logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 6: Ang Simula ng Huli

NAGISING si Jeric dulot ng ingay na nanggagaling sa kumakalampag na mga bakal at kumakalansing na makina sa loob ng bus. Marahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at kinusot-kusot ang mga ito.
Ramdam niya ang kabigatan mula sa likod ng kanyang katawan na para bang may kung anong nakadagan sa kanya mula sa likuran at hindi din siya makagalaw. Nahihirapan man ay pinilit niyang iangat ang katawan at dahan dahang siyang nagtaas ng tingin at doon ay bumulagta sa kanyang harapan ang mga patay na katawan ng kanyang kaklase.
“Hindi, H-hindi to totoo. ” Sambit ni Jeric habang tila sasabog ang kanyang ulo sa nakita.
Nanigas siya sa kanyang kinaroroonan at gumuhit ang takot sa kanyang mukha. Tuluyan na nga siyang nagising sa pagkakataong yun. Halos hindi siya makahinga dahi sa labis na kaba at dahil na rin sa malalakas na kabog mula sa kanyang dibdib. Napalunok siya ng mapagtantong ang dahilan kung bakit hindi siya makagalaw ay dahil sa nagpatong patong na mga bangkay ng kaklase niya mula sa kanyang likuran.
“Oh, Diyos ko!” ang tanging naisambit niya.
Nilinga-linga pa niya ang paligid at kitang kita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga ito. Ang iba ay nabulasok sa mga matutulis na bagay, ang iba nama’y bali bali ang katawan dahil sa lakas ng impact na dulot ng pagkahulog ng bus. Pilit na inalala ni Jeric ang mga nangyari gulong gulo ang kanyang isip at ang huling sandali na naaalala niya ay pag atake ng isang nilalang sa bus dahilan para mawala sa dereksyon ang bus na sinasakyan nila at magpagulong gulong na dahilan naman para mawalan siya ng malay.
Nanginginig man ay buong pwersa pa rin niyang hinila gamit ang isang kamay ang mga bangkay na nakadagan sa kanya. Hindi mapigilan ni Jeric ang maluha dahil sa bawat paghila niya ay nakikita niya ang mukha ng mga ito. Akmang tatayo na sana si Jeric pero napadapa siyang muli dahil sa pangangatog ng tuhod, naramdaman niya din ang pagkirot ng kanyang kaliwang balikat.
“A-aray!” daing niya.
Kinapa kapa niya ang kanyang balikat at napansin niyang may sugat pala siya dito, pero ganunpaman ay pilit niyang iniinda ang sakit hanggang sa wakas nga ay nakatayo na siya. Paika-ika ang binata kung maglakad habang nilalakad ang loob ng bus.
Hindi niya mapigilang maduwal sa mga nakikita napaka raming patay sa paligid.
Dahan dahan ang paglakad ni Jeric sa bus nakita niya ang mga studyanteng wala ng buhay naging pamilyar ang mga ito sa kanya dahil mula sila sa kursong BSIT and Education.
Naramdaman naman ng binata ang paggalaw ng bus kaya nagtungo siya sa dulo upang tignan ang kinalalagyan ng bus.
Doon ay napagtanto niyang na ang sinasakyang bus ay nakasabit sa kahoy, at isang pulgada na lang ay mahuhulog na itong tuluyan sa lupa. Nagmistulang ang punong kahoy ang nagligtas sa kaniya mula sa kapahamakang iyon.
Ngumiti siya ng mapakla. Hindi niya lubos na maisip na siya lang ang buhay sa pagkakataong yun. Bigla ay naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang mukha, mabilis niyang pinunasan ang inakalang pawis lang o luha sa mukha, ngunit nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang pula iyon.
“Hah!” gulat na sambit niya.
Nang makita ang dugo sa mga palad niya indikasyon na may sugat siya sa ulo. Nakaramdam siyang muli ng pagkahilo saka dahan dahang napasandal at napaupo.
“Okay ka lang ba pre?”
Bigla siyang napalingon sa pinagmulan ng boses at nakaramdam siya ng tuwa ng makita ito. Bakas dito ang pagkabalisa at takot pero nanatili pa ring nakatingin sa direksyon niya. Hindi niya ito kilala at batid niyad taga ibang seksyon o kurso ito. Tumango siya mula rito.
“Buti naman. Akala ko ako lang at si Jem ang nakaligtas.” Dagdag pa nito.
“S-sinong kausap mo Ruel?” anang matinis na boses ng babae na nasa likuran nito, at sa hula niya’y siya yung Jem na sinasabi niya. Nabaling ulit ang tingin niya sa lalaki, Ruel pala ang pangalan nito.
Napansin naman nito ang matagal na pagtitig niya kaya umismid ito.
“IT ang kurso naming dalawa ni Jem, nagkataong magkaharap kami ng upuan kaya natulungan namin ang isa’t isa.” Wika pa nito na may bahid ng lungkot.
“Kayo lang din ba ang nakaligtas?” tanong niya habang pinupunasan ang tumutulong dugo sa kanyang mukha. Nabubuhayan na din sya ng pag-asa sa puntong yun.
“Hindi ko alam, pero ramdam kong may nakaligtas pa bukod sa atin. Kailangan lang natin silang hanapin mula sa nagkukumpulang bangkay ng mga estudyante sa unahan.” Ani Ruel habang hindi inaaalis ang tingin sa mga bangkay sa harapan.
“Yung mga kaibigan ko! Kailangan natin silang hanapin baka buhay pa!” umiiyak na sabi ni Jem.
Naiintindihan niya ang babae dahil siya rin ay ganoon ang nararamdaman. Tumango ulit siya sa lalaki at sumunod rito habang abanteng naglalakad. Nagsimula na nga silang maghanap ng mga buhay pa mula sa mga katawan na nandoon. Inisa isa nilang hinawakan ang mga pulso at tinitignan kung humihinga pa ba ang mga ito. Makailang saglit ay biglang napasinghap si Jem.
“Guys dito may humihinga pa!” bulalas ni Jem.
Nagkatinginan na man sila at patakbong lumapit dito.
“Galos lamang at pasa ang meron siya, buti na lang nasa gitna siya ng upuan.” Komento pa ni Ruel habang sinusuri ang katawan nito.
“Miss, okay ka lang? Miss?” Tinapik tapik ni Jem ang mukha nito at yinuyugyog ang magkabilang balikat. Maya maya pa’y nagising ito at gulat na gulat.
“S-sino kayo?” maang na tanong niya habang pinaglipat lipat ang tingin sa kanilang tatlo.
“Jeric ang pangalan ko, si Jem at si Ruel.” Turo ko sa dalawa na nasa harapan ko.
Sa kabila ng pagkabigla nito tumugon pa rin ito sa kanila.
“Yna ang pangalan ko.” At tuluyan na nga itong umiyak sa kanilang harapan.
Pilit naman itong pinatatahan ni Jem at niyakap ito.
“A-akala ko katapusan ko na, kitang kita kung paano namatay ang mga kaklase at katabi ko.” Humagulgol pa ito na agad naman inalo ni Jem.
“Ang importante ay ligtas ka na.” Ani Ruel na awang awa kay Yna.
Ngumiti naman ito ng konti ngunit mababanaag parin ang bahid ng lungkot. Napasulyap ulit ito sa mga bangkay sa kanyang gilid at tumulo na naman ang luha nito.
Makapal pa rin ang hamog sa lugar na yun, pero medjo naaanigan naman nila kung may tao man o wala sa kanilang paligid.
“Tanging mga punongkahoy lang ang nasa labas.” Wika ni Ruel habang sumisilip din mula sa bintana.
Ilang sandali pa’y nagpatuloy ulit sila sa paghahanap ng mga buhay at ligtas na estudyante.
“May isa pa rito!” sigaw ni Ruel na agad naman nilang pinuntahan. Kitang kita nila ang sugatan na driver na duguan ang mukha. May mga bubog pang nakabaon dito mula sa salamin ng bus.
“T-tulungan niyo ako.” Nahihirapang sambit nito habang iniaangat ang kamay na pilit tumatayo. Agad naman silang tumalima at inalalayan siyang tumayo.
“P-pasensya na po, a-at humantong ang lahat sa ganito.” Garalgal na boses na wika ng ni driver.
Batid nilang sinisisi nito ang sarili sa trahedyang yun, ngunit alam nilang aksidente ang nangyari at siya ang nagkataong driver ng sinasakyan nilang bus.
“Ang importante ho ay ligtas kayo, wag na kayong mag-isip ng kung ano pa.” saad naman ni Yna na napapahikbi pa rin.
Pilit naman nitong tinatanggal ang mga bubog mula sa kanyang mukha at pinupunasan naman ni Jem ang.ga dugong umaagos dito.
Hindi naman napigilang maluha ni Yna ng dahil na rin sa awa sa nakitang eksena, matanda na ito. Tumalikod siya mula rito dahil naaalala niya ang magulang, pero sa paggawa niyang yun ay may pamilyar na bulto siyang nasaksihan. Nakatalikod ito mula sa kanya pero alam na alam niya kung kaninong likod iyon.
“May kasama din akong nakaligtas, yun siya, kanina pa walang imik at parang balisang balisa.” Dagdag ng driver habang itinuturo yung bulto ng tao na pamilyar sa kanya.
Dahan dahan namang lumapit si Jeric at pagharap nito’y bigla siyang napako sa kinatatayuan.

Napansin niya ang mugto at mapupula nitong mga mata sa kaiiyak, siguro’y tumahan na ito kanina pa at nawalan na ng pag-asang mabuhay.
“J-jane?” gulat na tanong niya.
Napatingin ito sa kanya at nakakunot ang noo. Wari’y parang kinikilala siya nito.
“Mr. Depp?” pag-aalangan nitong tawag sa kanya. Tumango naman siya bilang tugon dito.

Bình Luận Sách (221)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất