logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 1

To my polar bear, love, baby, babe..
  
      I know for sure that we're not together anymore when you read this. Not because we broke up, not because we doesn't love each other. But because I left.
I left for Kyla's heart transplant, I left you again, but for same reason. Maybe you already knew that. Sorry if I couldn't told you that I'll leave this very soon. Hindi ko kaya, baka hindi ako makaalis kapag nakita kita sa mismong araw ng flight namin.
God knows how hard it is for me to left without you. You know that you're my daily vitamins, right? And your voice's my strength, your smiles are my inspiration and now I don't know how to leave every single day without seeing your beautiful face. Without hugging your body and without holding your hands tight.
As I left, I also left my heart in you. Take care of it and I promise that I will remember your love for me forever. Your heart is only mine and so as mine is only for you.
PB. Please go on with your life without me. Reach your dreams and goals in life. Though I will not be by your side in some of your achievements, remember that my heart is in you.
I don't know when will I come back. But one thing's for sure. I love you so much and I will surely come back to you. I love you, everyday I miss you.
Until our paths cross again, my Love.
Your future Engineer,
K. D. F.
Tinupi ko ang puting papel at ibinalik sa brown na kahon kung saan nakalagay lahat ng picture na iniwan sa akin ni Kiel. Pinahid ko ang mga luhang walang tigil sa pag-agos.
Akala ko hindi ganito kasakit pero bakit pakiramdam ko ay mamamatay na ako? Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang pisikal na pagkirot ng puso ko, para iyong nilalamukos, mabigat at parang namamanhid ng paulit-ulit.
Ang sabi naman niya ay babalik siya di ba? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Dahil ba hindi niya din alam kung kelan siya babalik?
It's been a month since they left, he left me hanging. Pero hindi manlang siya tumatawag. Walang paramdam. In-add at follow ko na din siya sa mga social media accounts niya pero parang hindi niya binubukas ang mga iyon kaya hindi niya iyon nakikita.
Itinabi ko ang kahon sa drawer ng study table at kinuha ang pink na notebook diary na may disenyong polar bear. Kasama iyon sa mga iniwan niya sa akin na nakalagay sa kahon, isulat ko daw doon lahat ng gusto kong isulat kapag wala na siya. Alam ko na paborito niya ang pink para sa akin, tanda ko pa na gustong-gusto niya kapag naka-pink dress ako. Polar bear naman dahil iyon ang palaging suot ko na pyjamas sa tuwing makikita niya ako.
Dear Diary,
        Today is April 23, 20**.  Kahapon ay isang buwan na mula ng umalis si Kiel ng bansa papuntang America. It's been a month pero wala pa ding paramdam, ni-ha, ni-ho ay wala. Kahit nga text message lang na walang laman magiging masaya na siguro ako basta galing sa kanya.
Araw-araw akong nakaabang sa telepono, lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tutunog iyon. At parang winawasak naman sa tuwing hindi siya ang dahilan ng pagtunog niyon.
Ganoon din sa cellular phone ko, panay ang tingin ko at hindi iyon mabitawan hanggang sa pagtulog. Naghihintay sa tawag niya o text, panay ang tingin doon kahit nakatodo ang message at call alert tone.
Kung tutuusin ay isang buwan pa lang naman di ba? Pero inip na inip na ko. Gusto ko na siyang makita, makasama, mayakap, mahalikan.
Araw-araw kong inaalala lahat ng mga pinagdaanan namin, masaya man, malungkot o kahit masakit.
"Babalik ako, para sa'yo. Pangako.." tanda ko pa yan, tandang-tanda ko pa na sinabi niya yan noong huling araw na magkasama kami. At iyan mismo ang panghahawakan ko. Kahit gaano kasakit at kahirap. Maghihintay ako.
His first and last letter; Until our paths cross again, my love.
A reply to his letter : Until our paths cross again, my Engineer.
Medyo magaan na ang aking pakiramdam matapos isara ang Diary.  Hindi ako araw-araw nagsusulat doon. Tuwing sisipagin lang o di kaya sa tuwing nag be-break down ako sa sobrang pagka-miss ko sa kanya.
Buong isang buwan ng bakasyon ay hindi ako lumalabas ng bahay pagkatapos noong huling punta ko sa bahay nila.
Palagi lang akong nasa kwarto, pinalagay ko dito ang keyboard piano at gitara. Iyon ang nagsisilbing libangan ko. Lalabas lang ako para kumain o kapag ipinatawag ako nila lola sa baba para makipag kwentuhan. Sa tuwing inaaya nila akong lumabas, magmall, mag shopping ay tumatanggi ako. Baka kasi malungkot lang ako dahil pakiramdam ko lahat ng lugar na puntahan namin ay may ala-ala kami ni Kiel.
Ngunit bukas, araw ng lunes ay kailangan ko na talagang lumabas. May usapan kasi kami ng buong Class A na sabay-sabay magpapa-enroll para walang mahihiwalay ng class.
Graduating na kami ng highschool. Sa susunod ay kolehiyo na kami, hindi ko pa alam kung anong course ang kukunin ko. Mahaba pa naman ang oras para pag-isipan iyon. Paano kasi ay madami akong gustong kuhanin na course. Gusto kong mag BS in Education dahil iyon ang una kong pangarap, gusto ko ding mag Business Management dahil kailangan iyon para makatulong sa mga negosyo namin, gusto kong mag culinary dahil mahilig akong magluto at mag-imbento ng mga recipe. At sa huli ay gusto kong may kinalaman sa medicine dahil.. Sabi niya bagay daw sa akin.
Bahala na, mahaba-haba pa naman ang oras. Bakasyon pa nga lang, eh.
(A/N: lumang curriculum po ang sinusunod ko kaya walang K-12 o senior high.)
Hanggang sa paghiga ko ay dala ko ang bigat sa puso ko. Pumikit ako hanggang sa hindi ko namalayan ay nakaidlip na pala ako, nagising lang ako sa mahihinang tunog. Pinakiramdaman ko ang paligid, naulit na naman ang tunog kaya nagpasya akong bumangon na at hinanap kung saan nanggagaling iyon.
Sa bintana pala. Naiwan kong nakabukas.
Magaang ang paang naglakad ako papunta sa harap ng bintana at sumilip doon. Ramdam ko na naman ang kakaibang takot na mula pagkabata ay dala ko na.
Ganoon na lang ang kilabot ko ng makita sa tapat ng bahay namin ang isang itim na bulto. Kahit malayo ay nasisiguro kong lalaki ang nagmamay-ari ng bultong iyon. May kadiliman sa labas sapagka't pundi ang bumbilya sa poste kung kaya liwanag na nagmumula lang sa buwan ang nagsisilbing tanglaw.
Pinakatitigan ko ang bulto na iyon at lumakas ang tibok ng puso ko ng bigla ay tumingala ang taong iyon sa bintana, kung saan mismo ako nakatayo.
Kiel?
Si Kiel nga ba?
Imposible!
Ilang segundo siyang nanatiling nakatingin sa akin at ganoon din ako sa kanya. Naka jacket siyang itim na may hood, naka cap pa na itim din kaya hindi ko masyadong maaninag ang itsura niya.
Gusto kong sumigaw ng unti-unti ay magbaba siya ng mukha at tumalikod. Ilang segundo din siyang nanatiling ganoon bago naglakad paalis.
Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto, patakbo ngunit magaan ang paang bumaba ako sa hagdan hanggang sa makarating sa gate. Tinanong ako ng guard namin pero hindi ko nakuhang sumagot, parang naumid ang dila ko. Basta ko na lamang dinampot ang susi sa lamesa ng guwardiya at mabilis na in-unlock ang padlock sa gate.
Patakbong lumabas ako ng bahay ngunit hindi ko na naabutan pa ang bulto ng lalaki.
Wala na siya.
Sino ba siya?
Bakit siya nakatingin sa akin?
Umaano siya sa tapat ng bahay namin sa ganitong oras?
"May problema ba Ma'am?" tanong ng guwardiya.
"W-wala po." bagsak ang mga balikat na nagpasya akong pumasok na lang ulit ng bahay. Nakita kong nagtataka ang guwardiya at gusto pang magtanong.
"May..nakita po ba kayong nakatayong tao dito kanina, Manong?" hindi nakatiis na tanong ko sa guwardiya.
"Wala po Ma'am. Hindi naman ako umaalis sa pwesto ko mula pa kaninang nagduty ako, wala naman akong napansin na tao diyan sa labas."
"Sigurado po ba kayo?" tanong ko, naninigurado.
"Sigurado ako Ma'am. May nakita ka ba Ma'am?"
"Baka namalikmata lang po ako Manong. Sige babalik na po ako sa loob."
Nakita kong nagtanong ang iba pang guard, marahil ay nagtataka din sila sa ikinilos ko. Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa kwarto.
Kung anu-ano na yata ang nakikita ko dahil sa sobrang pag-iisip.
Hindi ko na alam kung anong oras ako   muling nakatulog pero tirik na ang araw ng magising ako kinabukasan. Tinignan ko ang oras sa wall clock at bigla akong napabangon ng makitang pasado alas siete na ng umaga. Alas otso ang usapan namin ng buong Class A.
Nagmamadaling naligo ako at nagbihis pagkatapos ay bumaba sa kusina para magtingin ng pwedeng kainin.
"Oh may lakad ka ba ngayon hija?" tanong ni Manang Rosa sa akin.
"May usapan po kami ng classmates ko na mag-eenroll ngayon. Manang pahingi na lang po nito, kailangan ko na pong umalis eh." sabi ko kay manang sabay dampot ng sliced bread at pinalamanan ng tatlong hotdog. Kumuha din ako ng bottled water sa ref at nagmamadaling lumabas na ng bahay. Narinig ko pa ang pag tawag ni Manang at sinabing magpaalam muna ako kila Mama.
"Kayo na po ang bahalang magsabi Manang!" balik-sigaw ko sa ginang.
"Kuya pwede pong pahatid sa School?" ayoko sanang abalahin ang driver, mas gusto kong magtaxi, dati..pero simula noong nangyari sa amin sa kamay ni Misael ay natakot na ako, parang nagka phobia na akong umalis ng walang kasama.
Pero dahil sa pinagdadaanan ko ngayon ay mas gusto ko na lang mag-isa ulit. Iyon nga lang ay talagang malelate na ako sa usapan namin, ayoko pa naman sumingit sa pila at nakakahiya.
Pinagbukas ako ng pinto ng driver at agad naman akong sumakay sa kotse. Habang nasa daan ay kinain ko ang dalang pagkain, nang maubos iyon ay uminom naman ako ng tubig. Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa school.
"Salamat Manong! Mauna na po ako!" nagmamadaling sabi ko sa driver at lakad-takbong nilandas ang daan papunta sa Admin Building, sa malapit doon na bench ay natanaw ko agad ang mga kaklase ko na abala sa pagkukwentuhan habang ang iba ay nagtatawanan, may naghahampasan, may nag-aasaran, nagbabatukan at nagkukurutan. Nakita ko din na hatak ni Leah sa patilya si Rafael. Napangiti ako, namiss ko 'to.
"Frieeeeeend!" patiling ani Cassey habang tumatakbo pasalubong sa akin.
Nagyakap kaming dalawa at sabay na pumunta sa pwesto ng mga kaklase ko.
"May hinihintay pa ba?" tanong ko kay Cassey.
"Yung ibang boys wala pa." sagot ni Cassey sakin.
"Grabe Mikaella, isang buwan ka yatang hindi nasinagan ng araw." ani Leah sa akin.
"Yeah, you look pale. I mean ang putla ng skin mo." ani naman ni Katrina.
"Isang buwan kasi akong nasa loob lang ng bahay."
"Grabe hindi mo yata ini-enjoy ang summer vacation." si Leah ulit.
"Hindi nga." natatawang tugon ko. Kung alam niyo lang, puro pag-eemo ang ginawa ko buong isang buwan.
"Puro seen lang din sa gc yan, eh!" grabe mukhang hot seat na naman ako.
"Yeah, pati sa private message hindi nagrerespond, hindi manlang nga binabasa, eh."
"Hindi naman kasi ako mahilig sa social media!" depensa ko.
"Pero araw-araw naka online?" patanong na ani Rafael.
Nag-oonline lang naman kasi ako dahil tinitignan ko yung accounts ni Kiel..
"Usap tayo mamaya." bulong sakin ni Cassey, kakaiba ang tingin niya sa akin.
Nang makumpleto na ang buong Class A ay pumila na kaming lahat sa window 8 ng registrar, mas konti kasi ang nakapila doon.
Nanumpa kami na walang maghihiwalay hanggang makagraduate. Posibleng may madagdag sa Class namin pero walang maaalis o malilipat sa ibang Class. Hindi kami makakapayag. Tanda ko nung second year, may ilan sa mga kaklase namin ang nalipat sa ibang Class dahil nalate ng enroll, galing pa kasi silang abroad at doon nagbakasyon, pero sa Class namin pa rin sila pumasok kaya walang nagawa yung mga teacher kundi tanggapin sila. Oo, sila talaga ang nag-adjust.
Hanggang sa pila ay kanya-kanyang kulitan ang mga kaklase ko. Ang iingay!
"Kamusta ka naman?" alam kong may laman ang tanong ni Cassey. Hindi na ako magugulat kung may nalalaman siya sa nangyari sa akin sa loob ng isang buwan. Pero kung paano niya nalaman ay hindi ko alam.
"Okay naman."
"You don't look okay."
I heaved an enormous sigh. "Alam mo naman pala, eh. Nagtatanong ka pa."
"Ang sungit mo! Malditang to." sinundot niya ako sa tagiliran. Nakanguso at matalim ang tingin sa akin.
"May alam ka no?" panghuhuli ko sa kanya.
"Just a little. I saw Kiel." agad akong napatingin sa kanya.
"You saw him? Saan?"
"Sa America. Doon ko din nalaman sa kasama nilang kasambahay kung bakit nandoon sila, for Kiel's younger sister's heart transplant?"
"Oo nga."
"Kamusta ka ngayon? Nag-search ako tungkol sa heart transplant, pagkatapos pala ng operation niyon ay years pa ang medication at monitoring, at posibleng maging life time kasama na ang monitoring dun syempre. Kapag naman maganda ang response ng katawan sa bagong puso nito ay mas madali na lang, pagkatapos lang ng transplant ay mas madaling makaka-recover ang taong sumailalim sa transplant na iyon."
"At?" hindi ko kasi magets kung anong gusto niyang sabihin.
"Ibig sabihin pwedeng matagalan sila sa America." parang bomba iyon na sumabog sa pandinig ko. Para akong nabingi at tanging mga huling salita lang na iyon ng kaibigan ko ang nagpapaulit-ulit sa tenga ko.
"Hoy okay ka lang?" tanong ni Cass na may kasama pang pagyugyog sa braso ko.
"Ha?"
"Ang sabi ko ay okay ka lang ba? Natulala ka na diyan."
"Okay lang ako." binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Inakbayan niya ako at hinapit ang katawan ko palapit sa kanya.
"Nahihirapan ka no?" tanong niya.
"Nakakalungkot. Kung kailan mahal na mahal ko na, doon pa nangyari 'to." pinigilan ko ang luha ko.
"Nandito naman kaming mga kaibigan mo. Kapag kailangan mo ng magpapasaya sa'yo sabihin mo lang. Kung kailangan mong maglibang tawagin mo ako. Nandito kami, promise hindi mo mamamalayan yung mga araw, magugulat ka na lang nasa harapan mo na pala ulit si Fuentabella, handa ka na ulit yakapin at halikan." pang-aalo sa akin ng kaibigan ko, pero kahit anong sarap sa pandinig niyon ay hindi nagawang pagaanin ang bigat na dinadala ko sa dibdib.
Sana nga.. Sana mabawasan yung sakit, sana epektibo kayong mga kaibigan ko bilang daybersiyon ng sakit at pangungulila na pinagdadaanan ko ngayon at pagdadaanan pa lang.

Bình Luận Sách (103)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    I like the ending, I already love it,.. Masyado akong nagpadala sa mga Imosyon ng dalawa kaya pati ako ay maiyak iyak na rin sa kakabasa. Hoping another story from you, thanks author and good job.

    09/06/2022

      0
  • avatar
    John Mark Torrejas

    because this please fruit and VIP group text is the best time to go raid light 🚨 to go raid and john mark torrejas a diay duwa ta rank dol you for the update and john mark ❣️ me know what if I Love 😘 ok I'll see you so you so much te ❤️ By me know what you want for dinner etc etc ok I'll be home 🏠 me know when you are free I can do it tomorrow and john mark ❣️ me fruit and veggies and john harvey me to do that too 🌺 you for all the help you eat well ❤️‍🩹 you for your time kw if I have to go

    04/07

      0
  • avatar

    😍🥰

    05/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất