logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 16 | Save her

TW: There will be some unpredictable scenes and/or alternative happenings in real life.
Raiza's pov
Lumingon lingon muna ako sa paligid para masiguradong walang nakakakita sa akin sa ginagawa ko.
Agad akong nagtago sa may halamanan nang pumasok na sa building 'yong lalaking noong isang araw ko pang sinusundan.
Sinubukan kong silipin ang tao sa loob at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang mga ito.
"Sinasabi na nga ba, ikaw ang may kapakanan ng lahat nang ito." Sambit ko nang makita kung sino ang kausap ng lalaking sumagasa kay Ciara.
'Oo, nakita ko na siya ang gumawa niyon kagabi. Kagagaling niya lang din sa hospital ngayon na sa tingin ko ay si Ciara din ang pakay niya do'n.
"Mukhang hindi na mabubuhay 'yon, boss." Natutuwa pang saad no'ng lalaki.
'Ang sama talaga ng ugali niya!'
"Asan na siya ngayon?" Tanong ni Soriano habang nakakurba ang ngisi sa labi.
Gusto ko siyang sugurin ngayon. Ang akala ko ay mabait siya, dahil itinuring ko siya na parang kapatid noong magkasama pa kami sa pagiging agent sa hongkong.
'Kaya ka pala nag-quit, dahil may pinagkakaabalahan ka ng iba.'
"Sa ngayon ay nasa hospital na siya, boss. Dinala na nung asawa niya at ngayon na ata nagdudusa ang gago." Humagalpak ito ng tawa, naikuyom ko ang mga kamao ko dahil traydor sila.
"Isa pang goodnews, Boss. Bilang nalang ang oras nung babae, siguro ay sampung oras kailangan magising. Ang kaso may sakit daw sa puso kaya ayon, mukhang hindi na nga talaga magigising hahaha." Natatawang saad pa nito.
'May sakit sa puso si Ciara?'
Gusto ko nang saksakin itong lalaki sa likod niya, nagawa niya pa talagang tawanan 'yung tao. Bwiset siya!
"Good to hear that. By the way, tandaan mo ito. Sa linggo, may kikitain tayo sa San Roque, may trabaho pa tayong kailangang tapusin." Nakangising sambit ni Soriano.
'Linggo? Hindi ba't friday ngayon?'
"May papatumbahin tayo, unti-onti natin siyang pahihirapan tulad nang ginawa ng mga magulang niya sa magulang namin." Nakangisi na naman niyang sambit.
'Sino ang tinutukoy niya?'
"Wala ka nang ginawang tama." Napakunot ang noo ko nang may marinig akong boses sa hindi kalayuan.
Galit ang tono nito, sinilip ko ang kabilang pader at may nakita akong lalaking nakasilip din ngayon kila Soriano.
"Kung alam ko lang na 'yan lahat ng plano mo, sana pala noong una pa lang ay inilayo ko na siya. Tss!" Nangangalaiting sambit nito habang nakakuyom ang kamao.
Gusto kong malaman kung sino ba talaga ang papatayin nila, hindi naman pwedeng si Ciara dahil nasa hospital ito.
"H-hindi kaya.." napatakip ako sa bibig ko nang may maisip akong nag-iisang tao.
'Si Tyron?'
"Anong ginawa ng magulang ni Tyron?" Naguguluhang tanong ko, kailangan 'tong malaman ni Tyron, kailangan niya nang lumayo!
Agad akong tumakbo paalis do'n, at saka sumakay sa kotse ko.
Kinabukasan
@hospital
Tyron's pov
Inilapag ko ang mga prutas sa lamesa bago bumalik muli sa tabi ng asawa ko.
Hinawakan ko ang kamay nito at nilagay sa pisngi ko.
"Wife.."
"Wife, it's time to wake up." hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay.
"Marami pa akong gustong sabihin sayo, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko."
"Tyron, how is she?" Napalingon ako sa pinto ng pumasok sila Tito at Tita kasama si Jennifer.
"Still sleeping," pilit akong ngumiti sa kanila habang pinipigilan ko ang luha kong nagbabadyang bumagsak.
Napatayo ako nang may mga nurse ang pumasok.
"I'm sorry, but you need to wait outside the ICU's room. We need to do this quickly."
"A-anong meron?" Naguguluhang tanong ko.
"We only have two hours to save her." Agad napakunot ang noo ko kasabay ng pagtingin sa orasan.
"Damn it! Bakit ngayon lang kayo kumilos?!"
"I'm sorry, sir. Pero hindi lang ang asawa mo ang pasyenteng nag-aagaw buhay sa loob ng hospital na ito."
"Kailangan niyo na pong lumabas." Pagpapalabas sa akin ng isang nurse.
Tinignan ko sila tita ngayon na pinalabas na rin.
"Please, save her."
"Kung kailangan 'nyong kunin ang buhay ko para lang mabuhay siya, handa ako." Tinanguan ako nito.
"Thank you." Kasabay no'n ang paglisan ko sa kwarto kung saan nagkakagulo ang lahat.
'Mabuhay ka lang asawa ko.'
Naabutan ko pang nagiiyakan sila tita.
Pumunta ako sa banyo upang ilabas lahat ng luhang gustong gusto ng kumawala sa mga mata ko.
Ilang minuto pa akong nagtagal sa loob ng banyo, hanggang sa bumukas ang pinto.
"Tyron!" Bulalas ni Jennifer na ngayon ay umiiyak.
"S-si Ciara-" Hindi ko na siya pinatapos pa at agad na tumakbo papunta sa ICU room, kung saan naririnig ko ang malakas na hagulgol at sigaw ni tita na lalo sa 'king nagpakaba.
"Tyron.."
Hindi pa man nasasambit ni Jennifer ang gusto nyang sabihin ay agad na namang bumuhos ang mga luha ko.
'Hindi maari!'
"We're sorry."
"She's gone.."
Napako ako sa kinatatayuan ko.
'H-hindi totoo 'yan,'
"Hindi!"
"Ah!"
Napapikit ako dahil sa sakit na naramdaman ko nang mahulog ako sa kinauupuan ko.
Napahawak ako sa sintido ko dahil bigla na lang itong kumirot. Agad akong napalingon sa babaeng nakahiga pa rin hanggang ngayon sa kama na nasa gilid ko.
"P-panaginip.. masamang panaginip."
Hinawakan kong muli ang kanyang kamay at inilagay sa aking pisngi.
"Hinding hindi ko hahayaang magkatotoo ang panaginip ko." Agad akong napatingin sa orasan na ikinalaki ng mga mata ko.
'Sa loob ng sampung oras ay kailangan magising siya.'
'I-isang oras, isang oras na lang ang natitira!'
Kabado akong napatingin sa pinto nang magsipasukan ang iilang nurse.
"I'm sorry, Sir. Pero kailangan niyo na pong lumabas."
'T-teka! Hindi! Ito rin ang senaryo sa panaginip ko!'
"Ayoko! Hindi. Hindi ako lalabas! Bakit ba kung kailan kakaonting oras na lang ang natitira ay saka kayo kumikilos?!" Hindi ko maiwasang masigawan ang mga nurse at doctor na ngayon lang nagsisigalawan. Mga walang kwenta!
"Sir, huwag na ho kayong pasaway. Bilang lang ang oras namin para iligtas ang mga taong nag-aagaw buhay sa loob ng hospital na ito!" Saad nito, nagsimula nang pumatak ang mga luha ko nang ilang beses nilang clinear ang katawan ni Ciara.
Bakit ganito?! Damn it!
"Iligtas ninyo ang asawa ko, please . ." Huling pakiusap ko bago tuluyang lumabasa ng kwarto na bagsak ang balikat.
'Hindi pwedeng magkatotoo ang panaginip ko.'
"Ahhhhh!! Tulungan niyo ang anak ko!!" Napatingin ako sa matandang babae na sumigaw na nagmula sa kabilang kwarto.
Agad ko naman itong sinilip at laking gulat nang makita kong naka-diretso na ang linya sa machine ng pasyente.
Napaatras ako nang may mga pumasok na nurse at doctor sa loob ng kwartong iyon.
Lahat ng tao ay nagkakagulo, sumisigaw, umiiyak at pare-parehong nanghihingi ng tulong.
"Pakiusap! Tulungan niyo ang asawa ko!" Bumaling ang paningin ko sa isa pang babae na nakakuha ng atensyon ko na noo'y pilit na nagmamakaawa at nakaluhod sa harap ng mga nurse na nagsisitakbuhan sa hallway dahil na rin sa dami ng nanghihingi ng tulong.
Napahawak na lang ako sa aking ulo nang may dumaan pa sa harap kong mga tao na nagmamadali habang tulak tulak ang stretcher na may nakahiga na kung sino. Naiiiwas ko pa ang mata ko nang halos balutin na ang katawan nito ng sarili niyang dugo.
Nakagat ko na lamang ang labi ko dahil halos lahat ay nag-aagawan sa mga nurses ay doctor mailigtas lamang ang mga pamilya nilang nasa gitna ng kamatayan.
"T-teka! Saan kayo pupunta?! Ang anak ko!!" Agad akong napalingon sa direksyon ni Tita nang marinig ko ang sigaw nito.
Nanlaki na lang ang mata ko nang wala ng matirang nurse o doctor sa loob ng kwarto ni Ciara, kaya dali-dali akong napatakbo doon.
"S-saan ka pupunta? Anong gagawin mo, Tyron?!" Rinig kong tanong ni Jennifer, nagawa niya pang hilain ang damit ko nang makita niyang dapat ay papasok ako sa kwarto. Binigyan pa ako nito ng napakasamang tingin na para bang sinasabi niyang huwag ko ng subukang may gawin dahil wala siyang tiwala sa akin.
"Wala ng available na nurse o doctor. She's going to die kung manonood na lang ako at hindi kikilos!" Hindi ko maipaliwanag ang lalim ng boses ko nang sagutin ko siya, ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng buong katawan ko.
Gusto kong magalit at sigawan si Jennifer dahil nagawa niya akong tanungin ng gano'n, ngunit nangingibabaw sa akin ang isiping hindi ko siya masisisi kung ganoon ang tingin niya sa akin dahil malaki ang kasalanan ko sa kanila.
"Just please, stay here and do nothing! Wala akong tiwala sa gagawin mo kaya manahimik ka nalang sa isang tabi, pwede ba?! Huwag kang umakto ngayon sa harapan namin na parang may pakialam ka sa kaibigan ko kahit ang totoo ay wala naman talaga!" Saglit akong natigilan sa sinabi niyang iyon, tila malakas na binambo ang dibdib ko nang sambitin niya ang mga salitang 'yun.
Sa muling pagkakataon ay muling tumulo ang luha niya, iniiwas ko ang aking paningin nang makita ko ang mga mata niya na punong puno ng galit, tila ba sinisisi ako nito sa lahat gamit ang tingin niya.
"Kung hindi ka na sana dumating pa sa buhay ng kaibigan ko ay hindi ito mangyayari sa kanya. Kung alam ko lang na ito ang kahahantungan niya sayo, sana hindi na kita pinagkatiwalaan pa." Punong puno ng galit at pagsisisi ang tono nito, kahit hindi ako nakatingin sakanya ay ramdam ko ang sama ng tingin niya.
"Oras na mawala sa akin ang kaibigan ko, huwag na huwag mo nang susubukan pa na ipakita sa akin 'yang pagmumukha mo. Dahil sinisigurado ko, hindi lang buhay mo ang magiging kapalit ng pagkawala ng buhay ng kaibigan ko, pati na rin ang mga taong nakapaligid sa'yo." Matalim ang tingin na ipinukaw nito sa akin bago siya umalis sa harapan ko at pumunta sa kung saan.
Bahagya akong napatingala upang pigilan ang nararamdaman ko pati na rin ang pagnginig ng mga kamay ko, na kahit wala na si Jennifer sa harapan ko ay ramdam ko pa rin ang tensyon na iniwan niya. Gusto kong maupo dahil sa panlulumo ngunit mas lalo pa iyong lumala nang maramdaman ko ang paghawak ni Tito sa braso ko, dahilan para sa kanya naman dumapo ang tingin ko.
Seryoso ang tingin nito at wala akong makitang kahit na anong emosyon, saglit akong kinabahan at gusto kong iiwas ang paningin ko dahil sa tingin nitong hindi ko maintindihan. Ngunit, ganoon na lamang ang gulat ko sa sunod nitong sinabi.
"Pinagkakatiwala ko siya sa'yo, Tyron, please, save her." Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin, sa pagkakataong iyon, kahit alam kong masama ang loob nito at ang kagustuhan niyang paalisin ako ay ramdam ko pa rin ang sinsero sa pagkakasabi niya.
Nilinga niya ang kanyang paningin at ganoon na lamang ang pag-aalala niya nang makitang halos lahat ng nurses at doctor ay hindi na magkanda-ugaga sa pag-aasikaso ng mga pasyente.
"Sa oras na 'to ay wala na akong kasiguraduhan sa kaligtasan ng anak ko. Hindi kita gustong narito ngunit . . wala na akong ibang taong mapagkakatiwalaan para sa buhay ng anak ko, maliban sayo." Bumaling ang tingin nito muli sa akin at sa pagkakataong iyon at dahan-dahan niya akong tinanguan at muling tinapik ang balikat ko.
"Gawin mo ang makakaya mo," muling sambit nito kahit alam kong labag sa loob niya ang ginagawa niya. Napayuko na lang ako at napabuntung-hininga.
'Hindi ako sigurado sa gagawin ko, pero kailangan kong kumilos bago pa mahuli ang lahat.'
Binuksan ko ang pintuan at marahang pumasok sa loob at saka ko agad na isinara ang pinto at sinuot ang mask at gloves na nakapatong sa lamesa.
Lunok laway kong pinagmasdan ang katawan niyang nakaratay pa rin roon sa kama habang pinapakinggan ang patuloy na pagtunog ng machine sa tabi niya. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko at sa tingin ko ay saglit akong nawalan ng boses dahil sa matinding kaba na noon ko pang nararamdaman.
Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko patungo sa kanyang kinalulugaran at pinilit na makapagsalita kahit alam kong walang tsansa na marinig niya ang sasabihin ko.
"Please, wife, wake up. ." Pangungusap ko rito bago ko tinignan ang mga gamit na pwede kong gamitin. Ganoon na lamang ang panlulumo ko nang kahit ni isang gamit na nakikita ko ay hindi pamilyar sa paningin ko.
Muli kong iginala ang paningin ko at doon ko nakita ang defibrillator na kung saan ang ginagamit nila sa pang-cardiac arrest sa mga pasyente. Agad ko namang nilapitan iyon at kinuha.
Teka, paano nga uli gamitin ito? Inilalapat lang sa dibdib, hindi ba? Agad akong napailing at binitawan iyon.
"Damn it." Mahinang mura ko sa sarili, at dahil sa pagkabalisa at pagiging aligaga ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin, at paikot-ikot na lang ako ay hindi ko namalayang nasanggi ko ang lamesa na hindi ko napansing may mga kung ano pa lang may mga nakalagay roon na gamit, dahilan para magsi-laglagan ito.
At nang dahil sa gulat ay agad akong napaatras. Sa paghakbang ng mga paa ko ay hindi ko naman inaasahang may kung ano akong natapakan na matigas dahilan para dumulas ito sa paanan ko at mawalan ako ng balanse sa sarili.
Agad nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko na papabagsak na ako kaya naman agad akong umikot para muling makuha ang bigat ko, ngunit ganoon na lang yata ang kamalasang dala ko dahil kahit sa muling paghakbang na paa ko sa ibang direksyon ay may natapakan akong madulas dahilan para mabilis akong humigit ng kung anong bagay na makakapitan ko.
Pero sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko namalayan na ang nakapitan ko pala ay ang mga wire na kung anong mga nakasabit roon. Doon ko lang napansin na wire pala iyon ng defibrillator at hindi iyon nakasaksak kaya naman kapag nahila ko ang wire na iyon ay malamang sasama ang machine sa pagbagsak.
Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita sa kamay ko ang wire ng defibrillator, mabilis kong inangat ang tingin ko kung saan nakapwesto ang machine noon.
"Fuck!" Bulalas ko nang mapansing gumagalaw na ito at kaonti na lang ay mahuhulog na mula sa kinalalagyan niya. Ganoon na lamang ang pagkataranta ko dahil sa pwesto kung saan naroroon nakahiga si Ciara papabagsak ang machine.
Mabilis akong tumayo at mabilis na humakbang papalapit kay Ciara upang harangan ang katawan nito at sa akin bumagsak ang machine. Ngunit, sadyang nanghihina ang tuhod ko at hindi ko nagawang kontrolin ang katawan ko sa oras na iyon kaya naman, pagbagsak akong napadagan sa katawan ni Ciara, kasabay noon ang malakas na pwersang bumagsak sa likuran ko ang mabigat na machine at ang paghinga ng malalim ng kung sino.
"Ah!" Daing ko nang maramdaman ko ang sobrang sakit ng likuran ko. Napapikit na lamang ako nang tuluyan akong manghina dahil sa lakas ng impact nang pagbagsak niyon, isabay mo pa ang laki at bigat ng machine dahilan para hindi agad ako makagalaw.
Ngunit ganoon na lamang ang pagmamadali kong makatayo muli nang maalala ko kung ano ang nadaganan ko.
Tangina, hindi!
Nanlalaki ang mga mata kong hinawi ang machine sa likuran ko pati na ang mga wire na nakapaligid sa akin bago ko tignan ang katawan ni Ciara.
H-hindi . .
"C-ciara?" Kinakabahang tawag ko rito at chineck ang pulsuhan niya. Isang matinding paglunok ang ginawa ko nang wala akong maramdaman na tibok sa pulsuhan niya.
"Ciara, gumising ka." Pilit kong kinakapa ang pulsuhan nito.
"H-hindi! Hindi!" Nagpapanik na sambit ko nang hindi ko manlang maramdaman ang tibok ng pulsuhan nito.
"Tangina, bakit kasi ang bobo ko!" Sinubukan kong i-pump ang dibdib nito ngunit lalo lang akong pinanghinaan ng loob.
Naririnig ko na ang sigaw ng mga nurse sa labas na buksan ko ang pinto dahil nilock ko ito kanina nang makapasok ako, pero hindi ko sila binigyang pansin at patuloy na sinubukang bigyan ng hangin ang katawan ni Ciara.
"Wife please, wake up!" Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang nakiki-usap at patuloy na pinupump ang dibdib nito.
'Huwag namang ganito . .'
Napaluhod na lang ako nang hindi manlang gumagana ang ginagawa ko.
"I'm sorry.." Humahagulgol na paghingi ko ng tawad at mabilis na binalot ang katawan ko sa katawan niya. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang maramdaman ko ang lamig ng kamay nito.
Tangina talaga!
"Gumising ka na, hindi pwedeng ganito, Ciara please . ." Pagpupumilit kong gisingin ito. Nanlalabo na ang mga mata ko nang dahil sa sunod-sunod na luhang kumakawala sa mga mata ko habang walang tigil sa pagrambulan ang kaba sa dibdib ko.
Fuck it, bakit kasi ang bobo mong tangina ka!
Hindi ko maiwasang manghina at bumagsak ang mga balikat ko habang mahigpit na nakakapit sa malamig nitong kamay at nakahiga ang ulo ko dibdib nitong hindi ko maramdaman ang pagtibok.
"I-I'm sorry, Ciara. I'm fucking sorry. Patawad sa lahat ng nagawa ko, alam kong hindi sapat ang mga salitang sasabihin ko para matumbasan ang mga pananakit na ginawa ko sayo. But I'm sorry for everything that I did, Ciara, I'm really sorry, nagsisisi na ako, please wake up . . huwag namang ganito. I didn't wish for this, please open your eyes.." humahagulgol na sambit ko. I didn't see myself breaking down this hard habang pilit na nagmamakaawang marinig ang paghinga nito at maramdaman ang paggalaw ng katawan niya.
I hate this.
"G-gumising kana, pakiusap . . huwag namang ganito, h-hindi ko kaya, hindi ko tanggap." At sa pagkakataong iyun ay wala na yata akong nagawa kundi magmakaawa sa panginoong na sa itaas.
I don't know what to do anymore, sa ngayon ay ang naiisip ko na lang ay itaya ang buhay ko kapalit nang pagbalik ng buhay niya.
Crying and begging, I tightly closed my eyes as I called his name.
"God, if you can see and hear me right now. I know you know I'm regretting everything, at isa lang ang hinihiling ko mula sa'yo sa oras na ito. Please, save her. Wake her up, please. Don't take her from me, please.. I'm begging you please. K-kung kailangan kong itaya ang buhay ko maibalik lang ang buhay niya na walang kahit anong dinadalang sakit na nararamdaman. I'm willing to surrender my life, j-just.. please. Don't take her.. I'm willing to risk my life, you can t-take me instead of her.. God please, I know you can hear me." Walang tigil ang paghagulgol ko. Nagsusumamo ang puso ko at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko oras na bawiin ang buhay niya.
Fuck this, why can't he just take me instead of her? I'm fucking willing to surrender my life to him, just to take her life back. Hindi ko kakayanin oras na siya ang mawala at hindi ako.
She don't deserve this. She can't give up her life just like this. She fought for so long just to survive her life.. and now that she's here.. almost giving her life up, I would risk everything. I'm willing to give up my life mapalitan lang ang pwesto niya.
I'm willing to die just for her to survive.
Why does she have to suffer like this because of me? Bakit kailangan niyang mawala nang dahil sa tarantadong katulad ko? It must be me.. ako dapat ang na sa kalagayan niya dahil ako ang hindi naging mabuti sa kanya.
I'm the one you should take, God.. not her. Not her, not Ciara. Wala siyang ginawa kundi lumaban buong buhay, hindi pwedeng masayang 'yun nang gano'n lang. So, please.. hear me out.. don't take her. I'll let you have my life, just let her alive, please.
It took a minutes of me crying all my anger out, before I noticed something. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako, pero..
'Y-yung daliri niya.. it moved..
Hindi ako pwedeng magkamali. Nakita kong gumalaw ang daliri niya.
"W-wife.." hindi ako magkanda-ugagang tumayo mula sa pagkakasalampak at hindi malaman kung saan siya hahawakan nang dahil sa kaba. I even tried to lean my ear unto her chest, dahilan para muling magsibag-sakan ang mga luha ko nang maramdaman ko ang tibok ng puso niya.
"Ha . . ." awtomatikong nanlaki ang mga mata ko at parang nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib nang marinig ang pagsinghap nito sa hangin, dahilan para kumurba ang ngiti kong hindi makapaniwala.
Fuck.. S-she's alive. She's fucking alive!
"Ciara, you're alive- buhay ka! Damn, thank you, Lord! Thank you, thank you for hearing me out." Sigaw ko at mabilisang niyakap ang katawan niya nang napakahigpit, habang sinusubukan pa nitong imulat ang mga mata niya.
Agad akong nagtatakbo patungo sa pintuan at binuksan iyun kung saan dali-daling pumasok ang mga nurse at doctor, kasama sina Tita para lapitan si Ciara.
"Ano bang ginawa mo?! Bakit ang tagal mong buksan ang pinto! Nababaliw ka na ba talaga?!"
"She's. . awake . ." Napahinto si Jennifer sa pagsigaw mula sa akin nang marinig niya ang sinabi ni Tito.
"P-po?" Gulat na tanong ni Jennifer.
Nakita ko naman ang mga nurse na ngayon ay nakapaligid na kay Ciara.
"She's alive." Umiiyak na ulit ni Tita at niyakap si Tito. Tinignan naman ako ni Tito.
"What did you do?" Rinig kong tanong ng doctor na lumapit sa akin. Pinunasan ko ang mga luhang nagsibagsakan mula sa mata ko.
"Nakakapagtaka . ." Kunot noong saad nito na para bang hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
"I don't know what you did, ijo. But this is unbelievable. How?" Hindi kapani-paniwalang tanong nito.
"Salamat.. Tyron, anak." Umiiyak na pasalamat ni Tita.
Anak..
"H-hindi ko rin po alam kung p-paanong nangyari.." I said.
Pero handa na akong isuko ang buhay ko anumang oras.
Lumipas ang oras at inilipat ang katawan ni Ciara sa ibang kwarto, hindi ito kagaya ng ordinaryong kwarto. Ang lahat ay busy sa pag-aasikaso kay Ciara at may kung ano-anong aparatos muli ang ikinabit sa kanya, saka nila tinignan ang machine at may kung anong papel ang iniabot sa nurse.
Pinanood ko pa kung paanong nagbago ang mga reaksyon nila, tila hindi makapaniwala sa nakikita.
"Doc!"
"You're not going believe this."
Nanonood lang kami sa ginagawa nila mula sa labas, ngunit hindi namin naririnig ang sinasabi nila. Ngunit pare-pareho kaming nagtaka nang makita namin ang pagbabago sa reaksyon ng mga nurse sa loob.
Anong meron?
Napatayo naman agad ako nang lumabas 'yung isang doctor.
"What's that?" Tanong ni Tita nang ipakita niya sa amin ang isang result na nakalagay sa papel.
"Look at her heart.." Sabay-sabay naming nilingon ang papel na hawak ng doctor.
"I-it's now normal, Doc. Normal . . malayo sa dating itsura ng puso niya," parang hindi rin makapaniwalang giit ng nurse na katabi niya.
"Miracle.." Wala sa sariling sambit ng Doctor.
"Oh God, this is miracle! Isa lang ang ibig sabihin nito. Magaling na siya, nawala ang sakit niya . ." Dagdag ng doctor na nakapag-bigay gulat sa aming lahat.
"T-totoo po ba?" Hindi mapigilang maluha ni Jennifer nang itanong niya 'yun.
I smiled. God is really good. He heard everything that I just wished to him. Ciara woke up nang walang kahit anong sakit na nararamdaman.
She's healed now.. and it's now my time to surrender my life, kabayaran sa lahat nang hiningi ko mula sa panginoon.
I'm not regretting all of this. I'm thankful because I'll be at ease knowing that I can finally leave her without suffering from anything.
"Yes, nakakapagtaka man, pero nang dahil sa shock na nabigay sa katawan niya ay nakatulong 'yun para muling bumalik at maging normal ang lahat ng takbo at daloy ng dugo sa katawan niya."
"She's cured, salamat sa panginoon at kay Mr. Collins, dahil hindi nila pinabayaan ang anak ninyo." Nakangiting sambit ng nurse habang nakatingin sa akin.
It's not me. It was him. And it was Ciara, because she fought again. She didn't gave up from the last minute of her life.
Naramdaman ko namang tinapik ako ni Tito sa likod, "I know you can do something, thank you." Saad nito, bahagya naman akong ngumiti at hindi alam ang mararamdaman dahil doon ko lang naalala ang mga sinabi nila sa akin.
I think.. this will be the last time I can see her?
I don't know when will I see her again or if there's still a next time. But if there's still a chance to be with her, then I won't do anything bukod sa bumawi. Bumawi sa lahat ng kasalanang ginawa ko sa kanya. Well, at least, I can say goodbye to her in that way without telling a direct goodbye to her, right?
Ciara's pov
"Magpahinga kana, ija." Nakangiting sambit ng nurse sa akin.
"Salamat po." Nakangiting sagot ko, parang ang gaan ata ng loob ko ngayon?
"Anyway, I have a good news for you. Alam mo bang wala ka ng sakit sa puso? Magaling ka na. Congratulations!" Masayang sambit nito na sobrang ikinagulat ko, agad naman akong napatakip sa bibig ko habang naluluha.
"T-talaga po?" Naiiyak na paniniguro ko.
"Yes,"
"Omg, thank you. " Masayang saad ko.
"You should say that to your husband, Mrs. Ciara." Nakangiting saad nito na ikinatigil ko.
'Ha?'
"Os'ya, mauuna na ako. Magpahinga ka na, ha? Congratulations on your recovery again!"
"Omg, Ara!!" Napangiti ako nang pumasok si Jennifer mula sa pintuan.
"Jen," masayang tawag ko rin sa kanya, kasunod niya si-
"Anak!" S-si mommy at daddy? Hindi na sila galit sa akin?
'Bakit sila andito?'
Napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok ang isang lalaki.
"Tyron, hali ka! Kausapin mo si Ciara. Omg! Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit nabuhay ka, ha? Thank goodness kay Tyron! Well, medyo may sama pa rin ako ng loob, pero madadaan naman siguro ako sa mga luho hehe joke!"
Hindi agad ako nakapag-salita dahil pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari bago ako napunta sa hospital na ito.
Hindi ko maiwasang mag-tiim bagang dahil hindi ko makalimutan kung ano ang huli kong nakita na katarantaduhang ginawa niya.
'Hindi ko na siya palalagpasin ngayon."
Tanging galit at sakit ang nararamdaman ko, galit sa sarili dahil hinayaan kong magpakatanga para sa kanya, sakit dahil andito siya ngayon sa harap ko at kitang kita ko ang alala sa pagmumukha niya.
'Ang kapal ng mukha niyang pumunta dito, pagkatapos ng mga ginawa niya? Ha!'
"Ara?" Natinag ako sa pagtawag sa akin ni Jennifer. Saglit kong tinikom ang bibig ko at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga bago sila bigyan ng isang pekeng ngiti.
"Sino siya?" Kunyaring nagtatakang tanong ko habang bahagyang nakakunot ang noo.
Kitang kita ko naman kung paanong nanlaki ang mga mata nila dahil sa gulat.
Hindi ko mapigilang kumulo sa galit ang dugo ko dahil nagagawa niya pang mag-react ng ganon. Masyadong siyang nagpapatawa.

Bình Luận Sách (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất