logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 19 | another chance

CHAPTER NINETEEN: Another Chance
Ciara's pov
"Darling, hurry up! Andiyan na sila, ikaw na lang ang hinihintay," pagtawag ni Mommy, habang kumakatok sa pinto. 
Kinuha ko naman 'yung suklay at sinuklay ang buhok kong ilang linggo nang walang suklay-suklay.
"Coming, Mommy!" Sigaw ko pabalik.
Pagkatapos kong magsuklay ay binuksan ko na 'yung pinto.
"Okay ka na niyan?" Tanong ni Mommy, tinignan ko naman ang sarili ko at ngumiti ng pagkalaki laki.
"Okay na po ito. 8 am na po, eh," sagot ko at tumakbo pababa.
"Ara, jusko ka! Halos kalahating oras kaming naghintay dito!" Reklamo ni Jennifer, sa totoo lang, isang oras talaga akong nag-ayos. Ngayon ko na lang ginawa 'to, kaya why not hindi ba?
"Sige na, lumakad na kayo. Tyron, ha, ang mga kasama mo. Bantayan mong maigi. Dapat ay saktong alas dos ng hapon, makauwi na kayo." Pagpapaalala ni Mommy.
"Ye, tita. Ais na po kami." Paalam niya, isa-isa naman kaming humalik kay Mommy. Hindi ko alam kung bakit biglang nandito si Tyron, sa pagkakaalam ko ay sinabi ni Jennifer na pinalayo na siya sa akin. Then, why is he here? Pinabalik siya?
"Bye, Tita!" Sigaw pa ni Jennifer.
"Ingat!" Saad ni Mommy, habang kumakaway pa nang makasakay na kami sa kotse.
"Hey, are you okay?" Rinig kong tanong ni Tyron kaya naman napalingon ako sa direksyon niya.
"Oo naman." Diretsong sagot ko at muling itinuon ang atensyon sa harapan ng kotse. Matapos niyang tanungin 'yon ay narinig ko ang buntong hininga niya at hindi na nagsalita pa kaya namuo ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.
"Ano? Magtitigan na lang tayo dito? Patagalan ng hininga ganon? Tara na kaya! Duh!" Lakas loob na pagbabasag ni Jennifer ng katahimikan. Hindi man nakatingin pero muli kong naramdaman ang tingin sa akin ni Tyron bago niya paandarin ang sasakyan. Pero hindi ko na binigyang pansin 'yon at itinuon na lang ang atensyon sa bintana. Pakialam ko sayo.
@Mall
"Saan tayo?" Tanong ni Tyron, habang nasa entrance kaming tatlo, nakatayo, hindi naman siguro kami nakaharang sa daan, 'no?
"Sa boutique muna tayo." Suhestiyon ko.
"Boutique? Hindi ba tagalog 'yun ng lizard?" Tanong ni Jennifer kaya naman nanliliit ang mga mata kong tinignan siya.
"Haha. Nice joke." Sarkastikong pagtawa ni Tyron.
"Butik ang basa doon, hindi butiki." Pagtatama ko sa kanya.
"Alam ko, nagbibiro lang naman! Hindi man lang ako suportahan. Ano bang gagawin natin do'n, ha?" Tanong niya pa.
"Siguro kakain," pilosopong sagot ko.
"Alam niyo, magsama kayo! Pareho kayong mga sarkastiko, hmp!" Nagtatampong saad nito at walang pasabi na nanguna na sa paglalakad, hindi ko na hinintay pang gumalaw ang katabi ko kaya agad na akong sumunod kay Jennifer.
Nang makapasok na ako sa entrance ng boutique ay agad na naagaw ang atensyon ng isang gown. Hindi ko napigilan ang mga paa kong humakbang papalapit dito at mas pinagmasdan 'yon ng maigi.
"Wow.." 
"Ang ganda 'no?" Rinig kong tanong ng kung sino sa gilid ko.
"Hmm, ang ganda nga, gusto ko ganyan ang isusuot ko kapag ikinasal ako," natutuwang sambit ko habang nasa gown pa rin ang atensyon ko at mangha itong pinagmamasdan.
"Masusuot mo rin 'yan." Sagot muli ng kung sino sa tabi ko.
"Sana nga," pagtugon ko.
Napatingin naman ako sa kausap ko, pero laking gulat ko nang makitang si Tyron pala ito. Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso ko kaya naman dali-dali akong tumalikod sa kanya.
"Doon muna ako." Paalam ko at hindi na nagdalawang isip pa na umalis agad sa harapan niya. 
Tss, ang lakas naman ng loob niyang kausapin ako na para bang ang ganda ganda nang trato niya sa akin noon. Ano 'to, pakitang tao, porke ang alam niya ay nakakalimot ako ay bigla siyang mag-iinakto na mabait sa harapan ko? Baka biglang palitan niya na si hudas sa galing niyang magpakitang tao, ah.
Saglit ko pang binalingan ng tingin ang direksyon niya, surprisingly ay maroon pa rin siya nakatayo ngunit nasa gown pa rin ang tingin. Maya maya lang rin ay bigla siyang nagtawag ng sales lady at tinuro 'yung gown. 
Baka bibilhin niya. Balak niyang pakasalan si Hannah, 'di ba? Edi great, para never niya nang guluhin ang buhay ko. 
"Ara! Tignan mo 'to! Ang ganda!" Natinag ako nang bigla na lang sumulpot si Jennifer sa harapan ko habang may hawak na kung ano mang T-shirt na puti. 
"Ano naman 'yan?" Nakangiwing taong ko.
"T-shirt, ano pa ba! Duh! Ang cute kaya, tignan mo. Bagay sa inyo 'to ni Tyron, ito sayo." Sabi niya, sabay bigay sa akin ng t-shirt na may nakasulat sa likod.
"He's my property?" Nakakunot ang noong basa ko. Ang corny.
"She's my property," rinig kong basa ni Tyron nang makalapit siya at kunin ang isang pares na t-shirt na para sa manya, pasimple ko naman siyang sinulyapan at talagang nahuli ko pa siyang nakangiti, dahilan para mapasinghal ako at mabilis na mag-init ang dugo ko.
'Anong nginingiti-ngiti niya? May nakakatuwa ba dito?'
"Bagay nga samin 'to." Tatango tangong sagot niya na nagpakunot ng noo ko. Excuse me? Bagay? Nanaginip ba siya ng gising? Fuck off, you're out of my league now, asshole.
"Pero mas bagay kami." Mahinang dugtong niya, pero sapat na para marinig ko, dahilan para lalong magkasalubong ang kilay ko habang bahagyang nakaawang ang bibig ko.
Kailan pa naging ganyan ang ugali niya? Nasaan 'yung dati niyang mga tinginan sa akin na halos patayin na ako sa sobrang talim? Nawala bigla? Saan napunta? Kinain ng pride niya? Ah, baka naman natauhan at naguilty. Lol, it won't work for me anymore.
"Doon muna 'ko," halatang nagpipigil siya ng tawa nang sinabi niya 'yun. I rolled my eyes, akala niya ba natuwa ako? Kumukulo ang dugo ko sa kanya baka hindi niya alam. Nakakasuya ang pagiging plastic niya.
"Ihh!! Kyaaaaaaaaaaah! Omg, omg! Kyaaaaaaaah!! Shit, shit, shit! Narinig mo ba 'yun, Ara huh?! Narinig mo ba? Mas bagay daw kayo, yieeeeee! Mahihimatay ako, omayghad! Whoooo!" Parang tangang kinikilig na sigaw ni espren, habang pinapaypay pa 'yung kamay niya sa mukha niya.
"Manahimik ka nga," walang ganang saad ko. Akala ko ba kakampi ko 'to? Siya pa nga nagpupumilit sa akin noon na hiwalayan ko na si Tyron, 'di ba? Bakit biglang kinilig 'to? Na-brainwash ng isa diyan?
Saglit namang natahimik si Jennifer nang makita niyang hindi ako natuwa at seryoso lang ang mukha ko. 
"Ang kj mo naman, amina nga 'yang shirt, babayaran ko na 'to!" Sabi nito at inagaw sa'kin ang damit, pero halata sa tono ng pananalita niya ang hiya. Maybe she realizes na hindi na tulad ng saya ang nararamdaman ko para kay Tyron. Nag-iba na, nawala na. At hindi na mababalik pa.
"Ang ganda pa naman nitong t-shirt," saad niya pa habang sinusukat din.
"Sayo na," sambit ko.
"Anong sa akin. Sayo 'to, sa inyong dalawa ni Tyron. Huwag kang tumanggi, minsan lang ako magbigay!" Nakasimangot na sambit niya. Hindi na lang ako nagsalita dahil nakikiramdam ako sa kilos ni Jennifer.
May pinaplano ba ang babaeng 'to?
Ilang minuto lang rin ay nakita ko na silang dalawa na may dala-dalang paper bag na kagagaling lang sa counter.
"Asan ang binili mo?" Tanong sakin ni Jennifer. Tinignan ko naman ang kamay ko.
"May nakikita ka bang hawak ko? Wala, hindi ba?" Tanong ko.
"Ano? Ikaw ang nag-aya dito, tapos wala ka naman pa lang bibilhin!" Sigaw nito sa akin, kahit kailan talaga ang babaeng 'to.
"Birthday mo naman ngayon. Kaya sige, ito na ang regalo ko sa'yo. Ikaw naman, Tyron. Ito sa'yo!" Sabi niya, habang binibigyan kami ng tig-isang paper bag.
"It's not my birthday," sabi ni Tyron.
"Hindi ba pwedeng bigay lang? Kailangan kapag binigyan ka ng gamit, birthday mo na?" Sigaw ni Jenn, hindi ba 'to makapagsalita ng hindi sumisigaw?
"Ito na 'yun? Ito na 'yung regalo mo? Isang pirasong damit?" Pagrereklamo ko.
"Aba, buti nga meron, eh! Ayaw mo? Ayaw mo? Sige, amina ulit!" Akmang babawiin niya 'yung paper bag ng itaas ko 'to.
"Biro lang, maganda naman eh." Sabi ko, habang tinitignan 'yung T-shirt na may he's my property sa likod, psh!
"Oh, diba? Ang ganda?" Natutuwang tanong pa nito.
"Oo, ang ganda. Ang ganda gawing basahan, pwede ko 'tong ilagay sa harap ng pinto ng kwarto ko, para kahit papaano may pagpupunasan ako ng paa," sabi ko, habang tumatango.
"Pftt!" Narinig kong pigil na pagtawa ni Tyron.
"Ano?! Grabe ka! Akin na nga 'yan, hindi ka marunong mag appreciate ng maliit na bagay!" Asar na sabi nito.
"Biro lang, maganda nga! Oh, ito na. Itatago ko na!" Sabi ko pa, habang binabalik sa paper bag. As if naman na may balak akong suotin 'to. 
"Saan na tayo?" Tanong ni Tyron.
"Nauuhaw na 'ko," nakasimangot na sabi ni Jennifer.
Naglakad na kami papalabas ng store at naghanap ng pwedeng mabilihan ng drinks.
"Miss, three large ice tea po," sabi ni Tyrron sa sales lady.
"135 po lahat," saad nung tindera, kumuha naman kami isa-isa.
"Uy, may show dun sa stage oh, tara dali!" Pag-aaya ni Jennifer, kaya naman pumunta kami don.
Masiyadong maraming tao, kaya nakipagsiksikan na lang kami.
"Babe, akala ko ba tayo lang?" Tanong nung bakla sa lalaki. Ay, infairness gwapo si kuya ha.
"Pero, bakit? Bakit umupo ka?" 
"HAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHHAHAHAHAHAHHAHA!" Malakas na tawanan ng madla.
Ano daw? Akala ko ba, tayo lang? Pero bakit umupo ka?
"Hahahaha, okay. Ang witty ah." Natatawang sambit ko, nang magets ko ito.
"Aray!" Daing ko nang maapakan ng kung sino ang paa ko.
"Aray naman-" napakunot ang noo ko, nang hindi ko nakita si Jennifer sa likod ko, hinanap ko naman si Tyron, pero wala din!
'Sht! Asan na sila?'
Nanlaki ang mata ko nang makita kong tumatakbo papalayo si espren, kaya sumigaw ako para tawagin ito.
"Jennifer!" Sigaw ko, habang nakikipagsiksikan sa mga tao. Pero imbis na makalabas ako, ay tinutulak ako ng mga tao papunta sa harap.
'Fuck!'
"W-wait! Jennifer, Tyron! H-hinatayin niyo 'ko- ano ba!" Nahihirapan akong lumabas, dahil parang sinasadya na nang mga tao na itulak ako sa harapan.
Wala na akong nagawa, nang mapunta na talaga ako sa harapan, as in sa harap!
"Hey, are you okay?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko, si kuyang pogi pala kanina sa show.
"Come here," iniabot niya ang kamay niya, kaya hinawakan ko naman 'yun at hinila ako paakyat sa stage.
Napatingin naman ako sa buong crowd, shit, andami pa lang tao!
"Excuse me." Sabi ni kuyang pogi, h-hala, teka! Iiwan niya akong magisa dito?
"Hala, kuya! Huwag mo 'kong iwan dito!" Pero huli na, nakaalis na siya, ngayon ako nalang magisa dito sa stage, shocks! Nakakahiya!
Nagulat naman ako nang biglang may tumugtog na kanta kung saan.
Shems! Ano pa bang ginagawa ko dito? Nakakahiya!  Baka may mag p-eperform na, tapos andito lang ako.
Andami pang nakatutok na camera, omayghad! Jennifer! Tyron! Asan na ba kayo!
Napatigil ako sa pakikipag-usap sa sarili ko sa isip, nang may marinig akong boses na nagpatayo ng balahibo ko.
"It's how you used to say I love you and I miss you," S-sino 'yon? Luminga linga ako para hanapin kung saan ba nanggaling ang boses na 'yon.
"It's how I pretend to love you then, When you wondered off the things we've done before. Now it's too late to turn back anymore." Eh? Hindi bakit parang binago 'yong lyrics sa una?
"You used to say I love you, you used to say I miss you. And now it's all gone. Are we fading away~" nanigas ako sa kinatatayuan ko nang biglang lumabas sa likod ng stage ang lalaking kumakanta ngayon.
Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang dahan-dahan itong naglalakad papalapit sa akin.
Kasabay ng malakas na hiyawan ng mga tao sa paligid ay sabay-sabay rin nilang itinaas ang kanilang mga kamay upang iwagayway at sumabay sa litrikong kinakananta ngayon ni TYRON sa harapan ko.
"Are you coming back into my arms to love me again? I love you, I miss you.. I need you now.. More than ever, more than words can say.." Nanikip ang dibdib ko nang hawakan niya ang kanang kamay ko at diretsong pinakatitigan ako sa mata.
"Woooooooh!"
"Omg!! Ang ganda ng boses ni kuya, sheeet nakakainloveee!!"
"Omg, girl! Sagutin mo na 'yan!" Rinig kong sigawan ng mga tao, pero hindi maalis-alis ang paningin ko sa lalaking kumakanta ngayon sa harapan ko.
Parang binambo ang dibdib ko sa sobrang kaba dahil sa mga lirikong binibitawan niya, para bang.. para bang tinatanong niya ako kung babalik pa ba ako sa kanya???
"I love you and I miss you.." Pabulong niyang kanta, dahilan para mas lalo pang umugong ang malalakas na hiyawan ng nga tao sa paligid. Damn it.
"It's how I pretend to love you then, that kept me thinkin' off the things we've done before. Now is it too late to turn back anymore.." Paulit-ulit niyang kinakanta 'yon na dumating pa sa punto na tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko dahil sa mga titig niya na para bang hinihigop ako.
Sobrang lungkot. Parang nagmamakaawa.. Humihingi ng tawad.. Nakakapagpabagabag.
'Ayoko nito! Bakit siya ganito!'
"You're all I ever wanted, And all I ever needed.. Even if you pretend, Please love me again.." Ang mga mata niyang nakikiusap ay hindi ko kinakaya kaya wala akong nagawa kundi yumuko.
Matapos niyang kumanta ay naramdaman kong muli niyang hinawakan ang kamay ko, kaya napa-angat ang tingin ko.
"Ciara Hilvano," banggit nito sa pangalan ko, nanlaki pa ang mga mata ko nang lumuhod siya sa harapan ko!
'Darn! Ano bang ginagawa niya?!?'
Hindi pa ako nakakarecover sa pagluhod niya nang biglang lumabas si Jennifer sa likod ng stage na mas ikinagulat ko, dahil may dala siyang boquet of flowers!
Mabilis niyang inabot 'yon kay Tyron at nagawa pang kindatan ako bago muling bumalik sa likod ng stage.
"Ciara Hilvano, my wife." Muling tawag pansin niya sa akin dahilan para muli nanamang magsigawan ang mga tao!
"Kyaaaaaaaah! Ang sweeeet!!"
"Omo! Sana lahaaat!" 
"Wife, can you give me one another chance?" Walang alinlangan niyang tanong na ikinaamang ng bibig ko. Hindi ko siya sinagot, bagkus, diretso ko lang siyang tinitigan sa mata na may naguguluhang tingin.
'Hindi ko siya maintindihan!'
Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko nang dahil sa kaba. Saglit pa akong pumikit para pakalmahin ang sarili ko.
'Hindi ka pwedeng magpadala sa ginagawa niya, Ara.

Bình Luận Sách (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất