logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

Madilim ang lugar, hindi ko alam kung nasaan ako.
Naglalakad ako pero hindi ko alam ang patutunguhan. Hindi ko nga din alam kung nasaan ang Silangan at Kanluran, puro kadiliman lang ang nakikita ko.
Sa takot ko ay nagtatakbo ako kahit wala akong makita.
"Tulong!"
"Tulungan niyo ako!" halos mapaos ako kakasigaw.
Ngunit kahit anong sigaw ang gawin ko ay parang walang nakakarinig sa akin maski ang sarili ko.
Ang kaninang takot ko ay lalong umigting. Nanginginig na ako ngayon sa isipin na anomang oras ay baka may humatak sa akin at saktan ako.
Bakit ba ako narito sa madilim na lugar na ito? Anong ginagawa ko at paano ako napunta dito? Ang huling natatandaan ko ay...
"Ella.." agad napaangat ang mukha ko sa tinig na iyon. Nagpaikot-ikot ako ngunit puro kadiliman!
Hindi ako pwedeng magkamali!
Kilalang-kilala ko ang boses na iyon!
At sa wakas ay unti-unting nagkaroon ng liwang sa lugar na kinatatayuan ko. Pabilog ang liwanag na iyon na animo may spotlight na nakatapat sa akin.
"Kiel?!" hindi ako pwedeng magkamali, boses niya iyon. At sigurado ako na tinawag niya ang pangalan ko. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon.
"Narito ako.." tila nag-eecho ang boses niya sa pandinig ko.
"Saan? Nasaan ka?! Hindi kita makita! Hindi ko mahulaan kung saan nanggagaling ang boses mo!"
"Narito ako.. Sa likod mo." kaagad ay humarap ako sa likuran at nakita ko ang taong ilang buwan ko na din pinananabikang masilayan. Agad akong yumakap sa kanya, gumanti siya ng mas mahigpit na yakap sa akin.
"Kamusta ka na? Bakit hindi mo ako tinawagan? Kelan ka pa nakabalik dito sa Pilipinas?" sunod-sunod na tanong ko.
"I'm sorry Ella.." pagkasabi siya niyon ay naramdaman kong unti-unting naglalayo ang katawan namin kahit hindi naman kami gumagalaw pareho. Parang ang mismong kinatatapakan namin ang kusang naghihiwalay sa aming dalawa.
"K-Kiel?"
"Promise me that you'll wait and trust me whatever the circumstances may come ." nakangiting turan niya sa akin, kakaibang ngiti, ngiti na hindi masaya, hindi dulot ng saya. Ngiti na dahilan ng kalungkutan..at pangungulila.
"I promise.." sa wakas ay nakuha kong sumagot, nagsimulang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko sa hindi maipaliwanag na kalungkutan na nakikita ko sa mga mata at ngiti niya.
"I love you Ella. Until our paths cross again, my love." lumuluha siya, nasasaktan siya, hindi lang ako kundi pati siya. All this time akala ko ako lang..
"Until our paths cross again, my future Engineer." napahagulgol na lang ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko para habulin siya. Maski siya ay nakaangat ang isang kamay para abutin ako pero hindi din siya makagalaw. Pareho kaming luhaan at pilit inaabot ang isa't-isa pero tuluyan na kaming pinaglayo ng lupang tinatapakan namin.
Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Pawis na pawis ako at hinihingal.
Panaginip.
Hindi ko alam kung masama o magandang panaginip ba iyon. Isa lang ang sigurado ako, nanginginig pa din ako at lumuluha na animo ay totoong nangyari ang panaginip na iyon.
Hindi kaya isa 'yong pangitain?
Naglalambot man ang mga tuhod ay sinikap kong tumayo sa kama at bumaba sa kusina para kumuha ng maiinom. Isang malaking bote ng tubig at baso ang dala ko, inilapag ko iyon sa bed side table ng makabalik ako sa kwarto. Nagsalin ako ng tubig sa baso at lumapit sa bintana. Binukas ko iyon at sumalubong sa akin ang madilim na kalangitan na napapalamutian ng hindi mabilang na bituin. Gayon din ang pang-gabing simoy ng hangin. Tinitigan ko ang buwan.
Itinaas ko ang libre kong kamay sa ere na animo sa ganoong paraan ay mahahawakan ko ang buwan. Muling pumasok sa isip ko ang panaginip kanina. Ganitong-ganito ang posisyon ng kamay ko habang pilit kong inaabot ang kamay ni Kiel.
Napabuntong hininga ako.
'Kiel.. Kamusta ka na ba? Hindi mo man ako kausapin, alam kong naiisip mo rin ako palagi, at alam ko na may dahilan ka kung bakit hindi mo ako kino-contact. Sobrang busy mo ba? Nakakapag pahinga ka pa ba? Kumakain ka ba ng maayos? Anong nararamdaman mo? May napagsasabihan ka ba diyan ng mga saloobin mo? May nakakapag pasaya ba sa'yo? Kung oo.. Gusto ko siyang pasalamatan..'
Nagkukumahog ako sa paghahanda papasok sa School kinabukasan. Male-late na ako! Paano ay anong oras na 'ko natulog kagabi. Ngunit maya-maya lang ay..
"Meow.." natigilan ako sa pagbibihis ng marinig iyon. Napangiti ako ng makita si Clingy. Matagal-tagal ko na pala siyang hindi naaasikaso.
Pero hindi siya ang iniintindi ko ngayon, kundi.. Linggo nga pala at walang pasok!
Halos kutusan ko ang sarili kong ulo sa sobrang kalutangan ko. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakababa sa kusina para magbreakfast kung hindi ay nakakahiya.
"Meow.."
"Paano ka ba nakapunta dito Clingy, ha?" malambing na tanong ko sa kanya, umupo ako sa harap niya at kinarga siya habang hinihimas-himas sa ulo.
"Meow.."
"Come on, let's go downstairs baby Clingy." naglalambing na kinuskos niya sa tummy ko yung ulo niya.
Mabuti na lang at hindi pa ako nakakapagbihis ng school uniform pero nakasandong puti at itim na cycling shorts lang ako ng bumaba kami sa sala.
"Good mor---" nanlaki ng very slight ang mga mata ko ng makitang may ibang tao sa sala. "...ning po." pagpapatuloy ko sabay takbo pabalik sa kwarto dahil nakakailang ang mga tingin nila sa akin. Marahil dahil sa suot ko ngayon, idagdag pa na hindi pa ako nakakapagsuklay ng basang buhok ko. Nakakahiya!
Ibinaba ko muna si Clingy sa sahig at kaagad na naghanap ng pamalit na damit, dali-dali akong naghubad ng suot ngunit pag-angat ng mukha ko ay agad kong naitakip sa sarili ang sandong hinubad ko.
"W-wala akong nakita!" nauutal na aniya sabay talikod.
"ZACHAREUS SANTIAGO!"
"W-wala nga akong nakita! Bakit ba kasi hindi ka nagsasara ng pinto bago m-maghubad?"
"Haist!" padabog kong sinara ang pinto ng kwarto na hindi ko pala naisara kanina dahil sa pagmamadali.
Nagpalit ako ng damit at nagsuklay bago muling lumabas ng kwarto. Naabutan kong nakatayo at nakatalikod pa din doon si Zachareus, napansin ko na mapula ang mga tenga niya na nangyayari lang sa tuwing nagagalit siya at nahihiya.
"Na-nakabihis ka na ba?" nauutal pa din na tanong niya. Sa halip na sumagot ay pumunta ako sa harapan niya, tumingkayad at pinitik siya sa noo, agad niyang nasapo ang pwestong tinamaan.
"Nagagalit ka?" nakaarko ang gilid ng ngusong tanong ko sa kanya habang ang mga mata ay matalim na nakatingin sa kanya.
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" patay malisyang tanong niya.
"Ah." tumango-tango ako. "...edi nahihiya ka?" nagpipigil ng tawang pagpapatuloy ko sa tanong.
"What do you mean?"
"Dalawa lang ang dahilan kung bakit namumula ka Zachareus, una dahil sa galit, pangalawa dahil nahihiya ka."
"Hindi ah! Bakit naman ako mahihiya? Wala naman akong nakita!"
"You sound so defensive Zachy." inambaan ko siya ng suntok sa sikmura. "Dapat ang ganung mga bagay hindi mo binibigyan ng malisya, magkaibigan tayo di ba? Hindi tayo talo, bro!" humagalpak ako ng tawa, nakita kong natigilan siya at ilang beses na lumunok.
"Yeah, we're friends. Right." hindi nakatakas sa paningin ko ang pait sa ngiti niya habang tumatango-tango. Nangunot ang noo ko.
Problema nito?
"Parang ayaw mo pa ah?" siniko ko siya sa sikmura.
"Ang panget mo kasi. JOK---ARAYYY! MIKAELLA NAMAN! TSK!" hinila ko kasi siya sa patilya. "JOKE LANG NAMA----ARAY BITAW NA PLEASE!"
Tumawa ako ng tumawa, at mas lalo pang hinatak ang patilya niya habang naglalakad, pagdating sa tapat ng hagdan ay saka ko pa lamang siya binitawan.
"Napaka mapanakit mo!"
"Pangit kasi ako, 'di ba? Pangit ako 'di ba?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.
"Joke nga lang yun!"
"So maganda ako?"
"Hmm. Pwede na."
"Anong pwede na?" may pagbabanta sa boses ko.
"Ma-mabait ka."
"Tinatanong ko kung pangit ba ako o maganda, tapos ang isasagot mo ay mabait ako? Naglolokohan ba tayo dito? O ginagago mo lang talaga 'ko?" nagpameywang ako at tumingala sa kanya, naghihintay ng sagot.
"Oo maganda ka na!" madiin ngunit may kahinaan na sagot niya.
"Napipilitan?" ginaya ko ang paraan ng pagsasalita niya.
Huminga siya ng malalim. "Fine, you're beautiful. Satisfied?"
"Tinatanong ko lang naman kung pangit ako. Ang dami-dami mo pang sinasabi, pasikot-sikot? tss! Pwede namang oo o hindi lang ang isagot." nauna na akong maglakad sa kanya pababa sa hagdan.
"Mga babae talaga may saltik!" narinig ko pang bulong niya kaya tumigil ako sa paglalakad at tiningala ko siya para samaan ng tingin.
Inangat niya ang parehong braso na animo sumusuko sa mga pulis bago umastang sini-zipper ang bibig. Napangiti na lang ako sa kalokohan naming dalawa.
Ganyan lang naman kami, walang samaan ng loob, sanay na kami sa paraan ng pagbibiro ng isa't-isa, iyon nga lang madalas ay asar talo siya.
Pagdating sa sala ay kimi akong napangiti sa mga nandoon. Sila Papa at mama lang naman kausap nila ang mga agent ni Zachareus sa pangungunga ni Agent Alvin. Halos hindi naman nila kami napansin ni Zachareus dahil mukhang masyadong seryoso ang pinaguusapan nila.
"Anong meron?" nakabuntot pa din sakin si mokong kaya tinanong ko na.
"Wala yun." hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagkataranta sa mukha niya kasabay ng pagiiwas ng tingin, ganon pa man ay nirespeto ko na lang ang desisyon niyang hindi magsabi sa akin ng totoo dahil katwiran ko, hindi naman porke magkaibigan kaming dalawa ay kailangan na niyang ipaalam sa akin lahat lalo na iyong mga may kaugnayan sa Security Agency na hawak niya. Inisip ko na lang na baka confidential masyado ang usaping iyon, ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit mukhang involved na naman ang pamilya namin doon.
Nagulat ako ng biglang tumalon mula sa braso ko pababa sa damo ng garden si Clingy. Napangiti na lang ako ng maglambing ito sa binti ni Zachareus.
"Meow.." niluhod ng kaibigan ko ang isang tuhod niya sa bermuda grass at hinimas-himas sa ulo ang pusa.
"Woah.." tanging nasabi na lang ni Zachy ng biglang naglakad sa hita niya si Clingy papunta sa dibdib nito, animo nagpapakarga sa kaibigan ko.
"Bakit pala buntot ka ng buntot sakin? Parang may importanteng pinaguusapan doon sa loob ah?"
"Even if I want to, I can't. Hindi ako allowed na makipag-cooperate sa isang mission habang nag-aaral." sagot niya habang patuloy pa din sa paghimas sa pusa.
"Hmm. Mas mabuti din naman iyon para makapag focus ka sa pag-aaral mo."
"Only my Mom's decision. You know, I can do multi-tasking." pagkikibit balikat nito.
"So bakit ka nga nandito at buntot ng buntot sa 'kin? Wala ka bang ibang gagawin?" nakapameywang na tanong ko sa kanya.
"Wala naman, ikaw may gusto ka bang puntahan?"
"Sasamahan mo 'ko?" biglang may pumasok na idea sa isip ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
"Hmm. Pwede." kibit balikat niya.
"Samahan mo 'ko!" excited na sabi ko.
"Saan nga?"
Tumingkayad ako at bumulong sa kanya. "Sa America!"
"Ano?! Are you kidding? Ni wala ka ngang passport tapos ang lakas ng loob mong magsabi na samahan kita sa America?" animo natatawang sabi ni Zachareus.
Napakamot ako sa batok, oo nga no? Sumimangot ako at ngumuso. Nawalan bigla ng pag-asa.
"I can help you." nagliwanag ang mukha ko sa narinig.
"Talaga?!" kumapit ako sa braso niya at tumingala sa kanya.
"Mm. But it will take some time to finish." nag-alala ko bigla, baka makaabala sa pag-aaral niya.
"Baka pala makaabala sa pag-aaral mo, wag na lang." atubiling sabi ko.
"No, it's okay. My agents can handle that matter." napaawang ang bibig ko sa sinabi niya sabay tumango-tango.
"Okay, pero hindi ba nakakahiya sa kanila?"
"Uunahin mo pa ba naman ang hiya mo? Eh, mamatay-matay ka na sa lumbay sa sobrang pag-iisip sa gangster boyfriend mo." agad akong napatingin sa kanya at hindi ko man gustuhin ay hindi nakatakas sa mapanuri kong mata ang dumaang pait sa reaksiyon niya.
Pinakatitigan ko siya, hindi ko maunawaan o mahulaan kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya sa tuwing mapag-uusapan si Kiel, kahit banggitin nga lang niya ang pangalan na iyon ay parang sinisilihan na siya, eh. Ayaw ba niya si Kiel para sa akin? Is he being possessive guy best friend to me now?
"How's Kiel to you Zachy?" matapos tumikhim ay tanong ko sa kanya, hindi inaalis ang paningin upang makita ng maayos ang magiging reaction at sasabihin niya. At tulad nga ng inaasahan, agad siyang ngumiwi pagkarinig pa lang ng pangalan ng lalaki.
"Honest answer please." dugtong ko, nakangiwi pa din na tumango-tango siya.
"Do you really want an honest answer?"
"Of course." dagliang sagot ko.
"Well, uhm." tumikhim muna siya at lumunok bago nagpatuloy sa pagsasalita, nakita ko pa ang pagbaba at pagtaas ng adams apple niya. "I don't like him that much.. I mean for you."
"But why is that?" tanong ko.
"I just don't."
"But he's nice---"
"To you. He's nice to you, of course. But as long as he is, there's no reason for me to stop the both of you in having that kind of relationship."
"Wait, what? Stop the both of us in having relationship?"
"As your FRIEND. Maybe i have a right?"
"Of course you don't have."
"Yes, I have."
"You're kidding."
"Of course not."
"Then you're insane!" napalakas na ang boses ko dahil sa biglaang inis sa kausap.
"Yes I'm insane, call me names but I will protect you no matter what. I will not allow anyone to hurt you, okay?" lumambot ang puso ko sa sinabi niya at nasisiguro ko na ganun din ang reaksiyon ng mukha ko.
"You're so.." hindi ko maituloy ang sasabihin, o mas tamang sabihin na wala akong masabi.
Iyan si Zachareus, thoughtful at ngayon napatunayan ko kung gaano ako kahalaga sa kanya bilang kaibigan.
"Anong nagustuhan mo sa kanya?" naglalakad kami papunta sa bahay nila ng bigla siyang magtanong, nasa mga bisig pa rin niya si Clingy.
Napaisip ako sa tanong niya ngunit hindi makahagilap ng isasagot.
"I..don't know really. Maybe he's nice and good looking?"
"Looks can be deceiving Miks."
"I know, but he caught my interest. So maybe he's interesting then." tumingin ako sa kanya, nagtama ang paningin naming dalawa.
"You really like him that much?"
"I don't just like him." tumingin ako sa mga mata niya, hindi manlang makaramdam ng hiya o pagkailang sa kanya dahil bilang kaibigan niya ay napakalaki ng tiwala ko sa kanya. "I LOVE him. You know? when you leave the country years ago after the bad incident? We met back then, me and Kiel, I mean he approached me first and saying that I never laid an eyes to him before that day, and I don't even show interest in him because all that I care and think is you and Zander. And I've realized that maybe he said those things because he like me." napangiti ako sa naisip. Ngunit agad ding naglaho ang ngiting iyon ng pitikin ako sa noo ni Zachareus.
"Ang harot mo." aniya na may matalim na tingin sa akin, nanglaki naman ang mata ko sa term niya.
"Ano kamo? Maharot? Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan, ha Zachareus?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Uso sa University." medyo natatawa na ding sagot niya.
Nakarating kami sa tapat ng bahay nila, agad naman kaming pinagbuksan ng gate ng kasambahay ng marinig ang tunog ng doorbell.
"Ano ba kasing ipapakita mo sakin?" tanong ko sa kanya.
"Basta!" parang nae-excite na sagot niya, hinila pa ko papunta sa loob ng bahay nila hanggang sa ikalawang baitang. Hindi na ko nagprotesta pa at hinayaan na lang siya.
Nakarating kami sa kwarto niya at doon pa lang niya binitawan ang kamay ko ng tuluyan kaming makapasok sa loob.
"Anong meron?" takang tanong ko sa kanya. Binigyan niya ko ng wide evil grin habang dahan-dahang lumalapit sa akin.
"H-hoy Zachareus, wag mo kong madaan-daan sa ganyan mo ha." ngumisi lang siya at nilapit ang katawan sa akin, nakayuko habang kakaiba ang binibigay na tingin.
"Alam mo ba na bukod sa mga kasambahay at tayong dalawa lang ang narito ngayon?"
"So?" kinakabahan man sa inaasta niya ay pinili kong huwag ipahalata, alam ko kasi na pinagtitripan niya na naman ako.
"I can do whatever I want." nakakaloko pa din ang ngisi niya. Ngumisi din ako kasabay ng pagpasok ng magandang ideya sa isip ko.
Don't try me Zachareus!
Hinatak ko siya sa kuwelyo ng suot na t-shirt at inilapit sa mukha ko.
Smell my breath! Amoy strawberry yan! Tignan ko lang kung hindi magback fire sa'yo ang kaabnuyan mo!
Tinignan ko ang labi niya at napangisi na lang ako dahil sunod-sunod ang naging paglunok niya.
"W-what are you d-doing?" as expected, he is already stammering.
Ngunit ang kalokohang nasa isip ko ay biglang naglaho ng maramdaman ang mabalahibong bagay sa binti ko, sa gilid ng mata ko ay nakikita ko si Clingy na nasa kama ni Zachareus kaya malabong siya yun. Dahan-dahan kong inalis kay Zachareus ang paningin ko at tinignan kung ano ba ang bagay na iyon na kumukuskos sa binti ko.
"WAAAAAAAAAAAAH!" ganoon na lamang ang takot ko ng mapagtanto kung ano iyon.
Napuno ng sigaw ko at halakhak ni Zachareus ang buong kabahayan, oo buong bahay!

Bình Luận Sách (103)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    I like the ending, I already love it,.. Masyado akong nagpadala sa mga Imosyon ng dalawa kaya pati ako ay maiyak iyak na rin sa kakabasa. Hoping another story from you, thanks author and good job.

    09/06/2022

      0
  • avatar
    John Mark Torrejas

    because this please fruit and VIP group text is the best time to go raid light 🚨 to go raid and john mark torrejas a diay duwa ta rank dol you for the update and john mark ❣️ me know what if I Love 😘 ok I'll see you so you so much te ❤️ By me know what you want for dinner etc etc ok I'll be home 🏠 me know when you are free I can do it tomorrow and john mark ❣️ me fruit and veggies and john harvey me to do that too 🌺 you for all the help you eat well ❤️‍🩹 you for your time kw if I have to go

    04/07

      0
  • avatar

    😍🥰

    05/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất