logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 11

Zedic's POV
Nais ko ng kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko kaya matapos akong talikuran ni miss Flor at pumasok na ito sa silid na iyon ay madali naman akong naglakad pabalik sa opisina ni Sanchez.
"Bakit bumalik ka pa akala ko nagmamadali ka na huh?" tanong nito ng ikinagulat pa niyang bumalik ako.
"Kailangan ko ng tulong mo, p'wede mo bang alamin para sa'kin kung anong kalagayan ng pasyente sa room 142?" diretsong saad ko.
"Room 142?" Tumango ako rito. "Pasyente ko iyon matagal-tagal na rin, siya si Mrs. Flor."
"Anong nangyari sa kaniya?" muling tanong ko.
"Hindi ko p'wedeng sabihin sa'yo kung hindi mo naman kamag-anak 'yun labag iyon sa rules ng hostipal Mr. Lim." Pagtanggi nitong sagutin ang tanong ko.
"Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan niya pati ba iyon bawal, baka gusto mong ipasara ko itong hospital na pinagtatrabahuhan mo."
"E kasama nga 'yun sa rules namin ano magagawa ko."
"'Wag mong isipin ang rules sasabihin mo lang naman sa'kin at isa pa walang ibang makakaalam kaya sabihin mo na at nang matapos na." Iritadong sabi ko na.
"Okay sige, ano bang gusto mo malaman?"
"Anong nangyari sa kaniya, istudyante ko ang anak nito kaya gusto kong malaman?"
"Ah si Mitch ba tinutukoy mo, 'di mo naman agad sinabi e kilala mo pala siya. Naparalisado ang iyong nanay ni Mitch dahil sa isang aksidente, mahigit isang taon na rin akong naatasan na maging doctor nito, kagabi lang 'yon sinugod dito dahil tumaas ang prisyon ng dugo ng ginang dahil madalas sa bahay na lang ito. Tatlong taon na ang nakakalipas nang mangyari ang aksidente kaya siya naparalisa." Pagpapaliwanag nito sa akin.
Tatlong taon? Halos katulad rin ng taon kung kailan namatay si kuya.
"Anong klaseng aksidente?" mausisang tanong ko pa.
"Ba't ba andami mong tanong pati ba iyon aalamin mo pa?" Tumango ako na ikinabuntong hininga nito.
"Car accident ang alam ko, basi sa mga narinig kong kuwento parang katulad ng nangyaring aksidente sa kuya mo e at mabuti na lang 'di natuluyan ang ginang pero nakakaawa pa rin e nagdudusa kasi ang anak niya sa pag-aalaga sa kaniya." Salaysay pa ni Sanchez na talagang nagpakabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Tatlong taon at car accident? Anong kinalaman noon sa kuya ko.
Wala akong ibang impormasyon na nalaman sa totoong nakabangga sa kuya ko, sina mom ay parang wala namang ginawa para mapanagot ang may sala sa mga nangyari. Pero sa tatlong taong lumipas na iyon hindi ako natatahimik at patuloy na inaalam ang mga kasagutan sa gumugulong tanong sa isip ko.
Nasa loob ko ang galit at gustong pagbayarin ang totoong may kasalan dahil nawala ang isang tao na pinaka importante sa akin.
Isang kutob ang namayani sa loob ko matapos marinig ang kuwento ni Sanchez, gusto ko pang malaman ang ibang detalye sa ina ni Miss Flor sana ay nagkakamali lamang ako.
"Sige mauuna na ako." Iniwan ko ang mga katagang iyon bago ko tuluyang tinalikuran si Sanchez at saka lumabas ng opisina nito.
Agad na akong lumabas ng hospital at saka umalis upang sunod nang tunguhin ang kumpanya para magtrabaho.
Inubos ko ang oras ko sa pagiging abala sa trabaho na kailangan kong tapusin, ngunit hindi ko manlang nawaglit sa isip ang nalaman ko bakit ganito kalakas ang kutob ko hindi pa ako naging ganito kaintirisado sa buhay ng iba pero ngayon nagagawa ko.
"Hi babe how was your whole day?"
Natigil ang kamay ko sa pagsusulat ng marinig ang tinig na iyon, nabaling ang tingin ko sa pumasok at nakita si Estella na nakatayo sa tapat ng pinto ng opisina ko habang may ubod ng tamis ang ngiti sa labi.
Hindi ko ito sinagot at tiningnan ko lang na walang reaskyon sa mukha.
"Mukhang pagod na pagod ka na, gusto mo bang lumabas tayo tonight kakalabas ko lang sa work ko kaya dinaanan na kita." Kaswal na sabi nito na parang wala manlang nangyaring sagutan sa pagitan namin noong nakaraan na nag-usap kami.
"Marami pa akong tatapusin." Pagtanggi ko at muling binalik ko na ang atensyon sa mga papel sa harap na pinipirmahan ko.
"Ngayon lang please pagbigyan mo na ako, nakalimutan mo na ba ang araw na 'to?"
"I don't forget any, I just have no fvcking care," sagot ko na hindi manlang tumitingin sa kaniya kahit pa ramdam ko na nakatayo na ito sa harap ng desk ko.
Hindi ko nakakalimutan na ang araw ngayon ay ika-isang taon at pitong buwan na namin ni Estella sa walang kwentang relasyon naming ito, hindi ko iyon nakalimutan sadyang wala na lang talaga akong pakialam pa.
"Okay kung ayaw mo talagang lumabas tayo hihintayin na lang kita sa pag uwi mo para sabay na tayo," aniya.
Malalim akong napabuntong hininga sa sinabi nito dahil kapag sinabi niya talaga ginagawa niya at kahit tanggihan ko iyon ng ilang beses wala akong mapapala.
Hindi na ako sumagot pa rito, nakita ko na lang na naupo na ito sa sopang naroon sa loob ng opisina ko.
Sunod na binaling ko na lang ang tingin ko sa maliwanag na mga ilaw sa paligid ng siyudad na natatanaw ko mula sa saliming ding-ding ng opisina ko. Natatanaw ko ito mula sa ika-sampung palapag na gusali ng kumpanya, ganoon kataas ang kinaroroonan ko kaya naman halos hindi ko na makita ang mga tao at tanging maliwanag na mga ilaw na lamang.
Ang magandang sinaryo na iyon na kahit alam kong pagod na ang katawan ko ay nagagawa kong makapag-relax sa pamamagitan ng pagtanaw roon.
Hindi ko na lang namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras sa maghapong iyon at ngayon ay gabi na.
'8:58 pm' pagbasa ko sa isip ng sunod kong tingnan ang itim na relong suot ko, wala akong naramdamang gutom kahit na wala akong kahit na anong pinanlaman sa sikmura ko sa maghapong ito at ang natatandaan kong huling kain ko ay kanina pang umaga.
Tatlong katok ang nagrinig ko sa pinto na nagpabalik sa diwa ko mula sa malalim na pag-iisip.
Nang mapalingon ako rito ay kusa na ring bumukas at niluwa noon si Carlos, ang secretary ko.
"Boss may iuutos pa po ba kayo, kung wala na po baka p'wede na po akong umuwi?" wika nito ng tuluyang magtama ang paningin namin ng makapasok siya.
"Sige na bukas mo na lang tapusin 'yung ibang pinapagawa ko."
"Kayo po hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ulit nito.
"Uuwi na rin tatapusin ko na lang itong ginagawa ko," sagot ko. Sunod na nabaling ang tingin ni Carlos sa sopa kaya napatingin din ako sa tinitingnan nito.
"Boss nakatulog na po ata si miss Ella kakahintay sa inyo," saad ni Carlos ng makitang nakahiga na si Estella sa mahabang sopa na iyon at mukhang nakaidlip na nga marahil sa inip sa kakahintay sa akin.
Miss Ella ang tawag ng lahat ng mga empleyado ko rito, ako lang naman yata ang kaisa-isang tumatawang sa kumpleto nitong pangalan kasi kapag tinawag siyang gano'n ay hindi niya nagugustuhan dahil ang pangit daw, ngunit nang tumagal ay nasanay na siya na at ako lang ang tumatawag sa kaniya ng ganoon.
"Hayaan mo na, ginusto niya 'yan kaya maghintay siya," tugon ko rito na tila wala manlang pakialam kahit nakatulog na si Estella roon.
"Haha, sige boss una na po ako naghihintay na rin ang mag-ina ko." Pagtango na lang ang naisagot ko rito saka naman ito umalis na.
Pamilyadong tao na si Carlos isang taon lang ang tanda ko rito, base sa kuwento niya maaga siyang nakapag-asawa kaya nagbabanat ng buto para sa pamilya at anak niya.
Minadali ko nang tapusin ang ginagawa upang makauwi na rin ako, inayos ko ang lahat ng mga dokumento na natapos ko nang pirmahan saka nakapag-unat ng katawan matapos ang maghapong nakaupo sa swivel chair ko.
Kinuha ko na ang mga gamit ko saka ang coat na nakapatong sa swivel chair na kinauupuan ko, saka nilapitan ang natutulog na si Estella.
"Hey Estella wake up." Inalog ko ng bahagya si Estella sa braso nito upang gisingin.
"Mmm?" Napamulat naman ito agad matapos ang pag-alog na ginawa ko sa kaniya.
"Sorry babe, nakatulog na pala ako."
"Let's go." Tanging sinabi ko at hindi ko manlang ito inalalayan pa na bumango mula sa pagkakahiga nito ng agad na akong nauna sa paglalakad palabas ng opisina.
"Dala mo ba ang kotse mo?" tanong ko rito ng maramdaman kong nakasunod na ito sa'kin habang hinihintay ko namang bumukas ang elevator para makababa na kami.
"Nope nag taxi lang ako papunta rito," sagot niya.
Hindi na ako sumagot pa hanggang tuluyang bumukas ang elevator na wala namang sakay kaya agad na akong pumasok na hindi manlang pinauna si Estella kaya tanging pagsunod na lamang ang ginawa nito sa 'kin.
Lagi naman iyon ang pakay niya e, hindi talaga siya nagdadala ng kotse kapag pinupuntahan ako para sadyaing magpahatid sa akin.
Nakarating kami sa parking lot.
Siguro kabastusan na itong ginagawa ko na hinahayaan ko lang siyang sumunod sa akin na hindi manlang inaalalayan o kahit paunahin manlang sa paglalakad dahil babae ito, pero wala akong pakialam.
Hindi ko alam kung sadyang manhid lang siya at hindi nararamdaman ang panlalamig ko o sadyang ramdam niya at pinapamukha lang niya sa sarili n'yang hindi nangyayari ang lahat ng ito sa pagitan namin kasi alam niyang siya ang may kasalan kong bakit ako nagkaganito sa kaniya.
"Get in, use your own hand to open it you're old enough to handle yourself," malamig pang sambit ko na siya na magbukas ng pinto ng kotse dahil nasa tamang edad naman na siya.
Wala akong narinig na pagreklamo mula rito at sumunod na lang kaya sabay kaming sumakay ng sasakyan at saka umalis na.
Tahimik ang buong byahe naming dalawa, kasabay ng malamig na aircon sa sasakyang iyon ay ang malamig na pakikitungo ko sa kaniya. Walang kahit isa man sa'min ang gustong bumasag ng katahimikan, at mas gugustuhin kong manahimik kisa ang makausap siya.
Nais nito kanina na lumabas kami para sa monthsary namin pero kahit gustuhin ko mang gawin iyon alam kong hindi ko matatagalan na kasama siya dahil habang patuloy na ipinagdiriwang namin ang relasyong ito pakiramdam ko wala na talaga akong takas at mananatili na lang sa sapilitang relasyong ito na patuloy akong ginagapos at hindi ako makalaya.
Nakarating na kami sa tapat ng condo na tinutuluyan ni Estella, hindi ko nga ginawa ang gusto nito na kahit kumain manlang sana kami sa labas.
Kasabay ng paghinto ng sasakyan ko ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki na nakatayo sa mismong entrance ng condo na iyon ang lalaki na dahilan ng pagkadurog ko walang iba kung hindi si Jester, ang ex ni Estella.
Marahil hindi iyon namalayan ni Estella kaya kasabay ng pagbaba nito ng sasakyan ko ay sinundan ko ito at bumama rin ako.
"Ella?" malungkot na tinig ni Jester nang banggitin nito ang pangalan ni Estella, ikinagulat naman iyon ni Estella ngunit mabilis na akong pumagitna sa pagitan nila.
"Jester what are you doing here?" tanong ni Estella rito.
"Mag-usap tayo." Nakikiusap na saad ng lalaki na tila ba wala manlang ako sa pagitan nilang dalawa kung paano sila mag-usap.
"Pumasok ka na Estella." Maawtoridad na utos ko kay Estella na pumasok na ng condo nito ngunit nagpumilit ang lalaki.
"Pare baka naman p'wedeng kahit saglit lang kakausapin ko lang siya." Nagmakaawa ito sa'kin.
"Hindi kita kumpare wala akong natatandaan na ina-anak ko ang anak mo," pabalang kong sagot rito. "Pumasok ka na Estella," muling utos ko kay Estella na pumasok na kaya wala naman itong nagawa at sumunod na lang sa sinabi ko.
Naiwan kaming dalawa ni Jester sa labas, matalim ang mga titig namin sa bawat isa pantay lang ang taas namin dahilan para walang kahirap-hirap na magtama ang mga matang iyon. Napatingin ako sa mukha nito at nakita ko ang sumilay na galit sa mukha niya na kanina lang ay nakikita ang pagmamakaawa.
Hindi ako nagpatalo sa galit na reaskyon nito at mas dobleng galit ang ipinakita ko sa kaniya.
"Ano bang karapatan mo para ikaw ang magdesisyon para sa kaniya, boyfriend ka lang naman niya kung umasta ka parang hawak mo na ang buong buhay niya," halos isigaw ni Jester ang mga katagang iyon sa mukha ko.
"Ano naman sa'yo ngayon e EX ka lang naman niya para umasta na parang may karapan ka," sagot ko naman na pinakadiinan pa ang salitang EX para malaman niya ang lugar niya.
"Tama ka ex na lang ako kung tutuusin, pero tama bang itrato mo siya na parang wala kang pakialam ah gawain ba iyon ng matinong boyfriend, sabihin mo sa akin anong karapan mong saktan siya?" napapasigaw na nitong sabi.
Napabuntong hininga ako matapos ang sinabi nito, marahil alam niya ang lahat ng nangyayari sa amin ni Estella, tama siya ano nga namang karapan ko para pahiran si Estella sa sitwasyong naming ito.
"Ano bang pakialam mo!" pasigaw kong sabi rito na pinipigilan na lang kalmahin ang sarili sa matinding galit.
"May pakialam ako kasi nasasaktan ako, hindi mo alam ang pakiramdam habang nakikita ang mahal mong pinapaiyak ng ibang lalaki, hindi mo alam kung gaano kasakit na nakikitang sinasaktan ng iba 'yung babaeng gusto mong alagaan at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo kamahal!" Mariing binitawan ni Jester ang mga salitang iyon sa akin na para bang ang mga salitang iyon ay isang libong kutsilyo na bumaon sa dibdib ko at nagdulot ng matinding sakit sa loob ko.

Bình Luận Sách (287)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️adik n talaga ako sa mga story about sa professor isa na naman sa mga favorite k na story ito..ang ganda ng story n ito simula palang matatawa kana kaya nakaka gana syang basahin at super kilig tapos nakaka iyak din kaya na enjoy k pag babasa..thank u author sa napaka gandang story

    05/08/2022

      1
  • avatar
    MinMin

    ang ganda super hindi lang love between student and prof yung umiikot sa kwento pati pagmamahal sa magulang sa kaibigan, kung paano maging matatag, at higit sa lahat mag patawad, kaya basahin niyo na para malaman niyo kung gaano kaganda tong kwento na tohh supeeeeeer!!!!!😭💖💖

    08/02/2022

      2
  • avatar
    Willy Quilatan

    lol

    6d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất