logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 13

Zedic's POV
Aangkas na sana ako sa motor ko ng biglang lumiwanag ang phone na kasalukuyang nasa bulsa ng pantalon ko.
Tiningnan ko muna iyon bago ko sinuot ang helmet.
Isang unknown number ang nag text kaya agad kong binuksan para alamin kung kanino galing.
'Good morning prof, alam ko umaga mo na ito mababasa dahil baka natutulog ka na sa mga oras na ito si Mischell po ito nakuha ko lang po number mo kay Dok Sanchez ang doctor ni mama nabanggit kasi nito sa'kin na kilala ka niya, gusto ko lang magsorry sa'yo tungkol kanina haha 'di na kita nausap nakaalis na rin kasi kayo.'
Iyon ang laman ng mahabang mensahe ni Miss Flor sa akin, hindi ko akalaing sa ganitong oras ay gising pa ito. 12:42 na ang oras na nakikita ko ngayon sa screen ng cellphone ko.
Dinial ko ang numero nito na agad namang nag ring at sinagot.
"Hello?" sagot nito sa kabilang linya.
"Miss Flor," saad ko.
"Prof sorry naistorbo ko 'ata tulog mo sana pala 'di na ako nag text, sorry po sige matulog na kayo ulit."
"Hindi pa ako natutulog, hindi ko tinatanggap ang paghingi mo tawad tungkol kanina gusto ko ng paliwanag mo p'wede mo bang sabihin sa'kin ang tungkol sa mama mo?" tinanong ko ito na sunod namang binalot ng katahimikan ang kabilang linya, siguro ay hindi ito handang magsabi sa akin.
"Sigurado ka prof, iku-kwento ko sayo?" paniniguradong tanong nito.
"Yes, I want to talk to you personally where are you now?"
"Prof 'wag na po, dis-oras na ng gabi magpahinga na kayo."
"I'm not home yet, tell me are you still in the hospital I'll go there?"
"Pero—" pinutol ko ang sasabihin nito.
"Answer me if yes or no."
"Y-yes nasa ospital pa po." Binabaan ko na ito ng phone matapos marinig ang sagot nito agad na akong nagsuot ng helmet at saka agad na umalis.
Ilang minuto ang ginugol ko sa daan habang minamaneho ang motor patungo sa ospital para kausapin si Miss Flor, gusto kong malaman ang kwento nito dahil sa letseng kutob na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko.
Nakarating ako sa ospital at agad na pumasok, ilang mga pang night shift na nurse at doctor ang tanging makikita sa lugar at nag-iikot. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon at agad na tinungo ang ikalawang palapag na alam ko kung asan ang silid ng ina ni Miss Flor.
Kumatok ako ng agad ko iyong marating. Agad naman na akong pinagbuksan ng pinto ni Miss Flor, hindi na ito nag react marahil inaasahan na nito ang pagdating ko.
"Sa labas na lang po tayo mag-usap tulog na si Mama e." Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya habang nabaling naman ang tingin ko sa mga mata nitong matamlay at halatang-halata ang subrang pagod.
Tila ba may kung anong humaplos sa puso ko na nakaramdam ng awa habang nakatitig sa mga mata nito, tila ba gusto kong pawiin ang pagod na nararamdaman n'yang iyon ngunit hindi ko alam kong paano ko gagawin.
"Ayos ka lang prof?" bumalik ang diwa ko sa tanong n'yang iyon at agad na umiwas ng tingin dahil mukhang napansin nito ang pagtitig ko sa mga mata niya.
"Ikaw ayos ka lang ba?" Ibinalik ko ang tanong sa kanya na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko na tila ba ngayon lang lumambot ang puso ko sa kaniya sa unang pagkakataon.
"Ayos na ako nakita na kita e." Nagbiro ito ngunit hindi ko iyon kinatuwa.
Naglakad na ito patungo sa mahabang upuan sa labas ng silid na iyon, kaya sumunod na ako rito at sabay na naupo, halos 2 inches lang ang pagitan ng mga balikat namin sa subrang lapit.
Tahimik ang bahagi ng lugar na iyon dahil medyo nasa sulok na ng ospital, ilang nurse ang nakikita naming naglalakad ngunit hindi nalang namin pinansin.
"Hindi ka pa ba nakauwi simula kanina?" tanong ko na rito ng mapansin na ang suot nitong damit ay ang suot nito kanina pang umaga nang makita ko ito.
"Hindi pa po, walang maiiwan dito para magbantay pumunta naman dito 'yung katulong namin pero umalis din agad nagdala lang ng pagkain at gamit ni mama," sagot nito.
"Kayo bakit sabi mo hindi ka pa nakakauwi halos mag-uumaga na?'
"May pinuntahan lang," tipid kong sagot.
"Ah okay po, anong gusto mong malaman sa akin prof, sasagutin ko ang tanong mo basta ipangako mo sa akin na walang ibang makakaalam kung hindi ikaw lang," saad nito na ipinagtaka ko marahil ay wala ngang nakakaalam ng totoong kalagayan niya kahit pa siguro mga kaibigan nito.
"Why do you want to keep this as secret?"
"Wala lang ayaw ko lang, siguro privacy na rin," walang kagana-gana nitong tugon.
"Sabihin mo kahit siguro mga kaibigan mo 'di alam na may nanay kang may sakit tama ba ako?"
"RT prof?" hindi ko naunawaan ang sinabi nito kaya liningon ko siya ng may pagtataka.
"Anong RT?" tanong ko rito.
"Real Talk hahaha." Natawa ito sa akin na dahil hindi nman alam ang ibig sabihin noon real talk lang pala.
"Absolutely right, RT yan prof real talk walang kasinungalingan pero itatama ko lang po wala akong mga kaibigan," pagtatama nito.
"You are really unbelievable Miss Flor, wala kang kaibigan sa lagay na 'yan e halos lahat nga yata ng mga kaklase mo gusto kang maging kaibigan dahil sa kalokahan mo."
"They like me because I'm funny, pero pag nalaman nila ang totoong sitwasyon ko they push me away like dirt, that my right place is in the trash," natatawang sabi nito ngunit kapansin-pansin na hindi tuwa ang nararamdaman niya sa mga sinabi niyang iyon kundi pagtago sa totoong sakit na nararamdaman niya.
"Paano mo naman nasasabi 'yan." Nilingon ko ito habang diretso lang ang tingin nito sa kung saan. "Sinubukan mo bang sabihin sa kanila, baka hindi naman lahat kagaya ng iniisip mo?"
"I have a lot of friends back then, a happy life that every child's wanted. Nakakatawa hindi ba tsk." Napangisi pa ito. "Pero lahat ng iyon wala na ngayon, naaksidente si mama at hindi na nakalakad ang dating buhay ko na masaya ay para pang isang kandela na may sindi at biglang inihipan at nawalan ng apoy at liwanag. Ang dating mga kaibigan ko nawala na kasi lahat ng oras na gustuhin kong sumama sa kanila hindi ko magawa kasi imbis na unahin ang pagsasaya kailangan kong piliin na manatili sa bahay at alagaan si mama, nalaman nila ang sitwasyon ko ngunit mas naging dahilan lang iyon upang layuan nila kasi alam nila wala na akong perang maiaambag sa kanila kung sakaling may galaan na magaganap." Sinalaysay nito ang kuwento ng buhay niya, ibang-iba ang Mischell na nakikita ko ngayon kumpara sa Mischell na nakikita ng lahat sa klase ko.
Tila ito ang Mischell Flor na hindi nagkukubli sa kaniyang maskara at doon makikita ang totoong pagkatao niya, naiintindihan kona na lahat nang pagngiti nito sa harap ng lahat ang paraan niya upang ipakita na siya ay isang babaeng matapang.
"I distance myself to anyone as far as I know, hindi ko sila pipilitin na tanggapin ako kahit kaibiganin naman nila akong lahat hindi ko naman sila kailangan kung sa huli iiwan din naman nila ako," dagdag pa nito.
"Nathaniel is your friend right?'
"Yes but even Nath didn't know everything about my situation, nakilala ko lang ang baklang iyon kasi tamad din at lagi kong nakakasabay magpalista sa guidance kasi palagi kaming late noon dati." Natawa ito ng bahagya.
"At ngayon ikaw na lang lagi ang late?"
"Sorry prof, ang totoo kasi n'yan ito ang dahilan e wala akong magawa para takasan ang kalagayan ko prof halos hindi na nga ako natutulog sa gabi kasi alam kung may kailangan akong bantayan, sinusubukan ko hanggang sa kaya ko pero ang hirap. Nag enroll ako sa university bilang scholar kaya sinubukan kong pumasok sa tamang oras kahit wala akong tulog ay ginagawa ko. Akala ko madali na lang pagsabayin iyon ngunit hindi pala kasi mas mahirap na kasi college na ako at maaga rin ang pasok." Malungkot na ang mga tinig nito habang nakayuko na ito at nakatitig na lang sa sapatos niya na nakalapat sa sahig.
Naunawaan ko na ngayon ang kalagayan niya isang linggo pa lang halos ang nakalipas sa pasukan, kaya akala ko ay talaga pasaway na bata itong si Miss Flor at sinasadya ang pagiging late sa klase namin ngunit hindi pala.
"Akala ko 'yung mga sumundo sa'yo dati sa school sila ang mga magulang mo, bakit ikaw lang ang nagbabantay mag-isa sa mama mo wala ka bang mga kapatid, asan ang tatay mo?"
"Nasusunog sa impyerno." mabilis nitong sinagot ang tanong ko na hindi ko maunawaan kung ano ang ibig niyang sabihin marahil ay tungkol iyon sa tatay niya.
"Anong ibig mo sabihing nasusunog, patay na ba siya?" muli kong tanong.
"Hindi pa patay pero mamatay din naman iyon." kasunod ng mga sinabi nito ay malalim s'yang napabuntong hininga, napansin kong mukhang may malalim na galit ito sa kanyang ama.
"Where is he?" muling tanong ko.
"Bakit prof hahanapin mo ba? Hahaha hindi ko alam e ang sabi lang sa akin ni tito nasa ibang bansa ito pero wala na akong pakialam sa kaniya kinalimutan na rin naman niya ako kaya para saan pa at iisipin ko ang walang'yang iyon."
Do'n ko nakumpirma na tama nga ako may galit itong tinatago sa tatay niya.
"Lumaki ako sa broken family dahil nambabae si Papa dahilan para maghiwalay sila ni Mama, doon na nawala ang lahat ng saya sa akin sampung taon lang ako noon, 15 naman ako ng naaksidente si Mama." Pagkukwento na naman nito.
Doon ko nalaman lahat, matapos nitong mag-kwento na tila nagbigay daan sa'kin dahilan para gusto pang mas kilalanin si Miss Flor. Nalaman ko ang dahilan na nakatira lang sila sa bahay ng tito niya at tinulungan sila nito na laking ipinagpapasalamat ni Miss Flor sa kabaitan ng kapatid ng Mama niya, sinikap niyang magpatuloy sa pag-aaral na hindi na hihingi pa ng tulong sa tito niya kaya naghanap siya ng paaralan na makakapag-aral siya ng libre kasi may scholarship.
Kailanman ay hindi pa ako naging intirisado sa buhay ng ibang tao lalo na sa mga istudyante ko, dalawang taon na akong nagtuturo at halos daan-daan na ang bilang ng mga istudyanteng naturuan ko ngunit kahit isa man sa mga iyon hindi ko nalaman ang mga kuwento ng buhay at tanging mga pangalan lang ng mga ito ang alam ko. Pero ngayong nalaman ko ang kwento ni Miss Flor nakaramdam ako ng awa na sa unang pagkakataon nakinig ako sa isang totoong kuwento mula sa isang tao.
I just doing my job to teach all of my students and I don't even care what the story behind of there hardword why they study just to achieve there dreams.
Kailangan pala nating pakinggan muna ang isang kwento para maunawaan ang totoo, 'yun ang ang nais ko na sana pakinggan din ako ng mga magulang ko para malaman nila ang totoong nasa loob ko pero aasa na lang ako sa bagay na malabong mangyari.
"Matanong nga kita prof ano pala ang ginagawa mo rito kanina?" mayamaya'y tanong nito upang basagin ang katahimang namamayani sa amin.
Iniangat ko ang kaliwang kamay ko na may binda at ipinakita sa kaniya. "Nagpagamot ng sugat," sagot ko.
"Napano 'yan nakita ko na 'yan nu'ng isang araw hindi pa magaling?" Umiling lang ako bilang sagot.
"Baka kaya ayaw gumaling kasi pinapagamot mo nga tapos alak naman iniinom mo." Ikinagulat ko ang sinabi nito.
"Amoy alak ba ako?" agad kong tanong, baka naaamoy ako nito kanina pa.
"Medyo naamoy ko nga haha." Pagtawa pa nito, bumalik na ang pagiging masigla ng tinig niya matapos ang mahabang pagkukwento nito sa akin.
"Tama ka nga, kaya 'di gumagaling 'to kasi imbis na gamot alak iniinom ko."
"Umamin hahaha, 'di ko naman sinabing umamin ka prof."
"Totoo naman, siguro kaya baka 'di gumagaling ang mama mo dahil alak pinapainom mo?" pagbibiro kong saad rito.
"Asa na lang kung gumaling pa, wala nga akong sapat na pera pang pagamot e."
Katahimikan ang bumalot muli sa amin matapos ang sinabi nito.
"Kaya ka ba biglang bumait sa akin ngayon dahil naaawa ka sa akin prof?" basag nito sa katahimikan.
"Bakit hindi ba ako mabait sa tingin mo?"
"Pinapagalitan mo kasi ako lagi kapag late ako, tapos ang sungit sungit mo kala mo naman kina-guwapo mo," medyo inis nitong sabi.
"G'wapo naman talaga ako kahit hindi ako magsungit, saka ginagawa ko iyon para pagsabihan ka para iwasan ang pagiging leyt hindi ko naman alam na ganito ang kalagayan mo."
"TY prof." Ikinagulat ko na naman ang sinabi nito.
"Ano na namang TY 'yan?" nakatingin pa sa kanyang tanong ko at ngumiti ito kasabay ng pagharap din niya sa akin.
"Wala kang ganap sa buhay mo 'no, hindi mo alam ang mga shortcut na mga salita?" Umiling lang ako rito.
"Ano naman mapapala ko sa mga bagay na iyon sa subrang busy ko sa buhay mas gugustuhin kong ilaan sa pahinga ang libreng oras ko kisa sa pag alam ng kung ano-ano," sagot ko sa kanya.
"Ako na lang magtuturo sa'yo haha, TY means Thank You prof."
"Bakit ka nagpapasalamat?"
"For not judging my story."
"You are not the one who have the worst situation miss Flor, kailangan mong isuot ang sapatos ko upang malaman kung gaano kahirap maglakbay sa buhay na meron ako, kailangan mong isuot ang sapatos ko para malaman ang totoong pinagdadaanan ko." Makahulugang usal ko na tila nakuha naman nito ang ibig kong sabihin.
Ibig sabihin lamang iyon na hindi mo malalaman ang totoong pagkatao ko kung hindi mo mailalagay ang sarili mo sa kinatatayuan ko.
"Next time pahiram ng sapatos mo prof para ma-try ko buhay mo hahaha." Humalakhak ito ng tawa na hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa na rin.
"You are so funny and really unbelievable, ang pagtawa ng kagaya sa'yo ay nais kong maranasan rin para itago lahat ng hirap."
"Gusto mong turuan kita?" Mabilis akong tumango rito.
"Sa susunod na lang prof, kailangan mo nang umuwi kasi umaga na dito ka na nagpalipas ng oras mo." Tumayo na ito kaya agad naman akong napatayo hindi ko nalang namalayan ang oras sa pakikipag-usap sa kanya.
"Oo nga pala sige mauuna na ako," pagpaalam ko na.
"TY ulit prof." Nakangiting pasalamat pa nito sa akin.
"You're welcome," sagot ko rin na may pilit na ngiti at agad na akong tumalikod upang maglakad na paalis.

Bình Luận Sách (287)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️adik n talaga ako sa mga story about sa professor isa na naman sa mga favorite k na story ito..ang ganda ng story n ito simula palang matatawa kana kaya nakaka gana syang basahin at super kilig tapos nakaka iyak din kaya na enjoy k pag babasa..thank u author sa napaka gandang story

    05/08/2022

      1
  • avatar
    MinMin

    ang ganda super hindi lang love between student and prof yung umiikot sa kwento pati pagmamahal sa magulang sa kaibigan, kung paano maging matatag, at higit sa lahat mag patawad, kaya basahin niyo na para malaman niyo kung gaano kaganda tong kwento na tohh supeeeeeer!!!!!😭💖💖

    08/02/2022

      2
  • avatar
    Willy Quilatan

    lol

    6d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất