logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 17 | I can do it

Ciara's pov
"Hoy, ayos ka lang ba?"
"Anong sino siya? Ano ka? May amnesia?" Nakangiwing tanong ni Jennifer, pero dahil sa tanong niya ay mas nagkaroon ako ng magandang ideya para ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Inosente kong tinignan si Jennifer sa mata. "Hindi ko talaga siya kilala, sino ba 'yan? Kaibigan mo?" Nag-aamang-amangang banggit ko kay Tyron na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin. Hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.
Gusto kong matawa, ginagago niya ba ako? Bakit ganyan siya kung mag-react? Hindi ba't ito naman 'yung gusto niya? O, ito na, lumalayo na ako sa'yo, ha. Baka naman kasalanan ko pa rin na lumayo na sayo? Bibilib na talaga ako sa utak mo.
Kinunutan lang ako ng noo ni Jennifer na para bang nagtataka siya sa inaasta ko ngayon.
"Saka, sila? Sino sila?" Baling ko rin sa mga magulang ko. Nagsimula namang maging emosyonal si mommy at hindi napigilang maiyak.
Psh, nakakatawa. Kung kailan ako nakapag desisyon na kalimutan sila ay doon lang nila napansin ang halaga ko. Wow.
"Ara.." Inosente kong binalingan ng tingin si Jennifer.
"M-magulang mo sila.."
"Hindi ba, patay na ang mga magulang ko?" Kunyaring nagtatakhang tanong ko.
Narinig kong mas lalo pang lumakas ang hagulgol ni mommy, sumasakit ang dibdib ko dahil sa nakikita ko. Pero ayoko nang maging malambot, ako na lang palagi ang talo. Sa ngayon ay gusto ko namang piliin ang sarili ko. Gusto kong bumawi sa sarili ko. Ayoko nang magpatalo, lagi na lang.
"S-sweety n-nakalimutan niya na pati tayo," umiiyak na sambit ni mommy, dahilan para yakapin siya ni daddy.
"Wala kaming magagawa kung hindi mo kami maalala anak, dahil alam naming hindi rin naman kami naging mabuting magulang sa'yo."
"C-ciara," nangingibabaw ang gumagaralgal na boses ni Tyron, kaya nilingon ko ang kinaroroonan niya.
"N-nakalimutan mo na ba talaga ako?" Diretso ko siyang tinitigan sa mata at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Gusto kong matuwa at maiyak, dahil ngayon ko lang nakita na ganito siya, nang ako naman ang dahilan.
'Pero bakit ngayon pa? Ngayon pang kakalimutan na kita?'
"Hindi kita nakalimutan.." Sagot ko na ikinaliwanag ng mukha niya.
"Dahil hindi naman kita kilala," dagdag ko, dahilan para tuluyang bumagsak ang mga balikat niya.
Sinundan ko ang paglalakad niya papaupo sa gilid ng kama ko, kitang-kita ko ang mga nangingilid niyang luha at pagkibot ng labi niya, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
Hinayaan ko siyang hawakan ang mga kamay ko na nagbigay kuryente sa buong katawan ko. Gustong gusto ko siyang yakapin pero nagmamatigas ang puso ko.
'Bakit ngayon lang, Tyron?'
"I-It's me.. Tyron, your.. husband-" hindi niya na tinapos ang sinasabi niya dahil alam kong kahit anong oras ay babagsak na ang mga luha niya.
Wow, just wow! For the first time in his entire life, he finally claim na asawa niya ako!
Hindi ko mapigilang matawa pero naroon pa rin ang pait.
"Nagbibiro ka ba? Paano naman mangyayari 'yun, e ang bata ko pa," hindi ko napigilan ang maging sarkastiko, dahilan para mabitawan niya ang kamay ko at mapayuko dahil sa hiya.
Namutawi ang katahimikan sa apat na sulok ng kwarto sa hospital na ito, walang nag-lakas loob na magsalita at lahat sila ay nakayuko lang.
"A-ah.. Tita, Tito, Tyron, kakausapin ko po muna si Ciara." Pagbabasag ni Jennifer sa katahimikan at gusto ko siyang pasalamatan dahil sa wakas ay makakahinga na ako ng maluwag.
Nang lahat sila ay makalabas at natira si Jennifer na isinasara ang pinto ay doon ko lamang nailabas ang hinanakit ko, hindi ko na napigilan pang bumagsak ang mga luha ko dahil sa pait na nararamdaman ko.
"Ara!" Naramdaman ko ang mabilis na paglapit ni Jennifer sa kinaroroonan ko at ang mahigpit niyang yakap na bumalot sa katawan ko.
"Ara.. ano bang nangyari sayo? Bakit nagkaganito?" Hindi niya maitago ang pag-aalala sa boses niya kaya pinahid ko ang mga luha ko.
"B-bakit naging ganon ang akto mo? Papaanong nagka-amnesia ka?" Sunod-sunod na tanong niya pero hikbi lang ang isinagot ko sakanya.
"Bakit ganon, Jennifer? Kung kailan sumuko na ako ay doon lang nila nakikita ang halaga ko?" Humihikbing tanong ko. Bahagyang lumayo sa akin si Jennifer at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
Kitang kita ko ang taka sa reaksyon niya at ang pagkakasalubong ng dalawang kilay niya.
"Ibig sabihin.. h-hindi totoong?- omayghad!" Napayuko nalang ako nang masapo niya ang sariling noo at napailing iling dahil hindi siya makapaniwala sa naiisip niya.
"Nagpapanggap ka lang?" Kunot noong tanong niya na ikinatango ko.
"Gosh! Alam mo ba 'yang ginagawa mo?" Hindi ko siya nasagot dahil hindi ko rin talaga alam ang ginagawa ko.
"P-pero 'yun lang ang paraan-"
"Paraan saan? Para matakasan ang problema mo?"
"H-hindi.."
"Myghad, Ara! Naiintindihan kong galit at nasasaktan ka, dahil ganoon din naman ang nararamdaman ko! Galit rin ako sa kanila, dahil hindi nila iniisip yung kapakanan mo nung mga panahong kailangan mo sila, pero bakit naman ganito?"
"Ano bang gusto mong gawin ko? Magtatalon ako sa tuwa dahil sa wakas ay napansin na nila ako?" Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha ko at ang kirot sa puso ko.
Hindi siya nakasagot, bagkus, nagpakawala lang ng isang mabigat na buntung-hininga.
"Hindi ko kasi talaga sila maintindihan, kung bakit ngayon lang? Ngayon lang sila nagkaroon ng pakialam kung kailan lang may nangyari sa akin. Noong kailangan ko sila, nasaan sila? Pinagtatabuyan at kinamumuhian ako. Tapos ngayong nag-agaw buhay ako, don lang sila aaktong may pakialam sa akin? Ha, Nakakatawa!"
"Pero sana manlang nagawang mong mag-pasalamat sa tao. Alam mo bang walang tulog si Tyron kakabantay sayo buong magdamag? Kung meron man, siguro paputol putol ma-check lang ang kalagayan mo. Umaasang gigising ka. Sa ginawa niyang 'yun.. medyo humupa at nalusaw ang namumuong galit ko sa kanya. Nakakatawa lang dahil nung una ay napagsalitaan ko siya ng masama, siya 'yung sinisisi ko kung bakit ka humantong sa ganito, kahit totoo naman. Pero.. lingid sa kaalaman ko na siya pala ang magliligtas sayo sa binggit ng kamatayan." Pinahid niya ang luhang tumulo sa mga mata niya, hindi ko nagawang mag-react dahil parang kumikirot na naman ang dibdib ko.
"Ginawa niya ang lahat ng paraan para lang maligtas ka. Alam mo bang narinig naming may sumabog dito sa kwarto mo? Hindi manlang kami makapasok dahil nilock ni Tyron 'yung pinto, kung makikita mo lang siya nung mga oras na 'yon.. grabe, nakakaawa talaga yung itsura niya, paulit-ulit niyang pina-pump yung dibdib mo, rinig na rinig namin yung sigaw at hagulgol niya. Mahahawa ka talaga sa pag-iyak niya kasi mararamdaman mo yung lungkot at sakit na pinagdadaanan niya habang pilit na ginigising ka. Alam mo yung.. Galit ka pero natutuwa ka dahil hindi ka talaga niya maiwan, hindi niya binbuksan yung pinto hanggat hindi ka nagigising sa pagkakahiga mo diyan."
"Matapos mong maligtas no'n, ramdam na ramdam ko yung saya niya habang kinukwento niya sa akin kung paano kang nagising, kahit ako ay bumibilib sa kanya, dahil wala na talagang available na mga doctor at nurse nung mga oras na 'yun. Psh! Ang akala niya pa daw talaga ay tuluyan ka nang mawawala, buti na lang daw talaga pinagbigyan siya ni Lord na buhayin ka. Pero hindi na raw siya magtataka kung isang araw mawala na lang siya bigla." Kumurba ang mapait na ngiti sa labi niya, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"B-bakit?" Kabadong tanong ko, tinignan niya lang ako sa mata at sinuklian ng pilit na ngiti.
"Dahil sa huling pagkakataon.. hiniling niya na bumalik ang buhay mo, kapalit ng buhay niya." Muling nangilid ang mga luha ko at ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
"Tapos.. pagkagising mo, malalaman niya na lang na hindi ka na niya kilala. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yin?" Hindi ko siya sinagot, bagkus, ibinaling ko ang paningin ko sa bintana, kung saan alam kong makikita ko siya sa labas.
Saglit pa akong natigilan nang makita kong nakatingin rin siya sa akin, at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit nakakurba pa ang ngiti sa labi niya.
Hindi ko na namalayang nakatayo na pala siya habang kausap sila mom and dad. Saglit pa siyang sumulyap sa gawi ko bago ako bigyan ng isang pilit na ngiti at tuluyan nang talikuran.
"Hindi ko alam kung makikita mo pa siya, pero ito na 'yung last chance na binigay sa kanya nila Tita para makalapit sayo. Tapos na ang lahat, kaya malamang.. aalis na rin siya." Hindi ko tinignan si Jennifer at sinundan lang ang pag-alis ni Tyron.
"Nalaman na nila Tita ang lahat, dahil hindi ako makampante na galit sila sayo nang hindi nalalaman ang totoo. Kaya ayun, nung nalaman nila 'yung lahat nang ginawa sayo ni Tyron, pinalayo siya sa'yo." Narinig kong bumuntong hininga si Jennifer. Ramdam kong nasasaktan ang puso ko pero hindi dahil sa sinabi ni Jennifer. Hindi ko alam pero parang wala naman akong nararamdaman na guilt para kay Tyron o awa manlang. Hindi ko maramdaman ang sarili ko na gustuhin siyang habulin at yakapin.
Dahil ganoon ako, ganoon ang totoong Ciara. Pero ngayon ay ibang-iba. Wala akong maramdaman. At 'yung sakit na nasa puso ko ngayon? Siguro ito 'yung sakit dahil nagsisisi akong hinayaan ko ang sarili kong maranasan ang lahat nang ito. Nasasaktan ako para sa sarili ko at wala nang iba.
"Wala akong pagsasabihin sa pakunyaring-amnesia mo, pero sana, mapanindigan mo." Napalingon ako sa gawi ni Jennifer nang magsalita ito, pero ang paningin niya ay wala sa akin.
Tyron's pov
Nagpaalam na ako kila Tita na uuwi na ako dahil napipikit na 'yung mga mata ko. Inaaantok na talaga ako, pagod na rin 'yung katawan ko. Tapos na rin naman 'yung oras nang pakiusap ko sa kanila. Masaya at kontento na akong nakitang buhay siya at ligtas.
Ito na siguro ang tamang pagkakataong para ilihis ko na ang landas ko sa kanya. Hindi ko maramdaman ang sarili ko ngayon, hindi ko alam kung ako pa ba ito. Dahil puro pagisisisi ang nangingibabaw sa buong sistema ko.
"Tyron! Buti naman at naabutan kita!" Nagulat ako nang biglang may babaeng lumapit sa akin habang humahangos pa, halatang kagagaling lang sa pagtakbo dahil tagaktak rin ang pawis nito.
Takha ko naman siyang pinasadahan ng tingin.
"Kailangan mo nang umalis!" Nagkasalubong ang dalawang kilay ko nang dahil sa pinagsasabi niya.
"I'm about to do that kung hindi mo lang ako hinara," walang ganang sagot ko. Feeling so drained and tired.
"Who are you?"
"K-kaibigan ako ni Jennifer na kaibigan ni Ciara," sagot nito habang hinihingal pa rin.
"Kilala ko na rin kung sino 'yung bumunggo kay Ciara kagabi." Lalo pang nagkasalubong ang dalawa kong kilay dahil sa taka.
"How did you know about that?" Naguguluhang tanong ko.
"Dahil nandoon rin ako kagabi," sagot niya na ikinahinto ko.
"Nakita ko ang lahat dahil sinusundan ko ang taong 'yun."
"Yung lalaking may gawa no'n kay Ciara?" Tumango siya. My lips loosen. So she knows who the fuck is that bastard?
"Agent ako at may nag-utos sa akin na sundan ang mga taong 'yun. Nagulat pa nga ako nang malaman ko na si Ciara pala ang puntirya nila," kunot noong sambit niya.
"You know who that person is?" Kabadong tanong ko, tinutukoy iyung taong sinusundan niya raw na siya ring nang hit and run kagabi kay Ciara. Tumango naman ito dahilan para mapaayos ako ng tayo.
"Who is he?"
"Si Kervy Soriano." Nang sabihin niya 'yun ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagsimulang manghina ang mga tuhod ko nang marinig ko ang apelyido nito.
'Soriano.. Kaano-ano niya si Hannah? Hannah Soriano? Mali naman siguro ang iniisip ko, hindi ba?'
"Kilala mo ba si Hannah Soriano?" Kinakabahan kong tanong, napailing naman agad siya. Hindi ito maaari, sana lang ay mali ang iniisip ko. Masiyadong imposible. She's to good para masabwat sa mga ganoong klase ng pangyayari.
"Hindi, eh. Ang alam ko ay dalawa lang silang magkapatid. Siya at 'yung babae, si Shaira Soriano," sagot niya, dahilan para makahinga ako ng maluwag.
"Pero bakit mo ako pinapaalis?" Takhang tanong ko.
"Dahil ikaw na ang susunod na target nila," seryosong tugon niya na ikinatigil ko.
"What? Ako?"
'Bakit ako?'
"Anong ako? Bakit ako?! Anong kinalaman ko diyan?" Naguguluhang tanong ko.
"Narinig ko sa usapan nila na papatumbahin ka daw nila, sayo ata maghihiganti, dahil sa ginawa ng magulang mo." Tugon niya pa na lalo kong ikinataka.
"Papatumbahin? Maghihiganti? Magulang? What the fuck are you talking about? Wala akong maalalang may ginawa ang mga magulang ko. Aish, ano ba? Alam mo? Uuwi na ako, pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga," saad ko at akmang aalis na nang pigilan niya 'ko.
"Ihahatid na kita, mamaya madisgrasya ka pa. Inaantok ka na."
"No need. I can handle.
"Paano kung mabangga ka?"
"I said, I can do it."
Napahikab ako habang nag d-drive pauwi, nararamdaman kong napipikit na rin ang mata ko.
Sinubukan kong mag-focus lang sa daan, pero sadyang gusto nang pumikit ng mga mata ko, isabay mo pa 'yung pagod ng katawan ko.
Hindi ko mapigilang mapikit, pero sinusubukan ko namang ibukas. Pero napipikit na talaga ko..
"Beeeeeepp!!-- Bogssh!!"

Bình Luận Sách (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất