logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 35 | otw to airport

Ciara's pov
"My gosh Ara! Hanngang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na si Altair pala ang nagdadala sa'yo noon sa hospital. Thanks to him na lang, dahil nagawa mong maka-survive!" Natatawang saad nito, nang maka-uwi na kami ulit sa bahay.
Agad naman akong dumiretso sa kwarto ko, kasama si Jennifer, habang lumiko naman si Tyler para pumunta sa kwarto niya.
Kinakailangan na naming mag-impake. Ngayon na daw kasi talaga ang alis namin. Hihintayin na lang kami nila Raiza sa airport.
"Bakit niya kaya ginagawa 'yun?" Takhang tanong ko kay Jennifer.
"Hindi ka ba nakikinig, hindi ba sinabi na nga ni Altair. Kagustuhan 'yon ni Shaira. Nag t-trabaho daw kasi siya noon sa babaeng 'yon. Lagi siyang inuutusan na bantayan ka. Kaya ayan, lagi kang nakaka-survive." Sabi niya pa.
"Alam ko, narinig kong sinabi niya 'yon kanina. Ang ibig kong sabihin ay si Shaira. Bakit kailangan niyang gawin 'yon? Bakit kailangan pang pabantayan ako ng Shaira na 'yun? Eh, hindi ba nga, galit sila sa akin?" Naguguluhang tanong ko, napabuntong hininga naman ito at napaisip.
"Hindi ko rin gets ang babaeng 'yon, pero isa lang ang naiisip ko. Kaya ka niya siguro pinaba-bantayan kay kupido, kasi ayaw nilang mamatay ka sa kamay ni Tyron. Ang gusto nila, sa kamay ka nila mismo mamatay. Sa tingin ko, 'yun ang dahilan kung bakit niya sinisigurong ligtas ka pa rin," sagot nito, habang nag-iimpake ako.
Asan na kaya sila? Anong nangyari sa kanila? Wala na akong balita sa kanila, matapos nang nangyari.
Napalingon naman ako sa pintuan, nang bumukas ito at iniluwa nun si Tyler na dala-dala ang gamit niya, habang ngiting-ngiti na nakatingin sa phone niya.
"Hoy, anong ngini-ngiti ngiti mo diyan, ha?!" Kunot noong tanong ni Jennifer kay Tyler na agad namang itinago ang phone niya.
"Wala ka na do'n!" Pagsusungit nito at naupo sa kama ko.
"Pinagmamadali mo kaming mag-impake, ikaw nga, wala pang naiimpake na damit mo!" Nakasimangot na saad ni Tyler.
"Oo nga!" Pag sang-ayon ko.
"Excuse me, naka-impake na talaga mismo ang gamit ko, 'no!" Sambit nito at may kinuha sa damitan na maleta.
"Naalala ko kasi, may mga naiwan akong damit dito. Kaya ito na lang ang dadalhin ko," sabi nito.
"At ikaw Ara, bilisan mo na diyan, baka mahuli tayo," pagmamadali niya.
"Oo na!" Sagot ko at nagmadali na, pero hindi ko maiwasang isipin kung asan na sila Hannah.
"Asan na kaya 'yung magkapatid, 'no?" Wala sa wisyong tanong ko.
"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa'yo. Alam mo ba, si Shaira, ayun wala na, dedo na. Hindi kinaya 'yung ginawa sa kanya ni Raiza, for sure galit na galit ang Hannahudas." Natatawang sabi nito .
"Teka, si Hannah? Asan siya? Buhay pa ba 'yon?" Tanong ko sa kanya.
"Ang pagkakaalam ko, sinugod rin siya sa hospital, tapos tumakas daw siya no'n, kahit hindi pa siya ganon kagaling. Alam niya sigurong makukulong siya, after niyang gumaling. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya. Wala na akong balita, basta tumakas daw siya no'n," sagot nito. Napailing na lang ako. Panigurado hinahanap pa rin siya ng mga pulis ngayon, mas lalo niya lang pinakita na may sala siya, dahil sa ginawa niyang pag-takas.
"Ay nako, bilisan mo na kaya diyan, 'no? Alas dos ang flight natin, 1:07 na!" Pamamadali ni Jen.
"Bilis! Double time! Ikaw Tyler, tumayo ka na diyan!" Sigaw pa nito, habang pumapalakpak at lumabas na.
Nagkatinginan naman kami ni Tyler at parehong napa-kibit balikat.
"Baliw talaga ang ate mo," saad ko.
"Pareho lang naman kayo!" Natatawang sabi nito na nag-pairap sa akin. Sinara ko na ang maleta ko at hinila palabas.
Nang nakasakay na kami sa kotse, ay agad naman 'yon pinaandar ni Tyler.
"Hoy, Tyler! Ikaw ba, may nililigawan ka ngayon, ha? Napapansin ko, napapadalas na 'yang pag ngiti-ngiti mo sa phone, ha!" Kunot noong tanong ni Jennifer na siyang ikinakamot ni Tyler sa ulo niya.
"Hindi pa, nahihiya kasi ako. Hindi ko rin alam kung paano siya kakausapin. Besides, I just met her. But, I find her attractive." Nakangiting sagot niya.
"Ayan kayo, eh! Alam niyo, kahit kailan talaga kayong mga lalaki. Kapag nanliligaw, nahihiya. Pero kapag nanloloko, ang kakapal ng mukha!" Saad ni Jennifer, dahilan para matawa ako.
"Tumpak ka diyan espren!" Natatawang pag sang-ayon ko sa kanya. Nagawa pa nilang mag-asarang magkapatid buong biyahe. Nagsisisihan pa sila kung sinong mas maingay sa kanila, eh pareho lang naman silang hindi na natapos kakadada simula nang makaalis kami ng bahay.
"Sige, ito, para hindi kayo ma-bored. Anong tawag sa shampoo na hindi pang baby at hindi rin pang matanda?" Tanong ni Tyler, dahilan para nakangiwi ko siyang lingunin. Wala na akong tiwala sa mga joke nito dahil paniguradong puro ka-cornyhan lang naman. Trauma na ako sa mga joke niya, kaya ayoko nang makarinig pa.
"Ano na naman?!" singhal ni Jennifer. Mabilis ko namang tinakpan ang tenga ko para hindi marinig ang isasagot ni Tyler, pero sa sobrang lakas ng boses niya na parang may megaphone na nasalpak sa lalamunan niya ay rinig na rinig ko ang hagalpak ng tawa niya.
"Edi pan-TEEN!! HAHAHHAHAHHAHA!" Kinangina. Nakakasisi talagang kasama 'to kahit kailan.
"Inaantok ako, pakigising na lang ako kapag nakarating na tayo!" Nayayamot na sambit ko at mabilis na pinasak ang earphone ko sa tainga bago tuluyang pumikit para hindi ko na sila marinig pa.
"Tulog lang din ako." Narinig ko pang sabi ni Jennifer na mukhang na-cornyhan din sa joke ng kapatid niya. Gusto ko pang matawa nang makita ko kung paanong lumukot ang mukha nito nang pareho namin siyang tuluyan ni Jennifer.
Haha, deserve.
Tyler's pov
Nakasimangot akong nagd-drive hanggang makarating kami ng Airport. Tinignan ko naman sila ate na hanggang ngayon ay tulog pa rin, dahilan para mahina akong mapasinghal sa kawalan. Ganoon ba talaga ka-corny ang mga jokes ko para tulugan nila?
Mabilis kong pinarada ang sasakyan at akmang gigisingin na sana 'yung dalawa sa likuran para i-inform sila na nadito na kami ay biglang tumunog ang phone ko, senyales na may tumatawag. Sinilip ko naman 'yun at nakita ang pangalan ni Axel.
"Yo, dude! Napatawag ka?" Bungad ko.
"Where the fuck are you, Tyler Jeon?!" Bahagya kong nailayo ang phone ko sa tainga nang bulyawan ako nito. Init naman agad ng ulo ni bossing.
"Andito ako sa pilipinas, why?"
"What?! What the heck are you doing in the Philippines, Tyler?! Your job is in the fucking Thailand, how come did you get in there without even informing me?! Iniwan mo pa talaga sa akin lahat 'to?" Hindi makapaniwalang singhal niya.
"You can do it, dude! Come on, ikaw pa ba? Besides, I can't go back there agad kasi nagpapagaling pa ako," malungkot na turan ko.
"Nagpapagaling? What do you mean? May sakit ka ba?" Halata sa boses nito ang pagaalala, kaya kinagat ko ang ibabang labi ko, para pigilan ang mapahagikgik.
"Nah, I'm okay, dude. Mild lang 'to, hindi pa naman masiyadong malala."
"What do you mean mild? Ano bang sakit mo?"
"Huwag mo nang alamin at baka hindi mo kayanin kapag narinig mo."
"Just tell me. Anong sakit mo?! Fuck you, dude. Ayusin mo nga ang buhay mo! What the hell happened to you?!"
"Ayos nga lang ako."
"You're okay, and how about me na nag-aalala sa'yo?"
Tinakpan ko muna ang telepono ko, bago inilabas ang kanina ko pang pinipigilan na tawa.
"Puta HAHAHAHAHA parang bakla ang gago!" Tuwang-tuwa na bulalas ko. Nag-ehem muna ako bago muling kausapin siya.
"Sure ka? Gusto mong malaman? Hindi naman masiyadong malala, ayos lang ako, dude. Hindi mo kailangan mag-alala."
"Can you just be straight to the point and tell me?!"
"Just a little tiny problem, dude. I'm on stage 4-"
"Ano?! The fuck?! Stage 4!??"
Muli na naman akong lihim na napatawa nang sunod-sunod itong nagmura, mahal talaga ako ng gunggong na 'to.
"Do you have a cancer!? Where the hell is your cancer!? Lungs? Heart!? Fuck it!" Natatarantang tanong nito, kaya hindi ko mapigilang suminghot para pigilan ang pagtawa.
Puta talaga HAHAHAHHAHA! Epic masiyado!
"Fuck it. Tell me Tyler Jeon. If not, I will surely kill you to death, I swear to God!" Tumawa naman ako ng walang boses, haha shit!
"Fine, It's-"
"What?!"
"Sinok."
10 seconds of silence...
"Sinok?"
"Sinok, stage 4."
Napamura ako dahil sa sobrang tawa nang marinig ko ang sunod-sunod na mura niya mula sa kabilang linya, mukhang nabadtrip HAHAHA!
"Where the fuck is your brain, Tyler Jeon?! I'm fucking deadly serious here. I'm freaking worried about you, tapos- fuck! SINOK?!" Wala akong ibang sinagot sa kanya kundi ay puro tawa, dahil sa reaksyon niya.
HAHAHAHHAHAHA epic!
"Fuck you dude, huwag ko lang makita 'yang pagmumukha mo." Tawa lang ako nanh tawa, pero napahinto agad ako at sumeryoso.
"Stop acting like you know my pain. Stop acting like you own it. Hindi ikaw ang may sinok na stage 4, kundi ako!" Pag-gaya ko doln sa pelikula.
"Wtf!?"
"HOY! GUNGGONG! ANDITO KA LANG PA LANG BWISET KA?! KANINA PA PALA TAYO ANDITO, HINDI MO MAN LANG KAMI GINISING! BOBO KA BA?!"
Napaharap ako sa sumigaw sa akin na 'yun, si Ciara pala.
"Oo na, bobo na ako! Pero malay mo, ako ang bobo-o sayo," pang-uuto ko sa kanya.
"Tigil-tigilan mo AKo sa mga paandar mong unggoy ka!"
"Sino na naman 'yang inuuto mo?" Rinig kong tanong ni Axel sa kabilang linya.
"Wala- HAHHAHA!"
"Her voice seems familiar to me-"
"Tsh, huwag ka na diyan dude, hindi ka naman papatulan nito." Natawa naman ako nang nangunot ang noo ni Ciara.
"Why not?" Mayabang na tanong ni Axel.
Naalala ko, nagka-usap pala sila nung nakaraan HAHAHHAHA.
"Hindi naman tao 'to eh, nangangain ng tao siguro, oo- Aray! Shit! Ah puta! Ouch! Tama na aray! Sorry na! Hindi na HAHHAHA! Gago uy," pag-ilag ko nang simulan akong paulanan ni Ciara ng suntok.
"Walang hiya ka! Kupal ka!" Sigaw nito sa akin.
"Pft-" rinig kong pagtawa ni Axel sa kabilang linya.
"I want her voice, she reminds me of someone," saad pa ni Axel sa kabilang linya.
"Hulaan ko pre, unggoy 'no-"
"Fuck ka talaga, Tyler Jeon!" Sigaw nito at pinagsasapak na naman ako, gago.
"Sige na, dude. Bye na, malulumog ako sa amazonang babae na 'to."
"Wait, what's the name of that girl-"
"Tama na nga 'yan! Halika na!!" Sigaw ni Ciara, at saka nito hinablot ang phone ko, pagkatapos ay sinunod niya namang hablutin ang tenga ko.
Fuck ang sakit! Ang sadista talaga amp.
"Sorry na! Sorry na!! HAHAHAHA!" Paglayo ko sa kanya, gago namula ata tainga ko 'don ah!
"Osige! Para hindi ka na magalit! Anong tawag sa gwardyang ligtas?" Pang-uuto ko ulot sa kanya, habang nakaakbay pa.
"Ano?!" Pasigaw na tanong niya.
"Edi, safeguard! HAHAHHAHAHAHAAHAHHAHAHAHHAHAAHHHAHAHAHHAHAHAH!!"
"Ay naku! Inaantok na naman yata ako!" Sabi niya at inunahan akong maglakad.
Gago, nilayasan ako. Ang pangit talaga ng ugali no'n.

Bình Luận Sách (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất