. -- sya nga pala si Doctor Darren tsaka sya rin yung namamahala sa hospital na to. Magpasalamat kana lang dahil nakaligtas ka." Tugon sakin ni Ate Kiana na punong puno ng pag aalala kaya napayuko na lang sya ng bahagya at umiwas sya ng tingin sakin, but I noticed that Darren smiled at me and I was even more confused with him.
"Wag kang mag-alala iha , hindi ako masamang tao , Isa rin akong doctor sa hospital na to." Naka ngiting sambit nung Darren kaya napa buntong-hininga na lang ako , dahil kung hindi ako nagkaka mali sya yung huli kong nakita bago ako mawalan ng malay kagabi.
"Anyway , nahuli na ba sya ? nahuli na ba yung salarin ?" Naka ngiwing tanong ko sa kanila kaya umayos na ko sa pagkaka upo ko habang nilalamon ako ng kuryosidad dahil hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga yung motibo ng salarin kagabi at baket sila sumalakay sa compound namin ? at nakuha pa nilang magtanim ng ilang bomba sa lugar na yon.
"Kiara Alvarez ? Tama ba ko ?" Paninigurong giit ni Detective Pantanilla na kanina pa pala nakikinig samin kaya napatingin na lang ako sakanya. "Nahuli na yung salarin , dinala na sya sa prisinto ng CordialWood Town." Paliwanag pa nito habang nakaupo pa rin sya sa paanan ko.
"Kung ganon !! Gusto ko syang makita , gusto ko syang makilala. Pumunta na tayo sa prisinto." Seryoso kong sambit kaya pinilit kong makatayo sa pagkakahiga kahit nang hihina pa rin ako.
"Seriously ? Kaya muna ba ?" Bulalas ni Stefanie at bakas na bakas sa mukha nya yung matinding pag aalala but I want to meet the culprit and I want to talk him properly.
"Okay na ko ..." Palusot ko sa kanya dahil parang nangangatog pa rin yung mga tuhod ko. Tinanguan ko na lang sila habang ibinababa ko ang dalawang paa ko dito sa puting kama kung saan ako nakaratay kanina.
****
Habang naka sakay kame sa van na pinapaandar ni Doc. Darren ay lagi pa rin bumabagabag sakin yung trahedyang naganap sa compound namin. I can't explain how I feel right now and I feel intense fear because of a nightmare we experienced last night. Lechugasss !!
Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung mga nang yari kagabi. I will never forget what happened last night in our compound kaya napa tingin na lang ako sa labas ng sliding window habang pinag mamasdan ko yung mga tanawin na nadadaanan namin para naman mahimasmasan ako at makapag isip isip ako ng maayos.
"Ano pala nang yari kagabi ? Wala na kong masyadong maalala eh ..." Basag ko sa nakakabinging katahimikan habang nakatingin pa rin ako sa labas ng sliding window kaya pare pareho silang napa lingon sa direksyon ko.
"Wag kana mag isip ng kung ano ano , ang mahalaga nahuli na yung salarin." Seryosong sambit ni Andrei na nasa harapan ko at nakatingin sakin. Ewan ko ba kung baket hindi pa rin kumukupas yung mukha nya, napaka amo pa rin at higit sa lahat lagi pa rin akong nadadala sa mga mapupungay nyang mata, kaya minsan natutulala na lang ako kapag nasa harapan ko sya.
He just became my friend last year but I don't know why he always attracts my attention ? especially when he is in front of me like now. Napaka swerte ko rin at nakilala ko sya dahil palagi nya rin akong pinoprotektahan at hindi nya ko hinahayaang mapahamak.
"Namumula ka Kiara !! May lagnat ka ba ?" Naguguluhan at kunot-noong tanong ni Ate Kiana na nasa tabi ko kaya ngayon ko lang narealize na natulala na naman ako kay Andrei. Dali dali akong umiwas ng tingin sa kanya na mistulang nahihiya at naramdaman ko na lang na uminit ang magkabilang pisngi ko.
"Wala to ate ... malapit na ba tayo ?" Pag iiba ko ng topic pero napansin kong napa ngiti na lang sakin sila Stefanie at Andrei nang nakaka loko kaya sinamaan ko na lang sila ng tingin.
"Nandito na tayo sa prisinto .... anyway , nangupahan muna ko sa Eminence Village , dun muna tayo pansamantala ..." Giit naman ni Auntie, pero hindi na namin sya pinansin at dali dali naman kame bumaba sa van kung saan kame nakasakay. I just calmed myself and took a deep breath before I confronted the culprit who was arrested by the authorities in our compound.
Pagka baba ko naman ay bumungad sa mga mata ko yung mga taong nag kukumpulan sa gilid ng prisinto at mistulang may pinagkaka guluhan yung mga tao na yon sa kinaroroonan nila kaya muling napa kunot ang noo ko.
"Ano nang yayari dun ?" Sambit ni Stefanie kaya hindi na kame nag dalawang isip dumiretso sa lugar na yon , pero napansin ko naman agad si Detective Pantanilla na nauna na pala samin dito sa prisinto.
Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya , mukhang hindi kame magkaka sundo nito dahil pinaalala pa nya sakin yung pagkamatay ng mga magulang ko nung panahong sanggol pa lamang ako , kaya wala nang mapag lagyan yung pagka asar ko sa Detective na yon. Masyado syang mausisa at para bang walang preno ang bibig nito kapag iniimbistigahan nya ang isang tao.
Pagka dungaw namin sa mga taong nag kukumpulan ay rumehistro sa buong pagkatao ko yung matinding takot at namilog na lang ang aking mga mata dahil bumungad samin dito yung lalakeng naliligo sa sariling dugo at tinakasan na ng buhay , habang may naka tarak pang matalim na bagay sa dibdib nya.
"He is the culprit and he is the one we saw last night in our compound ... but why did this happen to him ?" Naguguluhang tanong ni Stefanie , kaya agad agad kong nakita yung tattoo sa kaliwang braso ng lalakeng naka handusay sa harapan namin ngayon.
Sino naman may kagagawan nito ? Nakaka asar naman !!! Hindi ko pa sya nakaka usap ng maayos tsaka gusto ko rin malaman kung baket nya pinag tangkaan yung buhay ko kagabi pero sa kasamaang palad naabutan na lang namin ngayon dito sa prisinto yung malamig na bangkay nya ...
Napa singhal na lang ako at para ba kong naparalisa sa kinatatayuan ko habang nagkaka gulo pa rin yung mga tao dito sa kinaroroonan namin kaya naisipan ko nang umalis dito dahil hindi ko na rin maatim yung karumal dumal na krimen. Napa takip na lang rin ako sa bibig ko habang naka yuko ako ng bahagya at dali dali akong naglakad palayo sa lugar na to dahil bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko sa aking nasaksihan.
Nagulantang na lang ako at dali dali kong naiangat ang ulo ko , nang may maka banggaan akong isang matandang babae na may dala dalang bayong , kaya laking gulat ko nang bigla syang napa luhod sa harapan ko.
"Lola . Pasensya na po ..." Pagpapa umanhin ko sa kanya at dali dali ko syang tinutulungan tumayo pero tiningnan nya lang ako na para bang kinikilatis nya ko mula ulo hanggang paa.
"Ikaw ba si Kiara Alvarez iha ?" Seryosong tanong nya kaya napa kunot na lang yung noo ko. "Iha wag kang mag titiwala kahit kanino. Don't trust anyone if you don't want to risk your life." Pahabol pa nya bago sya nagpa tuloy sa pag lalakad habang naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko na mistulang nagugulumihanan.

Bình Luận Sách (74)

  • avatar
    ManlanatJinelle

    keep doing that

    20d

      0
  • avatar
    Xander M Tambo

    Xander m tambo

    05/08

      0
  • avatar
    Jam Jam

    it so nice history

    23/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất