logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 3 Finding His Saviour

Nagpupumiglas si Chance habang hawak siya ng dalawang bodyguard para ilapit kay Don Manolo. Natagpuan kasi siya ng mga ito sa palengke at walang pasabing binuhat siya kahit may iniindang sakit sa katawan. Dahil para sa head ng Peralejo family, kahihiyan ang magpunta sa lugar ng mahihirap.
“Bitiwan n'yo na siya,” utos ng don na kaagad namang sinunod ng bodyguards. Maingat naman nilang ininaba si Chance.
“Napakatigas ng ulo mong bata ka! Sabi ko naman sa'yo, huwag mo nang hahanapin ang matandang 'yon!”
Kasabay ng pagsinghal ni Don Manolo ay dumapo sa kanang pisngi ni Chance ang kamay niya nang gawaran ito ng malakas na sampal.
“Pa, gusto ko lang siyang pasalamatan,” katwiran ni Chance at sinubukang balansehin ang sarili upang tumayo nang tuwid sa harap ng ama. “Manolo, huwag mo munang turuan ng leksyon ang anak mo. Hindi pa siya nakaka-recover oh,” saway naman ni Donya Imelda at sinubukang aluhin ang anak ngunit nadamay pa siya sa pagsinghal ng asawa.
”Sige, kampihan mo 'yan at magsasama kayo sa kangkungan!”
“Manolo, masyado ka na yatang malupit kay Chance. Kanina okay lang na magalit tayo sa kanya pero 'yong may kasamang pananakit -- hindi ko na papayagan 'yon!” mariing pagtutol ng donya. Tinapunan naman niya ng tingin ang isa pa niyang anak na si Valiant na mukhang nakikisimpatya rin kay Chance. Ngunit gaya ni Chance, wala rin namang kapangyarihan ang kuya niya na maglabas ng saloobin o kumontra man lang sa desisyon ng kanilang mga magulang.
“Bago kita papasukin sa kuwarto mo, gusto ko lang itanong kung anong ginawa mo at mabababa ang grado mo?”
Nanginig agad ang tuhod ni Chance dahil sa biglaang tanong ng kanyang ama.
Unti-unting lumapit si Don Manolo. Hawak niya ang grade report ni Chance sa preliminary period ng subjects nito. Sa sobrang galit pa niya ay isinampal na niya ang hawak na papel sa kanyang anak.
Napayuko na lang si Chance at tila umuurong ang kanyang dila kahit gusto niyang ipaliwanag ang side niya. The truth is, he doesn't like the Civil Engineering course, mga magulang niya ang pumili no'n para sa kanya.
“Sumagot ka!” pasigaw na untag ni Don Manolo. Biglang lumuhod si Chance sa harap ng kanyang ama. “Pa, sorry. Hindi ako matalino, hindi ko kaya ang kursong 'yan.” Nagawa niyang pigilin ang luha. Bahala na kung anong mangyari sa pagtatapat niyang ito. Ang mahalaga, nasabi niya rin.
“I hate you for being stubborn! Bakit wala kang tiwala sa aming mga magulang mo? Kami ang gagawa ng kapalaran mo! Dahil alam namin ang nakabubuti para sa'yo!”
Umiling si Chance at matapang na iniangat ang tingin kay Don Manolo. “No Pa, hindi kayo ang gagawa ng kapalaran ko. Ako ang gagawa no'n dahil alam ko kung anong nakabubuti sa 'kin, alam ko kung anong gusto ko!”
“At anong gusto mo? Makisimpatya sa mahihirap? Gusto mo ng simpleng buhay? Chance, maraming tulad nila na gustong yumaman. Nandito ka na sa kama, bakit gusto mong humiga sa banig?”
Chance breathe heavily. “Kasi lagi ko na lang kayong naririnig na pinagsasabihan ng masama ang tulad nila. Lagi n'yong sinasabi na wala silang mararating sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang ugali n'yo. Bakit po ba? Hindi naman lalago ang kompanya ninyo kung walang mahihirap na nagtatrabaho para sa inyo! At sila pa na nagtatrabaho nang marangal ang inaapi n'yo!”
Inambahan na ng suntok ni Don Manolo si Chance pero mabilis na humarang si Valiant. “Pa, please ako na po ang nakikiusap. Kailangan lang po sigurong magpahinga ni Chance.”
“Pagsabihan mo 'yang kapatid mo,” sikmat ni Don Manolo at nilisan na ang kwarto kasama ang asawang si Donya Imelda.
“Sabi ko naman sa'yo eh. Walang magandang dulot ang pagmamatigas mo kina Papa,” ani Valiant nang mawala na rin sa kanilang harapan ang mga magulang.
“Kuya, hindi ko gusto ang ugali nina Mama at Papa. Hindi ko na yata kayang manirahan dito,” pag-amin naman ni Chance.
“Anak lang naman nila tayo di ba? Kaya hayaan mo na, lilipas din ang galit nila.” Malalim ang buntong-hininga ni Valiant.
“Kuya, masaya ka ba ngayon? Masaya ka ba na palagi mo silang sinusunod?”
Napaismid si Valiant at pilit na tumango. “Ang mahalaga lang naman, maging mabuting anak ako. Kaya ikaw din.”
“Kuya, hindi mo naman nasagot ang tanong ko,” nakabusangot na wika ni Chance. Narinig na naman niya ang pagbuga ng hangin ng kanyang kuya saka ito lumayo sa kanya. “Magpahinga ka muna Chance.”
Sinundan lamang ng tingin ni Chance ang kuya niya na mukhang may mabigat na problema. Siya naman ang bumuntong-hininga kasabay ng pagsara ng pinto.
'Hindi masaya si kuya.'
***
Matapos ang klase sa araw na ito, napagpasyahan ni Chance na muling bumalik sa palengke kung saan nakita niya ang kanyang saviour.
'Urduja Wet Market' ang basa niya sa malaking signage sa unahan ng palengke. He smiled as he took a step inside. Puro mga abalang tao na naman ang nakita niya at may pagbabakasakaling isa sa mga tindero ang matandang nagsalba sa kanyang buhay.
"Pogi, anong hanap mo?" Dinig niyang tanong ng may edad na tindera. As usual, naa-attract na naman niya ang mga tao doon. Paano, napakapormal ng suot niyang uniporme kapag papasok sa university, naka-tuxedo at itim na slacks na pinarisan ng black shiny leather shoes. Idagdag pa ang pagiging guwapo niya kaya madali siyang makaagaw pansin.
Nagpatuloy ulit sa paggalugad ng palengke si Chance kahit mainit sa lugar na 'yon. Nakakaramdam na siya ng pagod ngunit unti-unti siyang nabuhayan ng loob dahil nakita niya ang matandang lalaki na kanyang pakay, nasa puwesto ito ng gulayan at namimili. Mabilis niyang nilapitan ang matanda.
“Kumusta po? Natatandaan n'yo pa ba ako?”
Iniangat ng matanda ang tingin kay Chance. “Ikaw? Iyong lalaking sinugod sa ospital.”
Labis na natuwa si Chance dahil namumukhaan siya ng matanda. “Ako nga po.”
Napailing ang matanda at inilayo ang sarili kay Chance. “Ah naku, pasensya na huh, busy ako.”
Nagbayad lamang ang matanda saka kinuha ang isang supot ng gulay na pinamili. Umalis lamang siya sa harap ni Chance na clueless pa rin sa kanyang kinilos.
Hinarang naman ni Chance ang daraanan ng matanda. “Saglit lang po, gusto ko po talagang magpasalamat at humingi na rin ng dispensa sa inyo.”
“Okay na 'yon hijo, sige na. Uuwi na ako eh,” medyo naiiritang sagot nito at hinawi pa si Chance para lang umalis sa daanan.
“Lolo, mag-usap lang po muna tayo—”
“Hindi siya makikipag-usap. Hindi nakikipag-usap ang lolo ko sa mga matapobre!” Galing sa likuran ang pasinghal na boses ng isang babae. Pagkalingon ni Chance ay dali-daling nilapitan ng babae ang matanda na tinawag nitong lolo.
“Sunny, tara na. Alis na tayo,” sabi pa ng matanda.
“Oh di ba? Ayaw ka niyang kausap,” aniya nq may kalakip pang pag-irap.
“Hindi ako pumunta rito para makipag-away,” mahinahong paliwanag pa ni Chance. Napakuyom naman ang mga kamao ni Sunny at kinwelyuhan ang binatang nakikiusap sa kanila. “Kayong mayayaman, pareho lang kayo! Mga mapang-api!”
Nagkatinginan sina Chance at Sunny. Kung matalim ang tingin ng dalaga, siya naman ay kabaligtaran. He looked at her with curiosity. Naaninag pa niya ang nagbabadyang luha sa mga mata nito, halatang may pinagdaraanang matindi. Napaatras si Chance at binitawan din siya ni Sunny na nakamamatay pa rin ang tingin.
“Please, give me a Chance. By the way, I'm Chance. My name is Chance Peralejo,” pormal na pagpapakilala ng binata sa kanyang sarili kahit mauutas na ang hininga niya sa pakikipagtagisan ng tingin kay Sunny.
Mukhang sincere naman ang mukha ng Chance kung titingnan pero 'di pa rin kumbinsido si Sunny. Pakiwari niya ay may hidden motive ito.
“Hindi. Wala kaming balak makipag-usap sa 'yo!” angil ng dalagang nagmukhang mabangis na tigre na nakakubli sa maamo nitong itsura.
Laylay ang mga balikat ni Chance nang mga sandaling 'yon. Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n na lang katindi ang galit ng maglolo sa kanya kahit malinis naman ang kanyang hangarin, ang magkaroon man lang ng pag-uusap. Napayuko na lamang siya at nakita ang nahulog na ID card sa sahig. Pinulot niya iyon at ang babaeng apo ng matanda ang may-ari.
“Sunny Fuentes” ang pangalang nakalagay sa ID. Sa likod naman ng ID ay nakasulat din ang address at contact number.
“Thank God. I got another way!” bulalas niya at nakaisip na ng susunod na hakbang.

Bình Luận Sách (107)

  • avatar
    Liza Estopa Mactal

    maganda po Ang love story po n chance tatapusin kopa po Ang love story n chance sana making sila n sunny sa bandang huli bagay po sila n chance Buti po ako sa kanila n chance sana mawala nayung Galit n sunny para po maayos napo Ang loob s chance at Mang Elmo

    21/12/2021

      5
  • avatar
    AshLey Quintos

    ang hirap tlaga pang mahirap Kang pinanganak Kasi tatapak tapakan ka lang Ng mga mayayaman gagawin Kang alipin pero hind Naman lahat Ng mayaman ay mapagmataas ang galing din Ng gumawa Ng story nito my twice siya pero hind pa ko tapos baka mas maganda pa ito sa kalagitnaan haha excited na ko sa magiging ending baka sa huli sila pa magkatulungan haha tapos magkaroon Sila Ng mga anak syempre kakasal Muna Sila bago magkaroon Ng mga anak hahaha excited na ko sa magiging kapalaran nila than you author

    28d

      0
  • avatar
    CaparasJennylyn

    ang ganda po ng novelah

    29d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất