logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 18 | the culprit

Tyron's pov 
"Beeeeeep!!- Boogsh!!"
"Hoy!" Nabigla ako nang batukan ako ng babaeng nasa tabi ko.
"Fuck! Ano ba? Masakit ah?!" Reklamo ko at sinamaan ako nito ng tingin.
"Ano? Naimagine mo na ang mangyayari sa'yo, oras na hindi ka pa magpahatid sa akin?" Tanong nito.
"Tara na kasi!" Pagpupumilit nito at agad akong hinila sa braso, napakamot na lang ako sa batok. Nang makarating na kami sa parking lot ay naalala ko 'yung kotse ko.
"Teka, teka! Paano 'yung kotse ko?" Tanong ko.
"Ako na lang ang maghahatid sa bahay niyo niyan. Tara na, sakay dali!" Sumakay naman na ako sa loob.
"Teka nga. Umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba sa akin? Tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
"Huh? 'Yan talaga ang naisip mo?" Nakangiwi niyang tanong.
"Tss, you're acting like one. Bakit ba madaling madali ka? Hindi naman aalis ang bahay ko." Naguguluhang tanong ko.
"Nag-aalala lang ako sa'yo, okay? Sige, kung ayaw mo. Bumaba ka na diyan. Mag-drive ka mag-isa mo, tapos magpakita ka sa mga taong gustong pumatay sa'yo, para tigok ka na." Sabi niya at hihilain sana ako palabas nang umurong ako sa dulo, para hindi niya ako maabot.
Kumunot naman ang noo niya sa inasta ko.
"Anong ginagawa mo? Bumaba ka na!" Utos niya.
"Biro lang 'yun, tara na. Inaantok na ako, gusto ko nang matulog," I made an excuse.
"Okay," sabi niya at sumakay na at saka pinaandar ito.
"Oo nga pala, Tyron. Sa linggo, huwag kang pupunta sa San Roque ah?" Paalala niya, napakunot na naman ang noo ko.
"Bakit na naman? Hindi pwede. May kikitain ako do'n, " pagrereklamo ko.
"Sino namang kikitain mo? Hindi ba pwedeng sa susunod ka na lang makipag kita do'n?" Tanong niya.
"H-hindi. In-order ko kasi yun. Bawal ipagpaliban, bakit ba?"
"Sa dami ng pagkikitaan, doon pa talaga? Sabihin mo, sa susunod na lang, kasi doon ka ata nila aabangan," sagot niya, hays bakit ba may ganito?
Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa bahay ni Hannah. Dito ako dumiretso, wala akong matatakbuhan ngayon at masasabihan ng problema kundi siya lang.
"Sige, una na ako. Hatid ko na lang 'yung kotse mo," sambit niya, napatango naman ako.
"Ingat," saad ko at pinaandar na ang sasakyan niya.
"Hannah?" Pagtatawag ko nang makapasok ako sa loob ng bahay, pero nagtakha ako dahil walang sumasagot.
"Hannah?" Pag-uulit ko, pero wala talagang sumasagot.
"Asan kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko. 
'Hays, kung kailan naman kailangan ko ng kausap doon pa siya nawala.'
Umakyat ako sa kwarto niya, pero wala rin siya. Pero bago ko pa masarado 'yung pinto niya, may isang bagay na nakapukaw ng atensyon ko.
Agad ko naman 'yun nilapitan.
"Hvo's dher will die?" Pagbabasa ko sa sulat, hindi ko mabasa ng maayos dahil may mga nakatusok na dart doon, at mas kinilabutan pa yata ako nang may mga nakapalibot na dugo dito. Hindi ko na rin makita ang mukha ng nasa litrato, dahil napalibutan na ito na dugo.
Kinilabutan naman ako nang dahil do'n, kay Hannah ba 'to?
"Magkita daw kayo sa San Roque, sabi niya." Agad akong nataranta nang may marinig akong boses mula sa labas ng kwarto.
'Shit! Baka makita ako!'
Naghanap naman agad ako ng mapagtataguan ko. Napalingon ako sa kama at agad na nagtago sa ilalim nun bago pa man bumukas ang pinto.
"Kailan daw?" Alam kong boses 'yun ni Hannah.
"Sa linggo daw," sagot naman no'ng lalaki, sumilip ako ng kaonti para makita kung sino ang kausap ni Hannah. Nagulat pa ako nang makitang naka-all black ito at may hawak na mask.
It's him.
Siya nga ang bumangga kay Ciara, pero mas lalo akong nagulat nang may hawak na kutsilyo si Hannah.
'Para saan 'yun?'
Nanlaki ang mata ko nang mahulog ang kutsilyo na hawak niya sa sahig. 
'Fuck, baka makita ako.'
Agad niya namang pinulot 'yun, pero saglit pa siyang natigilan kaya naman naitikom ko ang bibig ko para saglit na pigilan ang sariling huminga.
Tangina, bakit ba kasi dito pa ako pumunta?
"Wait, naamoy mo ba 'yon?" Rinig king tanong ni Hannah sa lalaki.
'Kasabwat ba si Hannah dito? Bakit magkakilala sila ng lalaki na ito?'
"Ang alin?" Tanong ng lalaki, nakita ko naman si Hannah na hinahanap ang amoy.
"Familiar ang pabango na 'yun," sabi niya, inamoy ko naman ang sarili ko at ako nga 'yon. Fuck!
"Ah sus, ako lang 'yun!" Sabi ng lalaki.
"Tse, ang baho baho mo! Tapos ikaw?" 
"Dito 'yun eh," naramdaman kong palapit na siya dito sa kama, mas lalo pa akong kinabahan nang iaangat niya na sana ang nakaharang na sapin, pero-
"Ma'am, ito na po 'yung cake na pina-order niyo." Narinig ko ang pagbukas ng pinto at yabag ng paa na pumasok.
"Oh, great! Andito na 'yung cake!" Bahagya akong sumilip at tinignan iyung cake na inabot kay Hannah. Dalawa 'yun, isang maliit at isang malaking box, una niyang binuksan ay ang maliit.
'Sa cake niya pala gagamitin 'yung kutsilyo.'
"Ay, manang paki lagay muna 'to sa refrigerator, dadalhin ko 'yan bukas kila Ciara!" Nakangiting sabi nito habang inaabot ang Cake pabalik.
'A-ano, sa'min? Bakit?'
"Tomorrow is Ciara's birthday, gosh! Buti na lang talaga at nag-online ako kanina sa fb. Niremind na birthday niya. Aish! Hindi pa naman ako nakakabili ng gift, nakakainis!" Pagmamaktol niya at lumabas na.
'Birthday ni Ciara bukas?'
Saglit ko namang inalala ang date ngayon at bahagya pang napaawang ang labi ko nang last day na pala ngayon ng march at bukas first daw ng April ang birthday niya.
Pero.. why Hannah looks so fine right now? As far as I remember, she's now close to Ciara. So close that I find out she's secretly visiting our house whenever I'm not there just to be with Ciara.
Hindi niya ba alam ang nangyari kay Ciara? Does she even have any idea na ang lalaking kausap at kaharap niya ay ang taong gumawa no'n kay Ciara?
Umangat ang tingin ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Senyales na lumabas na silang lahat dahil wala na rin akong naririnig na ingay, kaya naman nagmadali akong gumapang palabas sa ilalim ng kama. Pinahid ko pa ang noo nang maramdaman kong tumagaktak ang pawis ko mula roon.
"Kuya! 'Yung bag ko pala, nakalimutan ko sa 'room. Pakikuha naman, nasa kama lang!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang hiyaw ni Hannah.
Shit.
Agad ko namang nilinga ang paningin ko at hindi na nag-atubiling tumakbo at tumalon sa bukas na bintana nang mahagilap ko iyun. Tutal ay hindi naman gaanong kataas iyun ay maayos akong bumagsak sa lupa pagkatalon ko.
Pero kinabahan ako nang, "hoy, sino ka! Bumalik ka dito!" Narinig kong sigaw nung lalaki, pero hindi ako tanga para lumingon pa dahil mas nagmadali pa akong tumakbo at agad na pumara ng taxi.
"Manong, bilis!" Pagmamadali ko nang makasakay ako sa taxi na saktong dumaan sa harapan ko pagkabagsak ko kanina sa lupa.
"Ayun, ayun siya nasa taxi!" Agad naman akong yumuko nang makita kong lumabas sila sa bahay at akmang hahabulin pa itong sinasakyan ko nang mabilis na pinaandar ni manong ang taxi niya, dahilan para makahinga ako nang maluwag dahil mabilis lang kaming nakalayo mula sa kanila.
Ciara's pov 
"Anak, dito ka muna mag-stay, para naman maka bawi kami sa'yo." Nakangiting sabi ni daddy nang napag-planuhan nilang isama ako dito sa bahay at hindi ako pinauwi doon sa bahay namin ni Tyron.
Bakit ako uuwi doon? Hindi ko nga siya kilala, hindi ba.
"Unti-onti naming ipapaalala sayo ang lahat," sambit pa nito, kaya ngumiti na lang ako ng pilit.
Hindi niyo kailangan ipaalala ang alaalang hindi na maaalis sa utak ko kailanman.
Hindi ko na sila binigyang pansin at inilibot na lang ang paningin ko. Namiss ko itong bahay kung saan ako mismo lumaki.
"Maiwan ka muna namin, anak. Sige lang, maglibot ka muna. Maybe you could remember something from the past, dahil punong-puno ng memories mo ang bahay na ito." Nakangiting saad ni mommy, tumango na lang ako bilang tugon.
Nang makaalis sila ay naglibot-libot muna ako. At saka ko na-isipang pumunta sa dati kong kwarto sa itaas.
Nang makaakyat ako at makapasok sa kwarto ko ay pinagmasdan ko ito. Napangiti ako dahil gano'n pa rin ang itsura, wala silang pinakialaman sa mga gamit ko.
Naglakad ako papunta sa kama ko at ibinagsak ang pagod kong katawan roon. Nanatili akong nasa ganoong pwesto at ninanamnam ang sarap sa pakiramdam na hindi ko na kailangan pang mag-alala sa mga susunod pang araw kakaisip kung anong mangyayari sa akin, dahil sa pagkakataon na ito ay hinayaan ko nang makawala ang sarili ko mula sa kadiliman.
"Ciara, anak." Napalingon naman ako sa pintuan nang sumulpot doon si mommy.
"Andiyan ka lang pala, halika muna."
"Bakit po?" Tanong ko, hinawakan niya naman ako sa kamay para isama sa baba.
"Choose the gown you want to wear." Napakunot naman ang noo ko nang makitang may mga gown ang nakahilera sa harapan ko.
'Para saan ang mga 'yan?'
"Ano pong gagawin ko diyan?" Tanong ko.
"It's your special day tomorrow," nakangiting sagot nito.
"It's your birthday. I know you won't remember, kaya pinapaalala ko na. Ilang years ka na ring hindi nag c-celebrate ng birthday mo, kaya naman we'll take this opportunity para ma-enjoy mo naman ang araw mo."
"Anong date po ba ngayon?" tanong ko.
"It's March 31 today and bukas ay April 1, your day. You're now turning 21." Nakangiting sambit niya.
'Oo nga 'no? Birthday ko na bukas.'
Sa sobrang dami ba naman ng nangyari sa akin, pati birthday ko ay nakalimutan ko na.
"Pumili ka na anak, kasi maglilista pa tayo ng mga gusto mong imbitahin bukas," napangiti na lang ako, dahil ngayon na lang ulit talaga ako mag c-celebrate. Simula kasi noong ikasal kami ni Tyron, kapag dumadaan ang birthday ko, wala namang ganap. Parati lang akong nasa kuwarto at nagkukulong. Minsan nga ay hindi ko naaalalang birthday ko pala.
Ganoon kalungkot ang buhay ko.
"Anong oras po ba ang party?" Tanong ko.
"Five pm ang ilalagay natin, para six or seven pm ay makapag-umpisa na, kasi alam mo naman ang iba, late na kung dumating."
"So, may napili ka na?" Tanong nito.
Isang gown lang naman ang nakapukaw ng atensyon ko.
"Ito pong kulay pula," turo ko. 
"Nice, magaling kang pumili." Nakangiting saad nito.
"Ito nga pala 'yung listahan anak, and ilista mo na lang diyan 'yung mga pangalan na gusto mong imbitahin, syempre 'yung mga naalala mo lang if ever man na meron, pero kung wala just tell me." Sabi ni mom.
"And ako, sa online ko na lang i-m-message yung mga Tita at pinsan mo, okay?" Sabi pa nito.
"Ah, Mom. A-ano po palang pangalan nung lalaki na pumunta kanina sa hospital?" Kunyaring tanong ko.
Mamaya magtaka si mommy kung bakit nalista ko 'yung pangalan ni Tyron, hindi ko nga kilala dapat, 'di ba?
"Tyron Collins, anak." Sagot niya, napatango naman ako.
"Don't worry, invited na talaga siya, pati na rin ang mommy niya na uuwi pa galing canada, hindi ko lang sure kung makakapunta talaga 'yung parents niya. Busy na lasi ngayon ang mga 'yun sa bago nilang business." Nakangiting sagot nito, kaya tumango na lang ako, hindi ko naman tinatanong.
Nang dahil sa business na 'yan, nagkanda-sira sira ang buhay ko. Bakit ba kasi naimbento pa ang salitang arrange marriage.
Nagsimula naman na akong maglista ng pangalan na iilan lang. Nang matapos akong maglista ay pinuntahan ko na si mommy sa kwarto niya.
"You're done?"
"Yes po, ito po ang listahan. Mga kaklase ko po ang iba." Saad ko habang inaabot sakanya, tinignan niya naman iyon.
"Kaklase mo rin ba si Hannah Soriano?" Tanong ni mommy.
"Kaibigan ko po," nakangiting sagot ko, kaya tumango na lang siya.
"Inaantok ka na ba?" Tanong nito, tumango naman ako.
"Sige na, matulog ka na. Magpapaparlor ka pa bukas." Nanlaki naman ang mata ko.
'Parlor pa?!'
Wala naman akong nagawa kaya tumango na lang din kahit hindi naman ako sanay sa mga ganoong baga. Bumalik na ako sa kwarto ko at binagsak muli ang katawan ko sa kama.
Nakakapagod ang araw na ito kahit wala naman akong masiyadong ginawa.
Kinabukasan
"Anak, gising na!" 
"Time to wake up! It's already 7 in the morning." Napa-iwas ako ng tingin sa bintana nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
"Hmm.." ungol ko.
"Darling, tumayo ka na diyan. On the way na dito si Tyron. Ikaw patayo pa lang diyan," napabangon naman agad ako sa kinahihigaan ko at nanlalaki ang mata na napatingin kay mommy nang sabihin niya 'yun.
"Po?! Ano pong gagawin niya dito?" Tanong ko, naupo naman si mommy sa tabi ko.
"Sinabi kong samahan ka niyang magpaayos and mag shopping kayo habang hinihintay na dumating ang mga bisita mo, para hindi ka mabored dito." Paliwanag ni mommy.
"Akala ko ba, kayo po ang sasama sa akin?" Tanong ko.
"Hindi pwede anak, dahil inaasikaso namin ang mga pagkain, tsaka 'yung mga bisita mong maagang dadating, mga Tita mo," sagot nito.
"Pero bakit si Tyron pa po? Pwede namang si Jennifer na lang," nakasimangot na sabi ko.
"Edi isama mo, pero kailangan niyo pa ring kasama si Tyron, para safe kayo. Maganda nang may kasamang lalaki," sabi ni mommy.
"Sige na, maligo ka na. Mamaya andito na si Tyron, tatawagan ko na lang si Jennifer,"
"Opo," sagot ko at tumayo na, kinuha ko naman agad ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo.
Bakit ba kailangan pang kasama ang lalaking yon?

Bình Luận Sách (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất